Chereads / ADORE HIM / Chapter 4 - Sakal

Chapter 4 - Sakal

Chapter 3. Sakal

MARU looked for part time jobs. She works four to five hours everyday at iba-iba ang pinapasukan niya. Mas nag-e-enjoy kasi siya sa ganoon, at least hindi siya gaanong magsasawa.

"Candace, sigurado ka bang kaya mo rito?" nag-aalalang tanong niya sa kaibigan. Mukha kasing hindi ito sanay sa pampisikal na trabaho. At bilang waitress ay kailangan nilang maghatid ng mga order sa iba't ibang mga customer, buong shift.

"Oo naman. Kukunin at iaabot lang naman ang order," kaswal nitong sagot.

Tuwing Miyerkules, Huwebes, Biyernes at Sabado ay nagpa-part time siya bilang waitress sa isang sikat na bar, ang The Dreams. Malaki ring magbigay ng tip ang mga customer doon lalo na ang mga VIP. Mag-iisang buwan na siyang nagta-trabaho roon kabilan na ang isang linggong training.

Alas otso ng gabi hanggang ala una ng madaling-araw ang shift niya roon, habang si Candace, o Ace, nama'y magdamag.

"Nabuhusan na naman ako ng alak ng ilang mgasumasayaw!" naiinis na untag niya nang magpalit ng damit. Kasunod niya si Ace.

Halos umiyak ang kaibigan niya sa kalagitaan ng shift nito.

"Ayoko na!"

"I told you. Mapapagod ka," sisi niya rito.

"Hindi iyon, e. Gusto ko ring uminom pero hindi pwede!"

"Ha?" nagtatakang tanong niya at inalis ang suot na uniform.

"Kaya ako sumama sa iyo rito because I like to drink. Hindi ko naman inakala na kapag empleyado, hindi pwedeng mag-inom!"

"Natural! E, 'di, plakda tayo buong shift? Nagtrabaho pa tayo, 'no? Sana p-um-arty na lang," sarkastiko niyang sagot.

"Kasi naman... hindi ko alam!" padabog na tinanggal nito ang suot na uniporme. Nasa locker kasi sila at nagbibihis na siya para makauwi.

"So, suko ka na?"

"Of course not! I'll take it as a challenge. Baka ito na ang way para malayo na ako sa masamang bisyo."

"Wow, ang lalim ng masamang bisyo, ah!"

"Too much alcohol is a bad habit!" katwiran nito.

"O.A. mo na," sita niya at nagbihis na.

"Mag-inuman na nga lang tayo!" yaya nito sa kanya.

Umiiling-iling na tinalikuran niya ang kaibigan.

"Hoy, tara na. Libre ko naman," pamimilit nito.

"A-yo-ko," she mouthed.

"Pwede na tayong uminom. Tapos na ang shift natin."

"Shift ko lang ang natapos. Ikaw, magtatrabaho ka pa. Kung gusto mong magpatuloy, wear your uniform again and get your ass out of here."

"Sungit naman! Sige na nga! Humanda ka sa off mo."

"Kung mahahanap mo ako," nakangising bulalas niya. Hindi sila magkasabay ng off. Biyernes at Sabado ang kay Ace habang siya ay abala sa tuwing wala siyang trabaho sa bar.

"Hmp!" singhal nito at bumalik na upang magbihis ulit ng uniporme.

"Siraulo talaga." Iyon lamang at umalis na siya ng bar.

Kinabukasan, kahit Biyernes ay kasama niya si Ace sa trabaho. Buong linggo itong magte-training at sa susunod na Linggo pa epektibo ang shift nito na seven ng gabi hanggang four A.M., at Friday-Saturday na off nito.

Buong shift na naman niyang narinig ang nga hanash o hinaing ni Yvonne pero alam niyang wala namang katotohanan ang mga iyon.

Kinabukasan, matapos magsimba ng umaga ay nagpa-spa sila ng kanyang inay bago umuwi. Alam niyang pagod ito sa pagtitinda sa pwesto nila sa palengke, kaya gusto niyang i-pamper ito. They have an eatery inside the public market at katuwang ng kanyang inay ang kanyang stepfather at ang stepsister sa pamamalakad niyon, may dalawang katulong din sila para sa mga hugasin at paghatid ng order sa malapit na mga tindahan sa palengke. Ang mga ito ang may-ari ng kainan sa palengke, doon din nakilala ng kanyang inay isang taon na ang nakararaan.

Mabigat ang loob ng kapatid niya sa kanya dahil 'ika nito ay hindi siya tumutulong sa kainan. Kaya naman na kasi ng mga ito iyon. At isa pa, wala siyang maitutulong sa pagluluto. May dishwasher din naman sila kaya literal na wala siya maiaambag doon.

Sa totoo lang, mas gugustuhin niyang maglagi sa bahay pero hindi niya magawa dahil panay ang sermon sa kanya ng kanyang stepdad. Isabay pa ang kanyang mama kapag nakasumpong ito.

Gaya na lamang ngayon, Linggo, day off niya. Dapat ay nagpapahinga siya pero mas piniling ngayon siya paglitanyahin ang ama.

"Tingnan mo si Luisa, dalagang tulad mo, pero hindi nag-iinarte sa pagtitinda sa palengke. Ikaw, wala ka nang inatupag kung hindi ang mag-inom. Aba, halos araw-araw, umuuwi kang amoy-alak at laging madaling-araw."

Tumahimik lang siya. No one in her family knows that she's working in a bar. Ang lakas naman yata ng pang-amoy nito? Hindi naman niya suot ang uniporme sa tuwing umuuwi siya galing ng bar, kaya paano nito nalalaman na amoy-alak siya?

She just sighed.

