Chereads / ADORE HIM / Chapter 8 - Accept

Chapter 8 - Accept

Chapter 7. Accept

KINABUKASAN ay pinayagan nang makauwi si Maru ni Lexin. Siniguro nitong nakuha nito ang contact number niya at s-in-ave din ng babae ang contact nito sa cellphone niya.

She found it weird. Hindi kaya may gusto ito sa kanya? She offered her a high paying job, too. "Straight ka ba?" tanong niya.

Malakas na tumawa si Lexin at sinabing oo. "Mukhang nabigla ka. Sorry naman, ganito lang talaga ako ka-friendly minsan."

Gayunpama'y hindi niya maiwasan ang magduda.

"Hindi kita masisisi lalo't hindi naman tayo magkakilala noon. But I want to tell you na maganda ang motibo ko sa alok kong trabaho. At isa pa, feeling ko mas kampante ako kung ikaw ang kukunin kong caretaker."

"Paano mo'ng nasabi iyan?"

"Woman's instinct," tipid na sagot nito. Hindi na siya kumontra pa dahil woman's instinct din naman ang nagsabi sa kanyang ligtas siya sa pamamahay nito.

"Pag-iisipan ko," aniya.

Nagpaalam na siya at umuwi na sa kanila. Naabutan niyang nagsasampay ng mga nilabhan ang kanyang ina.

"'Nay, sinabi ko namang si Manang na lang ang paglabahin ninyo. Magpahinga ka na lang sa tuwing hindi ka nagtitinda," sermon niya rito matapos magmano.

"'Ku, sayang ang pambayad natin sa labada. Kaya ko pa naman."

"Pero pagod ka na."

"Hindi, itabi na lang natin iyong isang libong pambayad sa labada para sa pag-aaral ni Luisa," pinal na desisyon nito.

Napabuntong-hininga siya't nagpasyang tulungan na ang ina sa paglalaba. Ngunit hindi pa naman nakakapagsimula sa pagtulong ay tumunog ang kanyang cellphone.

Si Sarah Jade ang tumatawag.

"Nasaan ka?" bungad nito. 

"Sa bahay. Bakit?" Oo nga pala't hindi alam ng huli na nagkasakit siya.

"Ano'ng bahay? Nakakaloka ka! May interview ang Sunshine ngayon. Ikaw ang translator!"

"Ha? Ngayon na ba iyon?" paninigurado niya

"Oo. My goodness, Maru! Don't tell me nakalimutan mo?" Mukhang hindi maganda ang timpla ng araw nito ngayon. Mahahalata sa boses nitong nahihimigan niya ng pagkairita.

"Sorry. Nagkasakit kasi ako."

"Kelan?" Umambot ang tinig nito.

"No'ng isang gabi, inatake ako ng allergy."

"Aww... Sorry, hindi ko alam. O, sige, magpahinga ka muna. Ako nang bahala rito," she said softly.

"No, I'll go."

"Kaya mo ba?"

"Yes. Nakapagpahinga na ako kahapon. Don't worry, kaya ko," she insisted.

"Hmm..."

"Really, I'm fine."

"Alright. You should be here before three."

Gumayak na nga siya kaagad para makarating ng mas maaga sa Golden Live. Sa bukana pa lamang ay marami nang mga fans at media ang nag-aabang. Sikat kasi ang bandang Sunshine na may limang miyembro, puro babae ang mga iyon. 

Mabilis lamang na natapos ang interview. Kung tutuusin ay parang wala rin siyang ginawa dahil si Sarah Jade ang tumrabaho sa lahat. She told her to just stay with the staffs while they were shooting. Hindi na siya nakipagtalo pa dahil mukhang seryoso ito na huwag siyang pagtrabahuin.

"Kumain muna tayo sa labas. Libre ko," anang kaibigan nang nasa opisina na sila.

"Magpa-deliver na lang tayo," suhestisyon niya.

"I want to treat you. Mukhang nagkasakit ka na kasi pinapagod kita sa trabaho nitong nakaraan."

"Ha?"

"You've been working overtime here tapos may trabaho ka pa sa The Dreams. Baka kako bumaba na ang resistensya mo kaya ka ngkasakit."

Nakakunot-noong bumaling siya sa kaibigan. "Hindi, ha. Inatake lang talaga ako ng allergy kaya ako nilagnat ng mataas."

"Baka sinasabi mo lang iyan para pagtakpan ang kalagayan mo."

"Ito naman. Parang may malala akong sakit sa iyo, ah," biro niya.

