DAHIL sa sinabing iyon ng dalaga, mas lalo itong
napapamahal sa kanya. "Naiintindihan kita, Isha. Hindi mo
kailangang magpaliwanag sa akin dahil wala ka namang dapat
ipaliwanag. Aljon is a part of your past. Without your past, you
will never be who you are right now at your present time. WhatI
mean is, kung hindi ka nasaktan dahil sa ginawa ni Aljon, hindi
ka siguro mapapadpad dito sa resort namin at hindi siguro tayo
magtatagpo at hindi sana ako ganito kasaya ngayon. Pero may
mga bagay talagang kailangang pag isipang mabuti bago gawan
ng desisyon para walang masisisi sa bandang huli." Nakangiting
sabi niya sa katabing dalaga. He already gave in. Inaamin na
niyang mahal na niya ang dalaga. Handa siyang maghintay kahit
gaano pa katagal basta masiguro lang niya na sa kanya
mapupunta ang pag-ibig nito. Kapag nangyari iyon, he will be the
luckiest man on the planet.
"Jason, thank you kasi you are always there for me kahit
na nga hindi mo alam ang buong pangyayari kung bakit ako
napadpad dito sa Mindanao. You don't barge in on my private
life. Basta lang nandyan ka lang at laging handang makinig.
Laging nandyan para pasayahin ako. And I am really gratefulfor
that. Super appreciated it much." Sabi nito at hinalikan siya sa
pisngi. He was shocked. Hindi niya akalain na hahalikan siya ni
Isha kahit na nga sa pisngi lang yun.
"You don't have to thank me. Ang sabi ko naman sa iyo,
gagawin ko ang lahat para lang hindi ka na malungkot. Tama na
nga ang usapang ganito. Let's take a walk. Let's enjoy our
moment of being together bago tayo maghiwalay." Sabi niya at
tinulungan makatayo si Isha.
Masaya silang nagkwekwentuhan ng kung ano-ano ng
biglang mapadaan sila sa isang Private beach resort. Kitang kita
niya kung paano namangha si Isha ng makakita ng dagat.
"Wanna go inside?" nakangiting tanong niya rito. Nakita
niyang nanlaki ang mata niIsha dahil sa tanong niya. "Go inside?
Private property kaya yan. Baka makasuhan tayo ng
tresspassing." Natatawang sabi ni Isha. Umiling naman siya bago
hinila ang babae.
"Let's go. Hindi tayo makakasuhan kaya huwag ka
mag-alala. Kilala ko may-ari ng property na iyan kaya pwede
tayong pumasok anytime." Yaya na niya rito. Sumunod naman
ang dalaga at tuwang-tuwang nagtatatakbo papuntang loob ng
beach house.
Nang makarating sila sa beach house, hapong hapo sa
pagod siIsha. "Gusto mo ng tubig? Ikukuha kita sa loob ng bahay.
Pagod na pagod ka eh. Para kang bata, Ish." Sabi niya habang
umiiling iling pa.
"May pagkachildish kasi ako Jason. I miss being a kid
sometimes. Kaya pagpasensyahan mo na ako." Sabi ni Isha sa
kanya habang hawak ang dibdib at kumukuha ng hininga. He
liked the way he pout her lips. Ang cute lang. Ang sarap halikan.
Bago pa siya makagawa ng ikagagalit ng dalaga, pumasok na siya
sa loob ng bahay para kumuha ng maiinom nilang dalawa.
Makalipas ang ilang minuto, nakita niyang lumalangoy
na sa dagat si Isha. Nakakatuwa itong pagmasdan dahil para
itong batang nakawala sa paghihigpit ng mga magulang. Nang
makita siya nito, kumaway ito sa kanya at tinatawag siya.
Lumapit naman siya pero wala siyang balak maligo. Mas gusto
niya kasing pagmasdan lang ang dalagang nasa harapan niya
ngayon.
