MAKALIPAS ang dalawang taon ay nagkaroon ng rason si Bryan upang muling bumalik ng Pilipinas.
He was based in Canada for the last seventeen years. Umuwi lang siya ng Pilipinas noong nakaraang dalawang taon nang magdesisyon siyang hanapin ang kanyang biological father, ngunit isang buwan lang din ang ipinamalagi niya.
He is a world-renowned tennis player, so he can't afford to be on vacation for a long time as he needs to always be on the top of the game. Ngunit sa wakas ay nagkaroon na ng progress ang paghahanap sa kanyang ama kaya heto siya at muling umuwi ng bansa.
Another reason is that, Marissa, his sports agent, is soon to get married and is about to resign. So, they need to find someone to fill in her position.
Kung tutuusin ay marami namang mapagpipiliang pwedeng pumalit dito mula sa Canada ngunit ipinagpilitan ni Bryan na Pilipina pa rin ang kanyang gusto. Someone who's willing to reside in Canada and be with him wherever he is for his games.
Sa huli ay napilit din niya si Marissa sa kanyang gusto kahit pa sinabi nitong tiyak na mahihirapan sila dahil hindi madali iyon. To be fair, ay pumayag din naman si Bryan na bahala na itong maghanap sa Canada sakaling wala talaga silang makitang sports agent sa pag-uwi nila ng Pilipinas.
Tama si Marissa, may pagka-demanding talaga siya kung minsan. Pero marunong din naman siyang maging fair at iyon ang dahilan kaya naging click sila nito sa loob nang napakahabang panahon.
He is childish at times, but Marissa knows how to tame him. On the other hand, he also knows how to win Marissa's heart with his charm. They were always a win-win pair. Sana nga lang talaga ay makahanap pa ulit siya ng kagaya nito.
"Lapad ng ngiti mo ah." Tukso sa kanya ni Marissa habang papalabas sila ng NAIA.
"Syempre. It feels good to be back home." Tugon ni Bryan dito. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Pa'no, keep your lines open, okay? And make sure to lie low. Huwag na huwag kang gagawa ng bagay na—"
"Ikasisira ng reputasyon mo. Ris, memorize ko na `yang mga linya mo, okay? Don't worry, I'll behave myself. Kahit pa out of sight ka dahil sa pagla-loving-loving n'yo ng soon-to-be-husband mo—aray!" Napangiwi si Bryan nang kurutin siya sa tagiliran ni Marissa dahil sa panunukso niya rito. "Hey, you're damaging Philippine's property—"
"Property mong mukha mo! Basta, tatawagan na lang kita kapag may nakita na'kong taong papayag na kumuha ng pamukpok sa kanyang ulo sa pagpalit sa posisyon ko. Okay?"
"Oh c'mon! Panigurado, napakaraming magkukumahog na pumalit sa'yo. They'd be managing none other than Bryan Martinez. Philippines' one and only tennis player who managed to be ranked in Association of Tennis Professionals." Confident at proud niyang saad habang nakaliyad ang kanyang dibdib.
"Naka-rank nga, 'di naman umabot sa top ten." Mapang-asar na tugon ni Marissa.
"'Oy, 'oy! Kahit pa top fifteen lang ako, at least nakapasok pa rin. Ang hirap kayang—"
"Blah, blah, blah. Adios, amigo!" At tuluyan na siyang iniwan ng kanyang sports agent slash confidante slash good friend. Napapailing-iling na tumawa na lang si Bryan.
He then filled his lungs with air before leaving the airport. Excited na siyang i-crash-out ang isa sa mga nais niyang gawin sa pag-uwi niyang ito. Someone's sweet smile then popped out of his head that made him smile like an idiot.
"BRENDA, sigurado ka na ba talaga sa plano mong iyan, ha?" Kung nagbilang lang si Brenda, siguro ay pang-anim na beses na iyong inulit ng Ate Amanda niya.
"Ate…" Panimula niya na animo bata ang kausap na kailangang paintindihin nang maayos sa kanyang sasabihin. "Siguradong-sigurado na nga ako…"
"Pero—"
"Dalawang taon na simula nang bumalik ang malay ko sa pagkaka-comatose, Ate. I've regained my strength since last year. Ang totoo nga niyan, I feel more alive and energetic now than ever!" Tumalon-talon pa siya para ipakita rito na maayos na talaga siya.
