"TULALA ka na naman diyan. Tinatakot mo na'ko eh. Kung pumunta na kaya tayo sa ospital? Mukhang sobrang shocked ka talaga sa nangyari. Baka kailangan mo ng tranquilizer o ano ba—"
"Nakikita ko pa naman ang kaguwapuhan mo, so I guess hindi ako tuluyang nabangga at na-coma?" Pagbibiro na lang ni Brenda rito.
Nagawa man niyang aminin sa sarili ang nararamdaman, hindi sapat na dahilan iyon para basta-basta na lang din niya iyong ipangalandakan dito.
Bryan is her friend. They grew up together. And now he's her boss. Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos lang. Kailangan niyang timbangin ang mga bagay-bagay. Or she just might lose everything all at once.
"Hindi ko alam na marunong ka palang mag-blush. Akala ko ba sanay na sanay ka nang ipangalandakan sa lahat ang angkin mong kagandahang lalake, ha?" Panunukso niya rito kapagkuwan. Para kasing naumid na ang dila nito.
"Lakas mo nang mangantiyaw. I guess okay na okay ka na nga." Nagkakamot sa batok na anito pagkaraan.
Natawa na lang si Brenda.
"Pero halikana nga sa tawid at parang nanghihina pa rin `tong tuhod ko. Gusto kong maupo. Besides, malamang naghihintay na sa'kin ngayon si Marissa do'n." Inginuso ni Brenda ang Bread and Butter restaurant kung saan sila dapat na magkikita ni Marissa nang araw na iyon.
"Kaya mo bang maglakad? Kung buhatin na lang kaya kita?" Bigla itong yumukod atsaka itinukod ang isang tuhod sa kalsada. "Sumampa ka na lang sa likod ko."
Nag-init ang mga pisngi ni Brenda sa kilig at napakagat-labi pa siya sa pagpipigil niyon.
Kaya naman na niyang lumakad pero parang nate-tempt nga siyang sumampa sa malapad nitong mga balikat.
"C'mon! Huwag ka nang mahiya. Wala ka naman no'n eh." Pang-aalaska pa nito.
Nasapak niya tuloy ito sa balikat bago siya tuluyang sumampa doon.
"Loko ka. Kani-kanina lang, hindi ka mapakali kakaalo sa'kin. Tapos ngayon, binu-bully mo na'ko? `Langya ka." Nangingiting reklamo niya.
"Effective namang distraction, 'di ba?" Papalit-palit na nagtaasan ang dalawa nitong kilay habang bahagya itong nakalingon sa kanya.
Para tuloy nahihipnotismo si Brenda sa mga mata nito. Ipinikit-pikit niya ang kanyang mga mata pagkaraan atsaka itinuro ang daan.
"Tumingin ka nga sa daan! Mabangga pa tayong dalawa eh. Iniligtas mo nga ako kanina, ikaw naman ang magpapahamak sa'kin ngayon."
Ang sarap pakinggan sa tenga nang napakalakas na paghalakhak ni Bryan kapagkuwan.
"Yes, Ma'am!" Inayos pa nito ang pagkakasampa niya sa likod nito atsaka nagsimula nang maglakad patawid sa pedestrian lane.
"BA'T namumutla ka, Brends?" Nag-aalalang tanong ni Marissa kay Brenda nang nasa loob na sila ng Bread and Butter.
"She was almost hit by a car earlier." Si Bryan na ang sumagot dito.
Pinaghila niya ng upuan si Brenda at inalalayan ito sa pag-upo, saka siya umupo sa tabi nito.
"Gosh! Mabuti't safe ka." Nagulat na turan ni Marissa.
Brenda looked at him. "Bryan here saved me." She said in a very grateful way.
Para tuloy hinaplos ang puso ni Bryan ng ngiting iyon. It completely calmed him down.
Kinabahan din siya sa nangyari kanina. Actually, hindi lang basta kinabahan kundi talagang natakot siya.
Kaka-park niya lang ng kotse sa malapit noon, puno kasi ang parking space ng Bread and Butter kaya umikot pa siya. Naglalakad siya papunta sa pedestrian lane nang mamataan niya si Brenda roon. Nakaisip pa siya noon ng kalokohan. Gusto sana niya itong gulatin.
Pero nang biglang nagpalit ng ilaw ang stoplight na ang ipinahihiwatig ay maaari nang tumawid at nang makita niyang may sasakyang papaliko sa pedestrian na nagmula sa kabilang linya, parang tumigil sa pagtibok ang puso niya.
Habang tinatakbo niya ang pagitan nina Brenda, nag-play sa utak niya ang maaaring naging eksena noon kung saan nasagasaan ito nang rumaragasang sasakyan. Na-imagine niya itong duguan at walang malay.
Sumikip nang sumikip ang puso niya at animo hindi na siya makahinga. Pero dahil sa adrenaline ay mabilis niya itong naabutan at nahatak.
