Chereads / Falling for my Gay Housemate! / Chapter 16 - "Fake" Wedding day

Chapter 16 - "Fake" Wedding day

"GRABE! Michie! Mukha ka talagang bride! Ang ganda-ganda mo!" matinis ang tinig na bulalas ni Kristine. Araw iyon ng pekeng kasal nila ni Jamie.

Dahil sa theater nagtatrabaho ang kanyang bff, ito na ang nag-volunteer na manghiram ng kanyang wedding dress sa isang rentahan ng gown at barong. May suki na rin kasi ang theater na rentahan kaya may discount si Kristine doon.

Sabi naman ni Jamie ay bibigyan siya nito ng pera pambili ng damit na gagamitin niya sa araw na iyon. Tumanggi siya kasi mas mura ang mag-rent na lang. Pero kahit sa pang-rent, hindi siya pinagastos ni fake fiancé.

The design is a V-neck cap sleeve sheath lace wedding dress with crystal ribbon. Simple lang ang wedding dress pero napaka-elegante ng dating. Walang mahabang train o veil. Para sa kanya ay over the top na nga na naka wedding gown siya para sa civil wedding... na peke. Iyon lang ang kailangan niya at make-up na care of bff Kristine.

Talagang nahasa ng theater ang kanyang kaibigan sa pag-aayos. Ang make up niya ay flawless at natural ang dating. Ayaw din naman niya na mukhang peke ang kanyang mukha, at bilib siya dahil na-enhance ni Kristine ang magaganda niyang features.

Ang kanyang buhok ay maayos ang big curls na nilagyan ng mga hairclips na may Swarovski. Nakakahiya man magbuhat ng sariling banko, feeling niya ay diyosa na siya. Feeling lang naman.

Kahit sa isang araw lang, o sa isang oras, wala naman sigurong masama na maging feeling bride ng ideal guy niya na kunwari ay hindi gay.

Ang props na bulaklak at pag-aayos sa bahay ay may kinontak si Jamie na florist na events decorator din. Talagang kailangan magmukhang totoo ang pekeng kasalan. Mayroon din silang photographer at videographer. Akala niya ay pictorial lang ang mangyayari, iyon pala ay talagang may pekeng rite. Kailangan daw kasi ay kapani-paniwala ang lahat.

May kumatok bago bumukas ang pintuan ng kuwarto ni Michie. Si Lizzie ang pumasok, bff niya sa work na madali niyang nakumbinsi na mag-witness sa araw na iyon.

Kunsintidora pa nga, lalo na ng ipakilala niya si Jamie ng personal. Nagkakilala ang dalawa nang dalhin niya si bff#2 sa condo, para alam nito ang pupuntahan sa araw ng kasal. Baka raw pwede pa niyang pikutin ang bakla kung may chance pa maging tunay na lalaki.

Pinapunta rin niya si Kristine nung araw na iyon dahil may hihinging pabor si Jamie sa kanila. It was both an acquaintance party for Lizzie, and get together for the four of them before the wedding.

Kaya pala napakasarap ng mga ipinahanda ni Jamie, ang hinihinging pabor nito ay magpapanggap itong si Diego Capalan sa araw ng kasal.

Tatlo silang nagtaas ng kilay dahil `di ba para sa magulang nito ang pekeng kasal? Ang dahilan nito, kailangan baguhin ang name nito para umpisa pa lang ay null and void na ang kasal.

Pictures lang naman ang ipapadala nito sa magulang at kung may video man, madali na i-edit at lapatan ng music para hindi marinig ang pekeng pangalan. Pumayag na rin sila kasi malaking kalokohan na nga ang buong kasal, mag-iinarte pa ba sila sa pagpapalit nito ng pangalan?

"Awwww. Bride ka man o hindi, napakaganda mo. Abot ko lang `tong bouquet mo at tinatanong nung photographer kung puwede ka na kunan habang inaayusan," anito habang naglalakad palapit sa kanya dala ang pumpon ng mga bulaklak.

In fairness kay Jamie, napakaganda ng kanyang bouquet at halatang imported ang mga bulaklak. Pinagkakagastusan talaga ang pekeng seremonya.

Parehong naka dress sila Kristine at Lizzie, pareho rin naka makeup at nakaayos ang mga buhok. Para silang mag-mo-modelo para sa isang photoshoot na sila ni Jamie ang main models.

