"WHAT is your problem, man?"
Hindi nilingon ni Enteng si Maken o Mark Kenneth. Nasa isang bar sila sa Ortigas at umiinom. Maken was also a Lollipop Boy. Ngayon ay songwriter, composer, at arranger na ito. Mas pinili nito ang magtrabaho sa likod ng limelight mula noong magkawatak-watak na silang Lollipop Boys. Kahit na nagkahiwa-hiwalay na sila ng mga landas, magkakaibigang matalik pa rin silang lima.
"Si Jillian," sagot niya sa tanong nito.
"How's she? Parang ayokong maniwala na siya ang dahilan kung bakit masama ang timpla mo mula pa kanina. Jillian is the most adorable creature in the world. Nag-away ba kayo?"
Tumango siya bago niya inisang lagok ang alak na nasa baso niya. Dalawang araw na silang hindi nag-uusap ni Jillian. Hindi nabawasan ang inis niya rito, bagkus ay lalong lumalago iyon.
"You wanna talk about it?"
Ikinuwento niya rito ang buong pangyayari. Tila nagulat ito sa narinig mula sa kanya.
"She is willing to show her flesh?" manghang tanong nito.
"Surprisingly, yes."
"Seriously? Our sweet little Jillian?"
Tumango siya. Saglit na tila nag-isip ito bago nagkibit-balikat. "Maybe she wants change."
Bumuntong-hininga siya. "She said she wanted to try something different. I would never ever, ever let her do it."
Tinapik siya nito sa balikat. "`Remember the very first time you were offered to do an indie film? Iyong kontrabida ang role?"
Hindi siya kumibo. Parang alam na niya ang nais nitong tumbukin.
"Ayaw kang payagan noon ni Tita Angie. Masisira daw ang imahe mo. You're the ultimate leading man. You always play the good guy. `Sabi ng fans mo, hindi bagay sa `yo ang maging kontrabida. Sumige ka pa rin. You grew your hair. Hindi ka nag-ahit ng balbas. Everyone was convinced that you made the biggest mistake in your acting career. Pero ano ang naging bunga niyon? The film went international. You won an award in France. You became the Philippines' pride. Ang sabi mo noon, matatawag mo na ang sarili mong mahusay na aktor."
"Are you saying that I should just let her?"
"No. I'm just saying that you should trust her. Jillian isn't a kid anymore. Siyempre, marami siyang mga bagay na nais subukan. Marami pa siyang nais patunayan sa sarili niya at sa ibang mga tao."
Natahimik siya. May punto ang mga sinabi nito ngunit ayaw pumayag ng sistema niya. Ayaw niya talaga.
"I don't want men fantasizing about her, okay?" biglang naibulalas niya. "I can't even stand the thought of it."
Napailing ito. "Di lumabas din ang totoo."
"I just want the best for her. This movie is not the best for her career, for her reputation as a decent woman."
"Ayaw mong mabilad ang katawan niya sa kalalakihan. Tell me, is that your so-called brotherly love or is it something else already?"
Hindi makapaniwalang napatingin siya rito. "What did you just say?"
Makahulugang tumingin ito sa kanya. "You know what? Sometimes, you do things a man don't usually do for a female friend."
Huminga siya nang malalim. "She is special, Maken. Alam n'yo naman `yan, `di ba? I can't let her do this."
"Kaibigan ka lang. Kung talagang gusto niya, ba't hindi mo siya hayaan? If this is really a mistake, let her learn from it. Let her break out into her box ang explore the showbiz world."
Tuluyan na siyang nanahimik. Masusi niyang pinag-isipan ang mga sinabi nito. Ang akala niya ay hindi siya tipikal tulad ng mga ibang lalaki. Ang akala niya ay malawak ang pag-iisip niya. Ang akala niya ay moderno na siyang mag-isip. Naiiba pala ang pagkatao niya kapag kasali sa usapan si Jillian.
