Hindi nakatinag sa kinatatayuan si Mr. Gabriel Saavedra nang mapagbuksan nito ng pinto si Vendrick bitbit ang isang sliding folder.
"D-drick!" bulalas nito, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.
"Good morning, tito! How are you?" bati niya, alanganing ngumiti.
"F-fine! Come in! Get inside!" Halata sa boses ng ginoo ang magkahalong gulat at nerbyos.
Nerbyos marahil na baka alam na niya ang mga ginawa nito para lang mapasakamay ni Gab si Marble at makihati ang mga ito sa yamang ipinamana ng kanyang lolo sa kanyang asawa.
Niluwagan ng ginoo ang bukas ng pinto ng opisina nito para makapasok siya.
Pagkapasok lang sa loob ay iniikot agad niya ang paningin sa buong paligid. Wala na ang mga larawan ng dalawang mag-bestfriend sa table nito na dati'y alagang alaga nito iyon pag nagpupunta siya duon kasama si Gab. Pati ang mga certificates tungkol sa negosyong naagaw ng kanyang papa five years ago na ay wala na rin duon.
Tahimik lang siyang umupo sa swivel chair sa tapat ng work table nito saka bumaling ditong tahimik din habang nakakunot ang noo.
"Tito, how have you been lately?" pagsisimula niya ng usapan nang makitang umupo ito sa sarili nitong swivel chair sa likod ng mesa at humarap sa kanya.
Nagpakawala muna ito ng isang buntunghininga bago tumingin sa kanya
"Drick, I don't know what you're up to but, I have to apologize for what I've done a month ago to your wife. It was I who forced Gab to do that," pag-amin na nito. Napansin yatang alam na niya ang lahat.
Napayuko siya, napatingin sa hawak na folder. Tama ang kanyang lolo, mabait ang ama ni Gab. Kaya lang marahil nito nagawa iyon dahil hindi ito makabangon sa pagkalugi sa negosyo.
"I didn't come here for that, tito," sagot niya.
Lalo itong natigilan, napanganga ngunit di nakapagsalita habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya.
Nag-angat siya ng mukha at iniabot ang hawak na sliding folder.
Takang binuklat nito ang kinuha sa kanya, napanganga uli pagkakita sa blank cheque.
"What is this?" usisa sa kanya.
"You can write the amount of money you want to borrow from LSO bank. But don't forget to sign the contract that we've made stating that our bank is one of your investors," sambit niya na lalong ikinagulat nito't napatayo na sa sobrang tuwa saka inilang- hakbang lang ang pagitan nilang dalawa sabay yakap sa kanya nang mahigpit.
"Drick, I don't know how to thank you for this. I swear, I didn't plan to destroy your friendship with my son," walang gatol na sambit nito.
"I know," tipid niyang sagot pero natutuwa siya sa pagiging honest nito, bagay na ikinaiinggit niya kay Gab sa pagkakaruon nito ng isang mabait na ama.
Kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya, siya nama'y napatayo na rin saka ito tinapik sa braso.
"Let's forget all of the grudges we've had before, tito. And sorry for the damages that my father had brought you. Last month ko lang nalaman kung anong ginawa niya sa'yo." Nagpakawala na rin siya ng isang buntunghininga ngunit nang makabawi'y ngumiti na rin.
Humalakhak ang ginoo sabay ganti ng tapik sa kanyang braso.
"Of course! Of course, iho. Let's not talk about it anymore," sang-ayon nito saka nagmamadaling dinampot sa mesa ang pen at sinulatan ang tseke. Fifty million pesos ang isinulat nito duon tulad ng hinihiram nito sa LSO bank noon. Pagkuwa'y pinirmahan na nito ang sinasabi niyang kontrata na di man lang binabasa ang laman niyon.
Lalo siyang humanga sa lalaki. Pwede nitong dagdagan ang halaga ng perang kukunin sa bangko at gawing doble pero di nito ginawa.
Napangiti na lang siya. Bihira na kasi sa panahon ngayon ang tulad ng ama ni Gab, hindi mapagsamantala sa pera.
"But wait, bakit ang LSO bank ang ginawa mong investor? Why not your name instead?" takang tanong nito pagkuwan habang ibinabalik sa kanya ng sliding folder.
"It wasn't my idea but that cunning old man," napangisi siya lalo nang mapansing naguluhan ito sa kanyang sinabi.
"Hindi na ako magtatagal, tito," paalam niya saka ibinigay ang isang copy ng contract dito.
Eksakto namang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang nagulat ding si Gab pagkakita sa kanya.
"What are you doing here?" bungad agad nito, sa kanya.
Nagmamadaling lumapit ang ama, hinawakan ito sa braso.
"Anak, pinagbigyan na tayo ng LSO bank sa loan natin. Makakabangon na tayo ngayon. Tsaka isa na ang bangko sa mga investors natin. Hindi na tayo mamomoroblema sa pera," masayang pagbabalita nito, halata sa mukha ang sobrang tuwa.
Ngunit tila hindi iyon narinig ni Gab at lumapit na sa kanya, iisa lang ang nakarehistro sa mukha, kung bakit siya naruon sa opisina ng ama nito.
