Chereads / Because of You By Crystal Rogue / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

NAG- IISA si Jason sa lanai ng mga oras na iyon. Kababalik lamang nila ni Isha galing sa pamamangka pero hindi pa rin maalis- alis sa kanya ang mga ngiting iyon sa kanyang labi. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang pag aalala niya kanina ng sabihin ng dalaga na hindi siya dapat maging Manager ng Resort kung ganoon ang trato niya sa mga guest ng resort nila. Kilala siya ng mga tauhan sa resort na palangiti at hindi niya kayang magstay ng isang linggo sa resort dahil para sa kanya, boring ang buhay rito sa probinsya. Pero mula ng mamatay ang kanyang ama sa isang hit and run accident, nagbago ang lahat para kay Jason.

Kanina, mainit ang ulo niya dahil sa nabalitaan niyang gulong pinasukan na naman ng kanyang kapatid na bunso. Hindi na niya alam kung paano niya didisiplinahin ang kapatid dahil maging siya ay magulo ang buhay mula ng mawala ang kanilang Ama. Pero nang makita niya si Isha, bigla siyang nakaramdam ng kakaibang saya. Pakiramdam niya, Isha is an angel sent from above. Titigan lang niya ang maamong mukha nito at pakinggan ang malamyos na tinig, umaaliwalas na ang kanyang mundo. Never in his life, had he cooked for someone else except for his family, which was when his father was still alive. Never in his life, had he toured someone at the whole resort including that Lake cruising thing.

Pero dahil kay Isha, nakagawa siya ng isang one of a kind dessert na para lamang sa dalaga at nagawa pa niyang itour ito ng libre sa buong Lake at siya pa mismo ang nagsagwan. Napailing na lang siya ng maalala kung anong eksena nila kanina sa Lake. She complimented him and that gave him that feeling again. That feeling where he felt he was back to his old self. With Isha, he felt alive again. With her, he felt that he can be just himself. No pretensions.

Nasa gaanong pag iisip siya ng lapitan siya ni Jennie.

Ang isa sa mga Chef ng kanilang restaurant.

"A penny for your thoughts, Son?" Son ang tawag nito sa kanya dahil iyon din ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya at pamilya. Naging magkaklase sila ni Jennie nang mag aral siya ng Culinary Arts sa Paris. Bata pa lang siya ay mahilig na talaga siya magluto at mag expirement ng kung ano-ano sa kusina. Kaya naman ng malaman niyang iyon ang passion niya, hindi naman siya nabigo ng payagan siya ng kanyang ama at ina na kumuha ng Culinary Arts sa Le Cordon Bleu in Paris, France.

"Nah, nag-papa-antok lang. Ikaw? Why are you still up?" tanong niya rito. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. "Si Gio kasi. Hindi na naman sumipot sa date namin ngayon. Nag undertime pa naman ako para makapag-ayos tapos mababasa ko sa text na hindi naman pala kami tuloy." Naramdaman niya sa boses ng kaibigan ang lungkot kaya naman kinabig niya ito para macomfort. Nakahilig na ngayon sa kanyang balikat si Jennie at nararamdaman niyang unti-unti na itong umiiyak. Sa lahat ng ayaw niya ay ang nagpapaiyak ng babae. May mga kapatid siyang babae kaya naman overprotective siya sa kanila. Para sa kanya kasi, ang babae ay iginagalang at pinapahalagahan. Hindi dapat binibigyan ng dahilan para umiyak at dapat binibigyan ng dahilan para maging masaya sa lalaking pinili nilang mahalin. Natutunan niya iyon sa kanyang ama at ina. He was born and raised in a loving and happy family kaya naman ganoon din ang gusto niya para sa kanyang magiging pamilya balang araw.

"Ilang taon ka na bang nagtitiis kay Gio? Three, Four, or Five years?" marahang tanong ni Jason. Napatingin naman sa kanya si Jennie dahil siguro alam nitong alam niya kung gaano na nagtitiis si Jennie sa kasintahan. "Five years na, Son. Hindi ko alam kung kaya ko pang magtiis sa mga pambabalewala ni Gio sa akin. Hirap na hirap na ako pero mahal ko eh. Hindi ko kayang

mawala siya sa akin, Jason." Tuluyan ng umiyak si Jennie. Nang mahimasmasan ay saka siya nagsalita.

