" wala nang sasakit pa sa anak na iniwan ng yumaong ama..pero mas wala nang sasakit pa sa anak na iwan ang kanyang mahal na ina lalo't nakaratay ito sa sakit. nawa'y maintindihan nyo ang desisyon na aking gagawin.. gagawin ko ang lahat ng ito para sa inyo.. ipagpaumanhin nyo rin kung hindi ko na magagawang mamaalam sa inyo.. dahil alam kong kayang kaya akong pigilan ng mga luha nyo..tiya felita.. ikaw na sana ang bahala sa aking ina at kapatid ikaw na rin ang bahalang magpalaliwanag sa kanila ng mga nais kong iparating.. maraming salamat sayo tiya felita dahil sa pangako mong di mo pababayaan ang aking ina.. makakaasa akong makakatulong ang salaping ibinigay ko para sa kanila" mga bulong ni gestas sa sarili bago lisanin ang kanilang lugar.
sa pagpatak ng ikalima ng hapon ay di nga binigo ni gestas si hudas. nakipagkita nga itong muli kay hudas na nangangahulugan na sasama na ito sa kanya tulad ng kanilang pinagusapan.
kaya di na nga sila nagsayang pa ng oras at agad nga silang pumunta sa lugar na tinutukoy ni hudas.
lingid sa kaalaman ni gestas na sa lugar na kanilang pupuntahan ay may isang taong tinutugis ng iilan dahil sa panguumit nito at kung sino man daw ang makadakip dito ay magkakaroon ng gantimpala.. bagay na di pinaalam ni hudas kay gestas.
sa halos isang linggo na paninilbihan ni gestas sa naturang lugar ay kanyang napansin na tila di tugma ang kanyang ginagawang trabaho sa sinasabing trabahong ibibigay sa kanya ayon kay hudas. halos kabaliktaran lahat ng kanyang ginagawa sa sinabi ni hudas.. ang maayos na higaan na sinasabi ni hudas ay sa kamalig lamang nya nagtagpuan.. ang magandang rasyon ng pagkain na pangako ni hudas ay ginutom lamang ng pag asa..
ng mga sandaling iyon ay ninais nang kausapin ni gestas si hudas na kung bakit tila naglihim ito sa kanya... hindi rin halos makalabas si gestas sa lugar na kanyang pinagtatrabahuhan at di nya rin nagugustuhan ang ugali ng taong humahawak sa kanya.
" kahit ako ay nagtaka hindi ganyan ang ugaling pinakita nya sa akin nang mga panahong sya ay nakikiusap sa akin na hanapan ko sya ng magiging obrero" pangsisinungaling ni hudas.
" kahit ako ay agad nya pinaalis matapos ka niyang makuha.. hindi nya na raw kailangan ng isang tulad ko... bagay na nagpapahirap sa sitwasyon ko ngayon.. akoy wala nang pera, wala nang hanapbuhay.. dahilan kong bakit ako nagugutom.. namamalimos nalang ako lansangan upang may makain.. gusto kong magalit... pero dahil sa pangako kong tutulungan kita sampo ng iyong mahal sa buhay ay nag paraya ako.. para saiyo mahal kong kaibigan.." muling pagsisinungaling ni hudas. sa puntong iyon ay inabot ni gestas ang kanyang natitira at huling pilak at iniabot kay hudas. " sanay makatulong ito sayo.. mag susumikap ako upang matulungan ang pamilya ko at mabayaran kita sa lahat mg ginawa mo" ani ni gestas bago kunin ni hudas ang pilak at agad na umalis..
ipinagsadiyos na lamang ni gestas ang lahat nang nangyari sa kabila ng pagkakaroon nya ng among may magaspang na ugali. at ang buhay ng na di nya kahit kailan pinangarap .. lahat ng iyon ay tiniis nya na lamang..
sa loob halos ng dalawang linggo.. ay nakasanayan narin ni gestas ang mga gawaing pinapagawa sa kanya.. hanggang may isang araw..ay dumating si muli si hudas at tyempong wala roon ang amo ni gestas.." gestas.. ako ay may masama balita sayo.. kailangan mong umuwe kaagad sa inyong tahanan.. dahil ang iyong ina ay nasa bingit ng kamatayan"
pag sisinungaling ni hudas. " anung ibig mong sabihin" tanong ni gestas. " lumubha ang karamdaman ng iyong lalo ng nang ikaw ay mawala dahilan kung bakit sya ngayon nalalagay sa panganib" wika ni hudas.