ISHA was speechless when she entered the entrance of
the resort. Hindi niya alam kung anong sasabihin pagkakita niya
sa kanyang buong pamilya at mga kaibigan maging ang mga
empleyado ng Flavours.
They are all smiling at her. Nang lingunin niya ang
kinaroroonan ng maliit na stage, nakita niya si Aljon na nakangiti
sa kanya.
"Go ahead and talk to him, Ish. Alam kong kailangan
niyong mag usap na dalawa." Sabi ni Jason at hinayaan siyang
lapitan si Aljon. Tumingin muna siya kay Jason para tignan kung
anong magiging reaction nito. Nang makita niyang nakangiti ito,
hindi na siya nagdalawang isip na puntahan si Aljon para tapusin
na ang kung anomang nangyari sa kanilang dalawa noon.
Ngayon, sigurado na siya. Mahal na niya si Jason noon
pa mang nasa resort silang dalawa. Nang makita siya ni Aljon,
agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya. Wala na ang
pagmamahal niya kay Aljon. Napalitan na lang iyon ng
pagmamahal bilang kaibigan.
"Isha," panimula ni Aljon. Makikita sa mukha ng binata
na naguguilty pa rin ito. Siguro dahil iniisip nitong hindi pa niya
ito napapatawad. "Kamusta ka na Aljon?" nakangiting sabi niya
sa binata. Nakita niyang yumuko ito bago nagsalita. "I am sorry.I
was a big jerk to let you go that day. Pero natakot lang ako.
Natakot sa sasabihin ng mga tao kapag naikasal tayo." Sabi nito
na ikinabigla niya. Anong ikinakatakot nito? May maganda itong
trabaho. Maayos na pamilya at tapos ng kolehiyo.
"Anong ikinatakot mo? Bakit?" dala na lang ng
curiousity kaya siya nagtanong. Napabuntong hininga muna si
Aljon bago sagutin ang tanong niya. "I am afraid with you.
Natakot akong maging anino mo. You are Smart, Intelligent,
Witty, and a Woman with Substance. Nakakaintimidate kang
kasama. Alam ko sobrang babaw ng dahilan ko pero ng makilala
ko si Angelique, doon ko narealize na hindi ako ang lalaking
bagay sa iyo. Simpleng tao lang ako. Ni hindi ko nga magawang
higitan ang mga achievements mo eh. Kay Angelique,
nararamdaman ko na may silbi ako. Na parehas lang kaming
simpleng pamumuhay ang gusto." Sabi nito at hindi na
makatingin sa kanya ng diretso.
Kung noon siguro sinabi ni Aljon ang mga bagay na iyon
sa kanya, malamang ay magalit siya. Pero this time, wala na
siyang makapang galit. Tinulungan siya ni Jason makawala sa
kanyang nakaraan. Tinulungan siya ni Jason na makabangon
muli. At dahil doon, mas lalo lang niya minahal ang binata.
"Naiintindihan kita Aljon. Hindi ko naman din
ginustong maging ganito. Akala ko talaga, ikaw na ang lalaking
makakasama ko habang buhay. Ang lalaking makakatulong ko sa
pag buo ng mga pangarap ko. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa
iyo kasi kung hindi ka umayaw, hindi ko makikilala si Jason."
Nakangiting sabi niya kay Aljon. Makikita sa kanyang mga mata
ang tuwa sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ng binata.
"Sorry, Ish. Hindi ko gustong saktan ka pero narealize
ko na iyong pag-atras lang sa kasal natin ang tanging paraan para
makawala ako. Believe me, ilang beses kong pinagisipan ang pag
atras sa kasal. Inisip ko pa kung anong mangyayari kapag
umatras ako at kung anong magiging outcome kung sakaling
natuloy ang kasal natin. Pero sa bandang huli, nanaig pa rin ang
gusto kong paglayo sa iyo. Dahil noong mga panahong iyon,
narealize kong may pagmamahal na ako ka Angelique. Tinitiis ko
lang dahil nga nakatali pa ako sa iyo." Madamdaming sabi ni
Aljon sa kanya.