"Jen, you know, sometimes we need to stop working but that doesn't mean we are not going to continue what we have started. Kagaya ng sitwasyon niyo ni Gio ngayon. Kung pagod ka na dahil pakiramdam mo nababalewala ka na niya, tumigil ka muna. Pansamantala. Subukan mo hanapin ang sarili mo dahil baka hindi mo na kilala ang totoong ikaw." Sabi ni Jason sa kaibigan. Hindi niya alam kung paano niya nagagawang magbigay ng payo sa kaibigan. Siguro kasi ay napagdaanan na rin niya iyan nung malaman niyang iniwan na sila ng kanyang ama. Hirap na hirap siya noong mga panahong kamamatay pa lang ng kanyang ama pero kailangan niyang magpakatatag para sa ina at mga kapatid.

"Jason, paano kung sa pagtigil ko, hindi na siya bumalik sa akin? Paano kung tuluyan na siyang bumitaw?" naiiyak pa rin si Jennie.

"Kung talagang mahal ka niya, hinding- hindi ka niya susukuan, Jen. Kung talagang may pagpapahalaga siya sa five years na relasyon niyo, hindi niya basta-basta na lang bibitawan ang kung anong meron kayo. Sa ngayon, find yourself first. Hayaan mong si Gio ang makaramdam na pagod ka na. Bigyan mo siya ng dahilan para ipaglaban ka. Hindi iyong ikaw mismo ang palagi na lang gagawa ng paraan para ipaglaban siya.

"Jen, five years na kayo. Dapat alam na niya kung paano alagaan ang relasyon niyo. Hindi yung parang ikaw na lang naman ang may gana pa na ipagpatuloy ang kung anong meron kayo." Alam niyang masyado siyang harsh pero knowing his bestfriend Gio, kung hindi ito bibigyan ng ultimatum ni Jen, hindi nito marerealize ang worth ng dalaga.

"Jason, sana ikaw na lang ang minahal ko. Kung ikaw sana ang pinili ko, hindi siguro ako iiyak ng ganito ngayon." Madamdaming sabi ni Jennie. Alam din niyang pinili ni Jennie si Gio over him kaya naman nakuntento na lang siya sa pagiging kaibigan nito. Nakikita naman niyang mahal na mahal ng dalawa ang isa't isa. Kaya lang, nagsimulang maging magulo ang relasyon ng mga ito ng magsimulang maging magkatrabaho ang dalawa sa Resort.

"Jen, alam nating parehas na si Gio ang mahal mo simula pa lang. Alam nating dalawa na kung magiging tayo, hindi rin tayo magiging masaya dahil ibang lalaki ang mahal mo." Sabi ni Jason sa dalaga. Matapos niyang punasan ang luha ni Jennie, nagpasya na siyang magpaalam para matulog na.

"Matulog ka na din Jen. Huwag mo na munang intindihin si Gio. He will come to his senses soon enough." Pagktapos ay tumayo na siya at inaya na rin ang dalaga para pumasok ng resort.

Nang makarating sa kanyang silid sa ikatlong palapag ng resort, hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang mga napag usapan nila ni Jennie. Paano nga kung naging sila ni Jennie?May pag asa kayang makilala niya si Isha? Hindi na niya nagawa pang matulog ng namalayan ni Jason na mag uumaga na pala kaya naman dali-dali siyang bumangon at nag ayos ng sarili. May surprise nga pala siya para kay Isha. Matapos makapag bihis ay bumaba na siya ng resort at nagluto. Naabutan niya pa sa kitchen ang magkasintahang sina Jennie at Gio na mukhang nagkikiss and make up na.

"Good morning!" nakangiting bati niya sa mga ito. Nagulat naman ang dalawa dahil alas tres pa lang ng umaga. Usually kasi, nagigising siya ng alas siete at magtratrabaho ng alas nuebe.

"Bakit gising ka na, bro?" boses iyon ni Gio. Nakayakap si Gio kay Jennie at mukhang nakapag usap na ang mga ito ng maayos. Imbis na sagutin ang tanong, tanong din ang binato niya rito.

"Okay na ba kayo?" tanong niya habang kumukuha ng ingredients sa malaking ref. Nagtataka namang tumango ang magkasintahan. "What are you doing, Jay?" boses naman ni Jennie ang narinig niya.

