Chapter 14. Island
NAKARAMDAM ng pagkabagot si Maru kaya nagpasya siyang sumisid. Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling siyang lumangoy at sumisid. Kaya niyang tumagal ng halos dalawang minuto sa ilalim ng tubig.
Umahon siya para huminga't lumanghap ng hangin 'tsaka nagpatuloy sa pagsisid. Sa muling pag-ahon niya ay nangunot ang noo niya nang mapansing may lumalangoy papunta sa kaniya.
"JD?" bulong niya nang mapagsino iyon.
Bago pa makahuma ay nakalapit na ito at mahigpit na ipinalupot ang isang braso nito sa kanya't lumangoy pabalik ng dalampasigan. Hindi siya makapagpumiglas dahil mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.
Nang nasa dalampasigan na ay mabilis siyang tumayo, handa na siyang sigawan ito subalit mahigpit siya nitong yinakap. Tahip-tahip ang kaba niya nang magdainti ang mga katawan nila. Ramdam na ramdam niyang hinihingal ang lalaki't ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat.
Natuod siya sa nang mapansing gumagaralgal ang katawan nito, partikular na ang mga balikat. Lalayo sana siya pero mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
"I thought I lost you," garalgal din ang tinig nito.
Umiiyak ba ito? "Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong niya.
"Hinahanap kita. Nakita kitang lumubog sa dagat kaya akala ko... akala ko..." Hindi na nito natuloy ang sasabihin.
"Hindi ako nalulunod. I know how to swim." Naramdamanan niyang bumuntong-hininga ito't tila nabunutan ng tinik. Pero hindi pa rin ito kumakalas mula sa pagkakayakap sa kanya. "You should go back." She suddenly turned cold remembering that woman who came. "Baka hinihintay ka na ng fiancée mo."
"She isn't my fiancée." Sa paraan ng pagsasalita nito ay parang nagsusumamong paniwalaan niya ito.
"Sinungaling," she bitterly said. "Bakit siya nandito? Sinusundo ka na ba niya para sa nalalapit ninyong kasal? Kaya ba nag-bakasyon ka para maasikaso ang kasal ninyong dalawa?"
Bumuntong-hininga ito't lumayo ng bahagya sa kanya. Her heart almost melted seeing his reddish cheeks and nose.
"Giniginaw ka ba?" she then asked.
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito kahit halata naman sa mga mata ang pagkapagod.
"I mean, y-you should go back to your fiancée..."
"But you are my fiancée," agap nito.
"I am your fuck buddy, JD."
Napangiwi ito sa komento niya. "You are my fiancée and fuck buddy then."
Marahas na suminghap siya't naglakad papalayo rito. "Wala akong panahong makipaglokohan sa iyo kaya please lang, kung pakakasal ka na pala, sana, huwag mo na akong maakit-akit." Wait, that sounded a bit wrong.
"Hindi kita inaa—"
"Tama na, okay?! Puntahan mo na iyang babae mo't magpakasawa kayo buong gabi!" putol niya sa sasabihin nito.
"Baby, please, listen to me." Lakad-takbong hinahabol siya nito.
"Huwag mo akong ma-baby baby, hindi na uubra sa akin ang kalandian mo." Mabilis na pumasok siya sa loob ng bahay, sa kusina, kung saan malapit ang backdoor.
"Maru," sumamo nito't hinuli ang braso niya.
"Parang-awa naman, JD, gusto ko lang namang magtrabaho ng maayos dito. Gusto ko lang makaipon para sa pamilya ko. Kaya sana, huwag ka nang magsinungaling pa't ginugulo mo ang utak ko," nahahapong bulalas niya.
"I'm not playing games with you. Seryoso ako sa iyo. Sa sandaling panahon na nakasama kita'y hindi ako nagsisising naglagi ako rito sa isla. Sure we did not have a good start but I want you to know and I want to make you feel that all are real. No lies..." seryosong untag nito.
Hindi siya kumibo't hinayaan niya ang sariling hilahin nito papasok sa solid na inookupa nito malapit sa kusina. Sa tapat ng closet sila dumiretso. Mabilis na naghalungkat ito ng damit at mabilis din nitong hinubad ang suot niyang bikini top. Agad na tinakpan niya ang dibdib.
