Chereads / Wild Heart / Chapter 16 - Chapter Sixteen

Chapter 16 - Chapter Sixteen

Sabay na napatili at napatayo ang dalawang babae sa pagkagulat sa pag unday niya ng suntok sa mukha ni Kevin. Si Beatrix ay mabilis siyang nilapitan upang awatin.

"Tangina pare! ano'ng problema mo?!" nanlilisik ang matang tanong ni Kevin, hawak pa rin nito ang pangang nasaktan. Nilapitan ito ni Frances upang tulungang makatayo.

"Huwag kang mambabastos dito sa pamamahay ko!" malakas na bulyaw niya rito

"puta! ano bang ginawa ko?"

Naningkit ang mga mata niya at nais pa itong suguring muli kung hindi lamang siya mahigpit na hinahawakan ni Beatrix sa braso upang pigilan. "kitang kita ko kung ano ang ginagawa mo kay Beatrix!"

"Bakit ka ba galit na galit? may gusto ka ba kay Bea?!" nanlalaki ang matang ganting hiyaw nito.

He clenched his jaws, ganoon din ang mga kamao niya "Beatrix is a guest in this house! Hindi ko mapapayagang may mabastos sa sinomang panauhin habang nasa pamamahay ko!"

Nakakainsultong tumawa si Kevin, mukhang malakas na ang impluwensya ng alak sa sistema nito dahil medyo mabuway na rin ang pagtayo nito "sus! Xander! kilala ko ang likaw ng bituka mo! You like Bea! Pero paano naman itong nobya mo? Namamangka ka ba sa dalawang ilog?"

"Umalis ka na Kevin. Lasing ka na" nagawang sabihin ni Beatrix

"alam mo Bea...type talaga kita eh!" itinaas nito ang isang kamay to point at her "just give me a chance, paliligayahin kita. I will make you taste the best- " hindi nito natapos ang sinasabi ng muli itong suntukin ni Xander.

"Son of a bitch!" nanggigigil niyang gustong muling sunggaban si Kevin.

"Xander ano ba?! lasing na si Kevin! Huwag mo ng patulan! " galit na awat ni Frances. Nag aapoy sa galit at panibugho ang mga mata nitong pinaglipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Beatrix bago inalalayang palabas ng bahay si Kevin.

Nang makaalis ang dalawa ay binalingan niya si Beatrix.

"Ikaw!" his eyes turned to slits "sino ang may sabi sa 'yong pwede kang makipag inuman? kababae mo pa namang tao!"

"Well I didn't intend to!" nakasimangot na sagot nito sa kanya "pero paano ko kayong iiwan na tatlo kung yung babaeng may lahi yatang ahas eh kulang na lang linggisin ka!" humalukipkip ito at parang bata na lumabi.

Kinabig niyo ito papunta sa dibdib niya "I told you I like you. And that means I will not do anything to be unfaithful to you, habang kasal tayo. Kaya walang dahilan para magselos ka"

Naramdaman niyang niyakap siya nito ng mahigpit "you like me...but I love you Xander...magkaiba iyon"

Bumuntong hininga siya. Hindi rin niya masiguro sa sarili ang nararamdaman sa ngayon. He knows he likes her, cares about her, pero para masabi niyang mahal niya ito sa paraang nais nito? Hindi niya alam. In the 2 years he had been in a relationship with Frances, he had never been as confused as now. Ang alam lamang niya noon ay convenient at easy going ang relasyon nila. He cares about Frances, she was like his safe haven, kapag naroon ito noon, pakiramdam niya ay lagi siyang may kakampi. Frances is very passive and they agree on almost everything, kaya nga siguro nang magtanong itong magpakasal sila ay hindi siya tumutol.

Bahagya niyang inilayo ang sarili sa dalaga upang tignan ito nang lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya. Her eyes were closed and it looks like she's fallen asleep.

Oh princess... what am I going to do with you?

He gently lifted her into his arms at iniakyat ito sa silid.

