Chereads / Lips Of An Angel / Chapter 4 - Chapter Four

Chapter 4 - Chapter Four

INIWAN din muna ni Brenda si Bryan sa loob ng kwarto upang bigyan ito ng espasyo. Ramdam niyang iyon ang kailangan nito ngayon dahil kung siya ang nasa posisyon nito ay gugustuhin din muna niyang mapag-isa.

"Ano ba'ng istorya ng mag-ama, ha ineng? Kung mamarapatin mo lang naman..." Anang may-ari ng bahay na nakilala niyang si Mang Renato.

Tipid siyang ngumiti. "Matagal na po silang hindi nagkakasama. Sa Canada na po kasi nanirahan si Bryan kasama ang Mama niya samantalang nanatili naman dito sa Pilipinas si Uncle Brandon. Hindi ko na po alam ang dahilan kung bakit nawalan sila ng komunikasyon sa isa't-isa. Basta't ilang-taon ang nakaraan magmula nang pumunta ng Canada sina Bryan eh umalis na rin si Uncle Brandon sa village namin. Magkapit-bahay po kasi kami dati." Malawak na ang ngiti ngayon sa mga labi ni Brenda nang muli niyang lingunin si Mang Renato. Naalala kasi niya ang mga kabutihan ng ama ni Bryan sa kanila ng Ate Amanda niya lalo na noong pumanaw na ang kanilang mga magulang.

"Mabait pong tao si Uncle Brandon, Mang Renato. Kaya hiling ko pong sana talaga ay magtagpo na silang dalawa ni Bryan. Deserve po nilang maging masaya." May lungkot ang boses na aniya kapagkuwan. Marahan namang tumango si Mang Renato na waring sumasang-ayon sa sinabi niya.

"O, Bry!" Mabilis na napatayo si Brenda nang makitang nakalabas na ng kwarto si Bryan.

"Maraming-maraming salamat po sa pagpapatuloy sa'min." Bahagyang yumukod si Bryan kay Mang Renato. Animo pagbibigay respeto nito.

"Walang anuman `yun, iho. Nawa'y magtagumpay kayo sa paghahanap kay Pareng Brandon. Pasensiya na talaga at wala man lang akong maitulong sa inyo. Hindi naman kasi siya nagsabi kung saan siya pupunta o lilipat. Isa pa ay masyadong tahimik `yung ama mo. Para bang palaging malalim ang iniisip."

Tipid na ngumiti at marahang tumango si Bryan bilang tugon. "Salamat po ulit. Pa'no, tutuloy na po kami."

"O siya, mag-iingat kayo sa biyahe."

"Mang Renato, sakaling bumalik o mapadaan po si Uncle Brandon dito, pakikontak na lang po `yung number na ibinigay ko, pakiusap… Maraming salamat po ulit." Paalam na rin ni Brenda rito saka sinundan si Bryan na nauna nang lumulan sa sasakyan.

"Kaya mo pa bang magmaneho? Pwede namang ako na lang ang magmaneho pauwi. Medyo mabagal nga lang akong mag-drive pero hindi bale na basta't makapagpahinga ka naman kahit papa'no." Suhestiyon ni Brenda kay Bryan nang nasa loob na rin siya ng sasakyan. Naabutan kasi niya itong malayo ang tingin.

"Bry…" Inabot niya ang balikat nito at marahan iyong pinisil saka lang ito nagising mula sa tila malalim na iniisip.

"Sorry…" Animo wala pa rin sa sariling anito saka akmang paaandarin na ang sasakyan nang ang kamay naman nito ang hinawakan ni Brenda at pinisil nang mariin.

Natuon doon ang tingin ni Bryan. Maya-maya ay bigla na lang umalo ang mga balikat nito na ikinagulat ni Brenda. Tuluyan nang umiyak si Bryan habang nakapatong ang ulo nito sa brasong nasa ibabaw ng manibela. Para itong batang iyak lang nang iyak sa ganoong posisyon.

Awang-awa si Brenda kay Bryan. Hindi niya akalaing bigla itong hahagulhol nang ganoon.

Para aluin ang binata ay hinaplos-haplos niya ang likod nito. Maya-maya ay hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito mula sa tagiliran nito. At nang hindi makontento ay hinatak niya si Bryan. He's now laying his head on her chest while she's caressing his hair like he's a child.

"Sshhh…"

Kung maaari lang siyang makihati sa nararamdaman nitong pighati, she definitely would.

Ilang sandali rin silang nasa ganoong posisyon hanggang sa namalayan ni Brenda na hindi na ito sumisinghot sa kaiiyak. Maya-maya pa ay umayos na ito nang pagkakaupo.

"I'm sorry I wasn't able to handle myself like a man." Anito pagkaraan.

"Isa pang ganyan at mababatukan talaga kita." May pagbabantang aniya rito.

