sa paglalakad ni gesta habang pauwe ay napahinto ito sa isang tawag mula sa kanyang likuran. "gestas" at mula nga doon at laking gulat nya nag makita nya kung sino ang tumawag sa kanya. "hesus tama ikaw nga.. ikaw nga si hesus" ani ni gestas. " ang iyong mga matatamis na ngiti ay wala paring pag babago gestas" ani ni hesus. "paano nyo nalaman ang aking pangalan gayon di ko naman ito binabanggit" pagkamangha ni gestas. " hindi na iyon importante. ang mahalaga ay palagi ka sanang magiingat. may kapagamakan na lalapit sayo. ngunit di mo ito matatakasan. sa pagkat ang lahat ay naayon sa kanya. mainam sa ngayon na umuwe kana muna..para sa isang magandang balita..ang bawat oras ay mahalaga gestas..ilaan mo ang lahat ng iyan sayong mga mahal sa buhay. dahil darating ang araw na dadalhin kita sa paraiso ng panginoon.. paalam" mga wika ni hesus habang naglalakad papalayo at iniwan si gestas na tila naguguluhan.
nang nakauwe na si gestas sa kanilang tahanan ay sinalubong sya ng mainit na yakap ng kanyang ina. " tunay ngang mapagpala ang diyos dahil hindi nya tayo pinabayaan" wika ni alinda. " anung nais nyong sabihin" tanong ni gestas. " nang galing rito kanina ang iyong tiya felita.. hindi nya na raw kakamkamin ang lupain ng iyong ama.. nagbigay din sya ng mga tinapay at gulay para raw sa kapatawaram natin sa kanyang ginawa" paliwanang ng ina.
mula doon ay agad na pumasok sa isipan ni gestas ang mga sinabi sa kanya ni hesus.. habang yakap ang ina. " tunay nga syang makapangyarihan" ani ni gestas sa sarili. ngunit lingid sa kaalaman nila gestas na dahil sa mga pangangaral ni jesus na narinig ni felita kaya nagbago ang isip nito.
may ilang araw narin na paulit ulit na nanguumit si malena kay viral dahil sya daw ay tila inaalat sa kanyang pagsusugal. hanggang isang araw ng muling sinubukan ni malena na kunin ang pera ng asawa ay nagulat ito ng biglang lumabas sa kanyang likuran si viral. " sinasabi ko na nga ba!! tama nga ang mga hinala ko.. kaya pala madalas ka nang nawiwili sa pag susugal ikaw pala ang kumukuha ng mga pera ko" galit na wika ni viral bago pagbuhatan ng kamay ang asawa. nang mga sandaling iyon ay agad na dumating si demas habang naririnig ang galit ni viral nang malaman nyang si malena ang kumukuha ng kanyang pera. kaya agad sya pumagitan sa dalawa at agad nyang inalalayan si malena upang makatayo. "tama na ho" wika ni demas. " wag kang makialam dito demas.. yan ang nararapat sa mga katulad nyang manguumit" wika ni viral na ambang sasaktan muli si malena. " wala syang kasalanan.. ako... ako!! ang may kasalanan!!! ako ang umuumit ng mga pera nyo" pagaako ni demas bago ilabas ang mga pera bigay sa kanya ni malena. " ito.. itong mga salaping ito ang magpapatunay na ako ang tunay na nang uumit ng inyong mga salapi . "
pagsisinungaling ni demas.
sa puntong iyong ay kaagad na hinawakan ni viral si demas sa leeg" wala kang utang na loob..matapos namin gawin ang lahat lahat ng nakakabuti para sayo..ganto pa ang igaganti mo" galit na wika ni viral bago paulit ulit na pagbuhatan ng kamay si demas. "tama na!!viral maawa ka sa kanya..hindi bat mas nababagay sa kanya ang ipakulong na lamang.." ani ni malena" talagang ipasusublung ko sya sa nakakataas " ani ni viral na agad umalis upang maghanap mg maghuhuli. "bakit mo iyon ginawa demas.. hindi mo naman kailangan gawin ang bagay na iyon" ani ni malena. "alam ko pong mali ang ginawa nyo... at mali rin ang ginawa ko na pagtakpan kayo sa nagawa nyo.. tinanggap nyo ko sa inyong tahanan..
inalagan at hindi itinuring na iba.. at ang mga bagay na iyon ay hinding hindi ko na masusuklian kailanman..mas nanaisin kong pang panagutan ang inyong ginawa kesa masira ang iyong pagsasamahan.. wala na kong pamilya.. dahilan kong bakit kayo na ang tinuring pamilya.. at di na ko ulit makakapayag na muli pang mawala o masira ang pagsasama niyo ni ginoong viral" ani ni demas.