Shaina's Proves
"Ikaw!" daig pa nila nagduet dahil sabay sila, di niya akalaing magkikita pa sila ng lalaki. "Ikaw kahapon ka pa!" angil niya di niya alam na kanina pa sila pinagtinginan ng mga tao.
"Sana nga pala di na ako pumunta dito para di ko na nakita yang mukha mo." ani nito saka pumasok sa loob ng Fredo's Bar Sport & Hotel, sinundan niya ito na may ngalaiti pa.
"Hoy! Di ka man lang mag-sorry." angil niya ulit, "nabunggo mo na ako!" sinundan pa niya ito sa taas, nakita niya ang mga kapatid nito na halatang curious kung anong ingay kaya nagsipunta lahat.
Nakakita siya malaking Vase saka binato rito ngunit kahit nakatalikod to ay nakailag pa rin, kumuha pa siya ng isa pang vase at binato ito, nakailag na naman.
"Di mo alam kung timagkano yang vase na binagsag mo?" ani naman ni Mark, saka nilapitan ang bawat kapiraso nun nagkalat sa sahig. "Binili ko pa to."
"Huh! Di ko sinasadya!"
"3 million ang vase na binasag mo, mababayaran mo ba yan? Hindi di ba? So anong gagawin mo?" galit ni Orlando sa kaniya at nakita niya di biro ang halaga nun.
Tatakbo sana siya para tumakas nang hilahin ni Orlando ang damit niya pabalik, saka nito hinawakan ang braso niya upang kaladkarin papasok sa loob "Sorry na magbabayad ako!"
"Di namin tatanggapin yang sorry mo, gumawa ka nang paraan para mabayaran mo ang nabasag mo!" ani ni Orlando.
"P-pero wala akong ganung kalaking pera."
"Bayaran mo yun at kung hindi sa kulungan ang bagsak mo." ani ni Orlando sabay dumuko sa kaniya at tinignan siya nang masama.
Lumapit si Mark at saka siya nito niyakap, "ba't di ka na lang magtrabaho sa amin, may space pa naman para sa trabaho. Nagtratrabaho habang may binabayaran ka."
"Huh!"
"Hindi kita ipapakulong okay!"
"T-talaga! S-salamat!" sabay yakap kay Mark, dinilaan na lang niya si Orlando na medyo nanlaki ang mga mata sa ginawa niya saka panay ang pa-cute niya kay Mark na niyakap ito.
Ang guwapo kasi ni Mark at ang bango nito panay pa ang ngiti nito kaysa naman kay Orlando na hindi ngumingiti, parang nasanay na ito niyayakap niya. "Bukas magtrabaho ka sa amin, okay!" ani ni Mark sa kaniya nang masulyapan niya saka siya tumango.
Kinabukasan ang unang sabak niya sa trabaho bilang waitress ng mga ito, di naman mahirap ang trabaho ngunit nakakapagod. Lagi siyang hinahanapan ng butas ni Orlando ngunit ayaw na lang niya pansinin, lumapit si Tom sa kaniya saka sinipat ang legs niya. Di nito alam na naiilang siya sa ginawa nito, 'manyak.'
"Bakit kaya asar si Orlando sa'yo?" ani nito, napabuntong hininga. Napatiyanod na lang, sa totoo lang di niya alam kung bakit.
"Di ko alam."
"Ganyan lang talaga si Orlando, iniwan kasi kami ng ina namin pagkatapos iniwan pa ng jowa, ang daddy naman namin walang paki. Magmula nang iwanan siya parang lagi na lang galit sa mga babae at lalo na sa mga social climber."
"Ganun ba!" tumango ito, saka niya pinagpatuloy ang trabaho. Nakauwi siya sa bahay ng kaibigan at Wala pa ang asawa nito, saka siya niyayang kumain. "Kain ka na."
Nagbihis muna siya saka pumunta sa sala kung saan sila kumakain, naghahanda na ng pagkain nang magsalita ito. "Kamusta ang unang trabaho?"
"Okay lang!"