Tila naguluhan naman ito sa itinuran niyang iyon.

"Bry, it's totally fine to cry. Okay? Hindi naman kabawasan sa pagkalalaki n'yo `yun. In fact, I find it more admirable when a man knows how to show his emotions. Isa pa, nakakabaliw kaya `yung kikimkimin mo `yung nararamdaman mo. Ano, dadagdag ka pa ba sa populasyon ng mga depressed ngayon? For what? Para lang sa macho effect?"

AND AGAIN, Brenda was able to make him smile despite what he's been through just a while ago. She really has that effect on him. Kung si Amanda ay tila naghahatid ng paru-paro sa kanyang sikmura noon, Brenda on the other hand never fails to give him this kind of warmth. He feels like he's home when he's in her arms. When he sees his reflection in her eyes…

"Nahiya lang ako sa'yo. You saw my not-so-charming side. Siyempre, I'm trying to protect my legacy. I'm THE Bryan Martinez, tennis court's most charming face, you know?"

"Ay, iba…" Marahang pumalakpak si Brenda kapagkuwan. She was obviously teasing him in a sarcastic manner. But on the other hand, it just made him laugh.

"Thank you, Brends…" Sinsero niyang sabi rito maya-maya.

"Ikaw pa ba? Eh ang lakas mo sa'kin."

PAGKATAPOS sagutin ni Brenda ang tawag galing kay Marissa na nangamusta sa lakad nila ay ang Ate Amanda naman niya ang tumatawag ngayon.

"A-ate?" Kinakabahang bungad niya rito.

Hindi pa nasasabi ni Brenda sa Ate Amanda niya na nagtatrabaho na siya ngayon para kay Bryan. Ni hindi niya pa nababanggit dito na nasa Pilipinas ngayon ang huli. Selfish na kung selfish pero gusto talaga muna niyang solohin si Bryan. Alam kasi niyang mahahati ang atensiyon nito kapag nagkita na ito at ang kapatid niya. And somehow, she doesn't like that feeling. Kahit ini-imagine pa lang niya iyon.

"Nasa'n ka na ba? Ano'ng oras na? Ni hindi ka man lang nagpasabi na late kang makakauwi." Worried nitong paglilitanya agad sa kanya.

"Sorry, Ate. I'd tell you the details later. For now, 'wag ka nang mag-alala. Pauwi naman na'ko."

"Siguraduhin mo lang Brenda at mag-aalas dose na nang gabi. Mag-iingat ka, okay?"

"Yes, Ma'am!"

Pagkababa niya ng cellphone ay napangiti na lang si Brenda. Kahit ano'ng galit ng Ate niya ay mananaig pa rin talaga ang pagmamahal nito sa kanya. Na-guilty tuloy siya sa paglilihim dito.

Humugot siya nang malalim na hininga kapagkuwan. Hindi bale na, sasabihin naman na niya ang totoo dito mamaya.

"Hindi mo ba naipaalam kay Amanda na pumunta tayo ng Pangasinan?" Pang-uusisa ni Bryan sa kanya.

Nahihiyang tumango siya.

"But, does she know that you're with me?"

Umiling si Brenda.

"Did you tell her that you're now working for me?" May guhit na ang noong dagdag tanong nito.

Napangisi si Brenda, itsurang nahuling may ginagawang masama.

"Jesus, Brends! Why?"

"Sasabihin ko naman na mamaya sa kanya eh." She said instead of telling him the reason why. Over her dead body!

Ito naman ngayon ang napabuntong-hininga. "Amanda deserves to know your plans, Brenda. Especially now that you're working for me. She needs to know sooner that you're coming to Canada with me. Huwag mo nang patatagalin pa, Brenda. Masasaktan mo siya kapag ganoon." Concerned na concerned nitong saad.

"I know…" Tipid niyang tugon.

Ayun na naman kasi ang pamilyar na kirot na naramdaman ni Brenda noong sinabi ni Bryan sa kanya ang nararamdaman nito para sa kanyang kapatid. And she's now starting to hate this feeling!

"BRYAN?" Gulat na gulat na anang Ate Amanda niya nang mapagbuksan sila nito at makita nito si Bryan.

Bryan insisted that he would drop her off of their house despite her telling him that there's really no need to. Tingin tuloy niya ay atat lang talaga itong makita na ang Ate Amanda niya.

"Hey…" Bati naman nito sa kanyang kapatid.

Samantala, nagpalipat-lipat lang ang tingin ni Brenda sa dalawa.

"Umuwi ka pala ng Pilipinas?"

"Yeah… Just this week actually."

"Ni hindi ka man lang nagpasabi. Halika, tuloy ka muna."