"Naging mabuti kang nobyo Al, naging masaya ako sa
iyo kaya ko nga tinanggap ang alok mong kasal noon. Pero sana,
sinabi mo na lang sa akin bago ang nakatakda nating kasal para
hindi na mas malaking eskandalo ang nangyari. Sana inisip mo
kung anong hirap ang pinagdaanan ko para harapin mag isa ang
mga tao sa loob ng simbahan. Para sabihin sa kanilang hindi na
matutuloy ang kasal. Pero kinaya ko yun ng mag isa. Huwag kang
mag-alala Al, hindi ako galit sayo. Kahit kailan hindi ako
nagtanim ng galit sa iyo. Thanks to Jason who taught me that
there is still life after what happened to me in the past. He
accepted me without hesitation and lastly, he loved and accepted
me for whom and what I am. Including my flaws and all." Sabi
niya na hindi na napigilang umiyak dahil sa tuwa.
"I can see clearly in your eyes how in love you are with
him. Tell him I say thank you." Sabi ni Aljon sa kanya. "Bakit ka
nagpapasalamat kay Jason?" takang tanong naman niya. Nakita
niyang ngumiti si Aljon bago nagsalita. "Dahil hinayaan niya
akong kausapin ka. Hinayaan niya akong makita ka sa isa sa
pinaka espesyal na araw ng buhay mo. Siya rin ang dahilan kung
bakit ko nagawang magpakalalaki sa harap mo ngayon." Iyon
lang ang sinabi ni Aljon at umalis na ito sa stage.
Maya-maya pa ay nakita niyang nilapitan siya ng
kanyang ina at ama na pawang mga nakangiti. "Enjoy your day,
Hija. You deserved to be happy and you deserve to be in this
stage today." Sabi ng ina niya at hinalikan siya sa pisngi.
Naguguluhan na si Isha. Hindi niya na alam kung anong
nangyayari dahil nag umpisa nang magsilapitan sa kanya ang
mga kaibigan at pamilya at bawat isa ay bumabati ng
Congratulations sa kanya.
"Anong nangyayari?" tanong niya sa ate Jana niya ng ito
ang huling humalik sa kanya bago siya iniwanan sa stage na
iyon. Makalipas ang ilang minutong pagtayo, may lumapit sa
kanyang katulong at may ibinulong sa kanya. Maya-maya pa ay
niyaya na siyang maglakad papasok sa isang bahay ng katulong
na lumapit sa kanya. Nang makarating sa isang kwarto ng resort,
namangha siya sa nakita. May gown na nakalatag sa may queen
sized bed.
"Ano bang okasyon, ate?" takang tanong na niya sa
katulong. Ngumiti lang ito sa kanya at ipinagpatuloy ang pag
aayos ng mga gamit sa loob ng kwarto. Nagulat siya ng pumasok
sa kwarto si Lanie. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
Alam niya kasing nasa bakasyon ito ngayon hanggang bukas.
"Mamaya na ako magpapaliwanag. Ang importante ay maayusan
ka na dahil magsisimula na ang palabas." Sabi naman nito sa
kanya at agad siyang hinila papasok ng banyo.
"Have yourself cleaned. Kahit hindi ka na magbasa ng
buhok dahil naligo ka naman na kanina, diba?" sabi nito at
isinarado ang banyo. Wala na siyang nagawa kung hindi
magshower. Makalipas ang ilang minuto, nakita niyang inaayos
ni Lanie at ng kanyang ate Jana ang gown at ang mga accessories
na nakita niya sa kama kanina ng pumasok siya.
"Baka pwede naman niyo akong bigyan ng kahit
kaunting clue ng kung anong nangyayari ngayon?" tanong niya
pagkaupo sa kama. Nginitian lang siya ng dalawa. Nakakainis na
sila. Hindi niya alam kung anong meron at kung bakit lahat ng
kaibigan niya maging pamilya niya ay nandito sa resort.