"Bakit parang di ka makarecover dun sa muntikan ka nang mabangga?" ani nito nguya nang nguya, nagkibit balikat nalang siya.
"Nabangga ako this time totoong nabangga ako." sabay inom ng tubig, napamulagat ito sa sinabi niya.
"Totoo!"
"Nakabangga lang naman sa akin yung herodes Orlando na yun, pagkatapos sinugod ko dun sa bar."
"Pagkatapos!"halatang inip na
"Pagkatapos binato ko yung vase kaso magbabayad ako dahil sobrang mahal nun." kuwento niya habang patuloy na kumain, tinakpan niya ang kaniyang mukha saka nagiiyak.
"Oh! Bakit?"
"3 Million kasi ang halaga ng vase."
"Ano!??" sabay tayo
Di niya alam kung saang lupalop siya kukuha ng ganung kalaking pera, ang alam lang niya ayaw niya makulong. May semental value ang vase kaya kahit napakaantik nito ay siguradong kapag nabasag, makukulong ang may kakagawan nun.
"Binigyan nila ako ng trabaho para maipon ko ang ganung kalaking pera." napapantastikuhang di malaman ang nakasalamin sa mukha nito, tapos na sila kumain at nakapagpahinga na.
"Ma! Ano bang gagawin ko? Tumakas ako sa atin upang di ako maikasal sa matanda pagkatapos ay maibibigyan ko kayo ng ganitong kasama pangyayari." napahikbi na lang saka side ng pagkakahiga.
"Gusto ko lang namang lumaya, at di na maging malas huhuhuhu!!!" pinunasan na lang niya magkabilaang luhang naguunahan sa pagtulo.
"Ganito na ba magiging kapalaran ko Lord, bigyan niyo po ako sign at ayoko na pong maging malas habang buhay" nakatulugan na lang niya kakaisip.
Kinabukasan di niya akalaing malelate siya kaya di magkada-ugaga, hindi na siya nakapagalmusal kahit niyaya siya ng kaibigan at ang asawa.
Kumakalam na ang sikmura niya, 'sana kahit kauting subo man lang ginawa ko bago ako umalis ng bahay.'
Pagdating niya sa Fredo's Bar Sport & Hotel nang makasalubong niya ang sobrang sungit na si Orlando, wala pa ang mga kapatid nito kaya ito lang ang nabungaran niya.
"Your late!" sabi nito, matalim na nakatitig ang mga mata nito na para bang laser at gusto siyang mawala.
"P-pasensya na po."
"Pasensya! Puro ka na lang pasensya!" galit nito saka binalibag ang mga gamit, sobrang singhap niya nang hawakan nito magkabilaang braso niya.
"Sir sorry." pilit niyang binabawi ang kamay ngunit malakas ito. Isa pang piglas niya ay nagawa na niya makakalas at ang sunod niyang nagawa ay dumantay ang palad niya sabay sampal rito, 'pak' di niya malaman ang gagawin, pinagsisihan niya 'itong kamay ko talaga di ko mapigilan.'
Mas lalong tumalim ang titig nito at nakita niya ang mga kamay nito kumuyom, aatras na sana na baka saktan siya nito ngunit hindi ganun ang nangyari. Kinabig ang bewang niya saka masiil siya hinalikan, obviously he a good kisser and those sweet lips are so delicious. 'Ito ang kakaiba sa lahat' anya sarili ngunit mapagparusa iyon, nagpumiglas siya pero tila bakal ang makikisig nitong braso.
Sa bawat singhap niya, milya milyang bultahing namumuo sa kaniya dahil sa kamay nitong mapangahas, namalayan niyang sinasabayan niya na ito at niyayakap na rin niya ito.
Pero nalimutan niyang nasa trabaho sila kaya tinulak niya na ito bago pa siya madala, di siya makatingin rito at maging ito'y namumula na rin kaya umalis siya at pumunta sa CR saka dinama ang mga labi "ano ba pumasok sa utak ko bakit nagpadala ako."
Abangan...