****

Magbuhat ng aminin ni Xander sa kanyang gusto siya nito ay tila mas naging normal ang pagsasama nila sa bahay. Bagaman hindi nito inilipat sa silid niya ang mga personal na gamit ay doon naman ito palagiang nagpapalipas ng gabi sa kanyang silid. They chat more, do things more together at madalas ay tinuturuan pa siya nito sa mga projects at assignment niya. Ang lumipas na mga linggo ay tila wala na siyang mahihiling pa, ang kulang na lamang ay marinig niya mula ritong mahal siya nito.

"I miss you" text niya sa asawa abang nag hihintay ng kasunod na klase. Mukhang late ang professor nila kaya naman ang mga estudyante ay nagkakagulo sa silid.

Isa sa mga kaklase niyang lalaki na alam niyang may paghanga sa kanya ang naupo sa bakanteng upuan next to her. Kumalumbaba ito at lantarang tinitigan siya.

She gave the guy a weird look at hindi ito pinansin. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa hawak na aparato, hinihintay ang pagsagot sa text niya ni Xander. Busy kaya ito ngayon? May klase kaya ito ngayon?

"Bea, right?" tanong ng kaklase niya. "I'm Lucas. I'm the son of Dean Asistio" pagyayabang nito.

Beatrix gave an irritated sigh "so?"

Tumawa ito "totoo nga ang sabi nila about you. Maganda pero ubod ng suplada. I like that" anito na nakangisi.

"Turn your books to page 90" malakas ang dagundong ng tinig sa silid. Ang lahat ay napatingin sa guro na noon ay kapapasok lamang ng silid. Bea almost choked. What is Xander doing here? Puro mga Agriculutural Engineering subjects lamang ang itinuturo kaya't bakit naririto ito ngayon sa klase nila ng Basic Statistics?

Malakas ang bulong-bulungan ng mga estudyanteng naroroon lalo na ng mga kababaihan na mukhang na-excite nang makitang si Xander ang kanilang magiging teacher.

"My name is Mr. Xander de Silva, and I will be covering Basic Statistics for Mrs. Guillermo until she returns back from her sick leave, next week" anunsyo nito. His eyes scanned the whole class habang naka pamaywang. Bahagyang nagtagal ang paningin nito sa gawi niya at ng kaklaseng si Lucas na nagpasyang sa katabing upuan niya pipirmi. "In my class, pag-aaral ang dapat unahin at hindi ligawan, maliwanag ba?"

The class answered 'yes sir' in unison.

Xander started to write on the board. Ang ilang mga kaklase niyang nakaupo sa pinaka harap na helera ay nagsimulang magbulungan habang nakatingin sa kamay ni Xander na ipinangsusulat sa black board.

"what is all the whispering about?" pormal na tanong ng binata na humarap sa klase.

"ah eh sir... pwede pong magtanong?" lakas loob na taas ng kamay ng isa sa mga estudyanteng babae.

"yes. go ahead"

"eh kasi po sir... wedding ring po ba 'yang suot niyo?" nahihiyang tanong nito.

Beatrix's eyes went to Xander's left hand at muntik na siyang masamid sa nakita. He is indeed wearing their wedding ring! Simula ng ikasal sila ay ngayon lamang niya nakitang isinuot nito ang singsing nila. Siya ay hindi isinusuot ang wedding ring pagpasok sa eskuwela sa takot na baka may magtaka kung bakit may suot siyang ganoong uri ng singsing sa kaliwang kamay.

"This?" Xander lifted his left hand to show it to the entire class "yes it is." he paused "anymore relevant questions to this subject?"

Hindi maihiwalay ni Beatrix ang paningin sa asawa. What is he doing? Hindi ba at gusto nitong itago sa lahat ang katunayang ikinasal na ito?

The room was filled with indistinct chattering, especially from the female students who all seemed to be disappointed.

"silence!" malakas na hinampas ni Xander ang black board "From now on, I am not entertaining any questions not related to our subject!" nagpatuloy ito sa pagsusulat sa black board.

Beatrix took out her notebook and started writing. Hindi niya mapigilan ang pagngiti, ang lahat ng mga nangyayari nitong mga nagdaang araw at linggo ay labis na nagpapaligaya sa kanya. Xander is making her feel special to him.