"Magrelax ka lang dyan, Ish. Kailangang maganda ka
ngayong araw na ito." Sabi ng ate Jana niya habang inaayos ang
kanyang mahabang buhok.
"Ate, paano naman ako makakapag relax kung hindi ko
alam kung anong meron ngayon? Bakit kasi hindi na lang niyo
sabihin sa akin?" tanong niya rito habang patuloy na inaayusan
siya.
"Malalaman mo rin kasi mamaya. Huwag ka na munang
magsalita. Just relax." Sabi nito at ipinagpatuloy ang pag aayos ng
kanyang buhok. Ilang minuto pa ay bumalik naman si Lanie para
lagyan na siya ng make up. Hindi siya sanay sa mga pampaganda
kaya naman mas lalong hindi na siya mapakali. "Kailangan ko ba
talaga mag make up? Hindi ba pwedeng huwag na lang?"
nakangiwing sabi niya kay Lanie. Umiling naman ito at sinabing
umayos na lang siya para matapos na sila.
"You look beautiful, bes! Ngumiti ka naman. Para ka
namang namatayan sa itsura mong iyan eh." Nakasimangot na
sabi ni Lanie. Pinilit niyang ngumiti dahil sinabi nito. Hindi kasi
talaga niya alam kung anong mararamdaman ng mga sandaling
iyon dahil wala siyang ideya kung anong nangyayari.
Makalipas ang isang oras, naisuot na rin niya ang gown
na nasa kama. Bagay na bagay sa kanya ang gown. Para talagang
sinadya ang pagkakagawa para kumasya sa kanya.
"You look like a princess, sis." Naiiyak na sabi ng ate
Jana niya. Siya man ay hindi makapaniwala sa nakikita sa harap
ng salamin. She looked like a princess waiting for her prince.
Napabuntong hininga muna siya bago nagsalita. "I don't have
any idea whatsoever, what are we doing here. But I hope, it will
turn out to be good." Kinakabahang sabi niya ng alalayan na siya
ni Lanie palabas ng kwarto.
"Goodluck, bes! This is your day so you should be proud
and happy." Binulungan siya nito bago siya iniwanan sa may
hallway. Pasado alas tres na ng hapon kaya medyo mainit na ang
araw sa labas. Pagkalabas ni Lanie, nakita niyang naglalakad ang
kanyang mga magulang palapit sa kanya kasama ang kanyang
kuya Frank.
"Are you ready?" tanong ng kanyang kuya ng makalapit
sa kanya. Umiling lang siya dahil hindi naman niya alam kung
anong pinagsasabi ng mga ito. Kanina pa siya parang nasa Maze.
Wala siyang ibang alam na daanan para makalabas. "Don't worry
sis, this is for you. This is for your own good." Sabi ng kuya niya
at hinalikan siya sa noo matapos siyang yakapin.
She was lost. She can't think straight because of the
things that keeps popping up her mind. Nakabalik lang siya sa
realidad ng magsalita ang kanyang ama. "Isha, tandaan mo na
kahit anong mangyari, pamilya mo pa rin kami. Maaari mo pa rin
kaming lapitan at sabihan ng problema kapag hindi mo na kaya.
Mahal na mahal ka namin ng mama mo." Nakita niyang pinahid
pa ng kanyang ama ang luhang muntik nang tumulo sa mga mata
nito. Maging ang kanyang ina ay naiiyak na din sa hindi niya
malamang dahilan.
"Ma, Pa, ano ba talagang nangyayari? Bakit ba ako
nakabihis ng ganito?" tanong niya sa mga ito pero hindi siya
sinagot. Bagkus ay nagpaalam na ang mga ito sa kanya at
sinabing maghanda na siya.
