nang nagkaroon ng bagong roman na si gobernador punsyo pilato ay umusbong mula sa iilan ang pangalan ni hesus..at ang pamamaraan niya ng mangaral at pang gagamot sa marami.
kaagad na kumalat ang mga balibalita sa buong nazareth .. "sino sya.." sya ba nag anak ng diyos" mga katanungan ng iilan. nang masaksihan ang kanyang mga ginagawang himala.
mula sa lawa ng genezalet na umapaw sa isda..at mabilis na kumalat ang sa buong nazareth ang paghihimalang ginagawa ni jesus
ang pagpapagaling nya sa mga ketongen paralitiko , sa mga may manas,kuba at ang mga bulag na kanyang pinamulat,ang limanglibong mga gutom na kanyang pinakain at pag papalayas nya ng masasamang espirito sa katawan ng mga tao ang ang bumuhay ng patay. lahat ng iyon ay nasaksihan ng iilan na syang nag patunay kung sino nga ba si hesus
mag iisa ng tanghali ng umalis si gestas sa kanilang tahanan upang tumungo sa tahanan ng kanyang tiyahin na si felita kapatid ng kanyang ama. sa kadahilanang nais nitong makiusap sa tiyahin na wag nang kamkamin ang lupang iniwanan sa kanila ng kanyang ama dahil iyon na lamang ang mayroon sila. si felita ang nag iisang kapatid ni macar si macar ang nakatatandang kapatid nyan..kaya napunta sa kanya ang malaking parte ng lupain na nagmula pa sa kanilang mga magulang. bagay na pinagmulan ng inggit ni felita.. kaya ng dumating ang panahon na pumanaw na ang kanyang nakatatandang kapatid ay ninais nitong kamkamin ang lupain ng kapatid sapagkat ang karapatan daw ay nasa kanya.
nang marating ni gestas ang bahay ng kanyang tiyahin ay hindi nya ito nadatnan. marahil ito raw ang umalis at pumunta kung saan.
habang pabalik si gestas sa kanilang tahanan ay nakita nya ang isang lalaki na papalapit sa kanya.
" maari ba akong himingi ng dala mong inumin" wika ng lalaki. " bakit hindi" wika ni gestas bago iabot ang tubig. " tila pagod ka" wika ni gestas. " sya nga totoo ako ay nanggaling pa sa malayo.. bumisita lamang sa libingan ng aking ina at naghandog ng bulaklak.. " wika ng lalaki bago isauli ang lalagyanan ng tubig. " darating ang araw na masusuklian ko rin ang iyong kabutihan maraming salamat sayo" wika ng lalaki. " tawagin mo na lamang akong gestas" pagpapakilala nito. " ako naman si iscariote.. hudas iscariote." pakilala ni hudas. at mula nga sa mga palad nilang nag daupang ay sumibol ang isang pagkakaibigan.
samantala naging madalas ang pagiging mainitin ng ulo ni viral dahil daw tila nababawasan ang kanyang mga salapi.. tila may nanguumit raw sa mga ito mula sa kanyang pinagtataguan.
may isang hapon habang namamahinga si demas ay napansin nya ang marahang paglakad ni malena mula sa likuran.. na patuloy nyang pinagmasdan..at mula nga doon ay nalaman ni demas na si malena pala ang kumukuha ng pera ng kanyang asawang si viral dahilan ng pagiging mainitin nito ng ulo. hindi lamang isa o dalawang ulit na nakikita ni demas ang panguumit ng ginagawa ni malena upang ito ay ipangsugal lamang. isang araw ay naglakas loob si demas na kausapin si malena na itigil na ang ginagawa nitong pang uumit dahil kung hindi nya ito ititigil ay sasabihin nya ang lahat ng kanyang nalalaman kay viral.
ngunit di sya pinakinggan ni malena bagkos sinabi pa nito na kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay palalayasin nya ang binata. kaya agad na nanahimik si demas at tinanggap na lamang ang salaping iniabot sa kanya ni malena kapalit ng kanyang pananahimik
nang malapit ng marating ni gestas ang kanilang tahanan ay napansin nya ang isang lalaki sa may di kalayuan na tila kinamamanghaan ng lahat at tinatawag nilang dyos. kaya agad sya lumapit
"kawawa kayong mga mayayaman sa pagkat maginhawa na kayo.
kawawa kayong nag sisitawa ngayon sapagkat kayo'y mag sisitangis, kawawa kayong pinupuri ng mga tao sa pagkat gayon ang kanilang ginawa sa mga bulaang propeta, sinasabi ko sa inyo ibigin nyo ang inyong kaaway,kapag sinampal ka sa kabilang pisngi iharap parin ang kabila , bigyan ang humihingi sayo.
ang isang bulag ay di makakaagay ng isa pang bulag mahuhulog sila sa hulay." mga pangagaral ni hesus. " mapalad ang inang nagsilang at nagalaga sayo" wika ng isang babaing naroroon. " mas mapalad ang nakikinig sa salita ng dyos at tumutupad nito" sagot ni hesus.
nang mga oras na iyon ay nais sana ni gestas na lapitan at makilala si hesus ngunit ito ay nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa di nya na ito maabutan. " gusto ko sana sya makilala.wika ni gesta bago tuluyang umuwe