Chereads / the saint and the sinner / Chapter 8 - chapter 8

Chapter 8 - chapter 8

sa ikalabing limang pag hahari ni teberyo si pucho pilato na ang naging gobernador ng judea at si herodes naman ang puno sa galelia habang sina anas at kaypas naman ang mga punong pari.

mabilis na lumipas ang panahon. mula sa baog na parang na tinubuan na ng mga bulaklak, mga batis na natuyo na naging lawa di kalaunan.. at ang mga kabundukan nananatiling matatag.. lahat silay nanatili sa panahong nagdaan.

tulad na mapayak na buhay noon nila gestas kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si tyan ay nananatili iyong matatag sa loob halos ng tatlongpong taon. bagamat may edad na ang kanyang mga magula na si macar at alinda ay hindi iyon naging hadlang upang magsumikap sila sa araw araw.

sa loob din ng mahabang pabahon na iyon ay nakabisa na ni demas ang maraming lugar sa nazareth, at jerusalem.. gawa ng kanyang pag aangkat tatlong beses sa anim na araw..naging maganda rin ang pakikitungo ni viral sa kanya gayon din si malena na nawiwili sa sugal ng mga panahong iyon..

isang umaga na tila panaginip ang naganap ng araw na iyon.galing sa kagubatan si gestas na nangahoy ng mga sandaling iyon..na agad na umuwe na napansin nitong tila may nagkakagulo malapit sa kanilang lugar.. ang ingay at sigawan ng mga tao roon ang syang lalong nagpabilis sa mga paa ni gestas upang madaliin ang pag uwe..

ngunit sa kanyang pag uwe ay napansin nya ang magulong imahe ng kanilang lugar ang mga nagkalat na kagamitan mula sa labas. mga sirang karusa at nakakalat na barkilos at sa mga takot na tao at sa di kalayuan at narinig nya ang malakas na iyak ng kanyang ina at kapatid na si tyana.. habang sinisigaw ang pangalan ng kanyang ama..sa kanyang pagbukas ng pinto ay nakita nyang kalong ng kanyang ina sa kanyang kandungan ang wala ng buhay na ama.bago sya napatumba sa nakita.

nang mga araw na iyon ay dumating ang mga kawal na sapilitang naniningil ng buwis at ang sinumang walang maibigay o lumaban o hindi sumunod sa bagong patakaran na ipinaiiral ay kikitilan ng buhay.. ng mga araw din iyon ay nagtungo si alinda at tyana sa ilog upang magkula ng kanilang mga damit bagay na pinasalamat ni macar.. nang dumating ang mga maniningil sa kanilang lugar ay nanlaban si macar sa kadahilanan nais kunin ng mga maniningil ang lahat ng pilak na meron sina macar.. na di naman sinang ayunan ni macar bagamat naibigay nya na ang halagang hinihingi ng mga maniningil ay hindi parin nakuntento ang mga mapangabusong maniningil at sa puntong iyon at nagawang manlaban ni macar ngunit ang kanyang mga kamao ay hindi kayang bumali ng isang gulok.. gulok na ginamit ng kawal upang syang patayin at mabawian ng buhay. bago pa sya nakita nila alinda at tyana.

sa tatlong pirasong puting bulaklak na inilapag mula sa paahan ng libingan ni macar ay mataimtim na nanalangin at namaalam sila tyana, gestas at alida.. sa kanilang yunaong ama at asawa..

mula naman sa malayong lugar sa jerusalem habang papauwe si demas ay napadaan ito sa ilog jordan at doon ay napansin nya ang kumpol ng mga tao at ang isang lalaki na tila nangangaral

"magsisi kayo at mag pa bautismo at kayo'y patatawarin ng diyos nasusulat sa propeta ni isaias may isang sumisigaw sa ilang tuwirin niyong ang daraanan ng panginoon ..tatambakan ang bawat lambak gigibain ang bawat burol at bundok dapat tuwirin ang likonlikong landas at makikita ng lahat ang pagliligtas ng dyos"ani ni juan bautista na taga bautismo.

"ano ang dapat naming gawin" wika ng isang naroroon.

" kayo!!!!! kayong mga ulupong..ang sinumang may dalawang damit ay dapat mag bigay sa taong wala nito gayundin sa pagkain" ani ni juan.

at mula nga doon ay lumapit si demas habang kinakausap ni juan ang mga maniningil at mga kawal na wag mangngikil at mamintang

"ikaw ba ang kristo" wika pa ng isa.

kayo ay binabautismuhan ko sa tubig ngunit may darating pa na mas higit sa akin hindi ang ako ang may karapatang magkalag ng tali ng kanyang sandalyas....sya na mag babautismo sa ispirito at sa apoy. hawak nya ang kalaykay upang alisin ang dayami at titipunin ang trigo sa kanyang kamalig" ani ni juan.