Chapter 9. Lullaby
TWO DAYS after JD talked with his cousin over the phone, he booked a flight going to the Philippines. Imbes na dumiretso sa mansion ng mga Sandoval para kumustahin ang abuela ay sa isang sikat na bar siya nagpunta— The Dreams.
He wonders how's that woman almost got harassed at the club before. Siya ang bumuhat dito noong nawalan ito ng malay at dinala sa ospital kung nasaan si Lexin. He made sure she's fine before he left the country.
Nakibalita rin siya sa kanyang pinsan noon kung nakulong ba ang lalaking bumalak na gawan ng masama ang babae no'n at nalaman niyang sa isang mental institution dinala ang gagong iyon dahil malala na ang sira sa ulo. Napag-alaman ding hindi lang iisa ang naging biktima ng lalaki kaya naging mas mabigat ang pagpataw ng parusa rito.
Nasa may bar counter siya't hawak-hawak ang kopita nang may babaeng lumapit sa kanya.
"Hey, there, Jelo." May palagay siyang sinadyang palambutin ng babae ang tinig.
Tinitigan niya kung sino ang tumawag sa ngalan niya. It's been ages since he heard that name. Masyado na siyang nasanay sa stage name niya ngayon.
"Jelo Ramos, right?"
Nanatili siyang nakatitig dito't hindi niya nakilala ang babae.
"Jelo Duke Salvador Ramos, to be exact."
"Do I know you?" tanong niya. Ang akala ba niya'y may privacy sa The Dreams? Bakit may lumalapit sa kanya ngayon?
"Grabe ka naman! Parang hindi tayo magka-seatmate noong senior high. Nakakalimot ba ang pagiging sobrang sikat?"
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Seatmate?" ulit niya.
The woman flashes her seductive smile and nodded. Doon ay naalala niya ang mukha ng babae.
"Maita," deklara niya.
"Yes, lola's boy. The one and only Maita Camille San Miguel."
He grimaced when he heard her comment. Totoo iyon noon dahil sunod siya sa anumang utos ng kanyang abuela noon. Ultimo sa damit na mga susuotin niya ay ang nakatatanda ang pumili. Palibhasa'y lumaki siya sa piling nito ay hindi niya magawang tumanggi. Kung tutuusin ay nagsimula lamang siyang magkaroon ng sariling paninindigan nang piliin niyang i-pursue ang pangarap na maging mananayaw at singer kaysa magtrabaho sa Architectural firm kung saan malaki ang share ng kanyang namayapang abuelo.
"I can see that you're alone. Want to hangout?" Maita smirked. Alam niya ang ibig ipahiwatig nito. She hadn't changed a bit. She's still the flirtatious Maita he's known before.
He also smirked and shown her his hand. Particularly, his ring finger.
"Oh! You're married?" dismayadong untag nito.
"Happily," he mockingly replied.
Sumama ang tingin nito sa kanya at padabog siyang iniwan sa bar counter. Naiiling na napamulsa siya. Mabuti na lamang at naisipan niyang bumili ng singsing para sa kanila ng babaeng pakakasalan niya bago lumipad pabalik ng bansa.
He dialed Lexin's contact on his cellphone but she didn't pick it up. In the end, he dialed someone's number.
"Sandoval," bungad niya. Nakilala niya ang huli dahil sa kanyang pinsang si Vince. He and his cousin invested on Sandoval Chain of Hotels and Restaurants and became friends with him, too.
The latter muttered a curse. "Malalim na ang gabi, ano'ng kailangan mo?"
"Send me a chopper here at The Dreams Makati. Magpapahatid ako sa Isla Maharlika."
"Damn you! Walang helipad diyan."
"I'll just go to your hotel. It's near."
Nagmura ulit ang lalaki't pinatayan siya ng tawag. Makalipas na ilang minuto ay nakatanggap siya ng text mula rito na papunta na ang susundong chopper sa kanya.
