Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 51 - II: Saranghaeyo! Miyanhaeyo! (I love you! I'm sorry!)

Chapter 51 - II: Saranghaeyo! Miyanhaeyo! (I love you! I'm sorry!)

"Oh my god!" nanginginig at inuubong saad nito. Halatang takot na takot. "Oh, my god! I thought I was gonna die."

"Calm down!" mahinahong sabi ni Jei sabay hagod sa likod nito.

"Jei, ahon na kayo jan baka magkasakit pa kayo," malakas na sabi ni Rain. Agad nilang tinulungan si Jei na paahunin ang dalaga. Umiiling na pinapanood ni Jei ang kawawang dalaga na dinaluhan ng kanyang mga "kaibigan". Kusang sumampa si Jei sa gilid ng pool.

"Why on earth did you do that? You could've drowned!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Korain sa dalaga.

"Na~ just being human, I guess," sagot ni Jei habang pinupunasan ang mukha gamit ang panyong ibinigay ni Korain sa kanya.

"And because of that, I have something for you," nakangiting sabi ni Martina saka hinila patayo si Jei at dinala sa dressing room.

"Try these on."

Napanganga si Jei habang nakatutok ang paningin sa isang pares ng underwear, red na cocktail dress at itim na pumps. Pinaglipat- lipat ni Jei ang tingin sa mga ito at kay Martina.

"Are you serious?" nagtatakang tanong ni Jei.

Napabungisngis si Martina sa tinuran ng dalaga. "Of course! Silly girl. You're soaking wet. Besides, you are our superhero."

"Uhm... thanks," nahihiyang sabi ni Jei. Tinulungan siya nitong magbihis. Nilagyan pa siya nito ng konting kolerete sa mukha at inayos ang kanyang buhok.

"Oh my gosh!" tanging sambit ni Jei habang nakaharap sa salamin. Strapless ang cocktail dress niya kaya't exposed and kanyang balikat lalo na't naka-messy bun ang kanina'y magulo niyang buhok.

"Ready?" nakangiting tanong ni Martina.

"Nope... but I don't have a choice, do I?" nakangiwing sagot ni Jei. Umiling si Martina. Walang nagawa si Jei kundi magpahatak sa dalaga.

"Is that her?" bulong ng isang dalaga. Humanga ang mga naroon ng makita siya. Iba'y di makapaniwala.

Jei's POV round 3:

"Ganda ko no? Ha ha ha. Sabi sa inyo eh, konting kembot lang, same same lang ang lebel natin. Naku... naku... ang mga lalaking ito. Kanina para kayong nandidiri sa akin. Ngayon, parang gusto niyo akong jowahin! Mga plastik!"

"Babe! You. are. stunning!" mas lalo siyang nairita ng marinig ang malakas na boses ni Korain na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya.

"What's wrong with you?" bulong Jei sa binata. Ngumisi lang ito.

"What a lovely couple?!" komento ni Martina. "Oh! I have an idea!"

Umakyat si Martina sa entablado at kinuha ang mikropono. "Ladies and gentlemen, may I call on Korain and Jei to hit the stage," sabi ng dalaga na kumindat pa kay Jei. Excited na naglakad si Korain habang hawak- hawak ang nanlalamig na kamay ng dalaga. Lumakas ang hiyawan ng nakatuntong ang dalawa sa entablado. Labis ang hiyawan ng biglang nasa entablado si Wonhi at hinatak si Jei mula kay Korain.

Isang malakas na "Oooooooooooooooooooooooooooooooh" ang narinig ng magkasubukan ng tingin ang dalawa habang si Jei ay parang basang-sisiw sa gitna nila.

"Why don't we spice up the show?" panimula ni Martina. "Jei, you will be our Cinderella for tonight! This will be a battle of the old and new and the rule is simple: Impress her!"

"Let the battle begin!" sigaw ni Martina na lalong nagpasigla ng kanilang hiyawan at palakpakan lalo pa't hinila siya ni Korain patungo sa center stage. Ngunit bago pa magpakitang gilas si Korain ay hinapit ni Wonhi ang beywang ni Jei saka walang sabi- sabing hinalikan sa harap ng mga naroon. Tigagal ang dalaga at di malaman ang gagawin habang nanlalaki ang mga mata.

"That's unfair!"mariing bulong ni Korain kay Wonhi habang ikinukubli sa kanyang likuran si Jei.

"Really? Which one is?" sagot ni Wonhi.

"You play dirty as always!" asik ni Korain.

"What? Can't remember a time I competed against you," maang na tanong ni Wonhi.

Sasagot na sana si Korain ng biglang nawala ang kuryente. Nagkagulo ang mga dalaga. Nagsitilian na animo'y mamamatay sa dilim habang si Jei ay tahimik lang na kumukurap- kurap upang makaadjust ang kanyang mga mata.

"Jei!" halos magkasabay na tawag nina Wonhi at Rain. "Where are you?"

"I'm~," hindi naituloy ng dalaga ang sasabihin dahil sa malakas na kamay na tumakip sa kanyang bibig. Nagpumiglas si Jei ngunit ng makalanghap siya ng kakaibang amoy ay unti- unting nagdilim ang kanyang paningin.

Makalipas ang ilang oras...