"Bakit kasi kailangan mo pang ipagpilitan iyang kagustuhan mong maging sports agent? Okay naman na `yung assistant ka lang eh. Brenda, kahit pa hindi ikaw mismo ang athlete, mapapagod at mapapagod ka pa rin physically sa trabahong iyan. Because you have to keep up with your talent. Kita mo nga't kahit sports agent assistant ka pa lang, palagi kang pagod kapag umuuwi dito sa bahay. Ba't kasi hindi mo na lang sundin `yung suhestiyon ko na maghanap ng trabahong hindi masyadong pisikal? Iyong pang-opisina? O 'di kaya, home-based job? Marami ng gano'n ngayon."
Nilapitan ni Brenda ang kanyang Ate at malambing na niyakap mula sa likuran nito. "Ate…you know how much I love sports. Kung hindi nga lang ako naaksidente, I could've been a famous volleyball player, o 'di kaya ay olympic swimmer. Kaya pagbigyan mo na'kong maging sports agent, please? Sa ganitong paraan man lang eh mabuhay pa rin ang dugo ko. Ayaw mo ba no'n? Na masaya ako sa ginagawa ko? After all, this is my second chance to life. I might as well use it by doing what I'm passionate about, right?"
"Takot lang akong may mangyari ulit sa'yo." Napayukong wika ng kanyang Ate Amanda. Maya-maya ay humugot ito nang malalim na hininga. "Pero sige…pagbibigyan na kita. Kung iyan talaga ang makakapagpasaya sa'yo." Animo sumusuko nang anito.
Samantala, napatalon naman si Brenda sa sobrang kaligayahan. It's not that she didn't expect this—because she knows that Amanda can never say no to her wishes—it's just that she's really glad that she can finally step up her game.
Pagkatapos ba namang masayang ng halos isang-taon ng kanyang buhay dahil sa pagkaka-comatose. Sabik si Brenda na magkaroon ng challenge ang kanyang buhay. A good kind of challenge, siyempre. At isang magandang halimbawa roon ang pag-angat niya ng posisyon sa piniling career path.
"Yes! Yes! Yes! Thank you so much, Ate! You won't regret this, I swear." Pinupog niya pa ito ng halik sa pisngi.
Ginagap ng kanyang Ate Amanda ang kanyang dalawang kamay pagkaraan. "Just promise me…promise me you won't get into another accident, okay? Promise me you won't get hurt. And that you'll take good care of yourself. Kasi hindi ko na talaga kakayanin pa kapag may mangyaring masama ulit sa'yo, Brenda. Ikaw na lang ang meron ako…" Naluluhang anito.
Animo pinipiga ang puso ni Brenda kapag ganitong nakikita niyang naiiyak ang kanyang Ate. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-imagine ang klase ng paghihirap na dinanas nito noong na-comatose siya. Lalo na't mag-isa nitong hinarap ang lahat ng iyon dahil matagal nang sumakabilang-buhay ang kanilang mga magulang.
Vehicular accident ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito. Sobra-sobra sigurong trauma ang dinanas ng Ate Amanda niya nang siya naman ang maaksidente sa kaparehong dahilan.
Naka-comatose si Brenda ng halos isang taon. At mag-isang inako ng kanyang Ate Amanda ang lahat ng responsibilidad para lang madugtungan pa ang kanyang buhay. Alam niyang hindi birong bayarin ang kinailangan nitong harapin para lang mapanatili siya sa ospital at maalagaan. Umikot sa kanya ang buhay nito nang mga panahong iyon. Kaya naman gagawin ni Brenda ang lahat ngayon, mapasaya lang ito. At isa ito sa mga naisip niyang gawin para naman harapin na ng kanyang Ate ang sarili nitong buhay.
Amanda's not getting any younger. Thirty-one years old na ito, at alam naman ni Brenda na may minamahal na ito. Si Dr. Tolentino, ang kanyang doktor.
Minsan nang binanggit sa kanya ni Dr. Tolentino na nag-propose na raw ito sa kanyang kapatid pero hindi iyon tinanggap ng huli. Ang sabi raw nito ay ayaw nitong maramdaman niyang nag-iisa na lang siya sakaling mag-asawa na ito.
Brenda felt like she's being a complete burden to her sister. Kung tutuusin ay pwedeng-pwede na siya nitong iwang mag-isa dahil maayos naman ang kanyang trabaho at beinte-cinco anyos na siya!
