Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 53 - Love and Lost

Chapter 53 - Love and Lost

Hindi mapalagay si Jei sa maliit na kwartong kinaroroonan. Ayun nanaman ang pakiramdam niyang hindi maganda. Pabaling-baling siya ng higa. Ng hindi talaga siya dinalaw ng antok ay saka siya umupo sa gilid ng kama. Madilim ang silid at tanging ang liwanag mula sa siwang ng nakasarang pintuan ang nagbibigay ng kakarampot na liwanag.

"Can't sleep?"

Halos mapalundag si Jei sa sobrang gulat ng biglang may nagsalita sa isang sulok ng kwarto. Inaninag niyang maigi kung sino ito habang pilit na pinapakalma ang sarili. Lalo siyang kinabahan ng maglakad palapit ito sa kanya at maupo sa paanan ng kamang kinauupuhan.

"Who are you?" nanginginig ta takot na tanong ng dalaga.

"Am I scaring you?" sagot nito.

"Korain?" naniniguradong tanong ni Jei. Narinig niyang marahang tumawa ang binata saka umusog palapit sa kanya. Wala nang mapupuntahan ang dalaga kaya't hindi na lamang ito umimik ng tabihan siya ni Korain. Nahigit niya ang kanyang paghinga ng sumagi ang kamay nito sa nilalamig niyang braso.

"You're cold~" anas ng binata. "Come here, Let me help you." Nanigas sa kanyang kinauupuhan ang dalaga ng bigla siyang yakahpin ni Korain ng mahigpit. Naamoy kaagad ni Jei ang alak mula sa hininga ng binata. Lasing ito.

"Hey~ have you been drinking?" kalmadong tanong ng dalaga saka marahang itinulak ang binata upang di ito magalit o di kaya ay mairita ngunit lalo siyang hinapit ni Korain na animo'y kasintahang ayaw mawalay sa taong minamahal.

"Stop pushing me away, Jei! It would be pointless," bulong ni Korain.

"What?" maang na tanong ng dalaga na nakasubsob pa rin sa matipunong dibdib ng binata.

"I said~ stop pushing me away because I will always find you wherever you go," sagot ng binata.

"Sounds creepy," pabirong sagot ng dalaga. Tumawa si Korain at medyo lumuwang din ang pagkakayakap nito sa dalaga.

Bumuntong- hininga ito. "Why does it have to be him?" may bahid ng pait na tanong ni Korain.

Tumingala si Jei kahit alam niya wala rin naman siyang makikita dahil sa dilim. "What do you mean?" tanong niya. Naramdaman ng dalaga ang paghigpit ng hawak ni Korain sa kanyang braso kaya't napakislot siya sa sakit. Agad namang nag-sorry si Korain saka dinampian ng halik ang braso ng dalaga.

"Sorry~ I didn't mean to," apologetic na saad ng binata.

"It's okay. But... uhm... can I have a question?" tanong ni Jie.

"What about?" may pag-aalangang saad ni Korain.

Matagal bago umimik ang dalaga. Tinitimbang niya kung tatanungin ba niya ito o hindi at kung sakaling matanong niya ito, ano kaya ang magiging reaksiyon nito.

"Hey~" masuyong saad ng binata.

"Uhm... will you get mad if I ask you questions?" alanganing tanong ni Jei.

"Hmm... well it depends on the question~"

"Err~ why is... what is Martina doing here?" sa wakas ay tanong ni Jei.

"She's my sister~"

"What?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Jei.

"She's my biological sister~ why do you ask?" tanong ni Korain.

"I guess you already know that she is my brother's "girlfriend"!" sagot ni Jei. Buntong-hininga lamang ang isinagot ng binata. "Please, tell me the truth at least I'd know what's going on before you kill me!" buong tapang na saad ni Jei.

"No!" kinikilabutang saad ni Korain saka niya niyakap ng mahigpit si Jei. "Don't say that, please! I am not gonna let them hurt you. I love you so much, Jei!"

"Then at least let me know what's going on! If you really love me, please let me know," pilit ng dalaga. Hindi umimik si Korain. Maya- maya ay sabay silang nabigla ng biglang bumukas ang pintuan at bumulaga ang isang pamilyar na mukha.

"How have you been, Jei? Been a long time!" matatas sa pag- English na saad nito sa nabiglang dalaga.

Biglang nanumbalik sa kanyang isipan ang unang nilang pagkikita. Kasalukuyang nag hihintay ng taxi si Jei sa harap ng kanilang apartment. Nanginginig siya dahil sa lamig ng klima sa panahong iyon kahit pa balot na balot siya mula ulo hanggang paa. Kaya naman laking pasalamat niya ng sa wakas ay makapara siya ng taxi.

"Damn it!" sambit ni Jei ng maipit ang kanyang scarf sa isinarang pinto ng taxi. Buti na lang at napansin kaagad ng driver ito kaya hindi niya agad pinaandar ang sasakyan.

"You okay?" tanong nito. Tumango si Jei sa driver. "Ma'am, where to go?"

"Seoul University, please," sagot ng dalaga.

"You... ahm... study? Ahm... work?" tanong ng driver saka natawa. "Sorry, I am no Engrish. My... my... ahm... son, very Engrish wer."

Napangiti si Jei sa sinabi driver dahil halatang hindi ito marunong mag- English pero pinipilit pa rin nitong makipag- usap sa kanya.

"It's okay. I will work," sagot ni Jei.