He never felt this contented without intimacy with all
the girls he dated before. Dati kasi, kapag may date siya or fling,
hindi pwedeng walang mangyayari sa kanila. But with Isha, he
can control his temper. He can stare at her without doing
anything intimate. He can just watch how she walks, she talk, she
laughs, she eats and she plays under the sun. In love na yata
talaga siya kay Isha. Yung mga bagay na hindi niya nagagawa
dati katulad ng pagluluto, pagtigil sa resort ng mahigit isang
linggo, dahil kay Isha, nagagawa na niya ngayon. Ang laki nga
siguro ng ipinagbago niya mula ng makilala niya si Isha. Noong
una ay hindi niya iyon iniintindi dahil empleyado lang naman
nila ang nagsasabi hanggang sa mismong sina Jennie at Gio na
ang makasaksi sa mga pagbabagong nagaganap sa buhay niya.
Naalala niya pa noong oras na pumunta si Jennie sa Yate nung
date nila ni Isha, ang daming tanong ni Jennie sa kanya na
sinagot naman niya ng buong puso at pawang katotohanan
lamang.
He might actually say that Isha is a gift from Heaven
given to him. Hindi na niya pakakawalan pa ang dalaga lalo na
ngayong alam niyang may pagasa siya rito. He will do everything
just to have her in his life.
"Join me! Masarap ang tubig. Hindi masyadong
malamig." Sigaw nito habang kumakaway sa kanya. Nilapitan
naman niya ito pero hindi siya lumusong sa tubig. "You go ahead.
Panonoorin na lang kita rito. Mas masarap kang panoorin kaysa
makasama ka sa tubig." Natatawang sabi niya. Nakita niyang
napasimangot na naman ang dalaga. Maya-maya pa ay lumubog
ito sa tubig at ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa rin ito
lumilitaw. Dahil nag aalala siyang baka biglang lumakas ang
current dahil pahapon na, tinalon niya ang lugar kung saan niya
huling nakita ang dalaga.
Kada mauubusan siya ng hininga ay umaahon siya
saglit at muling babalik sa ilalim ng tubig para hanapin si Isha.
Nang hindi niya talaga ito makita, isinigaw na niya ang pangalan
nito.
"Isha! Isha! Nasaan ka na ba? Ishaaaaaaaaaaaa!" sigaw
na niya rito. Nagmamadali na sana siyang umahon para humingi
ng tulong ng biglang may makita siyang bulto ng katawan na
tatawa tawang nakaupo sa may buhanginan. Si Isha! Agad niya
itong tinakbo at niyakap ng mahigpit.
"God! I thought I've lost you, Ish. Huwag na huwag mo
nang gagawin ulit iyon please?" naramdaman siguro ni Isha na
nanginginig ang buo niyang katawan kaya naman hinagod nito
ang likod niya. Her warmth hands feel good at his back.
"I'm sorry. Ginawa ko lang naman iyon para samahan
mo ako maligo. Hinding-hindi na kita bibigyan ng alalahanin."
Sabi nito at naramdaman niyang humihikbi ito. Mukhang
natakot rin ito sa nakitang panginginig ng katawan niya. "Hush
now, Sweetheart. Hinding hindi ko pababayaang may
mangyaring masama sa iyo. Pero please, hindi magandang biro
ang ginawa mo kanina. Halos mamatay na ako sa sobrang
pagaalala. Sana hindi mo na ulitin iyon, Isha. Hindi ko talaga
mapapatawad ang sarili ko kung hindi kita maililigtas." Sabi niya
at niyakap ng mahigpit ang dalaga.
"Hindi na Jason. Hindi na talaga ako uulit. Pasok na tayo
sa bahay. Gabi na oh. Bukas na tayo bumalik ng resort kung
pwede lang naman na dito na tayo magpalipas ng gabi." Sabi ni
Isha sa kanya. Tumango naman siya at inakay na ang dalaga
papasok ng bahay.
"Mag-patuyo ka na muna at mag-palit ng damit. May
damit na naiwan ang kapatid ko dito noong nagbakasyon sila.
You can use that kasi magkasing katawan naman kayo." Sabi niya
bago siya nagtuloy sa banyo para ihanda ang pampaligo ni Isha.
Nang masiguro niyang okay na ang dalaga, siya naman
ang umakyat sa kwarto para magbanlaw ng sarili. Nang matapos
siya ay bumaba siya sa sala para tignan kung tapos na si Isha.
