Chereads / ADORE HIM / Chapter 16 - Dust

Chapter 16 - Dust

Chapter 15. Dust

"AT NANG makilala kita ay mas lalong ayaw ko na ang umalis dito."

Patuloy lamang sa pakikinig si Maru kay JD sa pagpapaliwanag nito. Kahit saang anggulo talaga tingnan ay hindi sapat ang mga dahilan nito para sabihing pakakasalan siya nito.

Why? Do you want him to say he loves you? Do you think it's possible for him to have feelings for you in that short span of time? Tanong niya sa sarili.

It isn't impossible. Ako nga'y..., She sighed heavily to stopped her thoughts.

"Ano'ng iniisip mo?" he asked critically.

Umiling siya. "I'm just sleepy," aniya. "I want to go back to my room."

"Okay, then."

Nahahapong tumayo siya't lumakad palabas ng silid. Nasa hagdanan na siya nang maramdaman niyang sumunod ito sa kanya. Bumaling siya rito.

"Let's go," sambit nito. May dalang mga malilinis na damit.

"Saan ka pupunta?"

"Sa kwarto mo."

"Gusto kong mapag-isa," amin niya.

"Why?"

"I want to think."

"Please tell me what are you thinking..." sumamo nito.

She just sighed.

"Hindi ako sanay na tahimik ka," dagdag pa nito.

"Inaantok lang ako," kaila niya.

"Hindi ko alam na may ibabaliw pa ako sa iyo."

Nagtatakang tiningnan niya ang lalaki.

"Mababaliw ako sa kaiisip kung ano ang tumatakbo sa isipan mo ngayon."

"Inaantok nga lang ako."

"Matulog ka na. I'll stay by your side."

She sighed and let him follow her upstairs. Pagkuwa'y naligo siya't sinadya niyang tagalan ang pagligo nang mainip ito sa kahihintay. Pero nang matapos siya ay nakaupo pq rin ito sa pang-isahang upuan at seryosong nakatitig sa pinto ng banyo.

Napalunok ito nang makita siyang naka-roba lang.

"I thought you went back to your room," she defended. "Magsa-shower ka?" she added.

Tumango lang ito't tumayo na para makapasok sa banyo. Nagbihis na siya ng isang maluwag na t-shirt at pyjama, hindi na rin nag-abalang magpatuyo ng buhok. Humiga siya sa kama't bumaling sa kabilang banda para hindi mahalata ng lalaki na nagtutulug-tulugan siya.

Ngunit hindi na niya mapigilan ang emosyon at namalayan na lang niyang umiiyak na siya. Nang maramdamang pumihit ang seradura ng pinto ay pinilit niyang patahanin ang sarili at nagtalukbong siya sa comforter.

Ilang sandali pa ay naramdaman niyang pumwesto si JD sa kabilang banda ng kama. His masculine scent was mixing over her sweet body wash scent. Halos hindi siya huminga para hindi nito maramdaman ang mabibigat niyang paghinga. Sa pakiwari niya ay barado na ang kanyang ilong sa pag-iyak. Hindi pa rin natigil sa pagtulo ang kanyang luha kahit pa nga pinipilit na niyang tumahan.

Napasinghap siya nang yumakap ito sa kanya at hinalikan ang kanyang bunbunan.

"Baby..." masuyong bulong nito. "Why are you crying?"

Hindi siya kumibo, pinanindigang natutulog na.

Mas humigpit ang yakap nito sa kanya't hinalik-halikan ang kanyang batok. "Please stop crying..." anas nito sa pagitan ng magagaang halik na iginagawad nito sa kanya.

"G-Ginagamit mo lang ba talaga ako?" Hindi napigilang tanong niya sa maliit na tinig.

Saglit itong tumahimik at bumuntong-hininga, tila natatakot sa mga suaunod pang sasabihin.

"Is it true?"

Nilakasan niya ang loob at humarap kay JD. Bahala nang magmukha siyang kaawa-awa dahil panigurado'y namamaga na ang kanyang mga mata.

Sa mapusyaw na ilaw ay nakita niya kung paanong tila guilty ito.

"Maru..." anas nito.

"Totoo nga," nanghihinang aniya.

"It was t—"

"Gusto ko nang matulog," putol niya sa sasabihin nito.

Nakita niya ang pagkatalo sa mukha nito. "Can I stay here?"

Umiling siya't napakagat-labi para pigilan ang paghikbi. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha nang bumangon ito at saglit siyang tinitigan. Lakas-loob siyang gumanti sa mga titig nitong tila nagsusumamo. Nang mapagtanto nitong hindi mababago ang isipan niya ay mariing napapikit ito at bahagyang napatingala. He sighed heavily and stared back at her.

"Just for tonight... I'll let you be alone tonight," sambit nito. "Mag-uusap tayo bukas."

