Habang nag kakalamada naman ng kamalig si demas ay dumating si viral. " demas.. sanay mapatawad mo ako kung may nasabi man akong hindi ko dapat nasabi sayo kanina" dispensa ni viral. " wag nyo na pong isipin iyon.. kung tatanungin nyo po ako kahit na ang tutulungan at ang kakainin ko po rito ay sapat ng kabayaran kapalit ng paninilbihan ko po sa inyo." Ani ni demas. " ang bawat pagsusumikap ng isang tao ay dapat may magandang kapalit... kaya't sanay wag mong sayangin ang pagtitiwalang ibibigay ko saiyo" ani ni viral. Makakaasa po kayo" sagot ni demas bago magsimula sa kanyang mga gawain.
Pagkatapos na maipagbili nila macar at gestas ang mga tupa ay agad na silang umuwi upang bumili ng gatas. " maaari po ba akong makabili ng isang garapon ng sariwang gatas" tanong ni macar. " maari naman" sagot ng lalaki bago iabot kay macar ang sariwang gatas. " ito na ang binibili mong gatas" ani ng lalaki. " hindi ako ang dapat tumanggap ng gatas na iyan" wika ni macar bago tumingin kay gestas. " napakapalad mong bata.. Oh ito na ang iyong gatas.." ani ng lalaki matapos iabot kay gestas ang gatas. Ngunit ng mga sandaling iyon ay napansin ni gestas si Hesus mula sa kanyang harapan.. kaya agad nya itong nilapitan.." ikaw nga .. tama ikaw nga..ikaw ang ung batang nakausap ko sa templo kanina" ani ni gestas. " anak kilala mo ba sya" tanong ni macar. " opo.. sa pamamaraan ng kanyang pagsasalita ay tila po sya'y isang anghel na kayang ibigay ang inyong kahilingan" paliwanag ni gesta. " sya nga bang tunay"'tanong ni macar kay Hesus. " ang pananalig nya po sa dyos ang nagbigay katuparan sa kanyang kahilingan" ani ni hesus. "asan ang iyong mga magulang at anu ba ang iyong pangalan" tanong ni macar. " ako po ay humiwalay sa hanay ng aking ama at ina nang naisin ko pong mamalagi muna sa templo" paliwanag ni hesus . " ano ang iyong pangalan" tanong ni macar.. at doon ay nag isip si hesus kung kanya nga bang ibibigay ang kanyang tunay na pangalan. "Ang mahalaga ay manalig tayo sa diyos at mabuhay ng sa kanyang piling" malayong sagot ni Hesus. " mabuhay na kapiling ang diyos ( may naisip si macar) alam ko na ang Itatawag ko sa iyo.. Emanuel na ang ibig sabihin ay kapiling ng diyos ani ni macar. " napakagandang pangalan Emanuel." Ani ni gestas na agad namang sinang ayunan ni hesus. " kung mamarapatin mo Emanuel maari ka munang manuluyan sa amin hanggang hindi ka pa nahahanap nag iyong mga magulang" alok ni macar na hindi naman tinanggihan ni hesus at agad nga silang umuwi sa bahay nila gestas.
Sa balabal na halos ayaw bitawan ni gestas ay nagising sila sa tawag ni alinda. " Gesta anak bakit hindi pa kayo bumangon diyan ng iyong kaibigan na si Emanuel para makapag agahan" tawag ni alinda na agad namang sinunud ni gestas. " magandang umaga po ina.. sya po pala si Emanuel ang aking kaibigan" pakilala ni gestas. " kilala ko na sya anak.. na ikuwento na sya sa aking ng iyong ama.. Oh tara na Emanuel at kayo mag agahan na.." Aya ng ina. "Maraming salamat po.. ako po pala ay tutungo sa templo upang doon ay makinig..matapos mag agahan" ani ni hesus. " nakakatuwa ka naman Emanuel.. sa aking palagay ay may mabuti kang magulang dahil mabuti ka nilang pinalaki" ani ni alinda. " maari po ba akong sumama kay Emanuel sa templo ina." Ani ni gestas. "bakit hindi anak.. ang mahalaga ay tapusin nyo muna ang agahan.. sandali at ipaghahada ko kayo ng pag kain sa kaling magutom kayo... basta ang tatandaan nito bumalik kaagad kayo bago mag ikatatlo ng hapon maliwanag" ani ni alinda." Opo ina" sagot ni Gestas at agad nga silang nag agahan.
isang Tanghali ay umuwi si demas galing sa pagpapastol ng mga tupa." Oh demas napaaga yata ang iyong pagbalik galing sa pagpapastol" wika ni viral. "
Inihatid ko lang po ang mga tupa sa kapatagan" ani ni demas. "bakit ganoon kaaga mo sila ibinaba sa kapaatagan galing sa burol... hindi ba't ibinababa mo sila doon bago lumubog ang araw."ani ni malena. " gaanong na nga po.. ngunit sa pag kakataon Pong ito ay ninais ko pong ibaba muna sila sa patag upang hanapin ang isang nawawalang tupa.. labing pitong tupa lamang po ang bilang nila kaninang umaga.. sa pakuwari ko po ay mukhang naligaw ang isa.. kaya kailangan ko po syang mahanap bago pa po sya maabutan ng mga asong gubat " ani ni demas.. " natutuwa naman ako sayo demas.. ang ibang mamamastol ng tupa ay hindi na maglalaan pa ng oras para hanapin ang isang tupa kapalit ng labing pitong tupa. Ngunit ikaw mas ninais mong hanapin ang isa para sa lahat." Ani ni viral. "Dahil walang magulang na nakakatulog sa gabi lalo't alam nyang kulang ang kanyang mga anak." Wika ni demas. "Sanay ipagpatuloy mo pa ang maganda mong sinisimulan maraming salamat demas" Ani ni malena.