"sino sila at bakit sila naririto" tanong ni alinda. "ako po si jose at ito naman ang asawa kong si maria.. kami ay nanggaling pa sa nazaret. nais po sana naming makituloy at dito na mag palipas ng gabi para sa panganganak ng aking asawa"ani ni jose. "tulad nga nang sinabi ng aking asawa wala kaming ibang maiaalok sa inyo... ngunit kung inyong mamarapatin sa aming kamaligan sa badang likuran ay may maliit kaning sabsaban na maari nyo matuluyan" alok ni alinda.
hindi na nag sayang ng oras si jose at agad nga nilang tinungo ang naturang sabsaban.
ilang oras ang lumipas.. sa iyak ng isang sanggol ay tumila ang malakas na ulan na tila apoy sa kandilang biglaang nahipan.. mula rin sa kalangitan ay lumitaw ang malaki at makinang na tala na nag sasabing isinilang na ang anak ng diyos.
" inyong puntahan ang lugar na hindi nyo ipinagdamot sapagkat naroon ang sanggol na anak ng diyos.. magbigay Kayo ng papuri sa kanya katulad ng pagpupuri nyo sa diyos" wika ng isang anghel sa magasawang alinda at macar.. kaya kagad nga nilng pinuntahan ang naturang sabsaban.
nang puntahan ng magasawang macar at alinda ang sabsaban ay nakita nila ang sanggol na sinasabi ng anghel. kaya agad na binalot ni alinda ang sanggol sa malinis at puting lampin. kasabay noon ay dumating din ang mga taga pastol sa bundok na may kanya kanyang dalang alay para kay hesus. at mula sa likuran ng mga pastol ay lumitaw ang tatlong pantas o hari na sina gaspar, baltasar at meltiyor na nagalay ng ginto insenso at mira. " hesus ang itawag nyo sa kanya sya ang anak ng diyos nating nasa langit na sya nag buhos sakin ng ispirito santo upang aking isilang ang kanyang anak"mga wika ni maria bago lumuhod at nagbigay puri kay hesus na anak ng diyos.
ngunit nang mga sandaling iyon ay walang nakakapansin sa batang si gestas habang ito ay nakatingin sa lahat ng nangyayari mula sa kanyang kapaligiran.
ilang oras lamang ang lumipas nang babalikan sana ni macar sina jose at maria sa naturang sabsaban ngunit nagulat ito dahil wala na sila roon sa lugar kung saan nila ito iniwan. "alam kong inahanap mo sila" wilka ni gaspar na lumabas mula sa likod ni macar. " sya ngang tunay.. asan na sila.." tanong ni macar. " sabihin nalang natin na ang mas mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni hesus.. ikaw at ang iyong asawa ay mas mainan na lisanin muna ang itong bethlehen.. isama mo ang iyong anak kung nais mo pa syang makasama nangmatagal" mga wika ni gaspar na agad namang sinunod ni macar ng walang alinlangan.
isang karumal dumal na umaga ang gumising sa bayan ng bethlehen at ng mga taong nasasakupan nito. mula sa mga nagliliparang barkelyos at mga kagamitan na nasa labas ng bawat tahanan ng mga taga bethlehen. ay nagising sila sa isang madugong umaga.
sa ilalim ng pamumuno ni haring herodes at sa kagustuhan nyang maipapatay ang sanggol na si hesus. ay ipinagutos nito na ang lahat ng bata sa bethlehen na may edad dalawang taon pababa ay patayin at pugutan ng ulo.
sa maliit na siwang ng bintana ay kitang kita ni arona at matiyas ang walang awang pagpatay at pamumugot ng mga ulo sa lahat ng mga bata sa kanilang lugar. hindi man nila alam kung ano ang nangyayari ngunit ang tanging pumapasok lamang sa kanilang isipan ay ang kaligtasan ng kanilang anak na si demas. sa isang kahon na imbakan ng mga damit ay pilit pinagkakasya ni arona ang kanyang anak upang ito ay itago. " ano pong nangyayari ina.. natatakot po ako" tanong ni demas
." huwag kang lalabas dito anak kahit anong mangyari ipangako mo yan.. ha " paliwanag ni arona.. ngunit nagulat sila ng biglang bumukas ang kanilang pintuan at doon ay tumambaan sa kanilang harapan ang mga kawal ni herodes.