Bea clenched her palms sa narinig na sinabi ni Frances. Muli siyang tumingala upang tignan ang mukha ng binata but his face remained blank.
Marahan siyang kumawala sa pagkakayakap sa asawa at tumawa, trying to hide the the hurt from her eyes mula sa narinig. So, the two of them already have a plan in place. Ni hindi man lamang pala nais bigyan ng pagkakataon ni Xander ang pagpapakasal nila, at sa halip ay magpapalipas lamang ng isang taon bago siya idispatsa.
Well, you'll soon learn not to mess with Beatrix Luna Montecillo.
Tila naaaliw na umarko ang isang kilay ni Bea pataas "you do know that plans can change right?" She sweetly smiled at Frances "who knows, baka hindi na dumating ang araw na inaasam mo Frances. Baka hindi na ako gustuhing iwan ni Xander. So if I were you, hindi ako masyadong aasa"
Binalingan niya si Xander "love di ba sabi mo ikaw na ang magluluto for us kasi baka masaktan ulit ako?" She held his arms close to her "thanks! You're the sweetest!" Nang-iinis niyang tinignan si Frances, a smile slowly broke on her face.
Mukhang epektibo ang kanyang ginawa dahil nakita niya ang pag-asim ng mukha ng babae. Nasa mga mata nito ang tanong nang tinignan si Xander. Before Xander could say anything, Frances quickly turned around at patakbong umalis.
"Frances, wait!" Tawag ni Xander at akmang susundan ang babae.
Mahigpit na hinawakan ni Bea ang braso ng binata, unwilling to let him go.
Xander glanced at her, ang mga mata nito ay nagtungo sa mga kamay niyang mahigpit na nakatangan sa braso nito. Lalong lumalim ang kunot sa noo ng binata bago walang imik na binaltak ang braso mula sa kanya at mabilis na hinabol si Frances.
Malungkot na sinundan ng tingin ni Bea ang asawa. She bit her lower lip at mabilis na kumurap upang hindi magtuloy ang pamamasa ng mga mata. Nasasaktan siya sa ginagawa ni Xander, ngunit hindi niya susukuan ang pagmamahal niya rito. She knows one day, he will love her as much as she loves him. Maybe what happened to them last night will pave way for this marriage to work.
Hindi nagtagal ay bumalik si Xander. Nakapamaywang siyang tinignan nito.
"Just what was that Beatrix?" iritadong tanong nito
"ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, di ba? What was that girl doing here?"
"Hindi ba malinaw sa'yo ang mga sinabi ko dati? Alam mo kung ano ang kasal natin hindi ba?" He said sounding exasperated
"So ano yung nangyari sa atin kagabi? What does that mean?" She answered defiantly.
"Nothing!" He snapped
"What?"
Hinilot nito ang sentido bago muling nag angat ng tingin upang salubungin ang mga mata niya "nothing, Beatrix. What happened between us meant nothing"
She sucked in a breath and tried hard not to let a tear fall. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa ang sarili sa harap ng kahit na sino, maging sa harap ni Xander, kahit pa napakasakit sa pandinig niya ang sinabi nito.
She inhaled sharply before giving Xander a bitchy smile "too bad Xander. You already took a bite from the apple. There's no turning back now, love" she was faking courage, dahil ang totoo ay parang gusto na niyang mag-iiyak sa sinabi nito.
"What do you-"
Bago pa natapos ni Xander ang sinasabi ay mabilis siyang lumakad paalis ng kusina.
"Beatrix!" Narinig niyang tawag nito but she pretended not to hear at nagkulong sa silid.
****
Nagising si Bea sa kumakalam na sikmura. Naupo siya sa kama at hinimas ang tiyan. She grabbed her phone to look at the time. Shocks! It's already 2 in the afternoon! Maghapon na pala siyang nakakulong sa silid magbuhat ang sagutan nila ni Xander kaninang umaga.
It doesn't mean anything, Beatrix...
Nag e-echo pa rin sa kanyang tainga ang salita nito.
Damn you Xander! I gave you my self without hesitation pagkatapos sasabihin mo wala lang yon?!
Napapitlag siya ng may kumatok sa kanyang pintuan. Hindi siya sumagot. Muli ang katok, pagkatapos ay pumihit ang seradura.
Xander let himself in the room. May dala itong tray ng pagkain na inilapag sa tabi niya.
"Kumain ka na" anito
Beatrix glanced at the food tray. Fried rice, hotdog and fried egg. Mayroon ding isang basong orange juice.
