Nakaalis ang mga magulang ni Noel habang siya ay naiwang nakatulala, nagiiyak at nagsisisi sa nagawang kasalan. Heto siya! Nakalugmok sa sahig, nasa opisina pa rin siya hangang ngayon tila di malaman ang gagawin at malapit na ang event para sa gagawing expanding branches na i-aanunsyo sa lahat.
Naalala ko ang sinabi ni Papa sa akin..
Flash Back..
Hinagis ng ama ang isang sobre at pinatingin sa akin laman, mga litrato na pumasok kami ni Lucia sa hotel, pati ang bakasyon nila ni Emily at Sydney at pati yung sa club.
Tila nanigas sa sahig si Noel.
"Ngayon, paano ka hihingi ng kapatawaran sa mga magulang ni Emily?" ang mga sinambit ng Ama ay nakakatusok sa puso, nakakasakit ngunit lahat ng yun ay deserve ko dahil sinaktan ko lang naman si Emily.
Back to Present..
"Anong gagawin ko?" he sigh, inangat ko ang kamay ko upang makakapit sa lamesa patayo pagkatapos ay umupo sa sariling upuan.
_____________________________________________
Nagpahinga si Emily sa hospital bed at sa gilid ko ay si Blake nang maalala ko niya ang pinagbubuntis nito "Ang baby ko?" sambit ko na medyo nataranta sa pagkakabangon.
"it's okay! the baby is alive" sabi ni Blake, nakahinga ako ng maluwag. Hinawakan ko ang tiyan ko, nagpasalamat ako dahil buhay pa ang baby sa sinapupunan ko.
Nagpapasalamat ako sa babaeng nagligtas sa buhay ko. 'Yung babae naglistas sa buhay ko. Nasan na siya?'
"May babae, niligtas niya ako" sabi ko napapaisip kong sabi habang tulala sa kawalan.
Naalala ko ang nakaraan bago ako nawalan ng malay..Nawawalan na ako ng pag-asa, umiyak ako ng umiyak. Nang bigla may kumatok sa gilid ng kotse.
"Sino ka?" isang babae lumangoy nakapang- hospital suit, sinenyasan ako ng babae. May hawak ito na patusok at itatarak sa salamin ng kotse, sa sobrang lakas ay tumalsik sa akin ang mga bubug. Buti na lang nakaiwas ako.
Kinuha ng babae ang kamay ko at hinila ako paalis ng kotseng patuloy na lumulubog, nawalan ako ng malay. Yun lang ang naaalala ko at nawalan ako ng ulirat.
"Si Gabriella ba ang tinutukoy mo?" nabigla ako at napalingon kay Blake, nagbalik ako sa kasalukuyan.
"Gabriella ba..ang pangalan niya?" tanong ko.
"Oo! She's my younger half sister" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya "She's dead! Because she save you, she lost her baby just to save you" mas ikinabigla ko ang mga sinabi niya.
"Anong nangyar?"
"Umibig ang kapatid ko sa maling lalaki at iniwan siya nito, pinagpalit sa iba. Buntis siya nang biglang nawala na parang bula ang lalaking yun. Sinubukan ko siya pigilan para wag magpakamatay, yung pinakahuli nang niligtas ka niya. Tumalon siya sa dagat dahil nasaksihan niya na pagtatangkang sa buhay mo. Pagkatapos natagpuan ko kayo sa dalampasigan na walang malay kaya isinakay ko kayong dalawa sa kotse patakbo dito sa hospital. Nagising si Gabriella at nalaman niyang nawala ang baby niya kaya mas lalong nagtumindi ang pagnanais na magpakamatay, tumalon siya sa rooftop at nahulog. Hangang ngayon, iniisip ko pa rin ang masasayang alaala na magkasama kami sa sobrang close" sabi ni Blake.
Napangiti ako ng pilit, base sa kuwento niya. Si Gabriella ay mabait at maunawain. "Nalulungkot ako sa pagkamatay niya."
"Kakalibing niya palang mga isang linggo na pero nandito pa rin ang sakit."
"Condolence!" ngiting pilit tila nalulungkot sa pagkamatay ng kapatid. Tumayo si Blake pagkuway kinuha ang remote at pinindot sa patutok sa TV.
Isang balita kung saan si Noel at Lucia ay nasa malaking event at kinausap sila ng mga press. "We are engaged!" sabi ni Lucia saka ngumiti sa lahat.
Engaged na silang dalawa pero kamamatay lang ng asawa ni Noel ay gusto ulit mag-asawa, sabi sa balita. Nagpadilim sa paningin ko sa ikinuyom ang kamao.
'Walanghiya ka Lucia, kung iniisip mo na nagtagumpay ka sa mga plano mo na patayin ako.. puwes nagkakamali ka! Gagawa ako ng paraan para di matuloy ang kasal niyong dalawa!' galit na sabi ko sa isip.
______________________________________________
Hinila ni Noel si Lucia palayo at itinago kung saan walang tao at walang makakarinig.
"What the hell is that? Ha! Bakit mo sinabi sa lahat na engaged na tayo at malapit na ikasal!" pagalit kong sabi, di ko akalaing ganito ang mangyayari ay dapat di ko na isinama si Lucia sa event na ito.
"At bakit ha! Buntis ako, kaya pakasalan mo ako!"
'Nakakahiya!'
"And do you think na gagawin ko yun, sana di na lang kita isinama dito."
"I-i can't! Kahit patay na si Emily ay di pa rin basta-basta ang ganito ha! Padalos-dalos" iniwan ko na siyang nagiiyak sa sulok.
"Sa ayaw at sa gusto mo pakakasalan mo ako Noel, gagawin ko ang lahat para mapalitan si Emily di lang sa puso mo pati na rin sa pagiging asawa mo" sabi ni Lucia sa sarili saka tumawa na parang wala sa katinuan.