Pagkatapos ng pictorial ni Michie ay sisimulan na daw ang pekeng seremonya. Naunang lumabas ang lahat sa kanya, ang martsa niya ay mula sa kanyang silid.

"Ano ba `yan? Hindi naman totoo ang lahat, pero bakit ako kinakabahan? Hindi naman mali ang tumulong sa isang kaibigan," sabi niya sa sarili.

Iyon ang lagi niyang iniisip para ma-justify ang kanyang desisyon. And partly because she's in love with Jamie.

Hindi naman siguro masamang kahit sa araw na iyon ay managinip siya na puwede maging sila. Na masubukan niyang ikasal sa lalaking nakaramdam siya ng magic kahit na peke ang lahat…. Lukaret na talaga siya to the highest level.

Mas lalong lumakas ang kaba ni Michelle nang marinig ang wedding march. Mayroon pa bang musikero na kinuha si Jamie? Over naman maghanda ang pamintang iyon para sa isang fake wedding. Baka suma-sideline bilang events coordinator.

Huminga siya ng malalim nang dahan-dahan bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Hinigpitan niya ang hawak sa bouquet at inihanda ang kanyang ngiti.

Muntik na siyang mapamaang nang makita ang set up ng kanyang bahay.

Mula sa pintuan ng kuwarto ay may red carpet na may mga petals ng roses na iba't ibang kulay. Sa magkabilang gilid ay may hilera ng mga paso na may mga makukulay na bulaklak.

Maliwanag ang ilaw na hawak ng assistant ng videographer, pero kita niya ang quartet na tumutugtog malapit sa main door. May dalawang naka uniform na waitress na may inaasikaso sa bandang kusina, at nakita niya ang formal table setup sa komedor.

Ang red carpet na ilang metro lang ang inilatag ay magdadala sa kanya sa salas, kung saan naghihintay sa kanya ang lahat. Everything is perfect, sayang at peke ang kasal.

Then she saw Jamie, which made her genuinely smile. He looked handsome and dashing in a black tuxedo. Naka clean cut ito, pinaputol ang mahabang buhok at wala ring bakas kahit stubble ng balbas.

Kahit sinong babae ay gugustuhin talaga maging bride nito. I-push away niya ang thought na paminta ang kanyang dream guy, kahit ngayon lang.

Huminga siya ng malalim bago ipinikit ang mga mata. Inisip niya na iiwan muna niya sa kanyang silid ang katotohanan at papasok muna siya sa isang masayang pantasya.

Nang ibukas ni Michie ang mga mata ay lumutang hindi lamang ang kanyang puso kundi pati ang kanyang paa, nang makitang titig na titig at nakangiti sa kaya si Jamie.

Parang hinihintay talaga nito ang araw na iyon, hinihintay ang kanyang pagdating, na parang totoo rin ang lahat para sa lalaki.

Ang paru-paro ay hindi lang sa kanyang tiyan lumilipad kundi pati sa kanyang kapaligiran. Everything was becoming dreamlike as she walked towards him. She can feel that the universe was singing them praise and urging them to be together.

Nang ilahad ni Jamie ang kamay sa kanya, inilipat ni Michie ang bouquet sa kaliwang kamay niya. Then, they held hands. Nawala lang ang tingin nila sa isa't isa nang tumikhim ang tumatayong judge. Bahagya pang nagtawanan ang mga tao sa kanilang paligid.

The ceremony felt real, may bilin pa sa kanila ang acting judge. In fairness, bukod sa magaling na artista, kabisado nito ang mga dapat sabihin at commanding ang presensya ng lalaki. Pati ang mga bilin sa kanila tungkol sa pag-aasawa ay kapani-paniwala.

At habang nagpapalitan sila ng sumpaan ni Jamie, ilang beses siyang nagka-bikig sa lalamunan. Hindi lubos maisip ni Michelle kung bakit siya naiiyak at pakiramdam niya ay totoo ang lahat ng nangyayari.

Her mind was screaming that everything was not real, but her heart was thinking otherwise.

Napatingin si Michie sa suot niyang engagement at wedding ring na ngayon ay magkatabi na sa kanyang right ring finger.