"Hindi ka talaga makikinig, babae ka?" nanggagalaiting tanong nito. Wala pa ang inay niya, dumiretso ito sa palengke at nauna siyang umuwi. Ang kapatid niya ay umalis saglit.

"Magpapahinga na po ako." Iyon lamang at dumiretso na siya sa kwarto niya sa basement. Oo, roon niya piniling maglagi dahil tahimik at maituturing na sound proof ang kwarto. Bagay sa tulad niyang sa halos tulog maghapon.

Pero nagulat siya nang hablutin ng kanyang amain ang kanyang braso. Hindi niya alam na sumunod ito.

"Saan ka na naman ba nanggaling kagabi? Sinong lalaki ang kasiping mo? Naamoy ko sa damit mo ang alak!"

Nahihintakutang binawi niya ang braso at lumayo rito. Imposibleng mangamoy alak ang damit niya, pero ang damit panloob niya, hindi malabo, lalo pa't sa tuwing shift niya ay lagi siyang nabububusan ng alak o kahit anong nakalalasing na inumin sa tuwing napapadaan siya sa dance floor para maghatid ng drinks.

"Ang nanay mo, kinasama lang ako pero hindi kailanman pumayag na sumiping sa akin. Baka ikaw ang magpupunan ng sekswal kong pangangailangan, Maru."

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Mas bata ka. Mas sariwa. Nakalalasing ang amoy ng bra mo. Pero nitong nakaraan ay laging amoy-alak. Sinu-sino ba ang mga nakakasama mo sa inuman? Siguro kung sinu-sino rin ang sinasayawan mo sa kama, 'no?"

"Baliw ka ba?!" sigaw niya. Hindi siya makapaniwala na may sa demonyo ang ugali ng kanyang amain. Wala sa hinagap niya na nangyayari sa totoong buhay ang ganitong mga pangyayari.

Nanlilisik ang mga mata nito nang padabog na sinara ang pinto.

"Huli ka ngayon!"

Napasinghap siya nang dumiretso ito sa laundry basket niyang nasa tabi ng banyo at dinampot ang kanyang bra. Inamuy-amoy nito iyon na parang isang adik.

"Ang sarap talaga."

"Animal ka!" mura niya.

Mabilis na tumakbo siya sa may pinto pero mas mabilis ito at nahablot ang kanyang buhok. Padarag siyang hiniga sa sahig at sinakal siya ng lalaki.

"Kung hindi rin lang naman kita matitikman, papatayin na lang kita at pagsasawaan ang walang buhay mong katawan. Isusunod ko ang puta mong nanay." Nag-iba ang tingin niya sa lalaking itinuring niyang pangalawang ama. Sa isang iglap ay nawala lahat ang respeto niya rito.

"Mapatay mo man ako, sinusumpa kong hindi matatahimik ang kaluluwa ko... sisiguraduhin kong babalikan kita!" hirap na sambit niya. Halos tumirik na ang kanyang mga mata at nauubusan na siya nang hangin.

"Facundo! Ano'ng ginagawa mo sa anak ko?!" nanginginig na bulalas ng kanyang inay nang bumukas ang pinto. Kasabay jiyon ang pagluwag ng pagkakasakal sa kanya at napaubo siya ng ilang beses.

"D-Dad?!" humahangos na untag ni Luisa. Nabitawan nito ang iniinumang na milk shake. "Ano'ng...?"

"Ate Maru?" nagtatanong na baling nito sa kanya. Hindi siya makapagsalita sa sobrang gulat at sakit na nararamdaman sa kanyang leeg. Parang marahas na pumipintig iyon.Ang kanyang ina ay nahahapong napaupo sa sahig.

"Dad!" Luisa demanded. Tulala ito at mukhang hindi rin inaasahan ang karahasang nagawa.

"Are you taking drugs again?!" naghihisteryang sigaw ni Luisa at lumapit sa amang nakaupo pa rin sa sahig. Niyugyog nito ang braso ni Facundo. "Ang sabi mo'y matagal ka nang nagbago! Hindi ba't nangako ka sa akin na kapag nakapag-asawa ka ulit, ititigil mo na? Na kaya ka lang naman gumamit ng bawal na gamot ay dahil nangungulila ka kay mommy? Dad naman!"

Nang makahuma ay pabalyang itinulak ni Facundo si Luisa.

"Istorbo ka!"

Walang sabi-sabing sinakal ni Facundo ang sariling anak.

Nanghihina man at nasisindak sa pangyayari ay hinugot niya ang lahat ng kanyang lakas at dinampot ang paboritong flower vase sa ibabaw ng bedside table at buong-pwersang ipinukpok iyon sa ulo ng lalaki. Mabilis itong nawalan ng malay at pumutok ang parte ng ulo nito na kanyang tinamaan.

Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib nang hindi na gumagalaw si Luisa. Mabilis na dinaluhan niya ito at ch-in-eck ang pulso. Tumitibok iyon pero mukhang may pumutok na ugat sa leeg nito. She doesn't know exactly.

Her mom lost consciousness and so is Luisa. Mabilis na tumawag siya ng ambulansya at pulis habang kumaripas ng takbo sa kapitbahay para humingi ng tulong sa kanyang mga kamag-anak na walang kaalam-alam sa nangyayari. Hindi na niya nahintay ang ambulansya para kay Luisa at sa kanyang inay, hinatid na nila ang mga ito sa pinakamalapit na ospital gamit ng sasakyan ng kanyang pinsan. Sigurado siyang hindi hahayaan ng mga naiwan doon na makatakas ang kanyang amain.

Wala na siyang pakialam kung nilulupungan na sila ng mga tsismosa sa barangay nila. Ang importante ay mailigtas ang kanyang pamilya.