Nagsimula si Brenda sa kahit na anong trabaho lang sa SportPhil o Sports Management Council of the Philippines. Natuwa sa kanya ang mga nakatrabaho dahil sa kanyang enthusiasm at lalo na nang malaman ng mga ito ang istorya ng kanyang buhay.
Doon niya nakilala ang sports agent na kumuha sa kanya bilang assistant nito dahil dumarami na ang atletang hawak nitong sumasali sa olympic competitions. At ito rin mismo ang nag-encourage sa kanya ngayon na maging sports agent na rin at hindi na lang basta assistant lalo't marami-rami na rin siyang connections sa tulong nito.
"Kapag hindi ka nangako—"
"I promise!" Mabilis na tugon ni Brenda matapos ang pagbabalik-tanaw sa kanyang buhay.
"Good. Sige na, magpahinga ka na. Good night." Marahan nitong ginulo ang kanyang buhok saka tila nalulungkot pa ring tinungo ang kwarto nito.
Samantala, animo naman nananaginip na naglakad si Brenda patungo sa kanyang sariling silid. Para siyang nakalutang sa alapaap. Masayang-masaya talaga siya na pinayagan na siya ng kanyang Ate sa kanyang balak.
Pasalampak siyang humiga sa kama. Ngunit agad-agad din namang bumangong muli nang maalalang i-check ang Facebook profile ni Marissa Catada, ang sports agent ni Bryan Martinez.
Bryan was their neighbor-and-playmate now-internationally-famous-tennis-player. Si Bryan na kanyang inspirasyon mula pagkabata hanggang ngayon. Bryan, whose voice seemed to breathe life to her when she was desperately trying to regain it…
DALAWANG TAON ANG NAKARAAN…
True to what most people say, hearing is the last sense that a person loses in coma or in a life and death situation. Dahil dinig na dinig pa rin ni Brenda ang boses na hindi niya kailanman makakalimutan. Ang boses ni Bryan…
"I didn't know that it would be this hard." Anang binata.
Kung nangyari lang siguro sa kanya iyong mga napapanuod ni Brenda sa pelikula na ang kaluluwa ng taong naka-comatose ay malayang naglalakbay sa mundo ay malamang sa malamang na nagtatatalon na ang kaluluwa niya ngayon.
Kahit hindi niya nakikita si Bryan ngayon ay nakilala agad niya ang boses nito. Palibhasa, bago pa man siya na-comatose ay panay ang pagsubaybay niya sa mga laro nito at pati na rin interviews.
They lost contact magmula nang umalis ito papuntang Canada noong bata pa sila. But, Brenda kept herself updated in everything that's happening to him ever since he became a famous tennis player. Nakahiyaan na lang niyang padalhan ito ng mensahe sa Facebook account nito na hindi rin niya sigurado kung ito mismo ang nagma-manage o ibang tao.
Kaya naman ngayong nandito pala ito sa Pilipinas at binisita siya, sobrang ligaya talaga niya!
"Hindi ko nga magawang bisitahin siya nang madalas, kasi…" Dugtong naman ng gumagaralgal na boses ng kanyang Ate Amanda. Sigurado siyang naiiyak na naman ito ngayon kung hindi pa man ito lumuluha.
Ayun na naman ang pamilyar na kirot sa kanyang puso. Parating ganoon ang nararamdaman ni Brenda kapag kinakausap siya ng kanyang Ate. Ramdam na ramdam niya ang pangungulila nito sa kanya. Marahil ay lugmok na lugmok ang pakiramdam nito sa tuwing nakikita siyang animo wala ng buhay.
Tumikhim si Bryan, as if clearing his throat. "Brends, andito na'ko. Si Bryan `to. Ang pogi mong kalaro noon. Naaalala mo pa ba ako? Sabi ni Amanda, magaling ka rin daw sa sports? Sikat na sikat ka raw sa varsity n'yo no'ng nasa college ka pa. Gising ka na… Laro ulit tayo. Tuturuan naman kita ng tennis."
Isang malaking kamay ang gumagap sa kamay ni Brenda pagkatapos, at naghatid iyon ng kakaibang init sa kanyang puso.
Halos araw-araw magmula noon ay palagi na siyang binibisita ni Bryan na ikinasigla ng kaluluwa ni Brenda. Araw-araw rin ay may ikinukuwento ito sa kanya. Kagaya na lang nang paghahanap nito sa biological father nito. Pati pa nga ang dahan-dahang pagkakahulog ng loob nito sa kanyang Ate ay ikinukuwento rin nito sa kanya.
