Chereads / Wild Heart / Chapter 17 - Chapter Seventeen

Chapter 17 - Chapter Seventeen

Xander carefully looked at Beatrix who was soundly sleeping in his arms. She looked so pretty even in her sleep. Hinawi niya ng mga daliri ang ilang hibla ng buhok nito na tumabing sa mukha.

Kung hindi mo kayang matutunang mahalin ang anak ko, hinihiling kong palayin mo na siya... He closed his eyes and gently pulled her closer to him. Hindi niya maintindihan ang sakit sa dibdib na nadarama sa tuwing maiisip niya ang buhay na wala si Beatrix.

They have been married now for almost 9 months. Sa loob ng mga araw at buwang nagdaaan ay nakita at naramdaman niya ang pagmamahal ng dalaga para sa kanya in her own simple ways. He appreciated all her efforts deep in his heart, dahil alam niyang hindi madali para rito ang mag adjust sa buhay probinsya - malayo sa marangyang buhay na kinasanayan nito. Ganoon pa man ay hindi niya ito narinig na nag reklamo o sumuko. Katunayan ay nakita niya na nais siyang pagsilbihan at paligayahin nito, even if it meant working hard in the kitchen to try and make him a meal or try and press his clothes for work, kahit pa ilang pares na ng pantalon niya ang nasunog nito. He chuckled at the thought.

"hmmm..." ungol nito at bahagyang gumalaw. Bahagya niyang niluwagan ang yakap niya rito, but her hands went to him and hugged him back.

"I love you, Xander" tila nananaginip na wika nito

He smiled and gave her a gentle kiss on the forehead.

He has made up his mind. Kailangan niyang ayusin kung ano mang gulo ang mayroon sa pagitan nilang tatlo nina Frances.

****

"Seryoso ka?!" excited na tanong ni Beatrix nang sabihin niya ritong tutungo sila ng Maynila sa weekend.

He smiled and nodded "ganyan ka ba ka-excited na lumuwas?"

"It's been a long time! namiss ko na rin sina Andrea! oh I'm sure they'll be so psyched to meet up with me!" she took out her cellphone and began texting her friends.

"Medyo magiging busy ako habang nandoon tayo kaya sulitin mo na ang dalawang araw para gumala" nilagyan niya ng asukal ang kape at hinalo iyon.

Nag angat ito ng paninging mula sa cellphone "What did you need to do there by the way?" curious na tanong nito.

"You remember Arthur? yung kaklase at boardmate ko dati?"

"Yup" she nodded

"May negosyo kaming pinag iisipang pasukin" he explained at humigop ng kape.

"okay" pag sang ayon ni Beatrix "baka naman mang chi-chicks lang kayo" bulong nitong nakanguso.

He laughed and pinched her cheek "selosa. Kumain ka na nga lang" naiiling na sabi niya.

Inilapag nito ang cellphone sa mesa at hinawakan ng dalawang kamay ang magkabilang panga niya "akin ka lang, Mr. Xander de Silva" biro nito and gently gave him a peck on the lips.

Mabilis niyang nahawakan ang isang braso nito nang inilayo nito ang mukha sa kanya at akmang muling uupo. He gently pulled her back close to him and kissed her. The kiss lasted more than he had planned at hindi sana iyon mapuputol kung hindi lamang pumasok ng kusina ang nanay niya.

"ay susmaryosep!" nasapo nito ang dibdib at tila nahindik sa naaabutang eksena "Diyos ko itong mga batang ito! dito pa kayo naglampungan sa kusina!" iniiwas nito ang tingin sa kanila at tumalikod.

"Good morning po, inang!" masayang salubong ni Beatrix sa matanda. "Ipag gagawa ko po kayo ng kape" masiglang anito. Xander's eyes followed her as she went to the cupboard to get some coffee cups.

Naupo si inang sa tabi niya at makahulugan siyang tiningnan "Xander, hindi sa nanghihimasok ako, pero sa tingin ko ay marami kang dapat iayos anak"

Tumango siya "alam ko po 'Nay" he sighed. Mayroon at mayroong masasaktan sa gagawin niya, ngunit ngayon ay malinaw na sa sarili ang tunay niyang nararamdaman at buo na ang kanyang pasya.

****

"B!!!" sabay na tili nina Andrea at Monique nang mamataan siya ng mga ito. She enthusiastically waived at them and went to their table. Ang sumunod na mga sandali ay ginugol ng tatlo sa pagyayakapan. Halos maiyak ang magkakaibigan sa muli nilang pagkikita.

