Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 160 - THE DETECTIVE

Chapter 160 - THE DETECTIVE

Umaga pa lang ay nasa gym na si Vendrick, hindi na siya makatulog mula nang humingi ng pagkain si Marble. Pagkatapos kumai'y muli itong nakatulog, hanggang ngayo'y di pa rin nagigisiing. Tamang-tama namang pinapupunta niya ang detective sa lugar na 'yun.

Eksaktong alas syete nang umaga ito dumating bitbit ang isang sliding folder at envelope.

Unang iniabot sa kanya ang sliding folder.

"Nariyan ang loan application ni Mr. Gab Saavedra sa LSO bank, panibago nilang application. Ang unang application ay nireject ni Miss Chloe Ortega dahil sa utos ng papa niyo," simula ng detective.

Napangiti siya sabay sulyap sa lalaki.

"You wanna be one of my executives nang di ka mahirapang mangalap ng impormasyon sa mga pinapagawa ko?" tanong niya.

Nagkamot lang ito ng batok pero di sumagot.

Matapos buklatin ang laman ng sliding folder ay tinungo niya ang lounge para umupo sa lounge chair saka kinuha sa lalaki ang envelope na hawak nito.

Mga pictures ang laman niyon, pictures ng ama habang may kausap na lalaki sa isang restobar.

Naruon din ang picture ni Marble nung gabing nagpunta ito sa club kasama si Cathy. May picture din si Gab kasama si Chelsea papasok sa isang kwarto at si Chelsea kasama ang isang babae sa labas ng kwarto.

Naruon din ang larawan ng isang lalaki sa labas ng club.

Kunut-noong napatingin siya sa detective na nanatiling nakatayo habang nakatingin sa mga hawak niyang litrato.

"I told you to look after my wife when she's out of my sight. But why are you spying on other people?" sita niya rito.

"They're important," tipid nitong sagot.

Tinitigan niya ang lalaki, sinuri kung gaano ito kaseryoso at muling binuklat ang mga larawan saka muling tumingala sa dito.

"This is not what I've commanded you to do. Sino'ng nag-utos sayong alamin ang mga galaw namin?" matigas niyang tanong dito.

Tumigas ang panga nito.

Nagtagis din ang kanyang mga ngipin saka galit na napatayo.

"Answer me!" hiyaw niya.

"I can't tell you," malamig nitong sagot.

Siya na rin ang sumuko sa pag-uusisa nang mapansing wala itong balak magsabi sa kanya ng totoo pero nahuhulaan na niya kung sino ang tunay nitong amo.

Muli siyang umupo, inisa-isang pinagmasdan ang mga larawan, pilit inaalam kung papaanong naging importante ang mga 'yun.

Mula sa kanyang amang may kausap na lalaki, pinagmasdan niya ang larawang iyon pero di niya makilala ang kausap ng una. Muli niyang sinipat ang larawan nina Gab at Chelsea papasok sa loob ng isang kwarto. Iyon ang gabing nagpunta sila sa club. Sunod niyang pinagmasdan ang larawan ng dating nobya at isang babaeng kamukha nito. Nakita na niya ang babaeng iyon na kausap ni Chelsea sa videocall habang nasa Canada pa sila. Ang alam niya, pinsan ito ng dalaga. Bakit ito naruon sa lugar na 'yun?

Sinipat niya rin ang larawan ni Marble kasama si Cathy at ang lalaking tila nakabantay sa labas ng club.

Paanong mahalaga ang mga iyon? Tila wala siyang maunawaan ngunit walang balak ang detective na sabihin kung anong ipinahihiwatig ng mga larawang iyon.

Napatayo siya, nagparuo't parito sa harap ng lounge, maya-maya'y natigilan saka napatingin sa lalaking nakatingin lang sa ginagawa niya, sinunggaban niya ito't pinakawalan ang isang malakas na suntok, muntik na itong mapasubsob sa lounge chair kung di nabalanse ang sariling katawan.

"Why didn't you protect her, huh?!" sigaw niya, nanlilisik ang mga mata sa galit.

