Chereads / the saint and the sinner / Chapter 11 - chapter 11

Chapter 11 - chapter 11

"naiintindihan ko ang nais mo... at nagpapasalamat ako sayo.. ngunit nakikiusap ako sayo demas.. umalis kana.. mas maiging iwanan mo nalang ang lugar na ito at magpakalayo layo ka nalang... (inabot ang salapi) gamitin mo ang perang iyan sayong maglisan.. masmainan na hindi ka na madatnan ni viral na nandidito.. dahil ipapasublong kalang niya sa mga manghuhuli.. bagay na ayokong mangyari.." ani ni malena. " ngunit papano po kayo" sagot ni demas. " wag mo na kong isipin...demas makinig ka sa akin umalis kana... dahil kung mabutan ka pa ni viral na naririto.. di ako mangingiming aminin ang totoo.." ani ni malena.

sinunod nalang ni demas ang nais ni malena.. kaya iniwan nya ang ang lugar na iyon. habang nagsinungaling naman ni malena na di nya na nagawang pigilan si demas sa pagtakas kaya ito ay tuluyan nang nakatakbo.. gayon pa man ay hindi tumigil si viral na ipahanap si demas..

tila isang bangungot naman ang ilang mga araw na dumating sa buhay nila gestas. ang ilan sa mga alagang hayop nila ay nagkandamatay sa di maipaliwanag na dalhilan..di narin nilang magawang pangalagaan ang kanilang mga pananin sapaggat nagkaroon mg malubhang karamdaman ang kanyang ina na laging binabantayan ni tyana. kaya ng mga panahong iyon ay lumapit sila kay felita upang humingi ng tulong.. sinabi ni gestas sa kanyang tiya na ipagpapalit nila ang lupang meron sila kapalit ng ilang salapi na maaari nilang gamitin na pambili ng gamot ng kanyang ina gayon din ang pang araw araw nilang pangangailangan. bagay na di tinanggihan ni felita..

ngunit tila ang kamalasan ay ayaw bumitiw sa kanila..

sa isang templo ay ninais na pumunta ni gestas upang magdasal at humingin ng tulong sa diyos. nais nyang ipangdasal ang kanyang magulang at kapatid.. ang kanyang ina na naraytay na sa sakit ng halos labing limang araw , ang kanyang kapatid na patuloy ang pagaalaga sa kaawa awa nyang ina. at ang buhay na meron sila ngayon.. lahat ng iyon ay ipinasadiyon nya na lamang. matapos na magdasal ni gestas ay agad na syang namaalam sa templo.. at mula sa labas ng templo ay tumawag sa kanya ang isang pamilyar na tinig. "gestas... tama ako ikaw nga.." ani ni hudas. " hudas nagagalak ako na makita kang muli" sagot ni gestas. " nagagalak ka ba talaga bakit tila may bumabagabag sayo.. bakas sa iyong mga mata na may pinagdadaanan ka." pansin ni hudas. "tila kase ang kapalaran ay hindi umaayon saakin. may malubhang karamdaman ang aking ina sa ngayon.. halos maubos narin ang mga alaga naming mga hayop at mga pananim na pinagkukunan ko ng pagkakakitaan dahilan kung bakit di ko na maipagamot ang aking ina.

"kahit ang lupang meron kami ay naipagbili ko na.. ngunit hindi iyon sumapat para gumaling ang aking ina..kaya ngayon ay humihingi ako ng tulong sa panginoon na sanay bigyan nya ko ng lakas ng loob na kayanin ang lahat ng ito" ani ni gestas.

mula sa bulsa ni hudas ang kinuha nito ang mga pilak na meron sya. " kunin mo ito alam kong malaki ang maitutulong nito sa iyo" alok ni hudas. " malaking halaga ito.. hindi ko ito matatanggap.. hindi ko alam ko papaano ko ito mababayaran. " ani ni gestas. " tanggapin mo na iyan gusto kong matulungan ka.. at kung ang iyong pinangangambahan ay kung papaano mo iyan babayaran... wag kang maalala.. maari rin kita matulungan para mabayaran ang halagang iyan"ani ni judas. "ngunit papaano" tanong ni gestas.

" kung nanaisin mo isasama kita kung saan ako nagpapaupa bilang ombrero.. maari ka namang umuwe tuwing ika pitong araw.. isipin mo nalang malayo ka man sa piling ng iyong pamilya ang mahalaga ay matulungan mo sila.. iwanan mo sa kanila ang salaping ibinigay ko nang sa ganoon ay may magamit sila habang ikay wala .. pagisipan mo sanang mabuti gestas. sa ikalima ng hapon bukas ay magkita tayong muli dito.. nawa'y makita kita at makapagdesisyon ka na. paalam". pamamaalam ni hudas.

nang mga mga sandaling iyon ay mahigpit na hinawakan ni gestas ang mga salaping ibinigay sa kanya ni hudas..kasing higpit ng pananalig nya na sana ay hindi sya magkamali sa desisyon na kanyang gagawin.

kinabukasan. sa ikaapat ng hapon kinabukasan ay tumungo at tumayo si gestas sa mataaas na parte ng burol kung saan matatanaw ang kanilang tahanan.