Chapter 5 - Save Carly

"Magtatanghali na pala" matapos kong tignan ang aking relo ay ibinalik ko ang aking camera sa aking bag at nagsimula nang maglalakad pabalik sa bahay ni Tita Celia. Narinig ko ang pagsara ng gate sa kabilang bahay kaya sinilip ko ito bago pumasok pero wala namang tao na lumabas baka nga ay kakapasok lang nito. Pagpasok sa bahay ay nakita ko agad ang pink at white na kahon, agad ko itong sinilip at nakita kong cupcakes pala ang laman nito. Napaisip ako dahil wala namang ganitong tinda sa panederya dito o kaya baka pumunta sa bayan si Tita Celia.

Galing sa kusina si Tita Celia nang madatnan niya ako na nakatingin sa cupcakes.

"Igo gawa ni Carly yan. Tikman mo. Masarap gumawa ng pastries ang batang iyon." Pagkaupo niya sa hapag kainan at naupo na din ako.

Inuna ko na ang dessert. Dumampot ako ng isang piraso at kinagatan ito. Masarap nga ito. Masarap ang timpla ng cream sa ibabaw at ang moist naman ng cake nito. Actually gusto ko pang kumain ng isa pero nahiya ako kasi kay Tita Celia iyun ibinigay.

"Kain ka pa" inilapit ni Tita Celia ang kahon sa akin at walang atubili kong kinain ang isa pang piraso ng cupcake.

Pagkatapos ng tanghalian ay tumulong ako sa pagliligpit at nagtungo sa aking silid upang magpahinga. Sineset ko na talaga ang alarm ko tuwing 4pm at sisilipin sa bintana si Carly. Alam ko na nga daily routine nun eh. Nagsimula na akong pumikit kasi nakakantok ang simoy ng hangin.

Tumunog ang alarm ko sakto alas kwatro at sumilip ako agad sa aking bintana. Pero walang Carly na nakaupo sa kanyang usual spot. Humiga ako ulit at naghintay ako ng labinlimang minuto pero wala pa ding Carly na lumabas. Siguro ay busy yun kaya hindi lumabas ngayon. Kanina pa naman ako nagrerehearse sa isip ko kung paano siya i-aaproach at sasabihing masarap ang kanyang cupcake. Ahhh kastress. Wala rin naman si Carly sayang. Kaya nag-ikot na lang ako sa isla bitbit ang aking camera.

Naghapunan na kami at pagtapos ay nagsimula nang matulog. Nakaset na ang usual alarm ko para sa aking morning jog. Bago ako humiga ay sumilip muna ako sa bintana para akong timang wala namang Carly tuwing gabi. Natawa ako sa aking sarili at pumikit.

Wish ko makita si Carly bukas...

•••

Nakailang tunog na ang aking alarm bago ako tuluyang nagising. Tsk late na ako sa aking morning jog. Bumangon at sumilip sa bintana may nakita akong babae na naglalakad sa my dagat. Kinusot ko ang aking mata at napaisip na may babaeng naglalakad sa may dagat ng ganitong oras? Paglingon ko ulit sa bintana ay nakita kong nilubog nito ang ulo nito at hindi pa inaangat ang ulo. Isang tao lang ang pumasok sa utak ko. Si Carly yun.

Agad agad akong bumangon at tumakbo palabas ng bahay. Halos nanginginig ang kamay ko sa pagtanggal ng lock sa pintuan. Hindi ko na napansin na nakapaa pala ako at walang suot na pang-itaas. Ang nasa isip ko lang ay Save Carly.