"Gusto ko nang matulog," she lied. She just wants some time alone. Tumalikod siya rito at mahigpit siyang humawak sa comforter.

Ilang sandali pa'y narinig niya ang pagsara't bukas ng pintuan, tanda nang lumabas na nga ito.

Para siyang nawalan ng lakas nang mapag-isa siya. Doon ay hindi niya na mapigilan ang mapahagulgol.

Bakit ako nahulog sa taong hindi ko kayang abutin?

Hindi niya alam kung ilang oras na siyang walang tigil sa pag-iyak. Tumatahan siya subalit saglit lamang iyon dahil makalipas lang ng ilang segundo ay kusang tumutulo ang mga luha niya.

Kaya mo iyan, Maru. Walang-wala 'yan sa pinagdadaanan ng mga ibang tao ngayon, Pagpapagaan niya sa sarili.

Napahikbi na naman siya nang yakapin niya ang unan sa tabi niya't parang tuksong nagdaan sa kanyang isipan ang mukha ng lalaki.

Tumayo siya para kumuha ng maiinom, mabuti na lamang at may water dispenser na siya sa kwarto at hindi na niya kailangan pang bumaba para uminom ng tubig.

Pagkuwa'y sinara niya ang kurtina dahil nakikita niya ang mga bituin at maging sa pagkutitap ng mga iyon ay ai JD ang kanyang naiisip.

Napakislot siya nang saktong pagkasara niya sa mga bintana at kurtina ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang bulto ni JD. Para itong pinagsakluban ng langit at lupa. Magulo ang buhok, at namumula ang mukha partikular na ang malamlam nitong mga mata at ang ilong nito'y pulang-pula rin.

Has he been crying the whole time, too?

"Ano'ng ginagawa mo rito?" pilit na pinatigas niya ang kanyang boses.

Hindi ito sumagot at dali-dali siyang nilapitan at siniil ng halik ang kanyang labi. Her body reacted immediately that she moaned by the moment he enveloped her on her arms.

Halos sinukin siya sa sobrang gulat nang may mag-flash na kung ano'ng liwanag mula sa labas ng pintuan. JD didn't lock the door and Reina, who was holding a camera, grinned widely. Mabilis na pinutol ni JD ang halik at nangangalit na bumaling kay Reina.

"Bakit nandito ka pa?" Ang mga ugat nito sa leeg ay naglilitawan sa sobrang pagpipigil ng galit.

"Sisirain ko ang pangalan ng babae mo, JD."

"What the fuck is going on with you?!" si JD.

"Kung totoo man ang sinasabi mong ikakasal kayo, puwes, ikakalat ko ang litrato ninyo at sasabihin kong pinikot ka niya!"

"Gawin mo't mabubulok ka sa bilangguan," banta ni JD.

"Hindi ka natatakot na masira ang pangalan ng babae mo? O baka totoo ngang binayaran mo lang siya?"

She was taken aback with what Reina said. Oo nga't binabayaran siya roon pero hindi katulad ng iniisip ng babae.

"One word and I will throw you out."

"Bakit? Totoo naman?" hamon ni Reina.

Mabilis na nilapitan ni JD si Reina. "Leave now while I'm asking you nicely."

Hindi natinag si Reina at humawak sa braso ni JD. "Ako na lang kasi ang pakasalan mo, JD. Walang magiging issue dahil may past naman tayo. You can use me and my body, all for free. Hindi mo na kailangan pang gumastos para lang—"

"Stop it! I know now..." garalgal ang tinig na sabad niya. Parang uminit ang tainga niya sa narinig. "Can you just please shut up and leave me alone? Magsama kayong dalawa! H-Huwag n'yo na akong guluhin pa." Halos magmakaawa siya.

Because she's emotional, she managed to push away the two out of the room. And when she slammed the door, JD's strong forearm stopped the door from closing. Sabay silang napasinghap ni Reina.

"Oh my god! Let's go to my room. I'll put cold compress bago pa mamaga," si Reina na natataranta.

Siya nama'y natuod sa kinatatayuan.

Sa isang iglap ay nakapasok na si JD sa kanyang silid at mabilis na sinarado ang pinto at ni-lock iyon. Katok nang katok si Reina nang bigla siyang hilahin ni JD at sumunod na lang siya rito.

Binuksan nito ang connecting door na hindi niya aakalaing connecting door dahil kakulay at ka-design lamang iyon ng wooden wall. Papunta iyon sa isang maliit na silid. Halos kalahati lamang yata ang laki niyon sa inookupa niyang silid.

"I'm sorry, maalikabok dito. But it's quiet here," basag nito sa katahimikan.

"May silid dito?" Nagawa niya pang itanong sa gitna ng sitwasyon.

