Chapter 3 - Chapter Two

"THIS is the something new that I have been waiting for," bulong ni Jillian sa kanyang sarili bago siya humigop ng mainit na kape. Alas-dos na ng madaling-araw at nasa sala siya ng unit niya. Binabasa niya ang isang script na ibinigay sa kanya ni Direk Simon kanina.

Ang nasabing direktor ay sikat na sikat sa paggawa ng mga independent film na humahakot ng mga parangal sa iba't ibang local at international award-giving bodies. She was flattered that he considered her to be one of his leads on his next independent movie project. Nabanggit na raw nito kay Tita Angie ang tungkol sa proyektong iyon. Nagdadalawang-isip daw ang manager niya kaya dumirekta na lang ito sa kanya.

Direk Simon really wanted her to play the lead role. He said she was the most perfect actress for it. Kahit ang scriptwriter daw ay siya ang visual inspiration habang ginagawa nito ang script na hawak na niya ngayon.

Malapit na niyang matapos ang pagbabasa. Napakaganda ng kuwento. She wanted to do the project. Alam niyang baka hindi pumayag ang manager niya ngunit magpipilit talaga siya. Pagsisisihan niya nang husto kung hindi niya magagawa ang proyektong iyon.

Alam niya kung bakit nagdadalawang-isip ang manager niya. Lihis sa imahe niya ang naturang project. Natatakot siguro ito na baka mabawasan ang mga tumatangkilik sa kanya. Sa isang banda naman, aangat ang lebel niya bilang aktres kung makakatrabaho niya si Direk Simon. He was one of the most brilliant director in the Philippines.

Nakahanda siyang ibigay ang lahat ng kailangan sa eksena. Paghuhusayin niya nang husto ang pagganap. Higit pa sa isandaang porsiyento ang ibibigay niya. She was willing to risk everything.

Maybe she saw the project as an escape. Makakalabas na rin siya sa wakas sa sweet girl image niya, sa kahon niya.

Pagkatapos niyang basahin ang script ay dinampot niya ang kanyang cell phone at tinawagan si Enteng.

"Where are you?" bungad niya nang sagutin nito ang tawag niya.

"Hello to you, too," he said in a light tone. Kahit na ganoon ay bakas pa rin ang pagod sa tinig nito. "I'm on my way home. Why?"

"Puwedeng dumaan ka sandali sa condo ko?" Nakagat niya ang kanyang ibabang labi pagkatapos. Pagod ito ngunit iniistorbo niya. Ito lang kasi ang pinagkakatiwalaan niya at ang siguradong makakatulong sa kanya.

"Sure. I'll be there," tugon nito na walang kahit na anong pag-aalinlangan.

It was one of the things she loved about Enteng. He always indulged her. Hanggang kaya nito, hindi siya nito pahihindian.

"Thank you so much," sabi niya bago niya tinapos ang tawag.

Hindi siya gaanong naghintay nang matagal. Binuksan agad niya ang pinto ng unit niya nang may kumatok. Nginitian niya nang matamis si Enteng. He looked tired but he was still gorgeous.

"Pasensiya na kung naistorbo kita," aniya. "Kailangan lang talaga."

"It's okay," anito habang umuupo sa sofa niya. Nakihigop ito sa kape niyang hindi pa niya nauubos. "Problema?"

Umupo siya sa tabi nito. "May ikokonsulta ako sa `yo," aniya habang iniaabot niya rito ang script na kanina ay binabasa niya. "Independent film ni Direk Simon. I think it's good. Can you spare some time to read it? Then tell me if it's wise for me to do it."

Hindi nito binuklat ang script. "Sure. Pero bukas na lang. Direk Simon is a great director. He's known internationally. If only for that, this indie movie would be good for you."

Nagliwanag ang kanyang mukha. Lumaki ang pag-asa sa dibdib niya. Mukhang magagawa niya ang pelikulang iyon.

Tumayo na ito at hinagkan ang kanyang noo. Hindi niya napigilan ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil doon. It was always like that. Kahit simpleng pagdidikit lamang ng mga balat nila ay nagdudulot na ng kaguluhan sa sistema niya. She knew it was just a brotherly kiss but she could not help wishing it was something more.

Naglakad na ito patungo sa pinto palabas. "Uuwi na ako, Jilli. Baka may makakita sa aking press at kung ano-ano ang tahiing kuwento na hindi naman totoo."

Napangiti siya. Paminsan-minsan, may mga lumalabas pa ring mga artikulo na nagli-link sa kanila. May ilang mga naniniwalang "secretly in love" sila sa isa't isa. Totoo iyon sa parte niya ngunit alam niyang pagtinging-kapatid lamang ang nararamdaman ni Enteng para sa kanya.