Sobra-sobra ang pagpapasalamat ni Bryan sa Diyos na walang nangyaring masama kay Brenda. Dahil hindi niya kakayanin iyon. Kanina niya mas naintindihan ang naramdaman ni Amanda noon.
And he finally concluded that this woman is not just a friend to him now. She's not just someone close to him. She's someone he loves dearly.
"Bakit ka nga pala pumunta dito? Ang pagkakaalam ko, kami lang namang dalawa ni Marissa ang magkikita ngayon." Pukaw ni Brenda sa nagliliwaliw niyang diwa.
"Because I wanted to see you."
Nakita ni Bryan ang pagpapalit ng ekspresiyon sa mga mata ni Brenda nang mga sandaling iyon. Hanggang sa nanlaki ang itim sa mga mata nito na para bang hindi nito mapaniwalaan ang sinabi niya.
Oops! Was that too blunt?
Tumikhim siya. "I mean…puro na lang kasi trabaho ang ginagawa natin 'pag nagkikita tayong dalawa. So I wanted to see you today, para makapag-bonding naman tayo? You promised me during our video calls that you'd tour me around when I come back here, remember?" Rason na lang niya.
Dahan-dahan itong tumango, her lips partially open. "Ah… Okay."
"So, where are your documents?" Si Marissa naman na pansin niyang kanina pa siya binibigyan nang makahulugang tingin.
"Okay na ba ang mga `to?" Ani Brenda nang ibigay nito kay Marissa ang documents nito na hinihingi ng sports agency sa Canada kung saan siya nakakontrata at kung saan din konektado si Marissa. Kailangan na kasi nilang i-submit iyon doon para maasikaso na ang working visa ni Brenda.
Mabilis iyong pinasadahan ni Marissa atsaka tumango. "Just what we need. Tawagan na lang kita kapag may iba pang kakailanganin, okay? Or if there's progress already."
"Maraming salamat, Marissa."
"It's nothing, really. You'd actually be giving me a good break kapag pinalitan mo na'ko sa puwesto. Hindi mo pa alam how this guy here can turn your life upside down." Pabirong sabi ni Marissa na pinukol siya nang mapang-uyam na tingin.
"Actually, nakikini-kinita ko na nga eh. Mag-iisang buwan pa lang pero lumalabas na ang tunay niyang kulay." Pagsang-ayon naman ni Brenda rito.
"Oh, c'mon! Give me a break, ladies. Sa harapan ko pa talaga?" Hindi na niya napigilang depensahan ang sarili.
"Fine. Anyway, I have to go. Aasikasuhin ko pa `to," tukoy ni Marissa sa hawak nitong documents ni Brenda, "atsaka may date pa ako pagkatapos. Baka akala n'yo kayo lang ang marunong."
"Hindi naman kami magdi-date—" Si Brenda na sinubukang itama ang sinabi ni Marissa na hindi naman binigyang-pansin ng huli.
"Enjoy your date! Ciao!" Anito at iniwan na silang dalawa.
Nang ibaling ni Bryan ang tingin kay Brenda ay bahagyang namumula ang mga pisngi nito. Hindi tuloy niya naawat ang mga kamay niyang pisilin iyon.
"Ang cute mo talaga!" Nanggigigil na aniya.
"Araaay! Bryan, ano ba?" Pinalis nito ang kanyang mga kamay atsaka dinama ang mas namumula nitong mga pisngi ngayon.
"Ayan, hindi ka na namumutla." Nangingiting aniya.
"Malamang!" Asik nito sa kanya na pinanlakihan pa siya ng mga mata. She's definitely fine now. "Lamutakin mo ba naman ang mga pisngi ko." Dugtong pa nito.
Ngumisi lang si Bryan. "So, what do you wanna eat?" Bale-walang tiningnan lang niya ang menu roon kapagkuwan.
Pagkatapos nilang mag-almusal ay napagkasunduan nilang pumunta sa park ng village na tinitirhan nina Brenda kung saan sila naglalaro noon.
Nangingiting pinapanuod ni Bryan si Brenda na animo walang kapagurang paulit-ulit na nagpapadausdos sa slide. Kahit noon ay iyon talaga ang paborito nitong laruin sa park.
"`Oy, batang-matanda!" Tawag-pansin niya rito. "Pagbigyan mo naman `tong mga tunay na bata rito o. Kanina ka pa pabalik-balik diyan eh."
Napapalabing tumigil nga si Brenda sa pagsa-slide pagkatapos. Papunta naman ito sa pull-up bars pero pinigilan na niya ito.
"Halika nga rito," Hinatak niya ito papunta sa swing, "hindi ka mapirme eh." Pinaupo niya ito roon at pagkatapos ay umupo na rin siya sa katabi niyon.