Nagising si Jei sa isang di pamilyar na kwarto at may tali ang kanyang mga paa at kamay. Bigla siyang dinagsa ng kaba at takot ng mapagtanto ang kanyang kalagayan. Sinuri niya ang kinaroroonan. Ito'y isang maliit na kwarto lamang, siguro mga anim na metrong kwadrado. May isang maliit na kama at isang maliit ding side table. Bukod sa mga ito, malinis ang silid.

"Sisigaw ba ako o mananahimik magkukunwaring di pa ako gising?" tanong ng kanyang isip. Maya- maya ay abot langit ang kanyang kaba ng makarinig ng papalapit na mga yabag. Agad siyang humiga at nagkunwaring tulog. Pumihit ang doorknob at bumukas ang pinto.

"She's still asleep!"

Nagpanic ang dalaga ng marinig ang pamilyar na boses ng isang babae. "Oh my god! Siya nga ba ito?" tanong niya sa kanyang isip. Naramdaman ni Jei ang paglapit ng mga ito at lumubog ang bandang paanan ng dalaga ng may umupo dito.

"I'm sorry, Jei! But we have to do this," malungkot na sabi nito. Gulong-gulo ang isipan sa kasulukuyan. Maraming bakit at paano.

Tumayo ito saka naglakad palayo. "Send Wonhi a call and I will take care of Rain!" saad nito sa kasama bago isara ang pintuan.

Unti- unting nagmulat ng mata si Jei. "Anong ginagawa ni ate Martina dito?! Anong kinalaman niya sa mga pangyayari. So, ako ang gagawin nilang pain. Kailangan kong makahanap ng paraan para masabihan sina kuya at Wonhi!" saad ng dalaga sa sarili.

Ng akmang babangon ang dalaga, bumukas ang pintuan. Kunot ang noong tumingin siya kay Korain na bakas ang pag-aalala sa mukha.

"You?!" di mapigilang sambit ni Jei.

"I'm sorry," mahinang sagot ng binata saka umupo sa paanan ng kama. Umayos ng upo ang dalaga. Agad siyang ngumiwi ng makaramdam ng hapdi mula sa balat na ginagasgas ng tali. Tumingin si Korain dito saka napamura. "Wait!"

Pagbalik nito ay may dala-dalang gunting at ointment. Napasinghap si Jei ng sa wakas ay matanggal ang mahigpit na tali sa kanyang pulsuhan at paa. Namaga ang mga ito at may mga gasgas.

"Why? Why are you doing this?!" tanong ni Jei sa binata habang nilalagyan ng ointment ang kanyang sugat. Bumuntong- hininga lang ang binata saka nag-iwas ng tingin.

"Please, Korain! I just wanna know. If I die here, at least I know why," pakiusap ng dalaga.

"No! You're not gonna die! I won't allow that to happen," nanlalaki ang mga matang saad ni Korain. Animo'y takot na takot marinig ang salitang iyon.

"Then tell me or I kill myself before you use me as a bait," nagbabantang sabi ni Jei.

"Okay, but promise me. You will never attempt killing yourself," sagot ni Korain. Tumango ang dalaga.

"Wonhi is my paternal half-brother! He is the favorite one--- the chosen one! He's always the best and I am always the terrible child," sagot nito. "I hate him but I never wished him dead."

"Then who? And why do they want him dead?"

"Because he is a product of an affair that wrecked a family apart. That's all I can say, I'm sorry!" yun lang at lumabas na ito. Naiwan si Jei na kinakain ng maraming katanungan.

Samantala, di mapakali sina Rain at Wonhi habang nakikipag-usap kay detektib Smith.

"What do you mean you can't trace her phone?" inis na saad ni Rain na puno ng pag-aalala. Nang hindi nila mahagilap si Jei sa party kagabi ay sukdulan ang kanilang pag-aalala.

"Hey! Maybe she turned off her phone. Is there something reason she might wanna leave or have her space?" mahinahong sagot ng detektib.

Napayuko si Wonhi sa tanong nito. Mula ng hindi nila makita ang dalaga kagabi ay biglang sumagi rin sa isip niyang baka nagalit ito sa ginawa niya kaya labis labis ang kanyang pagsisisi.

"I shouldn't have done that! What was I thinking?" puno ng pagsisising saad ng binata.

"Nope. Jei won't disappear for that reason. That's too shallow. I am actually worried that same people who wanna hurt Wonhi are behind this," paliwanag ni Rain.

Maya- maya ay nagring ang cp ni Wonhi. Nagkatinginan ang tatlo dahil sa unregistered number ito.

"Hello?" sagot ni Wonhi.

"Listen carefully! Meet me tonight, alone! I know you are with your friend right now. If you don't come alone, the last bullet will be on her head," saad ng nasa kabilang linya.

"Jei! Are you okay?" sigaw ni Wonhi.

"It's a trap! Don't~"

"You know what to do! Wait for my text then follow my instruction," saad nito saka pinatay ang cp.

"Shit!"

"F*ck!"

Halos magkasabay na saad ng dalawang binata habang si detektib Smith ay abala sa pagsusulat sa kanyang notepad saka ipinakita sa kanila.

Ang nakasulat: DON'T READ THIS ALOUD! YOUR PHONE IS TAPPED. ACT AS IF YOU DON'T KNOW IT. TALK ABOUT SOMETHING ELSE.