Nag ring ang bell at mabilis na nagsitayuan sa sari-sariling kinauupuan ang mga mag aaral. Beatrix gathered her things and started putting them in her bag. Basic Statistics is her last subject for the day.

"Can I invite you for coffee, Bea?" tanong ni Lucas na hindi pa agad lumabas ng silid at tila hinihintay siya.

"Ha?" she asked like an idiot and glanced at Xander. Kasalukuyang din nitong isinisinop ang sariling gamit.

"There's a really good coffee house in town. Malapit lang dito" pangungumbinsi sa kanya ni Lucas.1

"Thanks for the invite but maybe next time" she answered and continued putting her things away.

"Sandali lang naman, I can give you a ride home too"

"Ms. Montecillo" Xander interrupted "Can you please follow me to the faculty room? I have something important to discuss with you about your grades". Tumayo na si Xander at nagsimulang humakbang palabas ng silid. He stopped by the door and looked at her, as if waiting for her to follow.

"y-yes sir" atubiling sagot niya rito at mabilis na sumunod sa asawa. Disimulado siyang napabuga ng hangin paitaas ng makalabas ng silid. She was still following Xander. Naglalakad lamang ito at hindi siya nililingon.

She was taken aback when he suddendly turned left into an empty classroom and grabbed her by the hand. He pinned her against the wall and closed the door behind them.

She stared at him with wide eyes "have you lost your mind?" bulong niya rito sa kabila ng pagkabog ng dibdib.

Xander quickly kissed her on the lips. She instantly closed her eyes kahit pa hindi niya inaasahan ang ginawa nito.

"Don't forget that you're a married woman, Beatrix Luna de Silva" he whispered to her after the brief kiss.

Daig pa ni Bea ang nanalo sa lotto sa narinig. Malapad siyang ngumiti "did you just call me with your last name?" she asked teasing

Hindi pinansin ng binata ang panunukso niya "ayokong nagpapaligaw ka" seryosong sabi nito

"hindi naman ako nagpapaligaw ah!" katwiran niya

"well then what was that between you and that stupid Lucas?" Titig na titig ito sa kanyang mga mata, his face was still so close to her, ganoon din ang katawan nito.

"hindi ko naman kasalanan na crush ako nun" malambing na sagot niya. She played with his shirt's collar.

Biglang bumukas ang pintuan at magkasabay silang napaayos ng pagkakatayo. Pakiramdam ni Beatrix ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa nerbyos.

"ay! sorry po sir!" hinging paumanhin ng dalawang kababaihang estudyante. Nasa mga mata nito ang tanong ng mapansin siya sa tabi ni Xander.

"Sir! sorry po talaga! hindi na po mauulit, please give me another week for my project!" she said, making sure to sound like she was desperate.

Gosh! Paano kung kumalat sa eskuwelahan ang pangyayaring ito? Malalagay sa spotlight ng tsismis si Xander.

Hindi sumagot ang binata na lumabas na ng silid. She waited for a few seconds before she followed him out of the room.

****

Biyernes ng hapon ay hindi inaasahan ni Beatrix ang sorpresang dinatnan niya sa bahay pag uwi.

"Mom! Dad!" she excitedly ran towards her parents and gave them both a tight hug "why didn't you tell me you guys were coming?". Masaya niyang muling niyakap ang ina.

"I would have told you, hija, but your dad wanted to surprise you" nakangiting wika ni Laura. Hinagod ng tingin ang anak. "Pumapayat ka yata, anak? Kumakain ka bang mabuti? Is your husband treating you well?" may pag aalala sa tinig nito.

"of course mom!" bulalas niya "Nag di-diet po talaga ko" she smiled at her mother "si Kuya po?"

"Hindi nakasama dahil may importanteng meeting with one of the investors" sagot ni Emilio. "Nasaan nga pala ang asawa mo?"

"Ah may meeting lang po ang faculty sa school, maya maya po ay nandito na 'yon" she explained, naupo sa tabi ng ina.

