Nangagawit na si Cielo sa kakaintay sa Labas ng convinience store na malapit sa ospital na pinapasukan ni Doc Martin, don kase ang usapan nilang tagpuan dahil ayaw niyang maabala ito sa oras ng trabaho medyo workaholic pa naman ang isang yun! Isa yun sa mga dahilan kung bakit sila nagkahiwalay nito, pareho silang walang oras sa isat isa. Sa lahat pa naman ng naging Ex nya ay ito ang pinaka gusto niya kahit bihira lang silang magkita! Well atleast malinaw ang dahilan nito kung bakit sila nag break, hindi katulad ng iba pa niyang naging boyfriends na bigla nalang namamaalam o kaya ay naglalahong parang bula.
Napangiti sya ng matanawan itong palabas na ng entrance ng ospital, sa wakas matatapos na ang paghihintay nya! nakita nya itong kumakaway palapit sa kanya.
"Sorry medyo nagtagal ako, may emergency kaseng dumating eh!" salubong nito sa kanya.
"Okey lang, di pa naman ako nagtatagal dito eh" pagsisinungaling niya kahit ngawit na ngawit sya paghihintay! "By the way okay na ba ang schedule mo?"
"Yeah, but This time I only have four days para mamundok dahil kailangan ko din umalis next week para sa conference namin sa US," sagot nito.
"Oh okay na yun! ang mahalaga mabigyan mo kahit kaunting oras ang tao roon." wala naman syang magagawa kahit ilang araw lang ang ibigay nito para sa medical mission nya, dahil nakikiusap lang sya dito ang importante ay makatulong ito.
"Alam mo Cielo, kung hindi lang kita Ex ay hindi ko muna pagbibigyan ang mga libreng serbisyo na yan! ang hirap hirap kayang mag aral tapos manggamot lang ako ng libre, sayang ang pagsusunog ko ng kilay." natatawang sabi nito bago siya inakbayan.
Alam naman niyang nagbibiro lang ang kausap dahil palagi nya naman itong nakakasama sa mga medical mission nila at willing din itong tumulong sa mga nangangailangan.
"To naman, wag mo na akong kunsensyahin at Alam ko namang bukal sa loob mo ang pagtulong sa kapwa. Wag kang mag alala pagkatapos nitong mission natin ay ililibre kita ng lunch!" suhol niya dito.
"Nyek di sa isang linggo pa yun! eh kung ngayun mo nalang kaya ako ilibre, mag lunch tayo para makatipid naman ako!" anito.
"Sure! kaya lang sa Mariano's tayo ha! don lang ang kaya ng budjet ko eh and gusto ka rin nga palang mameet ng kuya ko!" sabi niya dito.
"So sa kuya mo itong resto?" tanong ni Doc Martin ng nakaupo na sila at namimili ng pagkain sa menu.
"Oo kaya pumili ka lang kung anong gusto mo!" sagot niya dito.
"Kaya pala ang lakas ng loob mong manlibre!" anito habang namimili ng pagkain don.
Tinawag ni Cielo ang waiter para makaorder na sila. "Honey chicken and and lasagna lang sakin, ikaw Doc anung gusto mo?"
"Pareho lang ng sayo!" sagot nito, "Syanga pala nasan ang kuya mo? kala ko ba gusto nya akong makilala!"
Napatingin sya sa nagsusulat na waiter, "Anjan ba si Kuya Juno? pakisabi naman hinahanap sya ng pinaka magandang babae sa pilipinas!" Napatitig sa mukha niya ang waiter saka tumango ito bago umalis.
"Hindi naniniwala yung waiter sayo!" ani Doc Martin sa kanya.
"Hindi naniniwalang kapatid ko si Juno?" kunot noong tanong niya dito.
"Hindi! hindi sya naniniwala na ikaw ang pinakamaganda! hahaha!!!" sabay halakhak nito..
"Mukhang nagkakasayahan kayo ah!" saad ng kuya Juno niyang nakatayo na pala sa likuran niya.
"Oh kuya!" bati nya dito, "Kasama ko nga pala si Doc Martin yung sinasabi ko sayo last time!"
"Ah, ikaw pala yun! nice to meet you ako si Juno." kaagad naman tumayo si Doc Martin at nakipagkamay dito, "Salamat sa pagtulong mo sa kapatid ko ha, malaking bagay yan para sa pamilya namin."
"Wala yun, Nakakatuwa nga dahil nakakatulong ako sa iba." inirapan ito ni Cielo.
"Order lang kayo ng kahit anong gusto nyo, its on me! treat ko sa inyo bago kayo mamundok uli." sabi ng kuya niya dito. Naupo na rin ang ito sa bakanteng silya sa tabi niya. "syanga pala Cielo, darating si Vince ngayun iorder mo na rin daw sya ng pagkain."
"Nakaorder na kami kuya ikaw nalang ang umorder para sa kanya." sabi niya dito.
Tinawag naman nito ang nakastandby na waiter malapit sa kanila at inutusan itong dagdagan ng order sa table nila Cielo.
"So kailan ang alis nyo?" tanong nito muli sa kanila.
"Sa makalawa na kuya, may tinatapos pa kaseng trabaho si Doc eh!"
"Magpapadala ako ng relief goods para sa mga tao roon ipapahanda ko lang sa Secretary ko." saad ng kuya niya.
"Ah lalong mas malaking tulong yan! siguradong matutuwa ang mga katutubo pag may konti tayong pasalubong para sa kanila." ani Doc.
"Hi!" bati sa kanila ng bagong dating na si Vince diretso ang mga mata nito sa katabing doctor ni Cielo.
"Hoy bakit andito kana agad? kakasabi palang ni kuya na dadating ka ah!" sabi niya dito.
"Nanjan lang ako sa malapit nung sinabi ni Juno na darating ka kaya nagpunta na rin ako dito." napatingin naman si Cielo sa kuya niya.
"Kase magdodonate din daw si Vince sa medical mission nyo kaya ko sya tinawagan!" paliwanag ng kuya niya.
"Ahh! by the way Vince, I want you to meet Doctor Martin Allegre, Sya yung palagi kong kasama sa Missions ko!" pakilala nya sa kasama.
Kaagad namang nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki habang nagkakamay ang mga ito.
Bakit ganon? feeling ni Cielo may kung anong tumatakbo sa isip ng kuya Juno nya dahil parang nakita niya itong nakangisi habang nagkakamay ang dalawang lalaki sa harap niya.
"Nice to meet you Vince, magdodonate ka pala sa mission namin ni Cielo, pwede ko bang itanong kung anong ibibigay na makakatulong sa mga katutubong pupuntahan namin?" diretsong tanong dito ni Doc Martin.
"Manpower! magpapadala ako ng mga taong makakatulong sa inyo don!" seryosong tugon nito.
"Oi, malaking tulong yan since magpapadala ng relief goods si kuya Juno!" natutuwang sabi niya dito. nabaling ang tingin niya kay Doc Martin, bakit parang hindi ito natutuwa sa sinabi ni Vince? medyo dumilim kase ang ekspresyon ng mukha nito.