KUMUNOT ang noo ni Jillian nang makarinig siya ng katok sa pinto. Ala-una na ng madaling-araw. Wala siyang inaasahang bisita.
Natigilan siya nang mapagbuksan niya si Enteng. Medyo namumula ang mukha nito. Napansin din niyang namumungay ang mga mata nito. Amoy-alkohol ito.
Walang imik na nilakihan niya ang awang ng pinto at hinayaan itong tumuloy. Umupo ito sa sofa at sinapo ng dalawang kamay nito ang ulo.
"Do you really wanna do it?" tanong nito kapagkuwan.
"Oo," sagot niya.
He sighed. "May posibilidad na mawala sa `yo ang lahat ng kung anong mayroon ka ngayon."
"I'll suffer for the consequences of my decision. Trust me, Enteng. I feel good about this. Baka ito na iyong pagkakataon ko para talaga masabing mahusay na mahusay na akong aktres."
"All right. Do it. But promise me that you'll take care of yourself."
Nayakap niya ito sa sobrang tuwa. "Thank you."
"I still don't feel good about this, Jilli."
"Trust me."
Masuyo siya nitong tiningnan. "I will."
"This movie would be great. You'll be proud of me," pangako niya. Talagang gagawin niya ang lahat upang maging proud ito sa kanya. She would show him that she was not making a mistake.
Ginulo nito ang bangs niya. "I'm always proud of you." Tumayo ito at tinungo ang pinto.
"Kaya mo bang umuwi?" nag-aalalang tanong niya.
"Nakainom lang ako, hindi ako lasing," anito. "Hindi kita pupuntahan kung lasing ako. Don't worry, may driver ako. Hindi ako puwedeng magpalipas ng magdamag dito. Kahit alam ng lahat na magkaibigan lang tayo, iba pa rin ang nagagawa ng mga press people."
"Ingat sa pag-uwi."
Hinagkan nito ang noo niya bago umalis.
NOONG una ay ayaw payagan si Jillian ni Tita Angie na gawin ang maselang pelikula na iyon, ngunit nakumbinsi rin niya ito. Kinausap din ito ni Enteng. May ilang demands lang ito sa direktor.
Pinaghandaan ni Jillian nang husto ang proyekto. Nagpapayat pa siya nang kaunti upang hindi siya mapahiya sa role na gagampanan niya. She researched for her role. Kailangang handang-handa siya.
Nagsimulang kumalat ang balitang gagawa siya ng isang independent sexy movie. Marami ang nagulat. Marami ang nagtaka kung bakit gagawa siya ng ganoong pelikula. Mga laos na dating teen stars lang daw ang gumagawa ng ganoon. Hindi raw siya laos. Makinang na makinang ang bituin niya at baka mawala ang kinang niyon sa oras na lumabas ang pelikula.
Ang mga kaibigan niya ay hati ang opinyon. Some encouraged her to do it, some told her to forget about it. Enteng was always there to back her up. She was so thankful for him.
Naipagpaalam na rin niya sa mga magulang niya ang gagawin niya. Her parents always let her be. Malaki kasi ang tiwala ng mga ito sa kanya. Alam ng mga itong hindi niya ipapahamak ang kanyang sarili.
IT WAS Jillian's first shooting day. She was both excited and terrified. Sa unang scene pa lang ay may striptease dance. She knew she could do it. She trusted herself.
Nagulat siya nang pagdating niya sa set ay nakita niyang naroon din si Enteng. Kausap nito ang direktor niya. Nginitian siya ng mga ito nang makita siya.
Nagtatakang nilapitan niya ang mga ito. "Hi, Direk," bati niya, pagkatapos ay bumaling siya kay Enteng. "What are you doing here?" tanong niya rito.
Nagkibit-balikat ito. "Gusto ko sanang manood. `Sabi ni Direk Simon, okay lang daw."
"Wala ka bang trabaho?"
"Bakasyon ko. Katatapos lang ng teleserye ko. I deserve a long break."