"I'm just worried. Alam mo naman na..." Natigilan ito saglit at napainom naman siya ng tubig. Mukhang bubuklatin na naman nila ang usaping iyon, kung saan mayroong kamuntikan nang mamatay na staff ang GLT dahil sa pagiging workaholic. Sinisi ni Sarah Jade ang sarili noon dahil hindi raw nito namalayang maysakit na ang empleyado.

Mabuti na lamang at dumating si Collier, ang production manager nila, at nagpa-meeting saglit. Nagkayayaan din ang mga staffs na mag-dinner at mag-bar, at lalayo pa ba siya? She recommended The Dreams, where she works as a waitress.

Pagkatapos kumain ng hapunan ay dumiretso sila sa bar. Agad na nahanap ng mga mata niya ang kanyang boss at nagpaalam saglit sa mga kasamahan niya para bumati sa kanyang boss.

"Oh, are you feeling well now?" sambit nito nang makita siya.

"Yes, boss!" Sumaludo siya rito.

"Why are you here? Off mo ngayon."

"I'm a customer now. In fact, I brought you a bunch of customers, too." Ngumuso siya sa mahabang table sa may corner, malapit sa bar counter, kung nasaan banda ang mga kasama niya.

Ngumiti ang kanyang boss at sinabihang mag-enjoy siya.

Bumalik siya sa mesa kung nasaan si Sarah Jade. Ilang saglit lamang ay nagulat siya nang nakasunod ang boss niya sa kanya't bumati sa mga kasamahan niya. Kasunod din nito si Geoff na may dala-dalang dalawang bote ng mamahaling wine. Inilpag nito ang nga iyon sa mahabang mesa.

"It's in the house. Enjoy the night!" her boss said and they all cheered.

Nagpaalam na ang boss niya't naghiyawan ulit ang nga ilang staffs na kasama niya sa Golden Live.

"Nagtatrabaho ka pala rito?" Collier asked.

Tumango siya.

"Kaya pala hindi ka regular sa GLT," komento naman ng isa.

Napadako ang tingin niya kay Geoff at nagtama ang paningin nila.

"Maysakit ka raw kagabi?" sabad ni Geoff na nagsasalin ng inumin sa kanyang kopita. Dahil malapit lang ang pwesto nila sa bar counter ay lumapit siya rito para magkarinigan sila ng maayos.

"Oo, eh. Kaya hindi ako nakapasok."

Saglit itong natigilan at tumitig sa mukha niya. "Nakatulog ka ba ng maayos?"

She nodded and told him she had allergies.

"Wait, sa Powder Room lang ako," paalam niya rito.

"You should try this drink. I just mixed it." Geoff said out of the blue before she went. Hindi na siya tumanggi at mabilis na ininom ang binigay nito sa kanya.

Nasa banyo na siya't naghuhugas ng kamay nang bigla niyang naramdaman na parang maalinsangan. And she's wearing a mustard turtle neck blouse and a tight black pants so she feels like it's suffocating her more. Sinubukan niyang ibaba ang damit subalit masikip iyon.

Napakislot siya nang biglang bumukas ang pinto at nakita niyang si Geoff ang pumasok. He even locked the door and darkly looked at her.

"G-Geoff, t-tulong... nahihirapan akong huminga."

"Alam ko."

Nanlaki ang mga mata niya't nahihintakutang tiningnan ito. Nanlilisik ang mga mata nitong pinaglandas ng tingin ang buong katawan niya. Ramdam na ramdam niya ang pagkabastos sa paraan ng paninitig nito.

"I put nuts on your drinks again. Noong isang gabi ko pa sana balak gawin ito pero naistorbo tayo."

"Ano'ng...?" Naubo siya't lumapad ang nakakatakot na ngisi ni Geoff. Unti-unti ring lumapit ito sa kanya habang siya'y paatras nang paatras ang mga hakbang. Nahihintakutan siya sa biglaang pagbabago ng maamong mukha ni Geoff at nagmukha itong ibang tao na punung-puno ng kasamaan sa katawan.

"Gumaganda ka lalo kapag nahihintakutan, Maru," komento nito na tila sinasadyang bagalan ang paglapit sa kanya. Nakita niyang nagtatanggal ito ng butones sa suot na polo shirt at pagkuwa'y ang suot na sinturon.

"H-Hindi ako makahinga," nagmamakaawang tugon niya.

Sa isang iglap ay nasa harapan na niya ang lalaki't napasandal siya sa pader. He grabbed her neck and pinned her on the wall.

"P-Pakawalan mo ako... H-Hindi ako makahinga..."