Ang problemang kinahaharap niya ngayon ay ang ownership ng Isla Maharlika. It's her mother's gem and his grandmother won't give him the rights and transfer the title to him unless he get married. Hindi siya makatutol dahil iyon ang nakasaad sa last will and testament ng kanyang nga magulang. Sinubukan na niyang mag-kontesa noon tungkol sa huling habilin subalit wala rin siyang laban.
He must get married before he turns thirty-two. Oo nga't tatlong taon pa ang palugit niya pero naisip niya ring mas mainam kung mas maaga siyang makakahanap ng mapapangasawa. Salamat na rin sa tulong ng kanyang pinsang si Lexin.
Now, he has to make sure that they got the right woman who will fit to play the role as his wife.
Sampung minuto na siyang naghihintay sa helipad ngunit wala pa rin ang susundo sa kanya. Mabuti na lamang at may dala siyang isang bote ng beer. Iyon ang tinungga niya habang naghihintay.
Makalipas ng halos tatlumpung minuto ay dumating na rin sawakas ang chopper.
"Boss, mukhang naparami ang inom natin, ah?" bati ng piloto sa kanya.
"Nagsisimula pa lang ako," sagot niya.
Walang kaapug-apog siyang sumakay sa chopper at nang lulan na siya niyon ay agad siyang nakaidlip. He thought he would have a good sleep now that they have their vacation. Ngayon niya dinaramdam ang lahat ng pagod sa jam-packed nilang schedule nitong nakaraan.
If it weren't for the fans and his passion, he wouldn't continue performing on the stage. He's overwhelmed and satisfied whenever he sees the happy faces of their fans. It's making him want to showcase his talents more.
Ginising siya ng piloto nang makarating na sila sa Isla Maharlika.
"May kailangan ka pa ba, Boss?"
"I'll be needing some necessities. But I will just call my cousin regarding that. For now, I'm good. You can go."
The pilot saluted to him and started flying the chopper.
Malayu-layo ang binabaan nila sa ancestral house na minana ng kanyang ina sa nuno nito. He told the pilot to just dropped him down there because he wanted to swim at this hour. This part of the island is a private property while the other half was turned into a beach resort na pinamamahalaan ng pamilya ng kanyang tita.
He removed his white sneakers followed by his faded jeans along with his underwear, and he also removed his pastel gray shirt. He then took a dip at the freezing sea water. He swam for about ten minutes until he decided to go inside the house. Habang naglalakad ay nanunuot ang lamig sa kanyang balat. The cold breeze of wind's kissing his skin and he wanted to regret why did he swim at that late hour of the night.
Hindi na siya nag-abalang suotin pang muli ang mga damit dahil didiretso rin naman siya sa banyo.
Nang malapit na sa bahay ay napamura siya ng malakas nang maalalang wala siyang dalang susi.
Nangunot ang noo niya nang mapansing bukas ang pinto. Nakapatay ang mga ilaw pero sa tingin niya ay may taong nanggaling sa bahay.
Must be one of the caretakers. He thought of it. Pero bakit nakalimutang i-lock ang pinto? But he is thankful that they forgot because if they didn't, he'd sleep on the front door. Pero pagsasabihan niya pa rin ang nga ito't ihahabiling huwag na ulit kalilimutang i-lock ang pinto.
He went inside the house and made sure to lock the door. Didiretso sana siya sa kusina nang mapadaan sa mini bar counter ng bahay. He decided to continue drinking so he won't feel cold. He opened the bottle of tequila and drank without using a shot glass. Gumuhit ang init ng likidong ininom niya pababa sa kanyang sikmura. He then put the bottle on the table and got some expensive wine, then a wine glass. Plano niyang inumin iyon matapos maligo.
Makalipas ng labinglimang minuto ay natapos na siya sa pagbanlaw at pupunta sa kwartong inookupa niya roon para kumuha ng damit. Katabi lamang iyong ng guestroom sa second floor. Kapapanhik pa lamang niya nang mapansing nakabukas ang ilaw sa isa sa mga silid sa left wing. The interior design of the second floor of the ancestral house is symmetrical.
