Chapter 8. JD
"MY DEAR cousin, I know it's your last day in the US. I suggest you to go back here. I already solved your problem."
Nangunot ang noo ni JD habang kausap ang pinsang si Lexin sa cellphone. Iisa lang naman ang problemang kinahaharap niya at nagtataka siya kung paanong mareresolba ng kanyang pinsan iyon.
"What do you mean?" tanong niya. Nasa hotel sila sa Detroit kung saan ang last stop ng promotion tour nila. Nag-aayos siya ng luggage ngayon. Ang ilang mga kasama niya'y tulog na sa kani-kanilang silid. Ang iba'y naglalaro ng computer games na kasalukuyang naka-broadcast para sa mga tagahanga nila.
"I got you a woman," kaswal na sagot nito.
"Kumuha ka ng bayaran na babae?" Lalong kumunot ang kanyang noo.
"Well, you could say that."
"Mahahalata nila iyan!"
"I doubt it. Basta, huwag kang mag-alala. Even your ex-girlfriend won't notice."
"Bakit nasama si Reina sa usapan?"
"Because she met our abuela and told her that you two are still getting married," siwalat nito. "Tuwang-tuwa nga si Lola."
"What the fuck!?"
"Yes, my dear cousin. Kaya kung ako sa iyo, I'd take a break and focus on it."
Saglit silang natahimik. "Nasaan ang babae?" basag niya sa katahimikan.
"You sure you want that woman? Bakit hindi na lang si Reina? Mukhang handang-handa na siyang magpakasal sa iyo."
Sa isipan ay nakikita niya ang malapad na pagkakangisi ng kanyang pinsan. Kung hindi lang ito babae ay papatulan niya ito.
Nakapagdesisyon na siya. Uuwi siya't pupuntahan ang babaeng binayaran ng kanyang pinsan para pakasalan siya.
Mabuti na lamang at tapos na ang promotion nila sa US at magkakaroon sila ng ilang linggong pahinga para makapaghanda sa susunod nilang comeback album. Mukhang tinyempuhan talaga ng pinsan niya ang pagtawag sa kanya.
Myembro siya ng idol group na Eclipse at dalawang taon na silang namamayagpag sa industriya buong Asya. Ngayon ay sa mga Western countries naman sila abala dahil nagsisimula nang maging matunog ang pangalan nila roon, partikular na sa Amerika.
Kaybilis ng panahon. Dalawang taon na rin pala ang nakalipas mula nang tanggihan ni Reina, na siyang kasintahan niya noon, ang alok niyang magpakasal na sila bago pa siya mag-debut sa kanyang career.
"Ayaw kong maging hadlang sa mga pangarap mo, JD," Reina uttered. Tears pooling in her eyes.
Nasa rooftop restaurant sila at doon ay naghanda siyang alukin ng kasal ang nobya. Subalit agad nitong tinanggihan iyon.
"Hindi ka magiging hadlang, Rein. Kaya nga kita pakakasalan para iparamdam sa iyong mas matimbang ka kaysa sa mga pangarap ko."
Umiling ito at tuluyang tumulo ang luha. "I won't marry you. I can't. Hindi pa ako handa..."
"Hihintayin kong maging handa ka. Just don't say no."
Paulit-ulit itong umiling. Tumayo ito't nagbabadyang umalis na.
"Please don't do this to me."
"ARE you still there?" his cousin asked, making him come back to his senses. Lexin was still on the other line. "Ano na? Si Reina na ba—"
"That will never happen, Lexin. Hindi ako laruan na iniiwan kapag pinagsawaan at babalikan na lamang kung kailan nais balikan." Tumangis ang bagang niya sa sinambit.
"Why? I think Reina is the perfect candidate for you. May past kayo. At mukhang divorced na siya." Lexin knows about his past.
"Don't bring that bullshit!" Tinutukoy niya ay ang usapin tungkol sa totoong dahilan ng hindi pagpapakasal sa kanya ni Reina.