Nang makababa siya sa sala, nakita niya si Isha na nakayukyok
sa may sofa. Nakatulog na yata ang babae kaya naman marahan
niya itong binuhat at iniakyat sa kwarto ng kapatid niya para
maging kumportable ang tulog nito.
She really looked like an angel when she's sleeping.
Kinumutan na niya ito at naghanda na rin siya sa pagtulog sa
may sofa. Hindi pa man siya nakakatulog ng mahimbing ay
narinig niya ang malakas na kulog at kidlat. Sa pagsilip niya sa
bintana, nakita niyang nagising si Isha.
"Nagising ka ba sa kulog at kidlat? Sorry, nakalimutan
ko isarado ang mga bintana." Nilapitan niya si Isha at nakita
niyang nanginginig ito. "Are you okay, Ish?" matapos niyang
malapitan ito sa kama, agad niya itong niyakap. "Jason?
Natatakot ako sa kulog at kidlat." Sabi nito at nakita nga niya sa
munting liwanag na nagmumula sa labas ng bahay na takot na
takot ang dalaga.
"Hush, sweetheart. I am here at alam mong hinding
hindi kita iiwan. Matulog ka na ulit at babantayan kita." Sabi niya
kay Isha at pilit niyang pinapakalma ang dalaga. "Huwag mo
akong iiwan ah." Sabi ni Isha sa kanya at nagsimula ng bumalik
sa pagtulog. Hindi binibitiwan ni Isha ang kanyang kamay kaya
naman ang nangyari, nakaupo lang siya sa tabi nito at doon na
siya nakatulog.
Naalimpungatan si Jason ng maramdaman niyang
gumalaw ang kamay niya. Nang tuluyang magising, nakita
niyang nakangiti sa kanya si Isha. "Goodmorning!" nakangiting
bati nito sa kanya. "Good morning too! Bakit hindi mo ako
ginising?" sabi naman niya at akmang tatayo na sana sa
kinauupuan pero pinigilan siya ni Isha. "Ang sarap kasi ng tulog
mo. Saka gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo sa akin
kagabi." Sabi ng dalaga at hinila siya patayo.
Palabas na sila ng kwarto ng magawa niyang
magtanong. "Saan tayo pupunta?" sabi niya at bumalik ng kwarto
para kuhanin ang tsinelas nilang dalawa dahil malamig ang
semento.
"Sa kusina dahil magluluto ako ng breakfast. It's on me
this time, Jason. For showing my token of appreciation and
gratitude." Nakangiting sabi ng dalaga sa kanya. Napailing iling
na lang siya dahil wala na siyang magawa pa.
Nang makarating sila ng kusina, pinaupo lang siya ni
Isha at nagsimula na itong kumilos para magluto. Habang
nagluluto ito, hindi niya maiwasang hindi pagmasdan ang babae.
Napaka carefree ng mga kilos nito. Hindi nagmamadali at parang
sanay na sanay na kumilos sa kusina. Nang makita niyang
tumingin ito sa kanya at ngumiti, doon na siya hindi nakatiis
hindi lapitan ito. "May maitutulong ba ako?" tumayo na siya para
tulungan si Isha. Ikinumpas naman nito ang kamay para paalisin
siya. "Hindi ako makapagluto ng nandito ka. Umupo ka na lang
doon at maghintay." Sabi nito sa kanya at itinataboy na siya. Pero
hindi naman niya kayang hayaan lamang itong magluto mag isa.
"Hindi ko kayang manood lang. Gusto kitang tulungan kahit taga
hiwa lang ako ng sibuyas." Sabi naman niya at sinimulang hiwain
ang sibuyas. Kung tutuusin, simpleng fried rice lang naman ang
iluluto ni Isha at fried tapa at itlog. Pero bakit parang napaka
espesyal na noon para sa kanya? Dahil ba ang babae ang
mismong nagluto niyon?
"Jason, sabi ko naman na ako ang bahala diba? Thank
you gift ko na ito para sa iyo." Sabi nito na nahihiya na dahil
halos siya na rin ang nagluluto. "Ish, sapat na ang isang thank
you. Hindi mo naman kailangang ipagluto pa ako." Sabi niya na
nakangiti. Hindi na nga yata mawawala ang kanyang ngiti sa
tuwing kasama niya ang dalaga.
