Ngayong umaga ay dinalhan na naman ako ni Igo ng aking almusal. Matiyaga itong naghihintay sa may sala namin hanggang sa ako ay lumabas. May sarili kasi silang susi at dahil sa kalagayan ko ngayon ay nanghingi ng permiso sila Aling Celia na lumabas pasok sa akin bahay.
Nadatnan ko itong nakayuko at nakangiting nakatingin sa kanyang smart phone na nilapag niya sa hapag kainan. Sa tapat nito ay nakahanda na ang dala nitong pagkain. Mukhang naramdaman nito ang aking pagdating dahil tumayo ito at binati ako ng magandang umaga.
Gusto ko siyang ngitian kaso parang nakalimutan ko na ata kung paano ngumiti kaya tumango na lang ako. Naupo na ako sa inihanda niyang silya at sinimulan ang aking almusal. Pakiramdam ko ay unti-unti na lang bumabalik ang aking sigla sa pagkain o baka dahil kasi wala akong magawa kundi ubusin ang mga pagkaing lagi nilang daladala.
Pasubo na ako ng aking kutsara nang makita kong nakapalumbaba ito at pinagmamasdan akong kumain. "Ano?" Tanong ko dito sabay kunot ng aking noo.
Tumawa ito ng kaunti at sinabing "Wala" at pinagpatuloy nito ang pagtingin sa akin. Umiling na lang ako at itinuloy ang aking pagkain. Nang maubos ko na ang mga ito ay tumayo na ako para iligpit ito nang pigilan ako ni Igo. Mula sa kabilang parte ng lamesa ay inabot nito ang kamay ko.
"Ako na" nakangiting saad nito. "Upo ka na dun" habang tinuturo nito ang sofa. Binitiwan ko ang hawak kong plato at pumunta ako sa sofa para maupo. Dinala ni Igo ang plato sa lababo. Kumuha ito ng basahan na nakalagay sa malapit sa lababo at pinunasan ang hapagkainan. Bumalik ito sa lababo at sinimulan na ang paghugas ng aking pinagkainan.
Matangkad ito at magulo ang likuran niyang buhok. Malapad pala ang likod nito. Kitang kita din ang muscle dahil naka-muscle shirt ito. May hinuhuni huni ito habang naghuhugas ng mga pinagkainan. Lumapit ako sa kanya at sumandal sa may hugasan.
"Igo?" Panimula ko. Lumingon ito sa akin habang nag-aanlaw. "Bakit mo ito ginagawa?" Tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan bakit sa mga nakalipas na araw ay lagi itong nasa bahay namin at madalas din ako nitong samahan.
Pagtataka ang makikitang ekspresyon ng kanyang mukha. "Ang alin?" Tanong nito.
"Yung... yung..." at sinundan niya ang aking sinasabi "Yung pagpunta punta ko dito? Yung binabantayan kita? O yung sinamahan kita sa dagat? Alin dun?" Tanong nito.
Actually lahat yun ang gusto kong ipunto. "Yung pagpunta mo dito" yan na lang ang pinili ko.
"Gusto ko eh. Ayaw mo ba?" Sagot nito. Napaisip ako sa kanyang tanong. Ayaw ko ba? Gusto ko ba? Gusto ko na ayaw ko. Ewan.
"Bahala ka..." umalis ako sa pagkakasandal at bumalik sa sofa. Dumampot ng libro at itinuloy ang pagbabasa. Nang matapos na siya ay nagpaalam na ito at lumabas ng bahay.
Isinara ko na ang librong binabasa ko at nagtungo sa may garden. Umupo ako sandali doon pero muli akong tumayo at dahan dahang binuksan ang gate. Teka bakit ba ako natatakot na baka may makaalam na lalabas ako ng bahay? Hindi naman ako tumatakas. Pagsilip ko sa labas ay nakita ko si Igo na bitbit ang kanyang camera at tuloy tuloy lang ito sa paglalakad habang kinakatikot ang camera nito.