"O.M.G!" eksaheradong ani Andrea "namiss ka namin Queen B!" sinipat siya nito "wala pa ring kupas ang kutis mong parang labanos kahit naging promdi ka ha!" her friend exclaimed smiling from ear to ear.

"So true! And, as pretty as ever!" segunda ni Monique "but you got thinner! hindi ka ba inaalagaan ni Xander?"

She signalled the waiter bago sumagot "my husband has been good to me. Diet lang talaga ako" she answered with dreamy eyes pagkasabi sa salitang 'husband'.

"ooohhh husband huh!" nanunuksong nagkatinginan ang dalawang kaibigan niya.

"does that mean things are getting better between you two?" si Andrea

"well..." she inhaled excitedly bago muling nagsalita "I think he's finally falling for me!" pigil ang kilig na sabi niya.

Her friends' eyes went huge at sabay na natutop ng mga ito ang mga bibig "for real?"

Tumango siya at kinikilig na bumulong sa mga ito "we..."

"what?" Andrea asked impatiently when she didn't say anything else.

"we...now sleep in the same...room" nahihiyang sabi niya. Nilaro laro ang straw ng inuming nasa harapan niya.

"Oh my gosh! you mean...?" makahulugang tanong ni Monique.

Nahihiya siyang tumango sa mga ito. Sabay na muling tumili sa pagkakilig at kasiyahan ang dalawa.

"Shhh! ano ba nakakahiya kayo" naiiling na saway niya.

Hinila ni Monique ang upuan upang lalong mapalapit sa kanya "but what if...you get pregnant? are you being careful?" nasa boses ng kaibigan ang pag aalala.

Beatrix paused. In almost 9 months she was married and the many times they made love, ni hindi sumagi sa isip niya ang posibilidad na magdalang tao siya. Bigla siyang kinabahan. When was the last time she actually had her period? Sa sobrang saya niya nitong mga nagdaang mga linggo ay nawala na rin sa isip niya. Both panic and excitement coursed through her body at the same time. Unknowingly ay napahawak siya sa puson.

"if that happens, what's there to be scared of? may asawa naman akong tao"

"but you're only turning 18! you're too young to be a mom!" kontra ni Andrea.

"girls..." she took a sip of her beverage at seryosong tinignan ang dalawang babae "I love Xander, alam niyo yan. If there'll be a little Xander or a little Bea, I won't have any regrets" she gave them a reassuring smile. Alam niyang nag aalala lamang ang mga kaibigan sa kanya.

In the first place ay kontra ang mga ito sa ginawa niyang pamimikot kay Xander, bakit daw gugustuhin niyang matali agad gayong napaka bata pa niya? They were not necessarily wrong except that she couldn't bear the fact that Xander was about to marry someone else. Maisip pa lamang niyang mapupunta ito sa iba ay tila nagsisikip sa sakit ang kanyang dibdib.

Kalalabas lamang nila ng coffee shop sa mall na iyon at papunta sana sa isang designer store ng hilahin siya ni Andrea "hindi ba si Xander 'yon?" sabay nguso nito sa lalaki sa di kalayuan.

The man's back was turned and they couldn't see his face but there was no doubt it was Xander. Kahit yata sako lamang ang isuot ng asawa ay makikilala niya ito.

"is he picking you up? but you just got here!" protesta agad ni Monique

"No" she frowned "he said he has a meeting kaya i-text ko na lang daw siya mamaya pag tapos na tayo"

"hmm.. let's follow him!" ani Monique na halos kaladkarin siya.

The three of them followed him hanggang sa makita nilang pumasok ito sa isang mamahaling jewellery shop. Makalipas ang may kalahating oras ng paghihintay ay lumabas itong may bitbit na isang maliit na paper bag sa mga kamay.

Agad na pumasok ang tatlong babae sa shop na pinanggalingan ni Xander.

"Good afternoon ma'am" magalang na bati ng unipormadong dispatsadora sa kanila.

"Hi. that guy who just left, can you tell me what he bought?" Beatrix asked

Bahagyang kumunot ang noo ng saleslady "naku ma'am, sorry po pero hindi ko po sure kung maaari kong sabihin dahil sa policy namin"

"Miss" inilapag niya ang isang kamay sa ibabaw ng eskaparate "I only want to know what he bought, I'm not asking for any personal info"

"sorry ho talaga ma'am" muling hinging paumanhin ng babae.

She impatiently rolled her eyes and was almost ready to turn away ng mahagip ng paningin ang isang babaeng nagmula sa opisina ng shop.

"Tita Lily?" she called

Lumingon ang babae "Bea?"

"yes tita! It's me!" she's never been so glad to see her mom's friend. Nilapitan niya ito at binigyan ng beso sa magkabilang pisngi.

