Samantala Mula sa templo na agad na tinungo ni gestas ay agad syang pumasok at doon ay nanalangin " nawa'y tulungan nyo po ang aking ama na maipagbili na po nya kaagad ang natitira pang tupa nang saganoon po ay mag ka roon na po ako ng bagong balabal at nakainum ng sariwang gatas" panalangin ni gestas. Mula doon ay nakita sya ni hesus na agad na lumapit sa kanya. "sino ka " tanong ni gestas. " kung ang iyong panalangin ay hindi lamang sa labi mo lumalabas ito ay diringgin ng diyos sapagkat hindi mo man ibuka ang iyong bibig.. ay naririnig nya naman ay iyong puso.. bakit di mo subukang balikan ang dahilan ng iyong panalangin.. manalig ka.. dahil walang hindi kayang gawin ang diyos" ani ni Jesus. " ang tinig mo ay tila isang anghel nawa'y magkatotoo ang iyong sinabi" wika ni gestas at agad na binalikan ang kanyang ama
Kasabay noon..matapos kausapin ni malena si viral at sabihin ang lahat lahat ng tungkol kay demas ay agad na bumalik si viral at malena kung saan naroon si demas.
" lima hanggang siyam na oras ka maninilbihan samin bilang obrero..ito ay hahatiin mo sa tatlo,
sa umaga sa tanghali at sa hapon.. may nakalaan naring pagkain para sayo para sa buong mag hapon ang titirahan at kakainin mo dito ay hindi ko na iaawas sa ibabayad ko sa iyo .. ang araw ng linggo ang iyong pahinga.. labing dalawa hanggang labing limang pilak ang halagang ibibigay ko sa iyo.. pagaralan mo narin na sumakay sa asnong kabayo kung hindi mo ito alam.. at magkaroon ka ng mahabang pasensya para sa napakadaming tupa maaari mong alagaan.. pag may pag kakataon ay maaaring ikaw narin ang magangkat ng mga angkatin natin mula sa malayo" ani viral na kina tuwa naman ni demas. " maraming salamat po sa inyo" pasasalamat ni demas.
Mula naman sa malayo masayang bumalik si gestas.. ngunit habang sya ay papalapit sa kanyang ama ay nawala ang mga ngiti nito.
" bakit parang malungkot ka anak.." ani ni macar na napansin gestas na nakatingin sa isang tupa. " ang buong akala ay mabibili na ang natitirang tupa ito sa aking pag babalik" ani gestas at yumuko.. sa kanyang pag yuko ay di niya napansin ang kanyang ama na tumungo mula sa kanyang likuran at Mula Doon ay nakita ni gestas ang isang bagong balabal na inilagay ng kanyang ama sa kanyang likuran.. " isang bagong balabal" masayang Wika ni gestas. " tama ka anak.. para iyan sa iyo.. hindi namang kailangan na maubos ang mga tupang aking ipinagbibili para hindi kita mabilan ng bagong balabal" ani ni macar na agad na niyakap ni gestas. "maraming salamat po ama" ani ni gestas.. " mawalang galang na po hindi ko nais sirain ang magandang pagkakataon na meron kayong mag ama.. nais ko lang sanang itanong kung ipinagbibili mo ba ba ang tupang ito" ani ng mamimili. " opo.. sa pitong pilak po namin sya ipinagbibili.. sana po ay bilhin nyo na po sya" alok ni gestas. "Sino ba naman ang maka katangi sa isang nakakaaliw na batang katulad mo.. o sya sige bibilhin ko na siya" ani ng mamimili. " talaga po maraming salamat po.. " ani ni gestas bago mabili ang kanilang natitirang tupa.