Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 56 - Light at the End of the Tunnel

Chapter 56 - Light at the End of the Tunnel

Three years later...

Masayang nakatingin si Jei sa madilim na paligid mula sa nakabukas na bintana ng bus habang nakasandal sa matipunong braso at dibdib ng nobyo.

Ilang buwan matapos ang gulo sa Korea ay bumalik sina Jei at Wonhi kasama sina Byeol at Haneul sa Myan Ji. Mula sa pinagbentahan ng mga ari-arian ni Wonhi sa Korea ay nakabili ito ng bahay at lupa malapit sa farm ni mang Liam. Nagretire na rin siya sa pagmomodelo at ibinuhos ang kanyang atensiyon sa modeling agency na itinayo nila ni Rain. Samantalang si Jei ay nagtatrabaho sa ospital sa Pryssia kaya kinailangan niyang manirahan sa lungsod. Tuwing holiday off niya lang saka siya nakakauwi.

Maya- maya ay may tumapik sa kanyang balikat. Lumingon siya sa dako nito at nakita ng nakakunot ang noo ni Wonhi.

"What?" tanong ng dalaga. Ininguso lamang ni Wonhi ang bukas na bintana at agad namang isinara ng dalaga. Nagkatinginan ang dalawa sabay tawa ng manumbalik sa kanilang ala-ala ang una nilang pagkikita.

"How beautiful!" sambit ni Wonhi habang nakatitig sa bintana. Nagtataka namang ibinaling ng dalaga ang kanyang atensiyon dito.

"I can't see anything," saad ni Jei habang pilit na hinahanap ang kung anumang itinuro ng kanyang nobyo. Muling lumingon si Jei sa kanyang nobyo para lang mapasinghap sa nakita.

Nakaluhod si Wonhi sa harap niya at hawak- hawak ang isang simpleng singsing, may diamond sa gitna saka maliliit na diamonds naman ang nakaukit sa white gold band ng singsing.

"Wonhi, what are you doing?" nanginginig na tanong ng dalaga. Nagsimulang kumuha ng atensiyon si Wonhi na nagdulot ng konting komosiyon.

"Jei, we've been through thick and thin. You stood by me during my darkest and lowest moment. You became my strength when I was beaten. You were my beacon when I was lost. A future without you would be as good as nothing. I can't picture my life without you in it. So, Jei... will you be my wife?" madamdaming sabi ni Wonhi.

Maraming pasahero ang kinilig sa mga sinabi ng binata at lahat ng naroon ay pigil hiningang hinihintay ang sagot ng dalagang parang naestatwa at ni hindi makapagsalita.

"Kawawa naman ang boyfriend mo, miss," saad ng isang pasahero.

"Oo nga. Kung ayaw mong asawahin, akin na lang," dagdag pa ng isa. Nagtawanan ang mga katropa niyang naiinip sa sagot niya.

Maya- maya ay nagsigawan ang mga pasahero sa biglang pagtigil ng bus. Kinakabahan namang nagsitanungan ang mga pasahero kung ano ang nangyari sa sasakyan. Bumaling ang driver kay Jei.

"Miss, hindi aandar to hangga't di mo sinasagot ang tanong ng batang yan. Kanina pa nakaluhod, kawawa naman," sigaw ng driver kay Jei na doon lang natauhan. Tiningnan niya ang pinagpapawisan ngunit nakangiti pa ring binatang nakaluhod sa kanyang harapan.

Hindi niya namalayan ang mga luhang nag-uunahan habang tumatango. "Yes! Wonhi, yes. I want to be your wife. I love you," saad ni Jei. Lumuwang ang pagkakangiti ni Wonhi habang isinusuot ang singsing sa daliri ng dalaga. Masigabong palakpakan ang maririnig ng hadkan ni Wonhi si Jei harap ng mga pasahero.

Labis- labis ang kasiyahan ng dalawang ina ni Wonhi at ni mang Liam ng ibalita ng dalawa ang plano nilang ikasal. Gayun din sina Khassandra, Bhral, at Kara na nagboluntaryo pang tumulong sa paghahanda.

"Are you serious?!" tanong ni Rain na halos di makapaniwala sa sinabi ng kaibigan habang nakavideo call sila.

"Kuya, this ain't a prank," sagot ni Jei saka ipinakita ang kanyang singsing.

Napabuga na lang si Rain ng hangin saka ngumiti. "Well, it's about damn time! I'm so happy for you two."

"Thanks, bro. I'll send you the details as soon as it's finalized," saad naman ni Wonhi. Nagkwentuhan muna ang tatlo bago sila matulog.

Pagkatapos ng halos anim na buwan...