"Mas nakakagana ka ngayon, Maru! Nakakalibog ang suso mong tayung-tayo at malulusog!"

Ang lahat ng takot ay nanumbalik sa kanya. Kung paanong sinakal siya ng amain noon at muntik nang mapagsamantalahan. Nanlalata siya nang bitawan nito ang leeg niya't unti-unti siyang napaupo. Sa isip ay nananalangin siyang makaligtas at makatakas sa kamay ng walang pusong lalaking ito.

Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas at bigla siyang nakatayo sabay sipa sa pagitan ng mga hita nito. Humiyaw ito ng malakas at napaluhod. Doon siya nakahanap ng pagkakataon na takbuhin ang distansya mula sa kinatatayuan niya hanggang sa naka-lock na pinto.

Subalit sa sobrang pagkataranta ay hindi niya mabuksan-buksan ang pinto. Naramdaman din niyang malapit na ito sa kanya.

When she successfully opened the door, Geoff harshly grabbed her hair and she fell down on the floor.

"Maru?" puno ng pagtataka ang tinig mula sa nabungaran niyang bulto nang mabuksan niya ang pinto. Si Collier iyon, mukhang kagagaling lamang sa banyo ng mga panlalaki.

Agad na nakuha ni Collier ang sitwasyon at mabilis siyang nilapitan. Isang malakas na suntok ang iginawad kay Geoff hanggang sa pagsusuntukin niya ito ng ilang beses pa.

Agad siyang dinaluhan ng isang staff na kasama niyang nagtatrabaho sa The Dreams at kasunod nito ang humahangos nilang boss na sa hula niya ay tumakbo nang mabalitaang may komosyong nagaganap.

Hindi na niya gaanong nasundan ang mga pangyayari hanggang sa mawalan na siya ng ulirat.

When she came in, she's already at the hospital. She knew because there were machines near the bed and the ambience is very hospital like. Dahan-dahan siyang umupo 'tsaka sumandal sa headboard ng kama. Napansin niya ri  si Sarah Jade na nakaupo sa isang monoblock at nakayuko sa gilid ng kama. Hula niya ay natutulog ito.

Her friend must've been terrified, too.

Bumukas ang pinto ng hospital ward at ang pamilyar na bulto ni Lexin ang bumati sa kanya.

"How are you feeling?" bungad nito.

"I'm fine. Pero pakiramdam ko'y puno ng pantal ang balat ko."

Lexin sighed. "I was shocked when I saw you rushed to our emergency room. Akala ko'y niloloko lang ako ng mga mata ko," panimula nito. "I heard what happened from the police."

Natahimik siya. She honestly doesn't know how to react. Parang namamamhid ang katawan niya.

"It's okay to cry, Maru."

Pero hindi siya umiyak.

"Why are you here?" she curiously asked.

"I am a physician here."

"I thought you're a pharmacist?"

"Yes. And a physician, too. I work here three days a week at tyempo pa na ako ang naka-duty nang isugod ka rito. Talk ahout coincidence..."

Natahimik ulit siya.

"You should see a counselor, Maru. I think you're traumatized."

Napasinghap siya. The word 'traumatized' triggered her. "I don't want to work. I don't want to go back. I don't want to go out anymore."

Naalimpungatan naman si Sarah Jade at nagtatakang tumingin sa kanya. Nang maalala ay niyakap siya ng kaibigan. That's where she lost it at nag-breakdown siya.

Sa gilid ng mga mata'y napansin niya ang pagbukas at pagsara ng pinto pero hindi na niya alintana iyon dahil sa kanyang pag-iyak.

Gaya nga ng sabi ni Lexin ay nagpa-schedule siya sa isang counselor. The counseling went smoothly. She also filed immediate resignation letters to her jobs and both parties understood her situation and let her go. Tumagal naman ng isang buwan ang pagko-konsulta niya sa counselor at awa ng Diyos ay mabilis siyang naka-recover. Sa tulong na rin ng kanyang ina't kapatid na si Luisa ay naging positibo siya sa lahat ng bagay.

She remembered the day when her boss, Ram, visited her. Sinigurado nito sa kanya na makukulong si Geoff sa bilangguan. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gumaan ang pakiramdam niya, na wala nang mananakit sa kanya.

Iyon nga lang ay bumalik ulit siya sa pagkukulong sa loob ng bahay. Ayaw na muna niyang lumabas ng bahay o ng kwarto. Madalang lang din kung masinagan siya ng araw. Sigurado naman siyang hindi na ganoon katindi ang trauma niya sa mga pangyayari. Kaya lang ay mukhang mas mainam sa kanya na huwag nang maglalalabas ng bahay.