"All right. Ingat ka sa pag-uwi. Maraming salamat sa pagdaan," aniya habang inihahatid ito hanggang sa pintuan.

"Basta ikaw. Sleep now," sabi nito sa napakasuyong tinig bago ito tuluyang umalis.

Napasandal siya sa nakasarang pinto. Taimtim na nanalangin siya na sana ay maganda ang maging tingin nito sa kuwento. Sana ay mas mangibabaw ang pagiging artist nito kaysa sa pagiging "kuya" nito sa kanya.

Magbabago ba ang tingin nito sa kanya sa oras na gawin niya ang pelikulang iyon?

She fervently hoped so.

MAINIT ang ulo ni Enteng. Gusto niyang magwala ngunit hindi niya magawa. Gusto niyang sakalin si Jillian at malamang na nasakal na nga niya ito kung nasa malapit lang ito sa kanya. She was so out of her mind.

Dahil mainit ang ulo niya, nasigawan niya ang personal assistant niya sa maliit na pagkakamali nito.

Huling araw ng shooting ng teleserye niya. Madalas ay nakakaramdam siya ng kaligayahan tuwing natatapos niya ang isang proyekto. Alam kasi niyang may mga tao siyang napapasaya sa bawat paglabas niya sa telebisyon. This time, it was different. He was irritated. Hindi niya inakalang maiirita siya nang ganoon katindi kay Jillian.

Alam ng lahat na hindi siya mahilig magkunwari kapag wala siya sa harap ng camera. Kapag mainit ang ulo niya, ipinapakita niya iyon. Hindi naman siya nagiging unreasonable kahit na galit siya. Alam din naman ng lahat iyon.

Artista siya ngunit tao rin lang siya. Hindi laging maganda ang mood niya. Hindi laging maganda ang araw niya.

Kaninang umaga ay binasa niya ang ibinigay na script ni Jillian. Umpisa pa lang ay sigurado na siyang hindi siya papayag na gawin nito ang pelikulang iyon. Kung hindi si Jillian ang napipisil na gumanap na bida sa pelikulang iyon, malamang na magustuhan niya ang storyline.

Iyon ang tipo ng pelikulang hindi pipilahan ng mga tao sa sinehan. Gayunman, iyon ang tipo ng pelikulang humahakot ng mga award. Lalo pa at napakahusay ng magiging direktor niyon.

The story revolved around a nineteen-year-old girl who do cybersex for a living. The girl was supposed to have a very cute and innocent face, so Jillian was suited for the role. Breadwinner ito ng pamilya. May sakit ang nanay nito at nag-aaral ang mga kapatid nito. Wala itong natapos kaya wala itong makuhang magandang trabaho na may magandang sahod. Nagtatrabaho ito sa isang fast-food restaurant ngunit hindi sapat ang kinikita nito. Naisip nitong makikita lang naman ang katawan nito at hindi talaga mababahiran ng dumi kaya nagagawa nitong magpakita ng kapirasong laman sa Internet.

As the story progressed, she would meet a lesbian. She would fall for her. Mamahalin din ito nang husto ng lesbian. Malalagay sa bingit ng kamatayan ang lesbian dahil sa isang aksidente. Masusubok ang pagmamahalan ng dalawa.

Jillian's character was willing to sell her body and soul for her to live.

Jillian had to show her flesh. Required iyon sa kuwento. She also had to perform sexy dance routines. Hindi iyon problema dahil magaling naman itong sumayaw. She had to striptease. He was trying to imagine her doing it and he was already losing his mind. May kissing scene at love scene din ito sa babaeng katambal nito. That would be forgiveable. Ngunit kailangan din nitong i-offer ang sarili nito sa isang DOM. Hindi iyon kaya ng imahinasyon niya!

His sweet little Jillian. Did she really consider doing that film? He would never let her. He would never let her show her flesh. Hindi lang basta masisira ang imahe nito, masisira ang buong career nito. Hindi lang iyon magtatapos doon. Bababa ang tingin ng lahat dito. Kahit na moderno na ang mundong ginagalawan nila, tradisyunal pa ring mag-isip ang mga viewer. Para sa mga ito ay walang pagkakaiba ang "sexy star" sa "bold star." At gagampanan ni Jillian ang isang role ng porn star, ng babaeng mababa ang lipad. A woman for sale.

Hindi rin niya kayang isipin na magiging laman ito ng pantasya ng kalalakihan. Jillian may have an innocent face but she had a very gorgeous body. Hindi lang nito madalas na ipakita iyon. Medyo konserbatibo itong manamit minsan. It suited her perfectly.

