Chapter 6. Sick
WALA NANG ginawa si JD kung hindi titigan ang babaeng natutulog sa kama. Inilipat niya ito sa guest room dahil alam niyang hindi gaanong makakapagpahinga si Lexin kapag nanatili ang babae sa kwarto ng kanyang pinsan.
Napapangiti siya sa tuwing maririnig ang mahihinang hilik nito. Wala sa sariling inilapit niya ang mukha sa mukha nito para marinig pa ang mumunting hilik nito. Bahagyang gumalaw ang babae at bumiling. Mabuti na lamang at naging mabilis siya sa pag-alalay sa dextrose nito. Inilipat niya ang dextrose stand sa kabilang banda.
"Am I enchanted? Bakit hindi ko maalis ang mga titig ko sa iyo?" bulong niya at hinaplos ang malambot na mukha nito.
Bahagya itong umungol na siyang kinatigil niya sa ginagawa. Kung sa ibang pagkakataon ay mate-turn on siya sa malambot at tila mapang-akit na tinig nito, subalit hindi ngayong nakita niyang may naglandas na mga luha sa pisngi nito.
Agad niyang pinunasan iyon gamit ng likod ng kanyang palad ngunit patuloy pa rin ang bahagyang panginginig ng balikat nito. Walang anu-ano'y pumwesto sa gilid ng kama't doo'y nahiga para yakapin ang babae.
He started humming a lullaby while stroking her now untied hair until he felt her finally calming down, and heard her little snores again.
PAKIRAMDAM ni Maru ay daang-taon na siyang hindi umiinom ng tubig nang magising siya. Uhaw na uhaw ang nararamdaman niya subalit imbes na alalahanin iyon ay mas inalala niya kung nasaan siya. Nang masanay ang paningin niya sa nakikita ay napagtanto niyang wala nga siya sa sariling silid.
Natatarantang bumangon siya at biglang sumakit ang kanyang sentido kaya nama'y hindi muna siya kumilos ng ilang sandali. Bumukas ang pinto at alam niyang may taong pumasok sa silid.
"Gising ka na pala." Isang hindi pamilyar na boses ang kanyang narinig.
Nagtatakang lumingon siya rito. "Sino ka?"
Saglit itong natahimik. "I'm Lexin," pagkuwa'y sinabi nito.
"Lexin? Do I know you? Nasaan ako? 'Tsaka bakit ako naka-swero? Ospital ba ito? Wala naman akong sakit, ah?"
Lexin raised her hands as if she's defending herself. "Easy. Isa-isang tanong lang. Mahina ang kalaban."
She put her defenses up. Malay ba niya kung anong klaseng tao itong si Lexin.
"You passed out and I brought you in my home." Inesplika rin nito na inatake siya ng allergy. Pero wala naman siyang natatandaang nakakain siya ng kung ano mang may nuts kagabi.
At nangunot ang noo niya. Bakit sa bahay siya nito dinala? Bakit hindi sa ospital?
"I know what you're thinking. Hindi kita dinala sa ospital kasi nataranta na ako. At dahil Pharmacist ako, kumalma ako't alam ko naman ang ipapainom na gamot sa iyo kaya rito na kita dinala."
Nataranta? Pero hindi nalito sa gamot na ipapainom sa akin? Weird. Maru thought.
"Nandito ka sa condo ko, sa Nievieras' Condominiums."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Paanong hindi? Isa lang naman ang lugar na iyon sa mga high-end Condominiums na alam niya.
"Sino'ng bumuhat sa akin?" Pag-iiba niya sa usapan. Natigilan ito saglit bago nagsalita.
"I asked for the guard's help."
Napatango siya. "Ah, maraming salamat. Pakiramdam ko, okay na ako. Kailangan ko nang umalis, may trabaho pa ako mamaya."
"Kailangan mo pang magpahinga ng isang araw. I suggest you to stay here or at the hospital if you aren't comfortable in my place."
Umiling siga. "Hindi na. Sayang ang sasahurin ko ngayong gabi kung liliban ako."
Napanguso ang babae. "Ano ba'ng trabaho mo?"
"I'm a waitress."
"You are?" tila gulat na paniniguro nito.
"Oo. Kagabi, kung saan mo ako nakitang hinimatay, roon ako nagtatrabaho."
Napakurap-kurap ito. "Ah, I-I see..."
There was an awkward silence after that.
"Kumain ka muna. Nagluto ako," alok ni Lexin.
"Nagugutom na nga ako, pero ayos lang. Kailangan ko na talagang makaalis," tanggi niya lalo na nang mapansin niyang alas sais na ng gabi sa digital clock na nakasabit sa kulay abong pader ng silid. Wala sa sariling luminga-linga siya at napansing kaylinis ng silid na iyon. Tila walang umookupa araw-araw.
