Chereads / the saint and the sinner / Chapter 7 - chaptet 7

Chapter 7 - chaptet 7

Mula nga sa pamamastol ay sinimulan ni demas ang kanyang nakasanayan.. kanya ring inalam kung papaano magmanipula ng isang asno bisiro o asnong kabayo at inalam nya rin ang iba't ibang lugar sa jerusalem para sa kanyang pagaangkat ng bawat angkatin.. sa samantalang si gestas naman at si jesus ay naging magkaibigan at masayang tinutungo ang templo ng magkasama... hanggang lumipas ang tatlong araw.

Isang umaga ay nagising ng mag isa si gestas. " ina asan po si Emanuel wala na po siya doon sa higaan sa aking pagising"tanong ni gestas. " hindi ka na nya ginising anak maaga raw sya tutungo ng templo" ani ni alinda. Kaya agad na nag madali si gestas upang puntahan si Hesus sa templo..

Nang marating ni Hesus ang templo doon ay may narinig siyang mga pares doon na nag uusap usap." Mapalad ang mga batang may mga magulang na nagpapapastol ng tupa o anak ng mga may ari ng malalawak na lupain sa pagkat maari nila itong namana mula sa kanilang mga magulang" ani ng isang paraseo. " tama ka riyan sapagkat hindi na nila kailangan pang magpaupa sa iba o magtrabaho para mabuhay" ani naman ng isa pang paraseo.

" ganyan po ba talaga ang inyong pamantayan sa buhay.. walang sinong sanggol na isinilang sa lupa na nakapaglakad kaagad kahit binigyan pa sila ng diyos ng mga paa.. o inalay sa pugad na nakalipad kaagad kahit sila ay may pakpak.. sinasabi po ng diyos.. magaan sa kalooban ng bawat isa kung ang bawat nais nyo ay makukuha nyo sa paraang pinaghihirapan. Dahil walang magsasakang nagtanim ng palay ngayon na nag ani ng bigas pagdating ng bukas.. sapagkat lahat ng bagay ay may nakalaang oras" wika ni Hesus. Sa pag kakataong iyon ay kaagad syang napansin ng mga paraseong naroon. "Maganda kaalaman meron ang batang ito" ani ng isang paraseo. " tama ka diyan...kamanghamangha ang batang ito..sa ganda ng kanyang pananalita ay mukhang may mabubuting syang mga magulang" wika ng isa pang pariseo. Matapos iyon ay agad na dumating si maria at jose na kapwa namangha kay Hesus. "Sya po ay aming anak" ani ni maria. " sya po ay nag mula pa sa nazaret at nawala sa aming hanay noong petsa ng paskwa" ani ni jose. " mapalad kayong magulang ng batang ito.. wika ng isang pari bago umalis sina maria at jose kasama si jesus.

"Anak bakit mo naman ito ginawa sa amin lubha ang aming pag aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo" ani ni maria. " bakit po ninyo ako hinahanap. Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa tahanan ng aking ama" sagot ni hesus" bago tuluyang sumama sa kanyang mga magulang pabalik ng nazareth

ilang sandali lamang ay agad na umalis si gestas sa kanilang bahay upang pumunta ng templo para puntahan si hesus.. "maari po bang magtanong napansin nyo po na ang aking kaibigang si emanuel halos kataasan ko lamang siya itim ang kanyang buhok at may abong mga mata" tanong ni gestas sa mga paraseo. "marahil ang tinutukoy mong bata ay ang batang kausap namin kanina" ani ng isang paraseo. "kahangahanga ang batang iyon magaling siyang manalita at tama ang kanyang mga katuwiran" ani ng isa pang paraseo. " sya na nga po si emanuel... asan po siya" tanong ni gestas. " kanina lamang ay sinundo sya rito ng kanya mga magulang na galing pa sa nazaret.. sa dako roon sila pumunta" turo ng isang paraseo. kaya agad na pinuntahan ni gestas ang lugar na tinuro ng mga paraseo.

at mula nga sa may di kalayuan ay nakita ni gestas si hesus sa piling ng kanyang mga magulang bitbit ang mga nginit nito. " marahil ang kaligayahan na tatlong araw na nawala sayo ay muling nagbalik.. sapagkat kung ano ang meron ka ngayon ay ang kaligayahan mo habang buhay.. ang makapiling ang iyong mga magulang.. salamat sa lahat nang ala ala at pangangaral na ipinabaon mo sakin.. sanay muli pa tayo magkita paalam emanuel" wika ni gestas sa sarili