"Hindi na. I know it's late. I just wanted you to know that Brenda's safe because she was with me, kaya nagpakita na rin ako sa'yo kahit dis-oras na ng gabi. Para naman 'di ka masyadong mag-alala. Atsaka, para hindi mo na rin siya masyadong pagalitan."

Bryan showed her sister his boyish and charming smile and Brenda didn't like it a bit.

Teka, teka. Ano ba'ng problema mo Brenda, ha? You're being way too possessive of him when you really shouldn��t be. Magkaibigan lang kayo, magkababata. At ngayon naman, magkatrabaho. Nothing more. You'd better know your place in his life. Makatotohanang paalala ni Brenda sa sarili.

"Thank you sa paghatid, Bry." Ani Brenda matapos pumagitna sa dalawa.

"My pleasure. Thanks again for today."

Kahit papaano ay nabawasan ang sama ng nararamdaman ni Brenda dahil sa sinserong pagkakasabi niyon ni Bryan.

"Good night sa inyong dalawa." Dagdag pa nito kapagkuwan.

"Ingat ka!" Magkasabay na tugon nilang magkapatid na ikinangiti ni Bryan bago nito tinungo ang sasakyan.

Pagkabihis ni Brenda ay agad siyang lumabas ng kwarto para harapin ang kapatid niyang tiyak na naghihintay sa kanya.

"Now, explain yourself lady…" Seryosong sabi ng Ate niya na nandoon nga sa sala, atsaka tinapik ang bahagi ng sofa sa tabi nito.

Umupo siya roon atsaka sinimulan na ang paglalahad ng lahat-lahat ng dapat nitong malaman. As she expected, hindi nito nagustuhan ang tungkol sa pagpunta niya ng Canada para sa pagtatrabaho kay Bryan.

Pero napahinuhod naman niya ito nang sinabi niyang pangarap niya ang maging sports agent ng isang internationally acclaimed athlete at makapagtrabaho na rin sa ibang bansa. Nakadagdag din sa pangungumbinsi niya rito na hindi naman nito kailangang mag-alala dahil siguradong hindi siya pababayaan ni Bryan. Ipinaalala rin ni Brenda sa kapatid na oras na para harapin naman nito ang sarili nitong buhay. At tila mas lalo pa itong tinablan nang sabihin niyang huwag paghintayin ng habang-buhay si Dr. Tolentino.

Sa huli, napapayag ni Brenda ang kapatid sa kanyang gusto sa isang kondisyon. Gusto nitong personal na makausap si Bryan tungkol doon.

DAHIL hindi available si Marissa nang araw na iyon ay mag-isang hinarap ni Brenda ang dati nilang kausap tungkol sa commercial na gagawin ni Bryan para sa Beast energy drink.

Okay na rin iyon para masanay na siyang mag-isa. Isa pa ay gamay naman na niya ang kalakaran sa Pilipinas. Ang ipinag-aalala niya ay kapag nasa Canada na sila. Mabuti na nga lang at six months pa raw muna siyang magtatrabaho kasama si Marissa kaya okay lang.

Ilang sandali at dumating na rin si Bryan sa Japanese restaurant na kinaroroonan nila. He was just wearing a plain white V-necked t-shirt paired with faded jeans plus a white rubber shoes, but he's definitely oozing with so much sex appeal!

Patunay roon ang iilang mga babaeng napatingin dito pagpasok nito sa restaurant. Mabuti na nga lang at nakasuot din ito ng itim na sunglasses at bullcap kaya hindi ito agad na makikilala.

"Is there anything special that needs my attention?" Anito habang ini-i-scan ang mga papeles na ibinigay niya rito matapos nitong batiin ang mga representante ng Prestine.

"I reviewed everything already before this meeting. At first, may iilang hindi makakapasa sa'yo which I told them ahead of time, kaya naayos na rin nila iyon. Now I think, pasado naman na lahat sa'yo base sa mga sinabi ni Marissa sa'kin. But of course it'll be great if you also check everything yourself."

Tumango si Bryan atsaka ipinagpatuloy ang pagbabasa nito sa mga papeles. Maya-maya pa ay humugot na ito nang malalim na hininga. "Okay! This looks like a good deal to me." Anito pagkaraan.

Tuwang-tuwa naman ang marketing team sa itinuran nito. Hindi na pinatagal pa ni Bryan ang pagpirma sa kontrata. Pagkatapos ay nagkamayan na silang lahat.

Ibinigay na rin ni Brenda sa mga ito ang lahat ng detalyeng kakailanganin ng mga ito tungkol kay Bryan para sa commercial shoot nito kagaya na lang ng stats ng binata. Stats, meaning the measurement of his height, chest and waist. Mahalaga iyon bago ang schedule ng fitting nito.

Maya-maya pa ay naiwan na silang dalawa ni Bryan sa restaurant dahil hindi na rin nagtagal pa roon ang marketing team ng Prestine.

