Chapter 8 - Chapter 8: Sorry

Pinakalma ni Shaina ang sarili saka akmang bubuksan niya pinto nang maunahan siya ni Orlando.

'Ano naman kaya ginagawa ng lalaking to rito?'

"What now!?" sigaw niya, parang di alintana sa kaniya na kaharap ang boss. Humugot nang malalim si Orlando saka lumapit sa kaniya.

"Sorry! Di na mauulit yun." pagkasabi nun sabay alis na para bang walang nangyari, tulala na lang sinundan ng paningin ang papalayong rebulto ni Orlando.

"G-ganun!?" maang niyang sabi

End of Shaina's Proves

Olando's Proves

Habang si Tom nag-discuss sa harapan para sa panibagong launce ng kanilang product wine, di makapag focus si Orlando sa bawat sinasabi nito.

Ramdam niya tense na di mo malalaman at panay ang buntong hinga. Naalala niya kasi kung paano niya hinalikan si Shaina that day na malate ito, buti walang nakakita sa kanila sa ganung posisyon.

'Shit!'

'Bakit di ko maibaon sa limot ang ginawa ko sa kaniya?' patuloy niyang sabi sa sarili, parang gusto niyang iuntog ang sarili sa table pero syempre di niya gagawin yun kasi masakit.

"Bro! Are you okay!?" tanong ni Tom na nagtataka.

"Yeah!" saka umayos ng upo

"You look not okay, your the boss pero di ka nakikinig sa discussion." isa pang sermon ni Mark, nakatingin na rin sa kaniya.

"Gusto mo pa ba ipagpatuloy ko to?" tanong ni Tom sa kaniya, nakahinto halatang inip na inip.

"Oo! Go for it!"

"Alam mo bro, ganiyan ang itsura mo nang mainlove ka kay Samantha."

Napalunok at nagiwas ng tingin, di makakaila ang kaniyang mga mata. "Di kaya inlove ka na ulit?"

"Yyeehhh!!!"

"Hindi! Ha!" Nagblush siya, sa tagal nila magkakasama ay nila alam kung meron ba sila sikreto kaya kahit sino man ang nasa isip niya di niya sasabihin sa mga to.

"Wala! Hindi ako inlove."

Nangatyaw naman si Alejandro, Tom, at Steven at nagtawanan. "Kuya! Magkakapatid tayo at kilala ka namin kung ano ang nasa isip mo, alam namin kung pera o babae." sabi naman ni Shawn, di siya makaimik.

"Okay so Let's continue." anya ni Tom natatawa pa rin.

Napakamot na lang siya, talagang kilala na talaga siya ng mga to.