Ngumiti lang siya sa dalawa at nag-patuloy mag-luto. He wanted this day to be special for Isha. Gusto niya maging masaya si Isha habang nagsstay sa Resort. Abala na siya pagluluto ng breakfast ng makita niyang quarter to 4 na ng umaga. Kailangan niyang matapos na para magising na niya si Isha at para makita nito ang pagbukang liwayway. Minadali na niya ang pagluluto at nag ayos ng dadalhin nilang dalawa. Hindi na nakatiis si Gio kaya nagsalita na ito.

"May date ka ba, bro?" nang-aasar na ngiti ang kasunod niyon. Naihilamos niya ang kanyang palad sa mukha dahil sa sobrang inis. Nagmamadali na nga siya dahil baka hindi na nila maabutan ni Isha ang sunrise, tanong pa ng tanong ang dalawang kaibigan niya.

"May lakad ako, okay? Nagmamadali ako guys. Mamaya niyo na ako kausapin at sasagutin ko lahat ng tanong niyo." Sabi niya at binitbit ang dalang picnic basket at nagmadaling lumabas ng kitchen area. Naiwang naiiling na lang ang dalawang kaibigan niya.

Sa kwarto ni Isha, naalimpungatan siya dahil parang may kumakatok sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit ganito kaaga kumatok ang room service. Dahil sa pagmamadali, nakalimutan na niyang magtakip ng roba kaya naman naka pajama lang siya na naglakad at binuksan ang pinto. Nagulat pa siya sa nakita dahil ang gwapong mukha ni Jason ang nabungaran niya.

"Hi! Good morning! Sorry to wake you up pero may surprise kasi ako sayo. Can you be ready in like, 10 minutes?" sabi nito na nakangiti pa rin sa kanya. Hindi na yata siya maiimune sa mga ngiti ng lalaking ito. Agad naman siyang tumango bilang pagsang-ayon. "Pasok ka muna. Magbibihis lang ako." Sabi niya at agad tinungo ang banyo para makapag ayos. Kaso dahil sa pagmamadali, nakalimutan niya ang kanyang towel maging ang damit. Wala pa namang hati o dibisyon ang kanyang kwarto na ipinareserve. Nakakahiya man ay sinubukan niyang tawagin si Jason mula sa banyo.

"Uhm, Jay?" tawag niya sa binata. Sumagot naman agad ito. "Bakit, Ish? May nangyari ba sayo sa loob? Nadulas ka ba?" nasa pag aalala ang tono nito. Napangiti naman siya ng marinig ang pag aalala sa boses nito. "Wala namang nangyaring masama. Ano kasi, nakalimutan ko yun towel ko and yun bathrobe, baka pwede mo iabot? Bubuksan ko ng konti ang pintuan ng cr." Nahihiyang sabi niya sa loob ng Cr. Hindi siya nakarinig ng sagot bagkus ay nagulat siya sa katok sa pinto. "Eto na yung towel at robe mo. Matagal ka pa ba? Baka kasi hindi na natin maabutan ang surprise ko sa iyo." Sabi ni Jason habang ibinibigay sa kanya ang towel at robe. Buti na lang at nadala niya ang kanyang damit sa loob ng banyo.

Makalipas ang sampung minutong mabilisang pagkilos, natapos na rin siya. Nagsusuklay na lang siya ng buhok at niyaya na niya si Jason lumabas. Habang pababa sila ng hagdanan, hindi niya napigilang magtanong. "Saan ba talaga tayo pupunta at paano mo nalaman kung anong room number ko?" takang tanong niya. Habang naglalakad na sila palabas ng resort ay saka lamang ito sumagot. "Manager ako dito diba? I just asked my Employees. Gusto lang kasi kita isurprise. Sigurado akong magugustuhan mo ang pupuntahan natin." Sabi nito at excited na siyang dinala sa lugar kung saan marami ng nakapila para sa Lake cruising. Hindi alam ni Isha kung anong mararamdaman ng mga sandaling iyon. Kinakabahan na excited siya.

Sasakay ba sila ulit sa bangka? Si Jason ba ulit ang makakasama niya?

