Tumikhim muna ako para bitawan na ako ni blake sa pagkakayakap, kumalas siya sa akin na napagtanto ang posisyon nila.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Blake.
I want to take revenge against that bitch herself, Lucia. Kapag nalaman niya na buhay ako alam kong kaya niya ulit ako ipapatay kung kinakailangan.
"Gusto kong bumalik para maghiganti" her face became an anger and she clenched her fist full of repugnance. "Pero gusto ko isagawa ang plano ko.. sa pamamagitan mo, I need your help."
"Tulong ko?" nanlaki ang mga mata ni Blake sabay turo sa sarili. Tila nag-isip pa siya kung anong gagawin ni Emily kung bakit damay siya sa gusto nito. Mukhang alam ko na kung ano ang plano ni Emily para kay Lucia at Noel.
______________________________________________
Pinapunta ni Blake ang Ina nito na Zenaida sa hospital at ipinakilala siya nito sa harapan niya.
"Mom! Meet Emily! Emily meet Mom Zenaida."
"She's gorgeous Blake" papuri nito sa akin, di ko alam kung bakit ganun na lang ang ningning ng mata nito nang ipakilala siya ni Blake rito "siya na ba ang ikinukuwento mo sa akin?"
"Yes!"
"Mukhang magugustuhan ko siya" may something sa sinabi nito, may bahid na panunukso ang tinig.
Ngumiti ako ng mapakla.
Tinulungan ako ng Ina ni Blake para sa aking pagsisimula at pagbabagong buhay. Tinulungan niya ako na ipasilip ang aking anak na si Sydney, naghihintay lang ako ng tamang tsempo para makita siya.
Nakikita ko din kung paano saktan ni Lucia ang anak ko, "konting tiis na lang anak at lilitaw ako" yun ang salita na namutawi sa ang aking labi habang umiiyak, bago ako umalis sa bahay.
Maraming pinagdaanan si Emily upang magkaroon ng sariling pangalan at negosyo. Nariyan ang pagpapalit na identity sa lahat, maraming pagbabago.
Pinalitan ang kaniyang pangalan, birth certificate, nag-aral siya na makipaglaban. Sumubok siya ng muay thai, ju jit su, taekwondo at kung paano gumamit ng baril.
Isama pa ang plastic na puwedeng pumeke sa kaniyang finger prints kung sakaling may makadiskubre sa kaniyang pagkatao at DNA test niya at iba pa.
Nag-hire si Blake na magaling magturo kung paano maging susyal, kung paano kumain ang isang mayaman. Kung paano maging seductive sa lahat nariyan ang pagmomodel ko sa paglalakad at kumilos bagamat mayaman naman talaga ako pero di sapat yun noon.
Naging magaling ako make up artist, naging professional business woman sa bansa. Kaya nagbalik ako ulit upang singilin si Lucia at bawiin ang lahat na kinamkam niya pero bago yun ay di pa kapansin pansin ang tiyan niya sa loob ng isang buwan kalahati.
Sexy pa rin siya dahilan na di pa napapasin ang dinadala niya.
Nagpadala ako ng regalo kay Lucia at inutusan ko ang isa ko sa mga tauhan, isang gift na talagang matatakot at kakabahan si Lucia.
______________________________________________
"Ma'am may nagpadala po sainyong regalo" anang tauhan ni Lucia, naging kapansin-pansin ang paghina ng mga sales ng products ukol sa mga make-up niya at tila nawala ang dating maganda at malakas na benta nito.
"Ipadala mo dito" utos ko.
"Ito na po ma'am!" sabay bigay sa akin, pagkabukas ko. Tumambad sa akin ang dugong larawan ko at nakasulat na "Murderer!"
"Aaaayyyy!!!!" napasigaw si Lucia dinig sa kabila ang pagsisigaw niya. Biglang napalapit ang ibang empleyado.
"Ma'am ano po problema?" nagtataka ang isang babaeng empleyado niya.
"Tinatanong po pa kung anong problema ko, ilayo niyo sa akin!! ILAYO NIYO!!!"
"O-opo ma'am!" anang babae natataranta, nagtaka ito kung bakit napasigaw ang boss nila. Agad dinala ng babae ang regalo at itinapon sa basura.
Sumidhi ang takot, kaba, at panginginig ni Lucia. Wala naman siya pinatay bukod kay Emily kaya pinagtataka niya ay sino ang sender at bakit nito pinadala sa akin yun.
Nakaramdam na bahagyang sakit sa tiyan si Lucia. Naramdaman ko na lang na dinugo ako "Shit! Wag baby! Wag ngayon please!" matapos nito ay nawalan ako ng malay.
______________________________________________
Nagising si Lucia ay nasa hospital na siya, kinapa ako ang aking sarili. Bahagya ako bumangon at nanghihina.
"Gising ka na pala!" anang Doctor, sinuri niya ako at pagkatapos ay.. " ibibigay ko sa'yo ang mga vitamins para di ka na ulit mahilo."
"Doc! Ang baby ko?"
"Baby?" kumunot noong nagtataka ang doctor.
"Ang baby ko?" inulit ko ang sinabi ko sa kaniya.
"Your not pregnant Lucia!" tila bomba sa aking pandinig ang sinabi nito.
"Pero-! Paano niyo po maipapaliwanag ang pregnancy test tapos yung mga sintomas na pagbubuntis? Nagsusuka ako, nahihilo ganun?"
"Pero di ka buntis Lucia. Akala mo lang sa isip mo na buntis ka pero hindi. You have a false pregnancy or phantom pregnancy this is cause of a woman believe that she's pregnant, but it doesn't" paliwanag ng doctor.
"I-ibig sabihin.. Hindi talaga ako buntis?"
"Yes! Ms. Lucia."
'Hindi! Di puwedeng mangyari ito, kapag nalaman ni Noel na hindi talaga ako buntis ay siguradong di niya ako pakakasalan' sabi ng isip ni Lucia.