Hindi alam ni Brenda kung bakit tila nananamlay ang kanyang pakiramdam kapag nagkukuwento ito ng tungkol sa nararamdaman para sa kanyang Ate. Ang alam lang niya ay gustong-gusto niya itong aluin at iparamdam ditong karapat-dapat din itong mahalin.
"Brends, babalik na'ko ng Canada. I have to go back sooner than expected because I need to clear my mind. Ayo'ko `tong nararamdaman kong selos dahil sa pagkakamabutihan ng Ate mo at ng doktor mo. We both know that she deserves to be happy, right? And I want to be happy for her as well. Pero hindi ko pa iyon magagawa sa ngayon. That's why I have to leave. Pasensiya na kung hindi ko na mahihintay ang paggising mo. But I'll be back, I promise. Now, will you promise me that when I get back, you're already awake? Miss ko nang marinig ang tawa mo't mga kakulitan mo. I can't wait for you to wake up, sweety… I'll see you soon, okay?" May mainit na bagay ang dumampi sa pisngi ni Brenda pagkatapos kasabay nang mariing pagpisil sa kanyang kamay.
Minutes later, Brenda was able to lift her finger. A few hours more and she was finally able to open her eyes. And the nurse who witnessed the miracle immediately called her doctor.
Bryan… I'm awake now. Sorry, hindi kita naabutan. I promise I'll get well. Magkikita ulit tayo. And when that time comes, ako naman ang magbibigay inspirasyon sa'yo. If you allow me to… Sa isip ni Brenda habang nakadilat ang kanyang mga matang nakatingin sa puting kisame ng ospital.
Wala pa rin siyang lakas na igalaw ang kanyang katawan at hindi pa rin niya magawang magsalita man lang. Ilang sandali matapos siyang i-eksamin ng doktor ay namigat ulit ang talukap ng kanyang mga mata.
KASALUKUYAN…
"I'M ALREADY HERE. Nasa'n ka na ba?" Naiinip na bungad ni Bryan sa kausap sa cellphone na si Marissa.
"Malapit na kami. I just had to meet-up with her first, para alam mo na, mas makilatis ng personal bago ko iharap sa'yo."
"Fine. I'll just be here waiting. As if I have a choice." Nakatirik paitaas ang matang ani Bryan. Natawa naman si Marissa sa kabilang linya na para bang nakikita ang iginawi niya. Ibinaba na niya ang tawag pagkaraan.
Naiinis si Bryan dahil sabik na sana siyang puntahan ang isa sa mga taong gustong-gusto niyang makita at makasama sa pag-uwi niyang ito ng Pilipinas. Kaya lang ay heto't late pang dumating si Marissa kasama ang aplikanteng kikilatisin.
"Bryan!"
Nag-angat ng tingin si Bryan at nagliwanag agad ang kanyang mukha pagkakita kay Marissa na kakapasok lang ng coffee shop. Hindi pa man ay nangangati na ang puwet niyang tapusin ang pagkilatis sa aplikante nila nang sa ganoon ay makaalis na siya roon.
Samantala, naikiling ni Bryan sa isang bahagi ang kanyang ulo dahil na-weirdo-han siya sa kasama ni Marissa. Para kasi itong nagtatago sa likuran ng huli. Hindi tuloy niya makita ang mukha nito.
"We're here!" Ani Marissa nang makalapit na ang mga ito sa kanya. Nakasunod pa rin sa likuran nito ang kasama.
Tumayo si Bryan para batiin ang mga ito.
"Yeah, finally." Matabang niyang wika kapagkuwan.
Nag-ipon naman muna ng hangin sa dibdib si Marissa saka ipinakilala ang kasama nito. "So… Bryan, meet Brenda Hioca, ang napupusuan kong maging assistant who'd eventually be your sports agent once I resign. Brenda, meet—"
"Wait up! She's who?" Hindi napigilang pagsabat ni Bryan kay Marissa saka bahagyang hinawi ito sa isang tabi para masilayan niya ng tuluyan ang mukha ng babaeng kasama nito.
"She's Brenda Hioca—"
"It's nice to finally see you again, Bry." A sweet voice came out from the lady Marissa was trying to introduce to him. At sa wakas ay nag-angat na rin ito ng mukha sa kanya.
Lo and behold, it was indeed THE one and only, Brenda Hioca. Amanda's younger sister who was in coma before he left Philippines two years ago!