"Magkano ang sinasahod mo sa bar?" Biglang tanong ni Lexin.
She scowled. Why's she asking her that? "That's private."
"I bet regular salary." Hindi niya alam kung komento ba iyon o minamaliit nito ang sahod niya.
"That's fine. May isa pa akong trabaho and it's paying me just fine."
"If it's paying you good, then, it won't hurt if you absent for just a day. Kaso, hindi, ang sabi mo'y sayang ang sasahurin mo kapag um-absent ka."
Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. Why would she care about her salaries?
Ngumisi ito. "Don't get me wrong, ah. It's just that I have a job offer for you. And I will pay you real good."
"No, thanks. Kontento na ako sa—"
"Hear me out first, okay?"
Aba't may pagka-bossy.
"Kailangan ng caretaker sa bahay sa isla. The pay is fifty thousand per month. Libre ang tubig at pagkain. Stay-in din ang trabaho. You get to have a week off every month."
"Fifty thousand?" paninigurado niya.
"Yes, my dear. Fifty. Five zero."
Umaabot ba ng ganoon ang bayad sa mga caretaker?
"Please, get the job. Ayaw ko nang magpaskil pa ng hiring eklavoo."
"Maraming salamat sa offer. Pero, malabo. Kailangan ako sa trabaho."
"I know it's too sudden, pero huwag mo munang i-turn down. Pag-isipan mo."
"Okay, sige."
"But for the mean time, ire-refer kita sa hospital na sinu-supply-an namin ng gamot. Kailangan mo pa talagang magpahinga I'll just call the ambulance."
"Naku, huwag na. Magco-commute na lang ako. Saan ba iyon?"
"Ang mabuti pa, ihatid na kita. Pakiramdam ko kasi, kahit sabihin ko ang address ay didiretso ka pa rin sa inyo."
Napakamot siya ng ulo. Iyon nga ang balak niya.
"But I suggest you just stay here. Bed rest lang naman ang kailangan mo't ilang gamot para sa allergy mo. Medyo namamantal pa ang balat mo."
Pumayag na rin siya. Pero nagsabi pa rin siya sa trabaho na a-absent siya't nagpaalam naman sa mama niya na may trabaho siya para hindi na ito mag-alala.
Matapos niyon ay kumain sila't nagkwentuhan ng mga bagay-bagay. Gaya nga ng pakilala nito ay isa itong pharmacist at researcher din sa isang kilalang pharmaceutical company. Naka-leave daw ito ng isang linggo dahil kailangan nito ng peace of mind.
"Maghilamos ka na. May mga damit na nasa sofa sa kwartong tinututuluyan mo. Bago ang lahat iyon."
"Kahit iyong lumang damit na lang."
"Hindi papayag si—" Natigilan ito't nagpatuloy, "I mean, okay lang. Marami naman akong damit."
Nasa hapag pa rin sila't katatapos lang kumain. May inabot ulit na gamot si Lexin at ininom niya iyon.
Alam niyang hindi dapat siya kaagad na nagtitiwala sa mga tao pero hindi siya nakaramdam ng anumang panganib kasama ito.
Makalipas ng kalahating oras ay nakabihis at nakapaghilamos na siya. Nakaswero pa rin siya kaya medyo nahirapan siya sa pagbibihis. Pagkatapos ay pumwesto siya sa kama at naupo sa gilid niyon. Wala sa sariling kinuha niya ang unan sa tabi at niyakap iyon habang tinitingnan ang kanyang cellphone. Baka kasi nag-message ang boss niya. Subalit bago pa ma-check iyon ay natigilan siya nang masamyo ang amoy ng yakap-yakap niyang unan.
The musk scent smells familiar. Katulad niyon ang mabangong amoy na nagpakalma sa kanya kagbi nang pakiramdam niya'y naninikip ang dibdib niya. At katulad din niyon ang amoy ng lalaking napanaginipan niya kagabi. Nanaginip kasi siya na may lalaking kinakantahan siya ng malamyos na musika at talaga namang napakaganda ng tinig niyon. Para siyang hinehele ng isang anghel hanggang sa makatulog nang tuluyan.
She chuckled without humor.
"Imposible," aniya.
Dahil paanong maaamoy niya iyon sa taong bumuhat sa kanya kagabi sa bar kung si Lexin ang tumulong sa kanya habang inaatake ng allergy? At paano ring maaamoy niya ang lalaki sa panaginip kung panaginip nga lang iyon?
Tama si Lexin. Mukhang kailangan nga muna niyang magpahinga.
I must be really sick.