She tried looking for a home-based job and luckily, she got one. Online tutor siya't nagtuturo ng Ingles sa mga batang mag-aaral. Subalit hindi pa rin sapat ang kinikita. Kahit magda-dalawang buwan pa lamang siya sa trabaho ay alam na niyang hindi talaga iyon sapat lalo pa't kailangan nilang tustusan ang pagme-Medisina ni Luisa.

Nagpasya siyang maligo't lumabas ng silid para kumain ng hapunan kasama ang kanyang pamilya. Napakatahimik ni Luisa nang mga sandaling iyon.

"May problema ba?" tanong niya sa kapatid.

"Wala, Ate."

"Alam kong mayroon. Ano iyon?"

Saglit na katahimilan ang namayani. Hindi rin nagsalita ang kanilang ina.

"Ate, naisip ko lang kung mag-shift kaya ako ng kurso? I'll just take a two-year course para makapagtapos na ako next year," buklat nito sa usapin.

Marahas na suminghap siya. "Pero gusto mong maging doktor."

"Alam ko. Pero kapag naka-graduate kasi ako ng mas maaga, makakapagtrabaho ako kaagad at makakatulong sa bahay."

"Hindi," matigas na bulalas niya. "You'll pursue Medicine."

"Pero, Ate—"

"Wala nang pero-pero. Magtatrabaho ako para makuha natin ang mga gusto natin."

Ngumuso lamang si Luisa at pinaglaruan ang kubyertos sa plato.

"Basta, magtiwala ka lang sa akin."

Tahimik lamang na umiiyak ang kanilang ina at alam niyang nagi-guilty ito. Tumayo siya't lumapit dito 'tsaka niyakap mula sa likuran nito. Tumayo rin si Luisa't yumakap sa kanila.

"Mahal na mahal ko kayo," hayag niya't naglandas ang kanyang mga luha sa pisngi niya.

KANINA pa nakatitig si Maru sa screen ng kanyang cellphone. Sa isip niya ay nagre-rehearse siya kung ano ang sasabihin sa taong may-ari ng contact number na tinititigan niya. Sa huli ay nagpasya siyang tawagan ang numero't sumagot ang nasa kabilang linya matapos ng ilang segundo.

"Maru?" bungad nito.

"H-Hello," sagot niya.

"God! You're not replying to my messages! How are you?"

"Sorry... I'm alright."

"I'm glad you called me. Can I visit you? Isasama ko ang pinsan ko."

Pinsan? She disregarded her thoughts. Kailangang masabi na niya ang nais sabihin. "Uhm, Lexin, available pa ba iyong job offer mo sa akin?" agad na tanong niya.

"What job offer?" tanong nito.

Natigilan sila pareho. Pakiramdam niya ay namumula siya sa sobrang hiyang nadarama.

"Ah! That job offer!" pagkuwa'y bulalas nito. "Yes, it is. Why?"

"Ano, kasi, t-tinatanggap ko na iyong alok." Maliit ang kanyang tinig nang sabihin iyon.

"Really?" Impit itong tumili. "Gosh! I'll go to your house tomorrow with the contract. I-send mo sa akin ang address ninyo, hindi ko kasi alam."

"Nakakahiya! Ako na lang ang pupunta sa ospital."

Tumanggi ito. "Basta, dadaan ako sa inyo bukas bago ako dumiretso sa trabaho. Wala rin kasi ako sa ospital bukas, nasa pharmaceutical company ako," esplika nito.

She sighed and said yes. Gaya nga ng napagkasunduan ay dumaan ito sa kanilang bahay kinabukasan at dala-dala nito ang kontrata.

"You can read that before you sign. Magkita na lang tayo kapag handa ka nang magtrabaho."

"Handa na ako."

"You sure?" she double-checked.

She nodded and signed the contract right away. Lexin looked like she's in a hurry so she just left her some keys with names on it, plus instructions on how to get to the island.

"Sabihan mo ako kung kailan ka pupunta nang maihatid ka namin gamit ang chopper. Medyo matagal kasi ang biyahe kung susundin mo iyang direksyon na binigay ko," habilin pa nito.

"Sige, salamat..."

"Sorry, I really have to go. Chat-chat na lang! I added you on my Messenger account."

Kung paanong naging mabilis ang pagpirma niya sa kontratang hindi man lang niya binasa ay ganoon din kabilis na umalis ito't naiwan siyang tulala habang nakatitig hinahawakang mga susi.