Chereads / the saint and the sinner / Chapter 15 - last chapter

Chapter 15 - last chapter

"saan nila dadalhin si barabas" tanong ni demas. " tuwing pesta ng paskwa ay namimili ang hari ng herusalem ng isang bilanggo na kanilang palalayain.. ganon ang kanilang ginagawa.. sa araw ng paskwa na ang kahulugan ay ang paglaya ng ng egipto sa kamay ng mga israelita" paliwanag ni gestas. "isang bilanggo... isang bilanggo lamang?? bakit di nalang lahat ng bilanggo ay malayain nila" ani ni demas. " itanong mo man sa akin.. ay hindi ko.. alam" sagot no gestas.

" pinapapili na ngayon ni haring pilato ang taong bayan kung sino ang mas maykarapatang palayain at mabuhay si barabas ba o si jesus na nagsasabing sya ang hari ng mga hudio" wika ng isang kawal.

at di nga nagtagal mula sa labas ay narinig nila gestas at demas ang sigawan ng mga tao na palayain di barabas at si jesus ay ipako sa krus.. paulit ulit na ingay na kumurot sa dibdib ni gestas..habang si demas naman ay tila manhid na sa mga nangyari..

maya maya agad na hinila ng mga kawal si gestas at demas papalabas ng kulungan.. sa kanilang pag lalakad palabas ay napansin ni gestas na kinakausap si pilato ng kanyang asawa.

" huwag kang makialam sa usapin ng taong iyan wala syang kasalanan" mga wika ng asawa ni pilato bago tuluyang maghugas ng kamay si pilato.

mula nga doon ay ipinasan ni demas at gestas ang krus ng kanilang pagdurusa krus na di minsan pinangarap ng lahat ,krus na tila trupeyo ng kanilang pagkakamali at krus na magpapahirap sa kanila bago sila yakapin ng lupa.

at mula nga sa kanilang likuran ay tumamban sa kanila si jesus na liglig sa tuyo at mamasa masang dugo, apaw sa dumi at latay ng paghigirap.. sa bawat hampas ng latigo sa kanilang mga katawan na kanilang iniinda ay sinasariwa nila kasabay nit ang lahat nang nangyari sa kanila ng mga panahong malaya pa sila. mga hampas na nagsasabing ang pagkakamali ay di lamang para sa taong masama dahil kahit ang pinakamabiting tao ay maari ring magkamali.

nang mga sandaling iyon ay wala nang kalagyan para sa kanila ang salitang pagod, di narin nila mabilang ang sakit.. mga paang di na ninais magpahinga, mga sugat na ayaw nang dumugo, mga latay na di na nadarama.. at katawang nais nalamang mawala..

ngunit ang kanilang pagdurusa ay tila magaan lamang. nangmakita nila kung papaanong halos patayin na si hesus ng paunti unti sa kanilang harapan.. kung papanong tila ang bawat hagupin na nakakapunit ng laman ay kanyan pang nakakayanan. ang bawat mga dugong tumutulo ay patuloy na natutuluan. at ang pang huling kahilihan na lamang ay kamatayan.

mula sa malayo ay nakita ni demas si malena na lumuluha na tila nagpapasalamat sa kanya.. naroon din si viral na nakatingin lamang sa kanya.. na tila walang pakialam. naroon din ang ina ni gestas na si alinda.. kasama ang kanyang kapatid.. agad na niyakap ni alinda si gestas at nag wika.

" alam kong hindi ka masamang tao anak ..

araw araw kitang ipapanalangin..huwag sanang mawaglit sa isip mo na mahal na mahal kita" wika ni alida. " alam kong patatawarin ako ng diyos sa aking pag kakasala.. at pag nakasama ko na sya hihilingin ko na sana ay bigyan ka pa nya nang mahabang buhay ina" wika ni gestas bago itaboy ng kawal ang kanyang ina.

magdadalawa ng hapon ay narating na nga nila ang pook ng bungo o mas kilala sa tawag na Golgotha. doon ay kaagad silang ipinako sa krus bago ipako si hesus at itinaas ang krus kung saan sila nakapako upang sa ganoon daw ay makita sila ng lahat. ipinag utos din ni haring pilato na ilagay sa itaas ng krus ni hesus ang salitang entre o ang kahulugan ang hari ng mga hudio. dahil na niniwala ito na si hesus ang hari ng hudio.

mula doon ay biglang nag wika si demas.."hindi bat ikaw ang diyos.. bakit hindi mo yan ngayon patunayan..iligtas mo kami at ang iyong sarili.." ani ni demas. ngunit di kumibo si jesus. " ama.. patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan at sanay isama mo ako sa iyong paradiso" wika ni gesta. " gestas ang matalik kong kaibigan..ikaw na may mabuting kalooban at mabuting anak.mas mamarapatin kong tawagin mo kong muling Emanuel" ani ni jesus. " emanuel ikaw si emanuel.. sa wakas kapiling ko na nga ang diyos.. oh diyos ko salamat"wika ni gestas. " wag kang mag alala.. dahil isasama kita sa aking paraiso.." wika ni hesus

sa ikadalawa't kalahati ng hapon ay hindi na kinaya ni gestas at demas ang kanilang paghihirap ang kanilang mga mata ay marahang pumikit patungo sa kadiliman upang magpaalam..ang kanilang mga ulo ay yumuko at sumuko dala ng tuyo nilang mga katawan at ang kanilang huling hiningan ay di na nilang muli pang naramdaman....