Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 55 - The Final Curtain Calls

Chapter 55 - The Final Curtain Calls

"Thank you for being here with me," madamdaming saad ni Rain kay Martina.

"Jei is my family, too. I hope she comes home soon," sagot ni Martina. "Why don't you drink this mango juice first to calm yourself?"

Tumingin si Rain sa nakangiting mukha ni Martina saka tinitigan ang inuming iniaalok nito.

"Thank you," saad ni Rain saka uminom. Palihim namang napangiti at nagdiwang ang dalaga ng makitang halos kalahati ng baso ang nainom ni Rain.

"How refreshing!" saad ni Martina matapos inisang inuman ang kanyang juice. Maya- maya ay biglang napakapit ng mahigpit si Rain sa sofang kinuupuan na, di mapakali habang hawak- hawak ang kanyang leeg at tiyan.

"What's wrong?" gulat at nag-aalalang tanong ni Martina sa nobyo. Hindi makuhang sumagot ni rain sa sobrang sakit na nararamdaman. Halos magsilabasan ang mga ugat sa kanyang mukha habang pinapagpag ang kanyang dibdib pagkat di siya makahinga.

Habang unti- unting nauupos ang hininga ng binata ay napahalakhak ng malakas si Martina. "Rain. Rain! Why do you have to be Wonhi's friend?" umiiyak at tumatawang tanong nito bago sumalampak sa sahig at yakapin ang binata.

"I love you, Rain! I loved you," humahagulgol na saad ng dalaga. "I tried my best to scare you away. But, why? Why didn't you leave? You and your moron sister. Why?!"

Marahas na niyugyog ni Martina si Rain sa labis na emosyon. Nais mang magsalita ni Rain ay di nito magawa dahil may kung anong bagay ang sumasakal sa kanya. Wala siyang magawa kundi lumuha na lamang.

"Remember when we went on a date? The night when Wonhi got stabbed? It was me. Rain, it was me! That was the reason why I was gone long. And the cut on my finger? It wasn't from cooking! I accidentally cut myself as I hurried out! Do you understand? I did that for you! To stay away from Wonhi."

Magkahalong lungkot, puot, at pagsisisi ang nadarama ni Martina ng makitang hindi na gumagalaw ang binata. Nagpaalam matapos halikan ng dalaga si Rain saka mabilis na umalis.

Samantala, sa mansion ay hindi tumitigil si Wonhi sa pagsuntok sa duguang mukha ni Korain.

"Go on. Kill me! Kill me and you'll never find your precious Jei~" mahina ngunit nanghahamong saad ni Korain. Tumigil si Wonhi at marahas na hinablot ang kwelyo nito saka hinila pababa ng hagdan. Ang dugong tumutulo mula sa mga sugat ni Korain ay napahid na parang pinta sa sahig at anumang masagi nito.

"Aaaaaaaah!" sigaw ni Korain sa bawat untog at hampas ng katawan nito sa baitang ng magarang hagdanan.

Nasa paanan sila ng hagdan ng bumukas ang isang pintuan at pumasok ang ama ni Korain na may hawak na baril. "Let him go or I'll finish you!" banta nito habang nakatutok ang baril sa binata.

"Where's Jei?!" singhal ni Wonhi. Ngumisi ang matanda. "Jigeum odinneunji malhae! (sabihin mo kung nasaan siya ngayon din!)"

"Geuman hae jebal! (Pakiusap tama na!)" nagmamakaawang saad ni Byeol.

"Shut up! Nega sijakaesso! Dangsini barameul piuji anatttamyon iron ireun ironaji aneul goeyo! Arasso?! (Ikaw ang nagpasimuno ng lahat! Kung hindi ka lang nagtaksil, hindi ito mangyayari! Naiintindihan mo?!)" sigaw ng matanda kay Byeol.

"Then kill me instead!" hikbi ni Byeol na tinawanan lamang ng matanda.

"Ani! (no). I want you to watch how I slowly kill this person you cherish so much," angil ng matanda saka ipinutok ang baril sa isang malaking picture frame. Nakakabinging ingay ng basag na salamin ang bumulabog sa malaking bulwagan. Muli ay itinutok nito ang baril kay Wonhi.

"Any last words?" nakakalokong saad nito sa galit na galit na binata.

"Noooooooooooooooooo! Please, don't do this!" hysterical na sigaw ni Byeol habang pinipilit na bumaba ng hagdanan.

"I still don't understand why you hate me that much. I didn't even know you," saad ni Wonhi.

"Because that b*tch cheated on me! She CHEATED on me! She secretly married my best friend, Howard! And you are the product of their affair, a reminder of her lewdness," nauulol na paliwanang ng matanda.

"I'm sorry. Jjinjja mianhe. Naega keun silsureul haetttaneun go ara geuraeso mianhada (Alam kong nagkamali ako ng malaki kaya't patawarin mo ako.)" pakiusap ni Byeol.