"Ah... my son... ahm... he manager cappe. Ahm... moji? (ano nga ulit yun?) ahm... here, Seoul Unibershity... here, cappe. My son... manager," kwento nito na nag- gestures pa upang ipaliwanag ang nais sabihin sa dalaga. Sa kabila ng hirap nitong magsalita ay bakas ang pride nito sa kanyang anak.

Naalala tuloy niya ang kanyang ama na halos umiyak ng ihatid siya nito sa airport ng lumuwas siya ng South Korea.

"Ah... your son is a manager of a cafe in front of Seoul University," nakangiting saad ni Jei sa matanda.

"Yeah. Yeah. Front. Yeah. Go drink anduh eat the cappe. Bery... good! Anduh... my son... bery handsomuh," saad nito bago napakamot ng ulo dahil sa sariling kadaldalan.

Hindi napigilan ni Jei ang matawa ni Jei sa kadaldalan nito. "Sure, I will try it next time," tanging sagot niya. Nagkwentuhan pa ang dalawa hanggang sa makarating sila sa gate ng unibersidad.

"Goodluck," saad ng matandang driver bago siya bumaba ng sasakyan. Nagpasalamat siya bago magpaalam. Akala niya ay namalik-mata lamang siya sa nakitang matalim na tingin nito sa kanya ngunit binale- wala lamang niya ito dahil wala naman siyang maisip na rason upang pag-isipan niya ito ng masama. Ngunit ngayon niya napatunayang hindi kathang-isip ang mga nakita niyang kakaibang kilos nito.

"Korain! Leave us," maotoridad na saad nito na gumising sa naglalakbay na isip ng dalaga.

"No! Whatever you tell her, I have to hear," matapang na sagot ng binata at hinawakan pa ng mahigpit ang kamay ni Jei.

"Hah! Jinjja. No jongmal michonni?! (Baliw ka ba talaga?)" nang-uuyam na tanong ng matanda sa anak.

"Ani! Naega malhaetjjana nega geunyoreul haechige nwaduji aneul goeyo (Hindi. Sinabihan na kitang hindi ako papayag na saktan mo siya)" sagot ni Korain sa ama. Tumayo pa ito. Mas matangkad ito ng di hamak sa ama kaya't halatang medyo natakot ito ng makita ang determinadong mukha ng binata.

Tumikhim muna ang matanda bago magsalita. "Are you threatening me?" saad nito bago pagkrusin ang mga braso tanda ng pagkanerbyos. Umiling-iling si Korain.

"Aniyo. No one threatens an evil like you. I am just saying... let's say... portent," kampanteng saad ng binata. Humalagpak ng tawa sng ama nito saka dinuro si Jei.

Hindi umumik ang kanyang ama at nagkasubukan sila ng tingin. Ng mapagtanto ng matanda na hindi patitinag ang anak ay bumungtong-hininga na lamang ito.

"Fine! If Wonhi will not be here at dawn, a grave would still be waiting for a body," saad nito habang nakangising-asong lumabas ng kwarto. Nakuyom ni Korain ang kamao habang si Jei ay tigagal.

Hinawakan ng binata ang magkabilang braso ng dalaga saka marahang hinila. Tila nauupos na kandilang bumagsak si Jei sa dibdib ng binata.

"Are you okay?" puno ng pag-aalalang tanong ni Korain kay Jei. Walang lakas na magpaliwanag ang dalaga kaya't tumango na lamang ito. Parang sirang plakang paulit- ulit na nagrerewind sa utak ni Jie ang huling sinabi ng matanda at hindi nito namalayang pumapatak na pala ang kanyang luha.

"Shhhhh! Everything's gonna be fine. I won't let them harm you! Don't worry," paninigurado ni Korain.

Tila walang narinig ang dalaga dahil sa kanyang isipan ay iba't ibang negatibong senaryo ang tumatakbo saka siya napasinghap.

"Please, Korain... spare Wonhi's life and just kill me instead. Please," parang nauupos na kandilang daing ng dalaga habang si Korain ay hindi makapaniwala sa narinig.

"What? No! Are you out of your mind?" nanlalaki an gmga matang tanong ni Korain.

Tumingin ang dalaga sa mga mata ni Korain ng may determinasyon. "Either you help him live or I'll die with him!" banta ni Jei. Napasuklay si Korain gamit ang mga daliri saka marahas na bumuntong- hininga. "I am not kidding Korain. If you kill him, I will find a way to kill myself."

"Why? Is that how much you love that piece of shit?!" masakit ang damdaming tanong ni Korain.

Marahang tumango si Jei. "Yes, that's how much I love him," mahina ngunit mariing sagot ng dalaga. Napakislot si Jei ng biglang suntukin ni Korain ang pader saka sinipa ang kama at anumang masagi ng paa nito.

Hindi maintindihan ni Korain ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Akala niya noong una, nais lamang niyang gamitin si Jei upang masaktan ang kapatid ngunit bakit siya lubos na nasasaktan ngayon. Ngayong alam niyang wala talagang pag-asang makakapiling niya ang dalaga. Ngayong alam niyang panandalian lamang ang kasiyahang nadarama niya dahil baka sa mga susunod na mga oras ay kakailanganin niyang magparaya. Hindi niya alam ang gagawin dahil sabi ng kanyang isipan na sundin ang hiling ng minamahal ngunit hindi sumasang-ayon ang kanyang puso.