"Akala ko ba pupunta ka sa Amerika para sa mahabang bakasyon mo?" Nasabi na nito sa kanya noon na plano nitong magtungo sa Amerika para sa isang mahabang bakasyon.
"I cancelled it."
For this? nais niyang itanong ngunit nagpigil siya. Baka ilang araw lang nitong ikinansela ang trip nito patungo sa ibang bansa.
Natutuwa siyang naroon ito kahit pa alam niyang medyo maiilang siya mamaya. He really cared for her. Nais siguro nitong siguruhin na magiging maayos siya sa unang araw ng shooting ng pelikulang iyon.
Naging abala na siya sa paghahanda at pakikinig sa mga instruction ng direktor niya. Kabado siya nang sumalang na siya. Nginitian siya ni Enteng bilang pagbibigay-suporta sa kanya. She took deep breaths to calm her nerves.
Nakakatawa dahil matagal na siyang umaarte ngunit ngayon lamang siya kinabahan nang ganoon katindi. Siguro dahil hindi siya magpapa-cute o magpapaawa sa pagkakataong iyon. It was her first time to striptease in front of a camera.
"Ready, Jillian?" tanong ni Direk Simon.
Huminga muna siya nang malalim bago tumango. Sa hudyat nito ay nag-umpisa siya. Nasa isang kama siya at nakikipag-chat sa isang foreigner sa kanyang laptop. Ilang mensahe muna ang naging palitan nila, saka niya inabot ang On button ng isang CD player. Pumailanlang ang isang malamyos na musika. Inilagay niya ang laptop sa isang mesa. She started dancing while taking off the buttons of her pajama top.
"Look seductively at the camera, Jill," her director instructed.
Tumalima siya. She did all she could to look seductive and not cute.
"Very good. Keep on dancing."
HINDI napigilan ni Enteng na mapalunok habang nakatingin sa monitor ni Direk Simon. Pakiramdam niya ay biglang uminit ang lugar. Natutuyo ang lalamunan niya at pakiramdam niya ay makakaubos siya ng isang pitsel ng malamig na tubig.
Jillian was hot. She was very sexy. Alam na niya iyon noon pa ngunit ngayon ay talagang ipinapakita na nito ang alindog nito. He could not believe he was very affected. Those innocent and seductive eyes were beautiful and haunting. Bawat imbay ng balakang nito ay lalong nagpapainit ng pakiramdam niya. Her sensuality was coupled with grace, too.
Hindi ito mahalay tingnan. She was very lovely. Wala na ang bakas ng dalagitang una niyang nakilala. Jillian was a woman—a very sexy woman.
"I knew she was perfect for the role from the very start," bulong ng direktor na tila para lamang sa sarili nito.
Pinagpawisan siya nang malapot. Itim na lacy bra at panty na lang ang suot ni Jillian. Patuloy ito sa pag-imbay, sa pagsayaw nang nakakaakit at nakapagpapawala ng katinuan. Ayaw niyang aminin sa kanyang sarili na may nararamdaman na siyang kakaiba. Hindi niya alam kung saan umusbong iyon. He was so turned on. Lihim na pinagalitan niya ang kanyang sarili.
Jillian was his best friend! She was almost a sister to him. How could he desire her?
Hindi rin naman siya masisisi ng kahit sino. Jillian was very desirable. Kung siya ang ka-chat nito, malamang na magbayad siya nang mahal para lamang tanggalin nito ang lahat ng saplot nito sa katawan.
Shit, Paul Vincent! Stop it. You've turned into a maniac.
Hanggang sa matapos nito ang eksena ay hindi siya makapag-isip nang matino.
Agad na sinuotan ito ng roba.
"How was I?" tanong nito sa kanya.
"Very..." Sexy. He cleared his throat. "Good," pagtatapos niya.
She smiled, looking so satisfied. Napatingin siya sa mga labi nito. He had the strong urge to bend his head and kiss her breathless.
He cursed himself silently. What was happening to him? What had changed?
He knew this movie was a bad idea.