Nanghihinang bumangon si Korain at bumaling sa kanyang ama. "W-what do you mean? So, she's not our mom?" mahinang tanong nito. Ngumisi naman ang matanda saka nanlalaki ang mga matang tinitigan ang duguang anak.

"She gave birth to you and your sister, but she's never your mom as she was never my wife. I took her as a surrogate two months after she gave birth to him," sabay turo kay Wonhi. Humalakhak pa ito na parang proud na proud sa ginawa niya kay Byeol.

"So you knew about me!" sabat ni Wonhi. Nanlalaki ang mga matang humalagpak ng tawa ang matanda.

"Of course! To be fair, I don't have any plans of killing you. But, your mom--your mom sneakily changed her last will making you the sole heir to all her properties and assets. Blame her for your misfortunes! She's a b*tch! She's a fuck*ng piece of sh*t!" nangagalaiting sigaw nito kay Wonhi.

Habang abala ito sa pagtawa, kinuha ni Wonhi ito na pagkakataon upang agawin ang hawak nitong baril. Sa malas ay natauhan agad ang matanda bago pa hablutin ni Wonhi ang hawak nitong baril. Nagbuno ang dalawa.

Hindi ininda ni Wonhi ang hapdi ng mga sugat na dulot ng mga bubog sa sahig habang napagulong-gulong ang mga ito. Maya-maya ay tumilapon ang baril sa dako ni Korain at agad niya itong dinampot.

"Well, it's game over," saad ng matanda na nakangisi kahit hinihingal at nanghihina na. Bumaling ito sa anak na halos di maimulat ang mga mata sa pamamaga. "What are you waiting for?!"

Hindi pa rin kumikibo si Korain. Kaya naman nagwala ang kanyang ama. "You useless bastard! If only you killed him at the airport, none of this happened! Idiot! Just shoot him or I will kill you!" saad ng matanda kay Korain.

"I have one last question to ask," mahinahong saad ni Korain. "If Byeol is not my mom," naluluhang panimula ng binata, "could it be that my mom is... Miran?"

"Jungyohae? Dangjang jugyo! Your questions can wait (Importante pa ba yan? Patayin mo na siya)," impatient na sagot nito sa anak.

"No! I want your answer now! Is Miran my mom?" galit na sigaw ni Korain.

"Yes! Would it make a difference?" sagot nito.

Nagwala si Korain saka ikinasa ang baril at itinutok sa ama. Napasinghap ang matanda sa di inaasahang ginawa ng anak.

"Wh-what are you doing?!"

"How could you?! Miran died at my hands. You made me kill my mom! You twisted lunatic! You're a monster!" galit na galit na sigaw ni Korain. Sinamantala naman ito ni Wonhi na lumihis at mabilis na hinanap si Jei.

Natagpuan niyang nakagapos ang dalaga sa isang maliit na storage room. May tape ang bibig at takot na takot habang nakahiga sa malamig na semento. Bumalikwas ito ng hawakan ni Wonhi ang kanyang balikat.

"It's me, Jei. It's gonna be okay," masuyong saad ng binata matapos yakapin ang nahimasmasang dalaga. Nagdagsahan ang mga luha nito habang tinatanggal ni Wonhi ang tape.

"Why are you here?" hikbi ng dalaga. "They are monsters! They will kill you."

"Shhhhh!!! We need to get out of here," bulong ni Wonhi habang naghahanap ng pwedeng pamutol sa lubid na nakatali sa dalaga. Nang sa wakas ay nakahanap ito ay agad pinutol ang lubid.

Napasinghap ang dalawa ng magkakasunod na putok ng baril ang gumulantang sa kanila. Maya- maya ay malakas na tili naman ni Byeol. Lalong binilisan ni Wonhi ang pagtatanggal sa tali ni Jei. Parehong pinagpapawisan ang dalawa lalo ng makarinig sila ng papalapit na mga yabag.

Nagtago ang dalawa sa pader malapit sa pintuan. Mahigpit na hinwakan ni Wonhi ang kinakalawang na dulos na siya ring ginamit sa pagtanggal ng mga tali kay Jei. Nang bumukas ang pintuan ay agad hinila ni Wonhi ito saka ibinalibag sa sahig.

"He's dead! I shot him in the head," mahinang saad ni Korain. Nakahinga naman ng maluwag ang dalawa. "Wonhi--- omma salryojwo! (Iligtas mo ang yong ina!)"

Agad na kwinelyohan ni Wonhi ito. "What did you do? If you harmed her, I will kill you!"

"You can kill me anytime! You have to hurry. She's bleeding."

Mabilis pinuntahan ng magkasintahan si Byeol at nakita nila itong nakahandusay sa sahig malapit sa walang buhay na matanda. Agad na binuhat ni Wonhi ang ina at dinala sa ospital gamit ang sasakyan ni Korain.