"Condolences Blake!" sabi ng mga kakilala sa akin, nakita ko sa pinakaibaba ang kabaong ng kapatid. Nahulog siya sa building at huli na nang upang iligtas ito, ngayon ay nililibing na may lungkot. Kasama niya na ang anak sa langit.
Kasama ko ang ina ko at katabi habang nagluluksa. Lahat kami nakaputing damit, di ako makapaniwala na wala na ito.
"Mama! Uwi na tayo" tumango lang ang ina habang di pa rin paawat ang pagiyak. Napakabait ng kapatid ko para mamatay ng ganitong kamiserable.
Nakaalis sila na may lungkot at pangungulila sa kapatid, na ilang taon na iningatan at inalagaan.
______________________________________________
"Blake magugulat ka sa sasabihin ko!" ani ni Doctor Lee sa akin nang makabalik ako sa hospital. Hinatid ko muna ang ina bago ako umalis ulit.
"What is it?" kunot noo binalingan ko ng tingin si Doctor Lee.
"Yung babae, buntis pala siya" nanlaki ang mga mata ko at pinuntahan ang silid nito. Di pa nagigising ang babae. Sa nangyari sa kaniya ay medyo maputla pa at may sugat sa ulo. Mga one week na nakaraan ay di pa rin nagigising ang babae.
"Ayon dito! Nagkaroon siya ng trauma sanhi ng pagkalunod, medyo nagkaroon ng sugat ang bahagi ng ulo niya sa pagkabagok sa pagkahulog sa bangin. Ano kaya ang name niya?" tanong at curious ni Doctor Lee sa akin habang pinagmamasdan sa pagtulog.
"I don't care about her, siya ang dahilan kung bakit namatay ang sister ko. Kung hindi sana niligtas ni Gabriella ang babae ito eh di sana buhay pa sana ang anak niya at buhay pa sana ang kapatid ko, maraming sana!"
"Wag mong isisi sa babae ang pagkamatay ng kapatid mo dahil unang-una, umibig sa maling lalaki ang kapatid mo, pangalawa ay ang talikuran siya ng lalaki at di pinanagutan ang dinadala nito. Pangatlo ay paulit-ulit na nagpapakamatay si Gabriella dahil ayaw niya nang mabuhay. Ngayong patay na siya, sa babae mo sinisisi ang lahat! Bakit di mo sisihin yung lalaking di siya pinanagutan, ha!"
He clenched his fist, the old man is right. Ang lalaking yun ang may kasalanan. Alam ng lalaking yun na buntis ang kapatid ko ngunit mas pinili niya magpakalayo kasama ang pinalit kay Gabriella.
He glance at her and he saw her finger move slowly and her eyes are wide awake. Napatingin ito sa akin, ang noo nito ay nakakunot noo tila naguguluhan at may halong pagkalito.
"Sino ka?" sambit ng babae at akmang babangon ngunit pinigilan ko siya, napangiwi si Emily sa sakit ng ulo. Tinignan ang sariling katawan, puno yun ng mga galos.
"Ikaw! Sino ka at bakit ka nahulog sa bangin at nalunod sa dagat?" tanong ko sa kaniya. Inisip na mabuti ni Emily kung paano siya naputa aa kalagayan na ito, saka nagbalik ang mga alaalang naganap.
Mula sa nang malaman ko kung sino ang babae ni Noel, pareho kami buntis at hanggang sa pinagtangkaan akong patayin ni Lucia. Ang pagkahulog ko sa bangin at ang pagkalunod sa dagat.
"Walanghiya siya!" bumangon ang galit ko kay Lucia dahil sa ginawa niya sa akin at ang pang-aagaw nito sa asawa ko.
"Sinong walanghiya?" napakunot noong tanong ko, napansin ko ang naikuyom niya ang kamao at may galit sa mukha nito.
"Di lang niya inagaw sa akin ang asawa ko pati ang pagtatangka niyang patayin ako, nagawa niya" he saw her facial expressions. Her resentment, hate and anger.
"Anong pangalan mo?"
"Emily! Emily Shane Aguilar ay hindi, dahil may asawa na ako. Ang pangalan ko ngayon ay.. Emily Shane Raymundo" natahimik si Blake sa pagkarinig ng last name na 'Raymundo."
"Raymundo!" ulit ko, napaisip ako kung ano ang kaugnayan ni Noel kay Emily. "Anong kaugnayan mo kay Noel Raymundo?"
"Asawa ko siya."
"A-ano!?"
"Teka! Bakit kilala mo si Noel?"
"Kabarkada ko siya noong highschool."
"Ang tanging naaalala kong kaibigan niya ay di Vincent, pero di ko alam na may isa pa pala siyang kaibigan."
Natahimik siya bigla, bago pa ako tumayo ay pinigilan niya ako. "Please! Dito ka muna" tinignan ko ang mabalahibong kong braso sa humarap at umupo sa tabi niya.
"Can you help me?" pakiusap na sambit ni Emily, nag-init ang aking nararamdaman sa simpleng dantay ng balat nila. Ang mukha nito ay nangungusap.
"Anong klaseng tulong?"
"Help me back to my family! Sa asawa ko at sa anak ko, gusto kong ipaalam na buhay pa ako at di pa patay!"
"Di ba sabi mo kabit ng asawa mo ang mismong nagpapatay sa'yo, kapag nagpakita ka. Panigurado ako na ipapatay ka niya ulit, sa ngayon ay nakaligtas ka pero paano bukas, sa isa pang bukas o sa iba pang araw ay may mangyari sa'yo masama."
Di na nagpumilit ito, nakahinga ako ng maluwag. Nag-isip itong mabuti, na may punto din ako sa mga sinabi ko.
______________________________________________
Sa bahay ni Noel Madaling araw, binabangungot si Lucia sa guest room. Pabaling-baling ang ulo at di makakilos, nagkaroon siya ng sleep paralysis mula nang patayin niya si Emily ay di na siya nakadama ng katahimikan.
Umuungol siya, nakita niya si Emily sa panaginip. Basang-basa, tumutulo ang dugo sa ulo niya at lumuluha. Natakot si Lucia dahil patuloy na lumalapit si Emily sa kaniya.
May halong galit, hinagpis, lungkot poot at kung ano pa sa mukha niya. Ang mga mata nito ay lumuha ng dugo. Sa takot ko ay napaatras ako sa dulo ng kama.
"WAG!!! WAG KANG LALAPIT!!!" natataranta ako sabi. Kinuha ko sa drawer ang baril at pinaputok ito, ngunit kahit patayin ko ng patayin ay di ito tumutumba, oo nga pala multo pala siya. Patay na siya.
"PAPATAYIN KITA LUCIA!" sabay hawak ng mga kamay nito sa leeg niya at hinigpitan yun. Nagkada-ubo siya at di makahinga sa sakal ni Emily.
"T-tama na Emily!" pakiusap ko ngunit mas hinigpitan ang pagkakasakal.
"Hahaha! mamatay ka!"
Napabangon si Lucia, pawis na pawis, lumingon sa paligid. Natakot siya dahil sa mga pagpapakita ni Emily sa kaniya.