"Hey—!"
"Suotin mo muna ito, maginaw." Napalunok pa ito nang ipasuot sa kanya ang makapal na tela't maluwang na t-shirt nito. Muli itong bumalik sa closet at kumuha ng boxer shorts. Lumuhod ito at akmang tatanggalin ang suot niyang bikini bottom.
"A-Ako na..." awat niya. Sa pakiwari'y pulang-pula na siya.
Lakas-loob siyang naghubad sa harap nito't nagbihis. Gayon din ang ginawa nito habang nagbibihis siya.
"Umupo ka muna. Ipagtitimpla kita ng kape."
"Huwag na. Babalik na lang ako sa kwarto ko."
"No, you'll stay here with me so you'd know I will sleep alone." Matigas na sabi nito at biglang napangiti. "I won't be alone because you're here."
Pinili niyang magsungit dito. "Paano ka nakasisigurong matutulog ako rito?"
He chuckled. "Nice try, babe." bulong nito't kinulong siya sa mga bisig nito't walang sabing hinalikan.
Awtomatikong nakilala ng kanyang katawan ang pamilyar na sensasyong namuo sa kanya't napahalinghing siya.
"Please listen to me," anas nito sa pagitan ng mga halik nila.
Ungol lamang ang sinagot niya rito. Nawawala na naman siya sa hwisyo dahil sa mapaghanap na halik ni JD sa kanya. Nang maramdaman niyang ngumisi ito sa gitna ng paghahalikan nila ay tila napapaso siyang lumayo rito't natatarantang humanap ng mauupuan. She sat down on the bed.
"I will resign," wala sa sariling bulalas niya.
"No, you won't. Paano ang pamilya mo? Ang pag-aaral ng kapatid mo?" Alam nito ang dahilan kung bakit siya naghahanap-buhay.
Napakagat-labi siya. Bahala na. Makahahanap pa naman siya ng ibang trabaho.
"Or you can just quit your job and I'll provide everything," prenteng suhestisyon nito't umupo sa tabi niya.
"Hindi ako magiging kabit mo!"
Tumawa ito ng malakas.
"Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?" naiiritang tanong niya.
"Hinding-hindi kita magiging kabit dahil ikaw ang magiging asawa ko, Maria Rosario." He's really cool while uttering these words.
"Nahihibang ka na ba? Nandito ang mapapangasawa mo, JD."
"Nandito nga. Nandito ka, eh."
"Hindi ako nakikipagpilosopohan sa iyo."
He cleared his throat and intently looked at her. "Reina isn't my fiancée. Yes, we had history. Pero hanggang doon lang iyon."
Tumahimik siya. Hindi alam ang isasagot.
"After she left, I was devastated. Kung noon siya bumalik ay tatanggapin ko pa siguro siya. Pero nang malaman ko ang lahat..." at nagpatuloy lamang ito sa paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nito na kailanma'y hindi niya nalaman. Even though he's a public profile, it was never revealed. Ang parteng ito sa buhay nito ay hindi niya alam.
She felt really sad for him.
"Pero nandito na siya. Ang sabi mo'y divorced na sa asawa. Hindi ba't ito na ang pagkakataon mo para pakasalan na siya?"
"I don't love her anymore. She was my first love but never my true love."
"How sure you are?"
"Because if she's my true love, no matter what the situation is, I'm still going to marry her."
"Baka naman dahil sa pride mo kaya ayaw mong magpakasal? Na dahil may nakauna na sa kanya? Tapos, virgin ako, kaya nagiging clingy—"
"Damn it, Maru! I don't care if you're a virgin or not! Nagpunta ako ritong desisido nang pakakasalan kita."
Her mouth left half-opened.
"I admit I didn't know it was you at first. Pero nang makilala kita'y mas naging kampante ako na ikaw ang pakakasalan ko."
"W-What do you mean?"
"I went here to marry the woman my cousin chose to be my wife. And so, I could finally get this island, too."
Para siyang nawalan ng lakas sa narinig. Iyon lang ba ang dahilan kung bakit nakipaglapit ito sa kanya?