"I'm not hungry" aniya na inirapan ang binata. God! Gutom na gutom na siya but she'd rather starve than tell him that!
"Ala pang laman ang tiyan mo buhat kaninang umaga"
"I said I'm not hung-" as if on cue ay malakas na tumunog ang kanyang tiyan.
Napatingin siya sa binata. He was trying to supress a laugh by the look on his face.
"Huwag ka ng parang bata, princess. Kumain ka na" naiiling na wika nito at iniusog palapit ang tray sa kanya.
He turned around to leave nang magsalita siya.
"Do you hate me that much, Xander?" She blurted out bago pa niya napigil ang bibig.
Xander stopped and paused for a minute bago bumalik sa kinaroroonan niya at naupo sa gilid ng kama.
"Look Beatrix... I don't hate you. Pero mali ang lahat ng dahilan ng pagpapakasal natin. I used to love you as my younger sib. Even in my wildest dream hindi ko inakalang magkakaganito ang mga pangyayari"
"Can't you love me in a different way now? Can't we try to make this work?" She asked, umaasang mababago niya ang isip at damdamin ni Xander.
Nakita niyang tila nahihirapan itong bumuntong hininga.
"Okay. Maybe we can" he answered in a resigned tone.
"Really?" tila nabuhayan ng pag asa ang puso niya sa tinuran nito. Nagliwanag ang kanyang mukha.
"I'm only doing this because I feel guilty and responsible for what happened last night. Don't get your hopes up. I said maybe we can try, pero hindi ako makapangako" walang ligoy na pahayag nito habang nakatitig sa kanya.
"Will you really... annul our marriage after a... a year?" She asked biting her lower lip. Natatakot siya sa maririnig na sagot nito.
"Hindi ako magsisinungaling para sabihing hindi totoo yan, Beatrix. So yes, that was the plan"
She felt that familiar pain cross her chest, but tried her best to remain composed. She tried smiling at him "has anything changed?"
"I'm willing to give this marriage a try is what changed" sagot nito sa walang emosyong tinig
"Ibig bang sabihin, we will now live as a real husband and wife?" Pinamulahan siya ng pisngi nang maisip ang mga bagay na namagitan sa kanila na parte ng relasyon ng mag asawa.
"If you're asking if we'll sleep together" he paused as if reading her mind "no. Not again, unless I've fallen for you" he declared.
'Unless I've fallen for you'... Her heart skipped a beat sa narinig. Sa wakas ay sinabi nitong may posibilidad na mahalin siya nito!
Nag angat ng ulo si Bea and accidentally met his gaze. His piercing eyes feels like they were penetrating her very soul.
"Oh and one more thing" Xander said before she could even respond to what he said "no one should know you're my wife. Kaya kapag nakita ka ng mga kapitbahay natin, or maging sa eskuwela pag pasok mo, you'll just say you're my housemate since our families are friends"
"Pero Xander, sino ang maniniwala sa ganyang kuwento? A man and a woman living together in one roof?" Sagot niya na inilahad ang mga kamay upang ituro ang kisame.
"Dito muna titira si Inang pansamantala. Para maiwasan ang usap-usapan"
"But why do we need to hide it anyway?" Tila batang lumabi siya. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ayaw nitong may makaalam na mag asawa sila.
Tumayo na ito mula sa pagkakaupo. "I have my reasons, princess"
"Pero-"
"Please Beatrix" pigil ni Xander sa sana ay pagpo-protesta pa niya. "Kumain ka na at paki baba mo ang pinagkainan. Darating si inang mamayang gabi. Sana maman ay makita niyang hindi isang prinsesita ang bago niyang manugang"
Nakalabas na si Xander ng silid ay hindi pa rin mapaniwalaan ni Bea ang mga sinabi nito. Oh nevermind that he asked to keep their marriage a secret because that's always been one of his conditions from the beginning, but at least now he is willing to give their union a chance!
Masigla niyang hinatak ang tray ng pagkain palapit sa kanya at sumubo. God! Fried rice and egg never tasted this good! Isang malaking ngiti ang sumilay sa mga labi niya sa pagitan ng pag nguya. At last! Xander acknowledged there might be a chance for him to fall for her! Bea swore that she will not let this opportunity pass and will do anything and everything she can to win him over!
Matapos kumain ay may sigla siyang bumaba dala ang tray ng pinagkainan. Nasa hagdanan pa lamang siya ay narinig na niya ang ilang tinig ng mga kalalakihang nag-uusap at nagtatawanan.