Hindi na niya hinayaan pang magsalita ang nasa kabilang linya at pinatayan niya ito ng tawag.
"Ayaw maging hadlang, hindi pa handa... That's all bullshit!" he muttered a curse under his breath. Dahil ang lahat ng dahilan ni Reina noon kung bakit ayaw nitong magpakasal sa kanya ay walang katotohanan.
Kasagsagan ng pagsikat ng Eclipse at nagkaroon sila ng concert tour sa Asya isang taon na ang nakararaan. They were on China that time and their group occupied the whole thirty-ninth floor of the hotel where they're staying but he decided to roam around wearing a face mask and a cap to cover his face. Namamangha kasi siya sa interior design ng hotel. Since he's an architect by profession, hindi niya napigilan ang sarili na maglibot sa Sandoval Hotel, na isang five-star.
Aksidente niyang nakita si Reina sa hotel na tinutuluyan nila. Ibang-iba ang itsura ng babae ngayon. Mapostura at napaka-eleganteng tingnan sa suot nitong kulay lila na tight hugging dress, hanggang tuhod ang haba niyon. Nanumbalik ang sakit sa kanya pero mas nanaig ang pangungulila niya rito.
Tahimik na sinundan niya ito hanggang sa rooftop ng hotel. Nakahinga siya ng maluwang nang mapansing walang tao roon kundi ang mga hula niya'y staffs ng hotel. He was ready to greet her so he removed his cap and facemask. While doing so, he saw someone walked towards Reina. May hawak na pumpon ng mga bulaklak at nakaayos ang lalaki, malapad na nakangiti. Bigla'y gusto niya suntukin ang lalaki.
Natigilan siya nang si Reina pa ang yumapos sa lalaki at kinintalan ng malalim na halik.
"Reina..." wala sa sariling tawag niya rito.
Kitang-kita niya kung paanong natigilan ito sa ginagawa at dahan-dahang lumingon sa kanya. Malakas itong napansinghap nang mapagsino siya.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
"Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig ang tinig na balik-tanong niya.
"Darling, do you know him?" sabad ng Tsinong kasama nito.
Napakurap-kurap si Reina at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya.
"D-Darling... I'm n-not feeling well. Can we g-go back home?" utal-utal na pakiusap nito sa lalaki.
Hindi na niya nasundan ang mga ito dahil may mga nakakilala sa kanya't nakasunod na ilan sa mga fans nila't kinuyog siya.
MARAHAS ba nagmura si JD sa alaalang iyon—, kung paanong nagpakatanga't nagpakabaliw siya kay Reina noon, kung paano ring naloko siya nito. Matapos nang tagpong iyon ay nag-hire siya ng imbestigador. Nakahanap siya ng magaling na tumrabaho niyon sa tulong na rin ng manager nilang si Dice, may alam kasi itong isang high-end security agency with very competent investigators, ang Phoenix Agency.
Nalaman niyang matagal na palang pinagkasundo sa Chinese si Reina at kasal na rin ito pagkatuntong ng labingwalong taong gulang. Bagay na kailanma'y hindi nito nabanggit sa kanya. Ni hindi niya alam na buhay pa ang pamilya nito't may dugo itong Chinese. Taliwas sa sinabi nitong ulila na. Ang simpleng Reina na nakilala niya'y ibang-iba sa eleganteng Reina na nakita niya sa China noon. Pakiramdam niya ay ibang tao ang minahal niya. Iba ang pakilala sa kanya ng babae at lahat ng impormasyon ay walang katotohanan.
Ang tanging totoo ay ang pangalan nitong 'Reina'.
He went to the bar in the hotel and decided to get wasted. This will be the last time he'll get drunk because of what happened then. Kung totoo man na pinipilit ni Reina na magpakasal sa kanya ngayon ay sisiguraduhin niyang wala nang babalikan pa ang babaeng iyon.