Chereads / the saint and the sinner / Chapter 13 - chapter 13

Chapter 13 - chapter 13

"ngunit ako ay wala pang nalilikom na salapi.. wala narin halos na tira sa mga tinago kong pera " ani ni gestas. " kahit ako ay wala naring maibibigay sa iyo.. gestas kailangan ka ng iyong ina.. baka hindi

mo na sya maabutan at mahuli na ang lahat." ani ni hudas.

sa puntong iyong ay tumungo ang mga paningin ni hudas sa loob ng silid ng amo ni gestas. " hindi bat wala riyan ang iyong amo.. bakit hindi mo nalang kunin ang mga salaping kanyang iniibak.. marahil ay mauunawaan naman nya.. dahil sa mabuting paraan mo naman gagamitin ang pera.." pang uudyok ni hudas. " ngunit hindi ako mang uumit.. at ayokong gawin ang bagay na iyan" ani ni gestas. "kahit ang diyos ay maiintindihan ka sa iyong gagawin.. isipin mo na lamang ang iyong ina.. maaari ka namang bumalik dito ay ipaliwanag ang lahat.. kung bakit mo nagawang kunin ang kanyang pera.. gawin mo na gestas.. isipin mo ang iyong ina" ani ni hudas bago itulak si gestas papasok sa silid ng kanyang amo.

at sa di nga inaasahan nangyari ang ninananis ni hudas marahang pinasok ni gestas ang silid ng kanyang amo at maingat ng kinuha ang mga pera naroon.. ngunit hindi nya alam ay may masamang pakay na sa kanya si hudas. sa isang kalabog ng pinto matapos nito bumukas ay laking gulat ni gestas ng tumamban sa kanya si hudas at ang kanyang amo.. " hindi bat tama ang aking hinala ..sya nga ang mang uumit na matagal na natin tinutugis" ani ni hudas. " ikaw na pinagkatiwalan ko.. napakasama mo....isa kang mang uumit" galit na wika ng kanyang amo. sa puntong iyon ay di na nagawang magpaliwanag ni gestas dahil kaagad na syang dinumog ng taong bayan upang saktan at ipasuplong sa may kapangyarihan.. gayon na lamang ang kanyang pagsisisi na kung bakit sya naniwala at sumunod sa nais ni hudas.. mula sa mga kamay na nakagapos sa kanyang likuran at pinagmastan ni gestas si hudas mula sa malayo..at mula sa kanyang kinalalagyan ay nakita nyang may iniabot na mga pilak ang kanyang amo kay hudas bilang gantimpala nito.. sa kanyang ginawa. kaya agad syan nilapitan ni gestas at nag wika " nawa'y ako nalamang ang gawan mo ng ganito at wag mo nang ulitin pa sa iba.. dahil kung sakaling gawin mo ulit ang magkanuno ng iba.. baka ikamatay mo na" mga salita no gesta bago sya kunin ng mga may kapangyarihan at dahil sa herusalem para ikulong..

ilang araw ang lumipas matapos matago ni gestas sa herusalem ay napagmataan nito na ipinagdiriwang ng mga araw na iyon ang kaarawan ni haring herodes na anak ni herodes. nang kanyang marinig ang pangalan ni herodes ay agad na sumariwa sa kanyang kaisipan ang lahat ng nangyari sa kanyang mga magulang sa kamay ni herodes" marahil ito na ang tamang panahon upang makamik ng aking mga magulang ang kanilang sinapit.." ani ni hermas.

sa di nga inaasahan ay napasok ni hermas ang lugar kung saan ipinagdiriwang ni haring herodes ang kanyang kaarawan. doon ay nasaksihan ni hermas ang mga opisyal, pinuno ng mga hukbo, at mga pangunahing mamamayan ng galilea na pawang mga panauhin ng naturang hari..doon din ay nasaksihan nya ang pag alay ng sayaw ng anak ni herodeas na nagustuhan naman ng mga panauhin at ng haring herodes . kaya nangako si haring herodes na anuman ang hilingin ng anak ni herodeas ay walang alinlangan nya ibibigay. maya maya ay lumapit ang anak ni herodeas kay herodes matapos itong kausapin ng kanyang ina.. bumulong ito.. kay herodes na nais nya.. at sa puntong iyon bakas sa mukha ng hari ang pagkadesmaya na wala naring nagawa kung hindi ibigay nalang ang nais ng anak ni herodeas