Malapad ang ngiti ni Lily habang hinagod siya ng tingin "it really is you, Bea! long time no see, anak"

"oo nga po tita, I've been busy po kasi. Do you own this shop?"

Tumango ito "what brought you here? Are you here to shop for Laura?" anito na ang tinutukoy ay ang ina. Her mom loves jewelleries and would often shop with her.

"not this time, tita. I actually was here to ask something but your employee won't help me" she glanced at the saleslady who was obviously shocked by the turn of events. Sino ba ang mag aakalang isa pala sa good friends ng mommy niya ang nag mamay-ari ng shop na iyon?

"what is it, hija?"

Matapos marinig ang nais niyang malaman ay inutusan ng babae ang empleyado upang agad ipakita sa kanya ang binili ni Xander.

Her jaw almost dropped nang ilabas iyon ng babae mula sa eskaparate. She is used to seeing diamonds and gems but seeing what Xander bought made her heart swell. It was an eternity ring, katamtaman lamang ang mga bato niyon ngunit maganda ang kalibre at makinang. Most of all, alam niya kung ano ang ibig sabihin ng eternity ring - this is the ring, as the name suggests, you give to someone you love symolizing eternal love and devotion.

She picked up the ring at itinaas iyon. Her eyes glinted with tears.

"Oh my! baka mag po-propose na siya sa iyo this time!" Andrea said in a low but thrilled voice.

"Sigurado ako, yun ang balak niya! I'm so happy for you, B!" Monique seconded.

She laughed and almost cried at the same time. She's almost sure now of Xander's feelings for her. Nagbunga rin ang pagmamahal at pagtitiis niya para rito, and it was all worth it.

You're my world, Xander... bulong ng kanyang isip.

****

🎶 I can't believe we met like this, is it just coincidence

I had a feeling I'd be seeing you again

You're every bit as beatiful, as the last time we met...

When you told me, you were leaving and going back to him...

I don't wanna hear that song again, from the night when we first met... 🎶

Xander reached for the volume and turned it up a little bit. He and Beatrix were on their way home to San Gabriel.

"You like this song?" she asked. Hindi kagaya ng una nilang uwi ng San Gabriel gamit ang lumang truck niya ay mukhang kumportable ito sa pagkakaupo ngayon, she was even paying attention to the road at walang hawak na cellphone sa kamay.

"yeah. I like Dan Hill" he answered

"that explains your age, mister" she teased sabay tawa.

"hey! hey!" sinabayan niya iyon ng palatak at nagkunwaring galit.

Beatrix laughed even more "sorry na po, manong!"

He glanced at her and chuckled "aba! may alam ka ng salitang pamprobinsya ha!" na ang tinutukoy ay ang term nitong 'manong'. That was actually the first time he heard her use it.

"hmp! mabilis yata akong matuto" pagyayabang nito

"sige nga, ano pa ang alam mo" he asked entertained. He's been driving for 3 hours now ngunit parang hindi siya nakakaramdam ng pagod dahil kasama niya ang dalaga.

"ay apo!" she exclaimed.

Malakas na tumawa si Xander. That was an expression among the Ilocanos in San Gabriel. It can almost translate to 'oh my!'

Sinamahan siya ni Beatrix sa pagtawa, pagkatapos ay masuyong inabot ang kamay niyang wala sa manibela.

"I hope I'm not dreaming" anito, naroon ang bakas ng lungkot na nakiraan sa mga mata.

He gently squeezed her hand "I actually need to talk to you. Ilang buwan na lang at unang anibersaryo na natin".

He felt her stiffen sa sinabi niya, nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

He sighed. Paniguradong ang nalaman nitong kasunduan sa pagitan nila ni Frances ang pumasok sa isip ng kabiyak.

"is it about F-Frances?" she asked in a tiny voice, binawi nito ang kamay mula sa kanya.

Marahan siyang tumango.

Ibinaling nito ang atensyon sa bintana ng sasakyan at binuksan iyon, she let the cool afternoon breeze fan her face. Ang nakalugay nitong buhok ay nililipad ng hangin.

Sa loob ng siyam na buwan ay mas nakilala niya ang ugali ni Beatrix. She has a pride as huge as the mountain kaya naman ayaw na ayaw nitong may nakakakitang umiiyak ito. When she's hurt, she will try her best to hide it from people, kaya kung minsan ay pagtataray o pagiging brat ang nagiging response nito to shield her ego.

Muli niyang sinulyapan ito at lihim na napangiti. Hindi na siya makaantay na sabihin dito ang importanteng desisyong nais niyang iparating.

I love you, Beatrix. He silently whispered in the wind.