"I was late. Besides, she was out of my concern," malamig pa ring sagot ng detective, nanatiling kampante ang mukha sa kabila ng ginawa niya rito.

"You fuckin' asshole!" Dinuro niya ito, nanlilitid ang mga ugat ng leeg sa galit habang lumalagutok ang mga buto niya sa kamao sa sobrang galit sa lalaki.

Pinahid nito ang dugong namuo sa gilid ng bibig saka sumulyap sa kanya.

"It was supposed to be your wife," tipid nitong wika.

Napanganga siya. Supposed to be his wife!? Biglang nagliwanag sa kanya ang lahat ng laman ng mga litratong 'yun at tila nag-aapoy ang mga matang tumingin sa kawalan, ilang segundong nagtaas-baba ang kanyang dibdib sa galit saka nagmamadaling naglakad papunta sa elevator nang habulin siya ng detective at hawakan sa braso.

"Calm down, sir. Hindi maayos ang problema kung idadaan mo sa galit ang lahat. The damage has been done," kampante nitong saad.

"Just ask yourself first. Why was there a girl other than her? Wasn't it a trap for Gab? What was her point? Gab was trying to trap your wife while she was trying to trap Gab. And why didn't she tell you about what happened that night? Why did she pretend to be fine? I was spying on her this whole month but it was as if she knew the guy whom your father had contacted," mahabang paliwanag ng lalaki, pilit ipinapaunawa sa kanya ang iba't ibang anggulo sa mga larawang nakita.

Tila siya nahimasmasan at curious na napatingin sa detective. Bagay talaga ito sa trabahong pinasok. Kahit papaano'y tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan pero di nawawala sa kanya ang pagmumukha ng amang ganid sa pera.

"Okay. I'll listen to you this time, but make sure nothing would happen to my wife. Kung hindi, you'll surely be sorry for your incompetence!" babala niya dito saka bumalik sa pagkakaupo sa lounge chair at tinimbang ang lahat ng gagawin, kung saan magsisimula at kung kanino makikipagkita--kay Gab ba para ayusin ang gusot nilang dalawa at sa pagitan ng kanilang mga magulang, kay Chelsea para huwag na itong umasa sa kanya at tuluyang bigyan ng tuldok ang komunikasyon nilang dalawa, o sa amang hindi niya alam kung bakit ganun kasama?

Tama ang detective. Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos ng desisyon. Kailangan niyang pag-isipang mabuti ang lahat. Marahil nga tama ang kanyang lolo nang gumawa ito ng paraan para mapilitan siyang umuwi at pag-ayusin sila ni Marble.

Tanda pa niya ang sinabi nito nang tanungin niya kung bakit ito nagkunwaring patay na.

"They're all after my money! Ayukong mapunta sa mga ganid na tao ang mga ari-ariang  pinaghirapan kong ipundar!" hiyaw pa nito sa kanya, halata sa boses ang sama ng loob sa mga tinutukoy.

"I don't have any choice but to choose Marble as my heiress pero ayuko ding mapahamak siya sa kamay ng mga anak kong ganid sa pera kaya gumawa ako ng paraan para mapilitan kang bumalik sa pinas," patuloy nito saka napabuntunghininga't tinitigan siya sabay haplos sa kanyang braso. 

"Apo, I knew you from the start. There is only Marble in your heart, right? Pagbigyan mo naman itong lolo mong malapit nang pumanaw sa mundong ibabaw. I am entrusting everything to you and Marble. Nakakaawa ang mga empleyadong nagtatrabaho nang maayos sa mga kompanya ko kung mga ganid sa pera ang mamamahala sa kanila. Have pity on them, apo." Humina ang boses nito, halata sa mukha ang pag-aalala para sa mga empleyado nito.

Ang akala niya noon, manipulative ang kanyang lolo. Ngayon lang niya napagtantong isa itong mabuting tao at isang ulirang boss ng halos limanlibong empleyado ng mga kompanyang pag-aari nito.

Seguro nga panahon na para magpaturo siya sa matanda kung papaanong ihandle ang mga ari-ariang ipinamana nito kay Marble habang buhay pa ito.