"So, anu-ano `yung sinabi mo kaninang ipinabago mo sa kanila dahil hindi ka'mo makakapasa sa'kin?"

"Una eh `yung booking conditions. Ipinaayos ko sa kanila ang tungkol sa weather-related cancellation of shooting. Nakasaad kasi do'n na anytime ay maaaring ire-schedule ulit ang shooting within that week at dapat ay palagi kang available sa buong linggong iyon. Sinabi kong hindi pupwede `yun, because you have personal matters that you need to attend to. Ang sabi ko ay dapat na both sides pa rin ang magdesisyon sa ipapalit na schedule. At first eh hindi nila naintindihan, but I reiterated that that is the main reason why you didn't want to sign on any offer during your vacation here. Ayun, pumayag din sila sa huli." Kibit-balikat na aniya sa dulo.

"Oooh…"

Alam ni Brenda na sadyang pinahaba lang ni Bryan ang pagbigkas no'n para tuksuhin siya.

"Sounds like a real sports agent, huh?"

Tinawanan lang niya ito. She proudly lifted up her chin, pagkatapos ay maarteng hinawi ang kanyang buhok na parang sa shampoo commercial model. "That's nothing. Marami pa akong ibubuga."

Napapailing-iling na marahang pumalakpak si Bryan. Tila ginaya nito ang ginawa niya nang nagkaasaran sila sa Pangasinan.

"So, `yun na ba `yun? O may iba ka pang ipinabago?"

Naramdaman ni Brenda ang pag-akyat ng dugo papunta sa kanyang mukha. Tiyak, namumula na ang mga pisngi niya ngayon kung hindi man ang buo niyang pagmumukha.

"What is it?" Nakakaloko namang udyok nito na tila alam na alam nang ikahihiya niya ang susunod na sasabihin. Nang hindi pa rin siya nagsalita ay tinusok na siya nito sa tagiliran ng isang daliri nito. "C'mon! Spill it out, Brends!"

"Tungkol sa outfit mo!" Bulalas niya dahil sa pangingiliti nito.

"Okay… What about it?"

Bryan had this devilish grin that she never liked even before. Naiinis talaga siya kapag ganoon ang itsura nito. Para bang alam naman na nito ang lahat pero itatanong pa rin para lang talaga mapahiya siya.

If-in-ocus na lang ni Brenda ang tingin sa ibaba. "They wanted you to be topless in some parts of the commercial, but I said no."

"Hmm… And why is that?" Punong-puno pa rin ng panunukso ang tono nito.

Gustong-gusto na talaga niya itong sapakin, pramis!

Naniningkit ang mga matang sinalubong ni Brenda ang tingin nito pagkaraan. "Because you surely don't want to disappoint them with your non-existent abs, right?"

Tumaas ang isang kilay nito saka inilapit ang mukha sa kanya habang nakikipagtagisan ng tingin. "And what made you so sure that I don't have them?" He then said in a seductive voice.

Napakurap-kurap si Brenda.

Bryan is so close to her!

Ngayon niya mas nasiguro sa sariling guwapo talaga ang kababata at kaibigan. Hindi nakapagtatakang binansagan itong most charming face sa mundo ng tennis.

Perpekto ang pagkakatangos ng ilong nito. At dahil hinubad na nito ang suot na sunglasses ay kitang-kita niya sa malapitan ang expressive nitong mga mata na ngayon ay punong-puno ng kapilyuhan. Sakto naman ang kakapalan ng kilay nito. Hugis puso ang mga labi nitong parang sa babae. Pero hindi nakabawas iyon sa masculinity nito dahil sa perfectly chiseled jawline nito. Idagdag pa ang Adam's apple nitong masyadong agaw-pansin.

Tama nga ang brand na kumuha rito. Bagay na bagay dito ang maging energy drink model dahil talagang mauuhaw ang mga titingin sa Adam's apple nito habang nilulunok ang energy drink na iyon!

"Imagining my non-existent abs perhaps?" Tukso na naman nito sa kanya pagkaraan.

Itinulak ito ni Brenda palayo sa kanya. Hindi kasi nakakatulong sa nagugulo niyang diwa ang pagkakalapit nilang iyon.

"Ah, basta! Magsusuot ka ng t-shirt sa commercial." Nakahalukipkip na aniya kapagkuwan.

"Ang cute mo talaga 'pag iniinis kita." Natatawang ginulo-gulo ni Bryan ang kanyang buhok saka hinarap na nito ang pagkain sa mesa bilang ito na lang ang hindi pa nakakakain sa kanila.

Ni wala itong kaalam-alam na may mga paru-parong nagsiliparan sa sikmura ni Brenda nang mga sandaling iyon na dinagdagan pa nang napakasimple nitong sinabi na cute siya.

Oh. My. Napapalunok na ani Brenda sa loob-loob niya. I think I'm doomed.