Muntik na siyang mapalundag nang sabihin ng judge na "You may kiss your bride." O-ow, hindi niya naibilin kay Jamie na peck lang sa cheek ang gagawin nito sa kanya.

Ang loko, ngingisi-ngisi na para bang naka jackpot ng kung ano. Sinubukan ni Michie na bigyan ng warning look si Jamie pero parang wala itong napansin.

Nawala ang ngiti sa mukha ng lalaki at biglang naningkit ang mga mata at nag-iba ng tingin. Napabuka ang bibig niya upang magsalita pero sa isang iglap ay naikulong na ni Jamie ang mukha niya sa magkabilang palad nito at mabilis na bumaba ang mukha nito sa mukha niya.

Wala nang nagawa pa si Michie nang maglapat ang kanilang mga labi. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, hindi lang para hindi siya maduling kundi para maituon ang isip sa kanilang unang halik.

Her very first kiss is really happening! Bakit ganoon? It feels so right and comfortable…. At may nararamdaman siyang damdamin sa halik ni Jamie, na para bang mahal siya nito.

O baka naman ganoon ang gusto niyang maramdaman dahil mahal nga niya ang lalaki? Idinuyan ang kanyang buong mundo nang hapitin siya ng lalaki sa baywang at pinaglapat ng husto ang kanilang mga katawan.

Pinalalim pa ni Jamie ang halik at kung hindi pa niya ito tinapik sa balikat dahil nagpalakpakan at naghiyawan na ang mga tao sa kanilang paligid ay hindi pa ito titigil.

Pinakawalan nga siya ni Jamie pero nakahawak pa rin ito sa kanyang baywang. Naramdaman niyang nag-ba-blush siya habang nahihiyang tumingin sa mga tao sa paligid. Parehong pilya ang pagkakangiti sa kanya nila Kristine at Lizzie, halatang mga nanunukso.

Pero totoong masaya ang lahat ng nakapaligid sa kanila. Kahit naman siya ay hindi matanggal ang ngiti sa kanyang mga labi.

Tinignan ni Michie si Jamie at pati ang mga mata nito ay nakangiti, na para bang walang mali sa araw na iyon. He looked at her tenderly, his eyes showing love and admiration as if she's the most beautiful bride in the world.

Binigyan siya muli ng lalaki ng isang mabilis na halik sa labi. Muli na namang tumikhim ang judge na tinalikuran nila, na ikinatawa na naman ng lahat.

"Bago pa kayo matuloy sa honeymoon, magpirmahan muna tayo ng marriage contract n`yo. Baka magkalimutan, mahirap na," natatawang sabi ng may edad ng lalaki na pekeng judge. Ang galing talaga nito umarte, very professional. Mahal siguro ang ibinayad dito ni Jamie.

She gave Jamie a puzzled look. Bakit may kontrata pa? Malamang ay peke iyon dahil ang alam niyang habol nito ay ang pictures at video ng kanilang fake wedding. Ah, baka kailangan din sa picture na pumipirma sila ng marriage contract.

Consistent naman na fake ang pangalan ni Jamie para sa fake na ceremony. Kaya kung may kailangan managot sa fake ceremony na ito, si Jamie ang hahabulin dahil fraudulent kahit pangalan nito.

Nakikiusap ang mga mata ng paminta, na lalaking-lalaki ang hitsura at kilos, kaya tumango na lamang siya. Kapareho ng reaksyon niya ang naging reaksyon nila Lizzie at Kristine nang pumirma ang mga ito bilang witness, na tinanguan lang din niya.

Malamang ay nagtataka nga ang mga ito na may pekeng marriage license pa. Pagkatapos ng pirmahan na patuloy kinukunan ng videographer ay pictorial na sila.

Nag stay doon ang pekeng judge hanggang matapos ang kanilang kainan. Si Mr. Geronimo a.k.a fake judge ay maraming kuwento na iisipin mong totoo nga ang profession nito. Pati sila Lizzie at Kristine na actress ay kumbinsido. Nakikisakay na lamang siya.

May kaunting programa ng cake cutting, wine toast, at sayawan kung kailan siya ninakawan ng maraming mabibilis na halik ni Jamie na ikinatutuwa ng lahat.

At katulad ng magagandang panaginip, iyon ay may katapusan din. Sa kaibuturan ng kanyang puso, ilalagay niya ang karanasan na ito kahit na peke lamang ang kasal.