Naramdaman ko ang malamig na tubig sa paglusong ko sa dagat kahit mababaw pa at kahit na hanggang baywang ko pa ito ay lumangoy na ako agad. Kahit masakit sa mata at di pa gaanong maliwanag ay pinilit kong mahanap si Carly. Kailangan kong iligtas si Carly. Nawalan ako ng hangin kaya iniangat ko ang aking ulo para kumuha nito. Hanggang tyan ko pa lang ang tubig. Tinignan kong muli ang aking paligid baka andoon si Carly.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang pamilyar na buhok at pink na short na nakalutang. Para akong nilamig ng todo sa pag-iisip na baka nahuli na ako sa pagsagip kay Carly. Lumangoy ako ulit at hindi ko na napansin ang pamumula ng aking mata dahil sa alat ng dagat. Nang makalapit na ako dito ay agad kong ikinulong sa aking mga bisig ang payat na baywang nito at iniangat ang kanyang katawan. Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinapik tapik habang paulit ulit na tinatawag ang kanyang pangalan.

Nang dumilat ito ay bakas ang gulat sa kanyang mukha at parang tagos sa akin ang titig nito. Inalalayan ko siya ng mabuti sa aking bisig at nanatili ang mga kamay ko sa kanyang mala-anghel na mukha.

"Harris?" Bulong nito at hinaplos nito ang kanan kong pisngi. Pilit nitong iniangat ang kanyang sarili at kinulong ang aking ulo sa kanyang mga bisig.

"Harris..." lumilinaw na ang boses nito. Harris pala ang pangalan ng lalakeng nanakit sa kanya.

"I'm sorry Harris..." humagulgol ito at hinigpitan lalo ang pagyakap sa akin. Ramdam ko ang hinagpis nito sa bawat sambit niya ng 'Sorry Harris.' Kahit gusto kong sabihin na hindi ako si Harris ay hinayaan ko na lang na isipin niya na ako ito at niyakap din siya ng mahigpit.

Kasabay ng pagsikat ng araw ay ang paglakas ng pag-iyak nito. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na magkayakap. Ibinaon ko ang aking ulo sa kanyang leeg na natatakpan ng kanyang buhok at kasabay nito ang paghigpit pa ng aking pagyakap.

Mayamaya ay unti-unting lumuluwag ang pagyakap nito at ang konti-konting pagdulas nito pababa mula sa aking balikat. Agad ko itong sinalo ng aking braso. Mapayapa itong nakapikit. Inilapit ko ang kanyang mukha sa aking tainga upang kumpirhmahin kung humihinga pa ba ito. Pagkatapos ay tinignan ko ang tiyan nito kung gumagalaw pa. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang paggalaw nito at mahinang paghikbi nito. Nawalan ito ng lakas mula sa matinding pag-iyak. Binuhat ko siya at siniguradong naka-angat ang kanyang mukha mula sa tubig na abot na sa aking dibdib.

Tinanaw ko kung gaano kami kalayo sa dalampasigan. Medyo malayo na din pala ang narating namin. Malayo na din sa mga bahay namin kaya naman sinimulan ko na ang pagbalik sa dalampasigan habang buong ingat kong hawak ang maliit at payat na katawan ni Carly.

Pagtapak ko sa buhanginan ay agad akong naghanap ng puno ng niyog. Nanghihina na aking mga tuhod na dulot siguro ng taranta at halo halong emosyon na nakita ko mula kay Carly.

Sumandal ako sa likod ng puno habang unti unting dumadaosdos pababa sa buhanginan hanggang sa mapaupo na ako at nasa kanlungan ko na si Carly. Tangan ko sa kabila kong braso ang itaas na bahagi ng katawan nito habang nakasandal ang ulo nito sa aking dibdib. Halos habulin ko na ang aking hininga at isinandal ko ang aking ulo sa puno. Napapikit ko at ang naaalala ko lang ay ang walang patid na paghingi ni Carly ng paumanhin kay Harris.

Hinawi ko ang buhok nito at pinadulas ang kamay ko sa mahaba nitong buhok. Hindi ko maiwasan ang mapaisip kung ano talaga ang nangyari kay Carly.

"Harris anong ginawa mo kay Carly?"

Yan ang tanong na hindi maalis sa isip ko.

Itutuloy...

04-01-2018