May guestroom na nakagitna sa dalawang malalaking silid. Gayon din ang nasa left wing. Sa dulo ay ang master's bed room. The old wooden house may be old but still elegant. Palibhasa'y hindi napabayaan at na-restore ng kanyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito. Madalas silang nagkakaroon ng family reunion doon, o di kaya'y sa resort sila nagtitipun-tipon.
The two-storey house has been taken care of by some caretakers for years now. Kaya nama'y hindi mahahalatang walang nakatira roon. Dati ay stay-in ang mga namamahala roon hanggang sa alukin ang mga ito ng kanyang tita ng trabaho sa resort para may ibang pinagkakakitaan ang nga ito bukod sa pangangalaga sa kanilang bahay.
Hindi siya lumaki sa isla. Nang makatapos ng elementarya ay lumipat silang mag-anak ng Maynila hanggang sa mag-high school siya. He took his college degree in Manila, too, where he got scouted to become a trainee and debut in an idol group.
Natigil siya sa pagbabalik-tanaw nang biglang mamatay ang ilaw sa silid na iyon. Sa totoo lang ay may takot na dumaloy sa sistema niya pero naisip din niya na baka dahil tinamaan lang siya sa ininom kanina. Pero, hindi. Alam niya sa sarili niyang hindi siya lasing at mas lalong walang multo sa ancestral house. There's only one way to find out who's inside the room.
He slowly entered the dark room and then stayed still for a while. Dahil nga madilim ay sinanay niya muna ang paningin sa buong kwarto. Nang mapagtantong may nakahiga sa kama ay lumapit siya roon.
Balut na balot ng makapal na comforter ang taong nakahiga roon. Mas lumapit pa siya at narinig niya ang malakas na pagsinghap nito. Pagkuwa'y nagpatuloy sa pagdarasal. Base sa naririnig niyang boses ay babae ito.
He suddenly thought about what Lexin has told him. Hindi kaya ito ang babaeng binayaran ng kanyang pinsan? Magaling din naman talagng tumrabaho ang pinsan niyang iyon. Hula niya'y ito ang may pakana na dalhin ang babae sa Isla para kapag isiniwalat na niya ang tungkol sa kasal, ay mapapaniwala kaagad ang mga tao, lalo na ang kanyang abuela't iisipin din ng mga ito na nagli-live in na sila sa isla.
He smirked and got on the bed. He didn't care if his lower body's only covered with a black towel. Pumaloob siya sa comforter at hinuli ng kanyang mga kamay ang katawan ng babae.
Natigilan ito't dinig na dinig niya ang mabibilis at malalakas na mga pagbuga nito ng hininga.
"Hi, sweetie. I bet you're cold now..." bulong niya rito. "I'll make you feel hot."
His hand expertly slid inside the woman's top clothe. Napangisi siya nang maramdamang wala itong suot na bra. He teasingly glides his hand on her abdomen then suddenly squeezed her breast. Malakas na napasinghap ito't nagpatuloy naman siya sa ginagawa. Mas inilapit niya ang sarili rito at bumulong, "Do you like i—"
Natigilan siya nang maramdaman ang matinding panginginig nito at kasabay niyon ay ang impit nitong paghikbi.
"T-Tama na..." Nanghihina't garalgal na pagmamakaawa nito.
Shit!
Tila napapasong nilayo niya ang kamay rito't tinigilan ang ginagawa. Subalit ramdam pa rin niya ang matinding panginginig ng babae. Pinihit niya ito para matitigan at nang sa tingin niya'y nakilala niya ito sa gitna ng dilim ay napamura siyang muli.
"I'm sorry..." he uttered continously and embraced her. Niyakap niya ito ng mahigpit at binaon ang ulo nito sa kanyang dibdib. Mas lumakas ang paghikbi nito't hindi niya alam ang gagawin. "Hush. Please, hush... I'm sorry..."
Gayunpama'y hindi ito natigil sa panginginig at ngayo'y umiiyak na.
Marahas siyang suminghap at masuyong hinaplos ang buhok nito. He also started humming to a lullaby song while stroking her soft and silky hair.