"Pero gusto ko. Para naman mas maging memorable ang
stay ko rito. Syanga pala, salamat sa magandang pagtrato mo sa
akin ah. Lahat ng staff sa resort ay mababait at sobrang
approachable. Isang linggo na lang akong mananatili rito dahil
kailangan ko na umuwing manila." Sabi nito na ikinalungkot
niya. Alam niyang marami pang bagay na kailangang asikasuhin
si Isha sa Maynila kaya naman hahayaan niya muna ito. Pero
hinding-hindi na niya hahayaang mawala pa ito sa kanya. He will
just give her enough time to finish what she needs to do.
"Ganoon ba?" iyon lang ang nasabi niya dahil wala
talaga siyang maapuhap sabihin. Nakita niyang ngumiti ito at
hinawakan ang kanyang kamay. "Jay, hinding hindi ko ito
makakalimutan. Sobrang lungkot ko nung una akong dumating
dito. Ang totoong dahilan kaya ako nagpunta rito sa Mindanao ay
para magpahilom ng sugat na gawa ni Aljon." Sabi nito habang
tinatapos ang niluluto nito. "Pero dumating ka.Ipinaranas mo sa
akin na pwede pa rin akong maging masaya sa kabila ng mga
pinagdaraanan kong sakit. Ipinaranas mo sa akin kung paano
pahalagahan ang mga bagay na meron ako at kung gaano
kaganda ang buhay dito sa mundo." Sabi nito at nakita niyang
ngumiti ito pero hindi abot sa mga mata nito. Lumapit siya kay
Isha at marahang niyakap ang dalaga. Iyon lang ang tanging
alam niyang paraan para kahit papano ay maibsan ang sakit na
nararamdaman ng dalaga ngayon.
"Masarap mabuhay, Isha. Palagi mong tatandaan na
hindi naman tayo bibigyan ng mga pagsubok na hindi natin
kayang bigyan ng solusyon." Habang nakayakap siya kay Isha,
ramdam niya na ngayon siya higit na kailangan ng dalaga kaya
naman lihim niyang ipinangako na sa natitirang araw niIsha rito
sa resort, gagawin niya ang lahat para puro masasayang alaala
lamang ang dadalhin nito sa pag uwi nito ng Manila.
"Thank you, Jay. Let's build happy memories while we
still can." Sabi ni Isha sa kanya at hinalikan ang gilid ng kanyang
mga labi. Matapos ang tagpong iyon ay nagyaya na itong kumain
na sila. Masagana siyang naglagay ng pagkain sa plato nila ng
dalaga at matapos kumain, nagpatuloy lang sila sa pamamasyal.
Isang linggo na lang ang ilalagi ni Isha sa resort dahil
kailangan na niyang bumalik ng Manila. May halong lungkot ang
kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil hindi na niya
makikita pa ang binata. Ang binatang palaging nandyan para
pasayahin siya. The first day she arrived in this place, her heart
was full of anger, sorrow, pain and suffering. Pero dahil sa
presensya ni Jason, nakalimutan niya ang problemang dala niya
nang unang araw na umalis siya ng Manila. Ngayong kailangan
na niyang tapusin ang kanyang bakasyon, hindi na siya sigurado
kung gusto niya pang iwan si Jason at ang lugar na ito. She found
peace in this little heaven. She found herself once again.
Pakiramdam niya, hindi na siya ang dating Isha na puno ng galit
ang dibdib. Jason and this resort made a huge impact on her to
change for the better.
Kakatapos lang nila mamasyal ni Jason at kasalukuyan
siyang nag checheck ng email niya ng biglang nagnotify ang
Skype niya. Her Skype is only available for business purposes.
Kapag Skype notification ang bumungad sa laptop niya, alam
niyang tungkol yun sa negosyo niya.
Galing kay Lanie ang message. Tinatanong nito kung
kamusta na ba siya at kung kailan siya magbabalik ng Manila.
She started answering Lanie's messages. Sinabi niya ritong
malapit na siyang bumalik ng Maynila. Ilang oras din silang
nagkwentuhan ni Lanie sa skype hanggang sa nagpaalam na siya
rito. Sinabi na lang niya na magkwekwentuhan ulit sila pagbalik
na niya.