"I just brought the contract and your father's cheque," malamig niyang sambit, ipinamulsa na ang isang kamay sa suot na pantalong maong.
Hindi ito nagsalita, nanatili lang nakatitig sa kanya, siya nama'y inihilig ang ulo saka sumulyap dito.
"How's Chelsea?"
Nagulat ito sa tanong niya't biglang namutla ang kanina lang ay mamula-mulang pisngi saka bumaling sa ama.
"Drick, iho. Dito ka muna. Magpapabili lang ako ng meryenda sa labas. Mag-usap muna kayo ng kaibigan mo," paalam ng ginoo nang maunawaan ang ibig ipahiwatag ng mga titig dito ni Gab.
Tumango lang siya bilang sagot.
"How did you know about us?" Saka lang nagsalita si Gab nang lumabas ang ama. Tumungo ito sa ref sa likod ng swivel chair ng ama at naglabas ng dalawang canned beer duon, bumalik sa kinaruruonan niya't ibinigay sa kanya ang isa saka naupo sa bakanteng silya sa harap niya.
Naupo na rin siya sa kanina'y inukupahang swivel chair at sinulyapan ang binata.
"That's basic, dude. You're very transparent when it comes to girls," pabiro niyang sambit, pilit pinakaswal ang boses nang mawala ang tensyong namamagitan sa kanilang dalawa.
Matagal na din ang limang taong hindi sila nakakapag-usap nang maayos katulad nito.
Napatitig ito sa kanya, siya nama'y pa-de-kwatrong umupo saka binuksan ang beer at pinasadahan muna ng daliri ang gilid ng lata bago sumimsim ng laman niyon.
"I'll marry her," walang gatol nitong sambit.
Siya naman ang natigilan, litong tumitig rito matapos tumikim ng beer na hawak. Naruon ang determinasyon ng kaibigan sa sinabi. Talagang pakakasalan nito si Chelsea.
"Dude, were you drunk that night?" curious niyang tanong.
Hindi ito sumagot, pinaikot lang ang daliri sa gilid ng hawak nitong canned beer saka nagpakawala ng isang malalim na paghinga as if merung nakabara sa dibdib nito.
"Dude, I betrayed you," malungkot na saad, saka lang nag-angat ng mukha at lakas-loob na tumingin sa kanya.
Nagtama ang kanilang paningin na lalong nagpalito sa kanya.
"Were you drunk that night when you met Chelsea?" muli niyang tanong.
Napaawang ang mga labi nito sa kanyang sinabi, pagkuwa'y ngumiti.
"So, you already knew what happened," patuyang sambit saka sumimsim ng hawak na beer.
"It was an accident. Hindi ko rin alam na magbubunga ang isang beses na aksidenteng 'yun," pag-amin na nito.
"Dude, I'm asking you if you were drunk that night!" giit niya, napalakas na ang boses.
"Yes! I was drunk! How couldn't I when it was supposed to be me instead of you in Marble's side. Alam mo naman kung anong nararamdaman ko sa kanya noon pa!" singhal nito, kusa nang inilabas ang sama ng loob.
"How drunk were you when you couldn't even recognize the girl you've fucked with?" tumaas na rin ang boses niya, nakaramdam ng inis sa kaibigan. Gaano ito kalasing nang gabing iyon para hindi nito matandaan ang mukha ng babaeng nakaulayaw?
"Damn! Of course I recognized her! It was just dark inside the room but I recognized Chel---" matigas nitong sagot ngunit natigilan din bigla saka litong napatitig na uli sa kanya.
"What do you mean?"
Nailamukos niya ang palad sa mukha. Ngayon siya naniniwalang pinagplanuhan nga ni Chelsea ang bagay na 'yun. Tama ang sinabi ng detective. Ni siya'y hindi alam kung paanong nalaman ng dalaga ang plano noon ni Gab.
Bigla itong dumukwang sa kanya't agad na hinawakan ang collar ng kanyang damit, napatayo tuloy siya nang wala sa oras.
"What do you mean I didn't recognize the girl I've fucked with?!" Nagkaruon na naman ng tensyon sa pagitan nilang dalawa nang maramdaman ang galit sa boses nito.
Napilitan siyang ilabas sa bulsa ng pantalon ang isang litrato kung saan kasama ni Chelsea ang pinsan nito.
Hinablot nito agad 'yon, saka lang siya pinakawalan at pinagmasdang mabuti ang mukha ng babae sa larawan.
"I saw her this morning. She's Chelsea's nurse. Chelsea told me they didn't know each other," kwento nito.
"Idiot, she's her cousin," mahina niyang sabad.
Napanganga na uli ito't tinitigan siya, nakarehistro sa buong mukha ang pagtataka, maya-maya'y kumaripas ito ng takbo palabas ng opisina ngunit ilang segundo lang ay bumalik ito sa kanya, hinila ang kanyang kamay.
"Samahan mo ako, dude. Hindi ko alam pa'no manligaw ng babae," namumula ang pisnging sambit nito.
Natawa siya bigla sa sinabi nito ngunit sa isip ay nagpapasalamat sa kanyang siraulong lolo sa mga plano nito para pag-ayusin sila ng kaibigan.