Nang lagpasan nila ang entrance booth ng Lake Cruising ay may naramdamang disappointment si Isha. Hindi niya alam kung saan ba talaga siya dadalahin ng lalaking ito. Pero nagpatianod na lang siya kasi nagtitiwala naman siya rito. Nakarating sila sa isang bridge na nagdurugtong sa likod ng resort at isang parang maliit na floating house. Nang akmang hahawakan na siya ni Jason para tumawid sa bridge ay natakot siya bigla dahil hanging bridge iyon at medyo mahangin. "Are you afraid? Huwag ka mag alala, nandito ako. Hindi naman kita hahayaang mapahamak, Isha. That's the least thing I would do." Sabi ni Jason at inalalayan na siya sa pagtawid. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating sila sa floating house. Akala niya ay doon talaga siya nito dadalhin pero nang makapasok sila doon ay dumiretso lang sila sa likod ng floating house at nakita niya ang isang yate. Namangha siya sa ganda niyon. Pagkapasok nila, agad bumungad kay Isha ang nag gagandahang red tulips on the floor. Some are scattered and some has built to create a heart image.

"Did you do all this?" tanong ni Isha habang hindi pa rin makapaniwala. He smiled before answering her question. "No. Not totally. May inutusan akong tao na mag ayos dito. Kalahati pa lang ito ng plano ko. The real surprise is here." Sabi nito at binuksan ang sliding door na katapat ng sofa. Nakita ni Isha ang isang table for two at makikita ang kabuuan ng Lake habang nag iiba ito ng kulay dahil sa papasikat na araw. Maging ang waterlilies sa paligid ay nagiiba rin ng kulay kapag natatamaan ng sinag ng papalabas na haring araw. Hinila siya nito at pinaupo sa isang upuan at umupo naman ito sa kabilang panig.

"Like what you are seeing right now?" nakangiting sabi ni Jason. Magsasalita pa sana siya pero naramdaman niyang umaandar ang yate.

"Are we Cruising?" tanong niyang may halong excitement. First time niyang magcruise na yate ang gamit. This is one of her firsts that she will treasure forever.

"Yes, we are." Sabi ni Jason at naglagay ng pagkain mula sa picnic basket na dala nito. She was amazed with how he managed to cook all of those foods in just a short span of time.

"I am a certified Chef." Sabi nito na parang nabasa yata ang iniisip niya. "Really? Amazing! Interesting. A hunk Chef. Nice." At sinubukan niyang tikman ang mga niluto nito para sa kanilang dalawa.

"Breakfast at Lake." Natatawang sabi niya habang kumakain. Iba ang sayang nararamdaman niya ngayon. Sobrang saya. Hindi niya alam kung anong kahihinatnan ng pagsama niya kay Jason pero isa lang ang sigurado siya. Iyon ay mahalaga na sa kanya ang binata.

"Sana ay nagustuhan mo ang surpresa ko sa iyo, Ish." Seryosong sabi ni Jason. Hindi niya alam kung bakit nakaramdaman siya ng kaba sa emosyong ipinapakita ng binata sa kanya. To think na dalawang araw pa lang naman silang magkasama.

"Nagustuhan? Are you kidding? I love it! First time ko mag Cruise at sa Yate pa talaga. Grabe! Sobrang thank you sa pag effort mong gawin ang lahat ng ito, Jay. Pero bakit?" naitanong na niya sa binata. Nakita niyang tumingin muna ito sa malawak at tahimik na Lake bago siya tiningnan.

"Honestly, I didn't know either. Ang alam ko na lang, nung araw na sinigawan kita, gusto kong makabawi sa iyo. Gusto kitang makilala pa ng lubusan at gusto kitang makasama sa araw-araw. Alam ko namang kabaliwan ang hinihiling ko dahil hindi magtatagal ay babalik ka na rin sa Maynila kapag natapos na ang bakasyon mong ito. Pero sana, kapag nakabalik ka na, hindi mo sana makalimutan na may isang Jason na minsang nagpangiti sa buhay mo." Sabi nito at ginagap ang kanyang mga kamay na nakapatong sa lamesa. She felt the warmth of his hands holding hers. She felt that same feeling again. Hindi niya alam kung anong itatawag niya sa kanyang nararamdaman dahil maging siya ay hindi niya alam kung ano ba talaga iyon.