He nodded. "I designed this when I was still studying," maiksing paliwanag nito.

Unti-unting nagsara ang connecting door at dumidilim ang paligid. Wala sa sariling napakapit siya sa braso nito dahil hindi pa nasisindihan ang pangunahing ilaw sa loob ng silid.

Napasinghap ito't mabilis na bumitiw siya nang maalalang naipit ito sa pinto kanina. Baka iyong braso nitong naipit ang nahawakan niya.

Napaatras siya ng ilang hakbang at natalisod. Masakit ang pang-upo niya nang magliwanag ang paligid. Mukhang nakanto sa maliit na parihabang mesita nang matisod siya.

Napamura si JD nang makita ang posisyon niya, nakatukod ang kaliwang braso sa mesita habang halos nakabukaka siyang nakaupo sa carpeted floor. Hindi kasi agad siya nakahuma dahil nasilaw siya't medyo masakit ang pakiramdam niya.

Mabilis na inalalayan siya ni JD para makatayo't makaupo sa couch na may nakatalukbong na puting tela. At dahil nga maalikabok ay ilang beses siyang napaubo.

"Can we just go back to my room?"

Hinuli nito ang isang kamay niya't iginiya siya para makatayo. Hiyang-hiya itong nagpatiuna para makabalik sila sa silid niya. Hindi tinanggal ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

"Ang braso mo," puna niya nang mapansing namumula't nagsisimula na itong mamaga. Maya-maya'y kulay asul na iyon.

"Please hear me out," bulalas nito. Binalewala ang braso nito.

"Gagamutin muna natin iyan, there's a small cut."

"Alright. Stay here."

Agad na pinigilan niya ito nang akmang lalakad na ito palabas ng silid. Napangiwi ito nang ang mahigpit na hinawakan niya ay ang braso nitong halos namamaga na. Pero hindi niya tinanggal ang dalawang kamay na nakahawak sa braso niyo.

"I'll just get the medicines," wika nito.

"Ako na," agap niya. Naalala niya si Reina't nag-aalala siyang baka hindi na ito bumalik. Not that she doesn't trust JD. She doesn't trust that woman.

Suminghap ito at pinatong ang malaya nitong palad sa mga kamay niyang mahigpit na nakakapit dito.

"I'm sorry..." he said huskily. "Totoo lahat ng sinabi ko sa iyo. Na nagpunta ako rito para makilala kung sino ang babaeng pakakasalan ko para mabawi ko na ang isla."

Wala siyang masabi. So everything was true... Dahan-dahang lumuwag ang hawak niya rito at wala sa sariling kumuha ng maiinom. Sa sobrang panginginig ay natapon ang malamig na tubig sa kanyang dibdib.

"I didn't want to lie to you that's why I'm telling you everything, Maru."

Lumapit ito sa kanya at kumuha ng tissue na nakapatong sa mesa, tabi ng water dispenser at inabala nitong punasan ang tubig sa kanyang leeg. Nang hindi makontento ay hinubaran siya nito't sa sobrang gulat ay naitulak niya ito. Hindi naman niya iyon sinasadya at parang gusto niyang pagsisihan nang makit niya ang guilt sa mukha nito.

"I wanted you to change clothe. Malamig ang tubig," he was monotonous. Or maybe, trying to sound monotonous. Halata kasi sa pagkalalaki nito ang epekto niya rito.

Napakagat-labi siya't tumungo sa closer at nagbihis ng kung anong damit ang nahablot niya roon.

"Iwan mo na ako," ani niya.

"No," desididong bulala nito. "I won't go." Lumapit uli ito sa kanya, hinuhuli ang kanyang mga kamay subalit tinaboy niya ito.

"Tama na ang lokohan, pwede? Umamin ka na, okay na. Ano pa ba'ng gusto mo? Gusto mo, pa ba akong makuha, ha? Hindi pa ba sapat na bumigay ako sa iyo agad-agad?" Hindi niya alam kung galit ba siya, o ano. Basta't alam niya'y nasasaktan pa rin siya sa katotohanang ginagamit lang pala siya nito para makuha ang nais nito.

"Baby..." masuyong bulong nito.

Bumuntong-hininga siya ng marahas at nag-iwas ng tingin dito.

"Oo, totoo ang lahat ng iyon, totoong dahil sa isla kaya kita pakakasalan. Pero hindi ko na tinuloy ang plano, Maru. I realized I don't want to use you. You don't deserve that."

"At kung nagkataong pakawala ako, deserve ko pala ang gamitin, ganoon?"

"What? No, Maru... I liked you the very first time I saw you."

Natigilan siya. Nabingi yata siya. "Ano 'kamo?" tanong niya, bahagyabg nakakunot ang noo.

Hinuli ni JD ang baba niya't kinintalan ng mabilis ngunit malalim na halik sa labi.