" ano ang kailangan nyo samin.. bakit kayo naririto.."wika ni matiyas. na agad na pinigilan ang isang kawal na pupunta kung saan naroon si demas.. Ngunit agad naman din syang tinulak nito sa sahig.. at mula sa sahig ay nandilim ang paningin ni matiyas dahilan kung bakit nagawa nyang kunin ang kanyang tabak at akmang itatabak sa isang kawal... ngunit.. sa di inaasahan bago pa maitarak ni matiyas ang kanyang tabak ay naramdama nya na mula sa kanyang likuran ang isang mahabang sibat na tumagos sa kanyang dibdib, bagay na kanyang ikinatay.. " matiyas!!!! asawa ko" sigaw ni arona. " mga wala kayong puso" wika ni arona at tumayo ay sumugod sa mga kawal ni herodes... ngunit agad na hinawakan sa leeg si arona ng isang kawal at inihagis ito sa isang pader na may nakauwang na bato at sa di inaasahan ay nawalan din ng buhay si arona. mula nga sa maliit na kahon kung saan naroon si demas ay kitang kita nya ang lahat kung papaano namatay ang kanyang ama at ina sa kamay ng mga kawal ni herodes dahilan kong bakit sya lumabas sa kahon na iyon. " ama!! ina!!"mga wika ni demas na may kasamang luha.. ngunit mula sa kanyang uluhan ay naaninag nya ang isang tabak na malapit nag dumampi sa kanyang leeg at wala na syang nagawa kung di ang pumikit na lamang .
" sandali" wika ng isang kawal na nagpatigil sa isang kawal na balak syang patayin. " pagmasdan mo ang batang iyan sa kanyang itsura't panganggatawan ay mukang hihigit na sya sa bilang na dalawang taon.. hindi ba't kabilin bilinan ni haring herodes na ang mga batang may edad na dalawang taong pababa lamang ang ating papaslangin" wika ng isang kawal" kaya agad nilang iniwan si demas. matapos iyon ay agad nang umalis ang mga kawal ni herodes sa kanilang lugar. hanggang naiwan naman sa lugar na iyon ang mga luha't paghihinagpis ng mga magulang na nawalan ng mga anak na tangi nilang kayamanan ..at nang mga sandaling iyon ay umalingawngaw ang katahimikan ng luha at bumalot sa kadiliman ang bawat kalungkutan.
" isinisumpa ko..darating ang panahon napagbabayaan nyo ang lahat nang ito.. isinusumpa ko." mga wika ng batang si demas na napuno ng galit ang puso..
Isang beses sa isang taon ay ipinagdiriwang ng bayan ng jerusalen ang taonang pista ng paskwa o ang araw kung saan nakalaya ang mga israelita sa mga egipkto.
sa araw din na iyon ay gumagawa sila ng tinapay na walang halong pampaalsa na kanila nang nakagawian. sampo ng mga pangkat nila maria at jose ay taon taon din silang nagpupunta sa jerusalen upang roon ipagdiwang ang araw ng paskwa. sampong taon ang lumipas nang sampong taong gulang na si hesus ay isinama sya ni maria at jose sa jerusalem sa unang pagkakataon para makita o maranasan nya ang araw ng paskwa na taong tang ginagawa nila maria at jose at ng kanilang mga kasama.
sa sampong taong lumipas ay napakadaming nagbago. si gestas at ang kanyang mga magulang n si macar at alinda ay mas guminhaw ang buhay. kanilang ipinagbibili ang kanilang mga alagan gansa o tupa. na pinanggagalingan nga kanilang kita para sa pang araw araw. taliwas iyon sa buhay na meron c demas. matapos mawala ng kanyang mga magulang at maulila ng halos sampong taon ay naging tahanan na nito ang bawat lansangan ng jerusalem. natoto rin sya mangumit dala nang kawalan ng pagkain o maiinum at ang malamig na lupa ang nagsilbing higaan nya sa bawat gabing lumilipas
"sadya po palang napakasaya na ipagdiwang ang pasko na paskwa ina"wika ni hesus "alam naming na magugustuhan mo ang pista ng paskwag kaya ka namin isinama dito" wika ni maria. "hayaan mo anak taon taon tayong babalik dito magmula ngayon"ani ni jose.
Mula sa retasong kinalagan ng tali na sisidlan ng pagkain ay nagsimulang kumain si demas. "sanay araw araw ay pista na lamang ng paskwa. Nang sa ganun ay araw araw akong makakain ng higit pa sa aking inaasam. mabuti nalamang ay may iilan na maawain na nagbigay sa akin ng mga makakain"ani ni demas sa sarili.