"Hindi mo pa ba nakukumbinsing bumalik na kayo sa Maynila? Para naman sana ay maipagpatuloy mo ang pag aaral mo sa university doon" si Emilio ulit na humigop ng kape.

Mula sa kusina ay lumabas ang ina ni Xander na may dalang isang platong kutsinta na inihain para sa mga magulang niya. Nagmano siya sa biyenan pagkakita dito. Naupo ito sa katapat na upuan ng mga magulang niya.

"Balae, hindi ba naman pasaway itong anak ko, ha?" biro ng daddy niya.

"dad!" she protested at nilabian ang ama.

Tumawa ang ginang "naku hindi balae. Sa katunayan ay madaling turuan si Bea maging sa mga gawaing bahay"

Nagkatinginan ang mga magulang niya.

"Gawaing bahay?" pag uulit ni Laura na tila hindi mapaniwalaan ang narinig.

Ngumiti ang biyenan niya sa mga magulang "sana ay hindi niyo masamaing tinuruan ko si Bea ng mga gawain dito. Mapilit din kasi ang batang yan"

Kinuha ng mommy niya ang kamay niya at tiningnan iyon. Mababakas pa roon ang ilang gasgas dala ng paglalaba niya noong nakaraang araw. Her mom looked like she was about to cry. Hinimas nito ang mukha niya "my baby..." anito.

"That's actually great, balae" anang ama niya na mukhang nasiyahan sa narinig. "Hindi maman lingid sa kaalaman ninyong lumaking tila prinsesa ang bunso naming 'yan kaya mabuti ring matutunan niya ang pagiging isang maybahay"

"wala ba kayong washing machine?" ani Laura na tila walang narinig, naroon pa rin sa mga mata ang awa para sa anak.

"Meron ma!" she chuckled "I just washed the delicate ones by hand kasi baka masira sa washing machine"

Hindi nagtagal ay dumating si Xander. Katulad niya ay nagulat din ito nang madatnan sa bahay ang kanyang mga magulang. Magalang itong nagmano kina Emilio at Laura.

"anon'ng oras po kayo dumating?" anito na inilapag ang bag na bitbit.

"kani-kanina lamang hijo" tugon ni Laura "namiss na talaga namin itong si Bea" masuyo nitong muling hinaplos ang anak sa buhok.

"sana po nagpasabi kayo para nakapag handa kami ng masarap na hapunan"

"No need hijo. In fact, we brought so much food for everyone" sagot ni Emilio "ipinaluto ng mama Laura mo ang lahat ng paborito niyang asawa mo kay Annie" ang tinutukoy nito ay ang cook nila sa mansyon.

"wow ma! you mean you brought kare-kare?" excited na tanong niya sa ina na tinugunan ni Laura ng tango at ngiti.

"I'll set the table then!" masiglang wika niya.

****

Nagsalin ng scotch si Xander sa kopita ni Emilio, pagkatapos ay sa sariling baso. Matapos ang hapunan ay tinawag siya nito upang makausap, habang ang mag inang Laura at Beatrix, kasama ang sariling ina, ay nagtuloy sa silid ni Beatrix upang doon ituloy ang pagkukuwentuhan.

"kumusta kayo ng anak ko, Xander?" seryosong tanong ni Emilio. Nakatayo ito sa hardin at nakatunghay sa buwan na noon ay kay liwanag. Xander stood beside the old man whom he considers as his second father.

"maayos naman po" sagot niya

Bumuntong hininga ito "Mag aanim na buwan na rin simula ng iuwi mo dito ang anak ko, Xander" he paused to look at him "natutunan mo na bang mahalin ang anak ko?" walang gatol na tanong nito.

Nabigla siya sa deretsahang tanong ni Emilio at hindi agad nakasagot.

"Kung hindi mo kayang matutunang mahalin ang anak ko, ay hinihiling kong palayin mo na siya" malamig ang tinig nito.

He froze, hindi inaasahan ang sumunod na narinig mula sa matandang lalaki. His mind raced to imagine a world without Beatrix in it, at hindi niya maipaliwanag ang kirot na agad lumukob sa kanyang pagkatao.

Nagtagis ang kanyang mga bagang. Can he afford to let her go?