May mga bisita si Xander?
She slowly descended the stairs and peeked at the living room. Dalawang kalalakihan ang naroroon at kausap si Xander. Tila nagbibiruan ang mga ito.
"Oh pare, welcome back! Masaya na siguro si Frances niyan na nandito ka na ulit" she heard one of the guys say.
"Naku, pihadong marami ng nakilalang chicks yang si Xander doon sa Maynila! Alam naman natin kung gaano katinik yan eh!" Biro naman ng isa na bahagya pang siniko ang katabi.
"Mga gago!" Sagot ni Xander at nagkatawanan ang tatlo.
Mukhang may sasabihin ang isa sa mga bisita ni Xander nang mapatingin sa gawing hagdan at makita siya.
"Wow pare may magandang bisita ka pala" anito kay Xander habang hindi humihiwalay ang mga mata sa dalaga, malapad ang ngiti nito.
Ah crap! They saw her trying to eavesdrop!
"H-hello" bati niya at nagpatuloy sa pagbaba. Nilapitan niya ang kinaroroonan ng mga ito.
The two men quickly rose from their seats upang batiin siya. Like so many others, paghanga ang agad na nakarehistro sa mga mata ng mga ito.
"Hi miss" bungad ng isa na agad inilahad ang kamay sa kanya "ako nga pala si Kevin" tila nakapagkit na ang ngiti sa mga labi nito.
Beatrix accepted Kevin's hand. Sa pagkagulat niya ay dinala ito ng lalaki sa labi at hinalikan ang kamay niya!
She smiled uncomfortably. "Nice meeting you. I'm Bea" pakilala niya na binawi ang kamay. To her surprise ay hindi ito agad pinakawalan ni Kevin.
She glanced at Xander at hindi niya malaman kung imahinasyon lamang ba niya ang nakita niyang tila pagkulimlim ng mukha nito.
Muli niyang hinatak ang kamay mula kay Kevin.
"Pare, ba't hindi mo man lang nabanggit na may diyosa ka palang bisita?" Tanong nito kay Xander
"Siya nga naman pare!" Segunda ng kasama nitong lalaki sabay lahad ng sariling kamay sa kanya "Nice meeting you, Bea. I'm Caspian, at your service" biro nito at mahigpit siyang kinamayan.
"So pare, are you planning to keep this lovely lady from us kaya wala ka man lang naikukuwento?" Muling tanong ni Kevin, pabiro nitong sinuntok si Xander sa braso.
"Beatrix just arrived with me yesterday from Manila. She's a family friend and will rent one of the rooms here" paliwanag ni Xander na sinulyapan siya.
"Bea, mas maganda bahay namin, gusto mo doon ka na lang mag renta. Kahit libre ayos lang" biro ni Kevin sa kanya.
Mahina siyang tumawa sa biro ni Kevin.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na siya patungong kusina. She was clearing the tray in the sink nang may kamay na biglang humila sa braso niya.
"Ay ano ba?-" she exclaimed surprised sabay tingin sa nag mamay-ari ng kamay na iyon.
Si Xander. Tila galit ito.
"What are you trying to do coming down looking like that?" Asik nito sa kanya
"Ano?" Naguguluhang tanong niya.
"Tignan mo yang suot mo!"
She innocently looked at herself. Ano ba ang masama sa suot niya? She was wearing a midriff shirt and short shorts. Madalas ay ganito ang pambahay niya sa mansyon.
"Ano ba ang problema sa suot ko?" Maang na tanong niya na muling sinipat ang sarili.
"For fuck's sake! Hindi mo ba nakikitang halos lamunin ka na ng tingin ng mga iyon?!" Mahina ang tinig nito ngunit madiin ang salita. Humigpit ang hawak nito sa braso niya.
"Well ganito naman lagi ang suot ko sa bahay ah! You've seen me wearing like this before!"
"Sa Maynila iyon! Go get changed!" He commanded at binitiwan ang braso niya.
"Wait a minute..." she said and gave him a smoldering look "nagseselos ka ba?"
Xander gave her an incredulous look "go change into something decent kung ayaw mong ako mismo ang magbihis sa'yo dito!" He threatened before storming out of the kitchen.
Beatrix's heart fluttered. Isang malaking ngiti ang sumilay sa mga labi niya. If Xander is indeed jealous ay wala na siyang mahihiling pa.