Isinara ko ng bahagya ang gate na para bang ayaw kong makita ako ni Igo at baka pumunta na naman siya sa bahay ko. Nakita ko siyang naglalakad papunta hanggang sa makalayo na ito. Gusto ko itong sundan pero naisip ko na huwag na lang baka maabala ko pa siya sa kanyang ginagawa. Tuluyan ko nang isinara ang gate at bumalik na lang sa may sala upang ipagpatuloy ang librong binabasa ko kanina.
Nakaidlip ako mula sa pagbabasa at paggising ko ay napansin ko sa orasan na alas kwatro na pala. Ewan ko ba anong meron sa oras na yan at lagi na lang ako nalabas ng bahay. Naghanap ako ng pantalinsa buhok at ipinusod ng mataas ang mahaba kong buhok.
Lumabas na ako at naupo sa usual ko na inuupuan. Lumingon lingon ako dahil kadalasan ay bigla na lang umuupo si Igo sa tabi ko gaya nung mga nagdaan na araw.
Walang Igo. Parang nakaramdam ako na may kaunting kulang. Malungkot ba ako? Hindi ko naman pwedeng asahan na lagi na lang may tao sa aking tabi dahil isang araw ay iiwanan din nila ako. Gaya ni Harris. Gaya nila mama at papa na ipinatapon ako dito sa probinsya.
Habang sinusulat sulatan ko ng kung ano ano ang mga buhangin ay bigla namang may naglagay ng kung ano sa aking tainga. Nagulat ako at napaiwas pero huli na dahil naisukbit na niya ito. Umupo si Igo sa aking tabi at mas malapit na kumpara nung huli. Hawak nito ang kanyang phone at naghahanap ng kanta. Aalisin ko na sana ang earphone na biglang nagsimula na ang tugtog. Idineretso nito ang kanyang mga paa at inilapag ang phone sa kanyang hita.
Malumanay ito, maririnig mo ang tunog ng piano at lalakeng kumakanta. Sinubukan kong pakinggan ng maigi ang bawat linya ng kanta.
I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the one
I couldn't really justify
How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is gone
And in the end can you me tell me if
It was worth the try
So I can decide
Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Ohh you never really love someone until you learn to forgive
Ang tumatatak sa isip ko ay ang linya sa kantang ito na "All will be alright in time"
Try as hard as I might
To flee the shadows of the night
It haunts me and it makes me feel blue
But how can I try to hide
When every breath and every hour
I still end up thinking of you
And in the end everything we have
Makes it worth the fight
So I will hold on for as long
I still end up thinking of you... Makes it worth the fight... worth it nga ba si Harris?
So I will hold on for as long as... Hanggang kailan ako maghohold on sa isang tao na wala na?
As leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Ohh you never really love someone until you learn to forgive
I never thought that I would see the day
That I'd decide if I should leave or stay
But in the end what makes it worth the fight's
that no matter what happens we try to make it right
Parang napapaisip ako sa kantang ito. Should I leave or stay this way?
Wounds of the past will eventually heal
And all will be alright in time
'Cause all of this comes with a love that is real
I said all will be alright in time
I said all will be alright in time
I said all will be alright in time
Lumingon ako kay Igo na masarap na pinapakinggan ang kanta. Parang pakiramdam ko siya ang nagsasabi sa akin nito. Parang alam ko na ang sagot sa tanong niyang 'Ayaw mo ba?'
All will be alright in time
Ohh, you never really love someone until
You learn to forgive
You learn to forgive
Learn to forgive
Hindi pansin ni Igo na nakatingin ako sa kanya. Pinagmamasdan ko habang nililipad ng hangin ang buhok nito. Habang tinitignan ang mahaba nitong pilikmata. Alam ko isang araw gagaling din ang mga sugat sa aking puso. 'All will be alright in time.' I know in time, in God's own time mapapalaya ko din ang sarili ko sa kadilimang ito. Isang araw mapapatawad ko din si Harris sa lahat ng pagkakamali niya sa akin.
Ang tanong na lang ay kung maririnig ko pa ba na napatawad na niya ako?
Itutuloy...
04-03-2018