Excited na nag-aabang ang mga guests sa malawak na hardin habang pinapatugtog ang isang classic wedding song na "Angel's Brought Me Here." White at pink ang motif ng kanilang kasal kaya naman ang venue ay napapalibutan ng flower arrangements na gawa sa pink na rosas at mga iba't ibang puting bulaklak gaya ng calla lily, dahlia, lilac, at rosas. Pati ang customized stage ay dinisenyohan ng vines at mga drapes na kakulay ng kanilang motif.

Sa paanan ng stage ay nakatayo sina Wonhi at Rain na gwapong- gwapo sa kanilang mga damit. Naka-white suit, black belt, stylish na white leather shoes, at pink rose boutonniere. Samantala, naka-pastel pink suit, puting polo shirt at white leather shoes. Kasama ng dalawa sina Haneul at Byeol na d mapigil ang pagluha.

"Omma, stop crying. We are not in a funeral," biro ni Wonhi sa kanyang mga ina.

Nagpahid ng luha si Haneul saka bumaling sa binata, "Geunyang nomu haengbokae." (Masaya lang ako.) Nagsalita ang pari hudyat na magsisimula na ang kasalan. Agad umayos ang apat ng pagkakatayo habang pinapanood ang entourage.

Sina Kara, Bhral, Khassandra, at mga kaibigan ni Jei ang groom's men at bride's maids. Maya- maya ay tila tumigil ang oras ng hawiin ng dalawang ushers ang kurtina sa arch na nasa entrance ng aisle at iniluwa sina Jei at si mang Liam na maluha-luha.

"Hey, relax!" kantiyaw ni Rain sa kaibigan ng mapansing nagiging emosyonal din ito.

"Take care of my princess as your queen," saad ni mang Liam bago ibigay ang kamay ni Jei kay Wonhi.

"I will," sagot ng binata saka umakyat ang dalawa sa platform at nagsimula na ang misa.

Sa wakas ay dumating ang pinakahihintay ng lahat, ang exchange of vows. Halatang kinakabahan si Wonhi ng hawakan nito ang mikropono. Panay din ang kanyang pagbuga ng hangin. "Relax," bulong ni Jei. Kahit papaano ay kumalma siya.

"Before I promise to love you forever, I want to get something out of my chest," panimula ni Wonhi. Ramdam ang magkahalong kaba at kyuryosisdad sa magarbong hardin. Pati si Jei ay biglang napawi ang ngiti sa kanyang mga labi habang kinakabahang naghihintay ng kung ano mang sabihin ni Wonhi.

"Six years ago at around midnight, I called my bestfriend who was too unhappy to answer," biro nito. Napangisi naman si Rain sa tinuran ng binata at pati na rin ang mga naroon ay natawa. "It was in the middle of our conversation when someone came to his room cutting our conversation momentarily. And with her sweet sleepy voice, she greeted her kuya goodnight. I'm sure Rain slept soundly, but for me, it was the beginning of sleepless nights."

"Care to explain what exactly do you mean?" seryosong tanong ni Rain. Tipid namang ngumiti si Wonhi saka ipinagpatuloy ang kwento.

"I don't know exactly what happened or how it happened. I just found myself wanting to know you more. It sounds weird but I don't know how to put it myself. Five months later, I flew to Pryssia and stayed for a week. I know. I sound like a creep but I admit I was. The only chance I had to be near you was to disguise as a bunny mascot during your university's athletic competition," saad ng binata sa gulat na dalaga.

"No way! Are you serious?" tanong ni Jei.

Ngumiti ng maluwang si Wonhi. "I am. And I am so sorry for pestering you that day. But, I also thank you for giving me your first kiss."

Halo- halong reaksiyon ang ibinigay ng mga naroon. May nagulat. May kinilig. May mga nagtatanong. Ng biglang nagkatawanan ng lumipad ang sapatos ni Rain at agad inilagan ni Wonhi.

"And you even dare call me your brother?!" nanggagalaiting saad nito.

"Calm down! It was a dare and I was still in a bunny suit. Technically, we didn't kiss. For me, we did," nakangiting paliwanag ni Wonhi sa hindi kumakalmang kaibigan. "I am really sorry. But I would never regret my actions."

Muling bumaling si Wonhi sa luhaang dalaga. "Would you still want me as your man for the rest of your life?" tanong nito.

Huminga muna ng malalim ang dalaga saka tumango ng marahan. "I swear. I hated the person behind the mascot for making my life miserable that day. But know that it was you, what can I ask for? I feel so loved and that's what matters," sagot ng dalaga.

Umugong ang palakpakan ng masuyong hadkan ni Wonhi si Jei kasabay ng mahipit nilang yakapan.

=wakas=