And now, she suddenly wanted to change her image? At hiningi pa talaga nito ang opinyon niya. Puwes, kung inaasahan nitong positibo ang magiging opinyon niya, nagkakamali ito. Sasabihin pa niya kay Tita Angie na huwag itong payagan.

Screw the awards she might get from it.

"ARE YOU out of your mind?"

Napasimangot si Jillian sa pagtataas ng tinig ni Enteng. Nasa unit niya ito nang gabing iyon. Ni hindi man lang nito napansin na ipinaghanda niya ito ng espesyal na hapunan. Napakalinis ng unit niya. Mabangong-mabango pa. Hindi rin nito napansin na napakaganda ng suot niyang bestida. Nagpaganda siya nang husto dahil alam niyang darating ito.

"Dinner?" aniya sa halip na pansinin ang sinabi nito.

Hindi rin siya nito pinansin. "You are not doing that film!" utos nito sa mariing tinig.

Tuluyan na siyang nainis dito. "I want to do the film. It's very good."

"It's great. Nando'n na ako. But it's not you. Totally not you."

"Bakit ba? You are a bit overreacting, Enteng."

Lalong namula ang mukha nito. "A bit over-reacting?"

"Don't shout," naiinis na sabi niya rito.

"Why do you want to do the movie?" tanong nito sa pinababang tinig.

"I want to try something new. Something different. I'm through playing my usual sweet girl roles. This would be a great movie. I can feel it."

"No," bulong nito ngunit mariin ang pagkaka-bigkas. "I won't let you ruin your career."

She sighed in exasperation. "You don't know that. The fans might love me more because I dared to be different."

"Hindi mo ibibilad ang katawan mo sa lahat ng tao."

"Hindi makitid ang utak mo, Enteng. I trust Direk Simon. He promised to protect me. Hindi raw ako mababastos. I'm not doing a porn movie."

"No. Kahit ano ang paliwanag na gawin mo, iyon pa rin ang sagot ko. I'll talk to Tita Angie."

Tuluyan na siyang nainis dito. "You are not my father, Enteng! Sana ay hindi ko na lang ipinabasa sa iyo `yong script."

"Ipinabasa mo sa akin dahil akala mo magiging okay lang sa akin at sasamahan kitang kausapin si Tita Angie dahil alam mong hindi ka niya papayagan. You know Tita Angie always listens to me."

Nakagat niya ang ibabang labi niya. Tama ito. Palagi itong pinakikinggan ng kanilang manager. Alam niyang tutulungan siya nito kaya ipinabasa niya rito ang script. Hindi lang niya inakalang magiging ganoon katindi ang reaksiyon nito.

"Why are you being hard on me?"

"And she dared asked me," sarkastikong turan nito.

Yumakap siya rito. Natigilan ito. "Please, Enteng," pakiusap niya.

Kung tutuusin, wala naman itong dapat na pakialam sa mga desisyon niya tungkol sa career niya. Hindi ito ang tatay niya, hindi niya ito kapatid. He was just her best friend. Dapat nga ay sinusuportahan siya nito. Alam nitong hindi naman siya gagawa ng masama. Gagawin niya iyon para sa sining. Para sa ikauunlad ng kakayahan niya. Dapat ay maintindihan nito iyon dahil pareho nilang mahal ang mga ginagawa nila.

Naramdaman niyang gumanti ito ng yakap. "Don't beg, please," bulong nito. His voice turned soft. Walang kahit anong bahid ng inis o galit iyon. "Ayoko, Jilli. You are my sister and I won't let my sister degrade herself."

Marahas na itinulak niya ito palayo. Degrade herself? She would not degrade herself. Bakit hindi nito lawakan ang isip nito?

"You're not my brother!" she snapped. Sawang-sawa na siyang marinig iyon. Sawang-sawa na siyang magkunwari. Bakit hindi nito makita na babae siya? Babaeng umiibig dito.

"Jilli—"

Namasa ang kanyang mga mata. "Leave me alone, Paul Vincent. I asked for your opinion because I thought you of all people will understand me. I was wrong. Tulad ka rin ng mga tipikal na lalaki."

Nagtungo ito sa pintuan. Nilingon siya nito bago nito binuksan ang pinto. "I care for you, Jilli. Tama ka, katulad din ako ng mga tipikal na lalaki kaya alam ko kung ano ang iisipin ng mga kapwa ko lalaki kung makikita kang halos hubad sa screen. Ayokong nababastos ka." Bago pa man siya makatugon ay nakaalis na ito.

Nanghihinang umupo siya sa harap ng dining table. Sayang ang effort niya sa paghahanda ng mga pagkain. Sayang ang pagpapaganda niya. Nag-away lang sila ni Enteng.