Naiwan siyang mag isa sa hallway ng magsialisan na
ang kanyang pamilya. Pakiramdam niya ay may mangyayaring
hindi maganda ngayong araw na ito dahil bigla na lang siyang
kinabahan. Sana naman ay walang mangyaring masama sa
kanyang pamilya. Nasa ganoong pag iisip siya ng may pumasok
na isa sa mga katulong na naghatid sa kanya sa kwarto kanina.
"Ma'am, tayo na po. Ikaw na lang ang hinihintay nila." Sabi nito
at inalalayan siya palabas ng hallway.
Wala siyang nagawa ng buksan nito ang pintuan
palabas ng bahay. Nang makita niya ang tinatahak na daan, agad
siyang napaiyak ng makita si Jason na nakatayo sa may stage
kung nasaan siya kanina habang kausap si Aljon. He looks
dashing with his tuxedo. Nakangiti ito sa kanya habang
hinihintay siyang lumapit rito. Nang makarating sa tapat nito,
agad nitong kinuha ang kanyang kamay sa katulong na umalalay
sa kanya at nagsalita.
"Isha, alam ko na naguguluhan ka kung anong
nangyayari ngayon, pero hayaan mo akong ipaliwanag sa iyo ang
lahat." Nagsimula itong magpaliwanag ng makaupo siya sa nag
iisang upuang naroon. "The moment I laid my eyes on you, you
make my world upside down. Ikaw lang ang nagiisang babaeng
hindi man lang naakit sa charm ko. Ikaw din ang kaisa isang
babaeng nilait ang pagiging manager ko ng Resort," sabi nito
habang tumatawa. Nakikitawa na rin ang lahat ng taong
nandoon sa resort. "Pero sa kabila ng lahat ng iyon, nagawa mo
pa ring makuha ang puso ko. Mahawakan ito ng buong buo.
Akala ko, after Jennie, hindi na ako muling iibig pero dumating
ka. Nakilala at nakasama kita ng mahigit isang buwan sa Resort
at doon ko napagtanto na kaya ko pa rin pa lang magmahal muli.
That I am still capable of falling in love." Madamdaming sabi ni
Jason. Unti-unti na siyang naluluha dahil sa mga sinasabi nito.
Mas lalo siyang naiyak ng marinig ang huling sinabi nito.
"Nandito ako ngayon sa harap mo, sa harap ng mga kaibigan at
pamilya mo, maging sa harap ng pamilya ko para hingiin ang
kamay mo.Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang
buhay. Ang nag iisang babaeng gusto kong maging ina ng mga
anak ko at ang nag iisang babaeng gusto kong pag alayan ng
buong buhay ko. Sana, bigyan mo ako ng pagkakataong alagaan
ka, mahalin ka at higit sa lahat, pagsilbihan ka buong buhay ko."
Sabi ni Jason habang nakaluhod sa harap niya at binuksan ang
isang maliit na kahita. "Hindi ko maipapangakong hindi kita
masasaktan dahil alam naman nating sa bawat relasyon,
nasasaktan natin ang taong mahal natin ng hindi natin
namamalayan pero hanggang makakaya ko, pipiliin kong punuin
ng happy memories ang box of memories mo." Nagulat siya sa
sinabi nito. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang
tungkol doon.
"Kinausap ko lahat ng kaibigan at pamilya mo dahil
gusto kitang surpresahin. Gusto kong alamin ang lahat ng mga
bagay na may kinalaman sa iyo. Alam ko na ngayon lahat ng mga
pangarap mo at sana, hayaan mo akong makasama ka sa
pagtupad ng lahat ng iyon." Habang isinusuot nito sa kanya ang
singsing. Umiiyak na siya dala ng labis na katuwaan.
"Jason, hindi ko alam kung anong ginawa ko at ibinigay
ka sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I am
speechless." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luhang
patuloy na tumutulo. "Hush, sweetheart. You don't have to say
anything. Just accept my proposal. And then we have a lifetime to
figure out our differences." Sabi ni Jason at hinalikan siya sa mga
labi ng sumagot siya ng "Yes."