Chereads / the saint and the sinner / Chapter 4 - chapter 4

Chapter 4 - chapter 4

Isang mabangong umaga ang gumising kay gestas. "mukhang masarap po ang inyong niluluto aking ina, umabot ang amoy nito hanggang sa aking higaan kaya agad akong bumangon, kaarawan nyo po ba ina" ani ni gestas. "anak hindi lang sa bawat kaarawan ng isang tao ka dapat magluto ng minatamisan, nawala ba sayong isipan ngayon ang kapistahan ng paskwa"ani ni alenda. " oo nga po pala' nakalimutan ko? nga po pala ina nasan si ama"tanung ni gestas. "naroon sya malapit s templo kanya nang ipinagbibili ang karamihan sa mga alaga nating hayop, sapagkat maraming tao ngayon doon "ani ni alinda. "maaari ko po ba puntahan si ama" tanong ni gestas. "bakit hindi anak, basta sa isang kundisyon tulungan mo muna ako maghalo ng minatamisan, at pagkatapos ay maaari mo namang puntahan ang iyong ama" paliwanag ni alinda na agad namang sinun0d ni gestas.

nang marating nila jose't maria at ng mga kasama nito ang bukana ng templo ay sadyang namangha si hesus " napakalaki po pala ng templo ina" wika ni hesus ngunit sa di inaasahan marahil narin sa pagkawili ni hesus sa kanyang nakikita ay na wala ito mula sa hanay na kinabibilangan ng kanyang ama at ina.

sa isang nakagaraheng karusa ay nagising si demas sa isang sigaw "ikaw bata!! bakit diyan ka natutulog sa aming karusa umalis ka nga diyan? marahil ay mang uumit ka"wika ng isang babae. "nagkakamali po kayo, ako po ay namamahinga lamang po rito" ani ni demas. "kung ganoon bakit ka rito natutulog? asan ba ang magulang' saan ka ba nakatira"(ngunit di agad na sumagot si demas) ano tinatanong kita.. tanong ng babae. "wala na po ako tahanan' matagal na po akong naninirahan sa lansangan at nanlilimos'namatay na po kasi ang aking mga magulang sampong taon na po ang nakalipas"paliwanag ni demas

"ang akala mo siguro ay malilinlang mo ako! nag kakamali ka, isa kang sinungaling,, mabuti pa ay umalis kana dito!"ani ng babae. kaya agad na umalis si demas. ngaunit sa pag alis ni demas ay agad napansin ng babae ang pagiging madungis ni demas dahil sa marumi nitong kasuutan at wala rin itong suot na panapin sa paa at may kapayatan na rin ang pangangatawan nito "sandali lang" ani ng babae na nagpahinto kay demas. " kung totoo man ang lahat ng iyong sinasabi.. bibigyan kita ng pagkakataon upang patuyan ang iyong sarili, manilbihan ka sakin.. bilang obrero uupahan kita upang panilbihan sa akin.. tawagin mo nalang akong malena" ani ni malena agad naman sinangayunan ni demas.

matapos gawin ni gestas ang gawaing ibinilin sa kanya ng kanya ina ay agad nga itong nagpunta ng templo para puntahan ang kanyang ama. "ama" sabik na sigaw ni gestas ng kanyang makita ang kanyang ama. " oh gestas anak, kasama mo ba ang iyong ina" tanong ni macar. "hindi po ama naroon po sya sa bahay at naghahanda" wika ni gestas bago pagmasdan ang isang tupa."sa magkanong halaga nyo po ipinagbibili mga tupa"ani ni gestas. " ang tupang ito ba..sa pitong pilak ko sila ipinagbibili"sagot ni macar bago namansin na tila nagbibilang si gestas. " bakit tila binibilang mo yata ang mga tupa "tanong ni macar. "ang ibigsabihin po ba ay may dalawangpu't isang pilak na po kau na nalilikon." ani ni gestas. paano mo naman nasabi ha anak"sagot ni macar. "sapagkat alam ko po ang bilang ng ating mga tupa' apat po ang tupang meron tayo sa atin.ang tatlong nabili at ang isang iyan na hindi pa nabibili"ani ni gestas

"paano kung sabihin ko sa iyong nagkakamali ka, labing apat pa lamang na pilak ang meron ako dito..alam mo kung bakit,dahil dalawang tupa palamang ang aking naipagbibili ang isang tupa ay iniwanan ko sa atin sapagkat hindi siya maaaring ipagbili dahil sya ang ina nga mga tupa at pararamihin pa natin sya ang isa naman ay ang isang ito na hindi pa na bibili"sagot ni macar. "Gano'n po ba sana'y mabili na po siya kaagad" ani ni Gestas. " ipanalangin mo anak dahil kapag nangyari iyon ay ibibili kita ng bagong balabal at ng sariwang gatas ani ni macar. " talaga po ama" sagot ni gestas na agad na tumakbo palayo matapos magpaalam kay macar na sya ay tutungo sa templo.

Samantala muling nagulat si demas dahil naman sa sigaw ng isang lalaki. " ikaw bata sino ka at anung ginagawa mo dito sa aming kamaligan marahil ay isa kang manguumit" wika ng isang lalaki. " nagkakamali po kayo ako po ay pinatuloy dito ni ginang malena...sinabi po nya na dito raw ako maaaring magpahinga matapos kong mag trabaho sa inyo bilang obrero"paliwanag ni demas. " magtrabaho!!!! at sino naman ang niluluko mo" galit na wika ng lalaki bago dumating si malena.

" viral huminahon ka. Totoo ang kanyang sinasabi sya ay trabahador na natin mula ngayon" paliwanag ni malena.

" alam mong hindi ako sang ayon sa mga bagay na ikaw lamang ang nagdidisisyon" galit na wika ni viral bago sya dalhin ni malena sa labas upang ipaliwanag na ang lahat ng tungkol kay demas