"Grabe, halos walang pinagbago `tong park ah. It's not that it looks old, okay? Mukhang maintained nga ang lahat ng playground equipment eh. Itsurang palaging pinapalitan ang pintura. But, everything still looks the same." Aniya habang inaalala ang nakaraan.
Humugot nang hangin si Brenda atsaka inilibot ang tingin sa paligid. "You're right. But you know what? I just realized, ngayon na nga lang pala ulit ako nakapaglaro dito. Simula no'ng umalis ka." May lungkot sa mga mata nito nang tumingin ito sa kanya.
Napansin ni Bryan ang bahagyang panunubig niyon. Pagkatapos ay tumingin ito sa langit. Waring pinipigilan ang pagbagsak ng mga nagbabadyang luha.
"Sa una, ayo'ko lang talagang maglaro dito kasi nalulungkot ako 'pag naaalala kita. Well, bukod sa wala talaga akong kalaro dito noon dahil walang makasabay sa energy ko, ikaw lang." Bahagya itong tumawa. "Pagkatapos, hindi ko na lang namalayan, ang bilis palang lumipas ng panahon. Sa isang pitik, bigla na lang kaming iniwan nina Papa't Mama."
Lumunok muna ito. Siguro ay nagpipigil na umiyak.
"Ang hirap-hirap ng buhay namin no'n… Mabuti na lang nakahanap agad ng trabaho si Ate. Atsaka si Uncle Brandon," tumingin ito sa kanya atsaka ngumiti nang may pasasalamat ang mga mata, "ang laki-laki nang naitulong niya sa'min noon. Sa sobrang liit ng angkan namin, walang nakatulong sa'min noong pumanaw na sina Papa't Mama. Tanging si Uncle Brandon ang nando'n. Kaya ikaw, kapag magkakapamilya ka na, mag-anak ka nang marami-rami. Huwag `yung iisa lang. Kita mo naman ang hirap na dinanas namin ni Ate dahil only child pareho sina Papa't Mama." Pinilit pa rin nitong magbiro kahit tuluyan nang tumulo ang ilang butil ng luha nito.
"So, nandito pa si Papa no'ng mga panahong iyon?"
Tumango si Brenda habang tinutuyo ng panyong iniabot niya ang mga pisngi nitong nabasa ng luha. "Paglipas ng ilang buwan, no'ng nakahanap na ng trabaho si Ate, binenta ni Uncle Brandon ang bahay n'yo. Hindi siya nagsabi kung sa'n siya lilipat. Basta, ang naaalala ko lang no'n, madalas niyang sabihin sa'kin na susundan niya kayo sa Canada dahil ipinangako niya raw `yun sa'yo. Sa loob ng unang taon mula nang umalis siya dito, may iilang beses din na bigla-bigla na lang siyang bibisita sa'min para kamustahin kami. Pero no'ng tumagal, nawalan na kami ng contact sa kanya."
Kahit anong pagdaramdam ang nararamdaman ni Bryan para sa ama, sa narinig niyang kuwento ni Brenda, kahit paano ay gumaan ang loob niya rito. Hindi man nito natupad ang pangako sa kanya, hindi man ito naging ama sa kanya, at least naging ama naman ito sa magkapatid noong kinailangan ito ng dalawa. At ipinagpapasalamat niya iyon nang lubos.
Siguro nga talaga ay may magandang rason ang ama kung bakit hindi nito natupad ang pangako sa kanya.
"Laro tayo'ng tennis?" Biglang aya niya kay Brenda na halatang nagulat sa sinabi niya.
Hindi pa man ito pumapayag ay hinawakan na niya ang isang kamay nito atsaka pinatayo.
"Teka, teka! Pagpalitin mo naman muna ako ng damit. Nandito na rin lang tayo sa'min."
"Okay! Tara, bilis!"
Kapagkuwan ay para silang mga batang magkahawak-kamay na nagsitakbuhan mula sa park papunta sa bahay ng mga ito.
TINUTURUAN siya ni Bryan ng basics ng tennis pero hindi naman makapag-concentrate si Brenda. Papaano ay naiilang siya sa posisyon nila. Nasa likuran niya ito habang tinuturuan siya kung paano dapat ang tamang posisyon ng kanyang katawan pati na ang kanyang kamay sa paghawak ng racket.
"Hindi nga kasi ganyan, Brenda…" Nagkakamot na ito ngayon ng ulo nito.
Pinamulahan tuloy siya ng mukha sa kahihiyan. "Lumayo ka na kasi sa'kin." Itinulak niya ito. "Alam ko na `to. Ang dali-dali lang naman eh. Aligaga ka lang talagang magturo. Para kang hindi professional player." Pang-aasar na lang niya rito nang sa ganoon ay mapagtakpan ang tunay niyang nararamdaman.
"Wow, ha? Hiyang-hiya naman ako sa'yo na kanina ko pa tinuturuan sa tamang paghawak pero hanggang ngayon eh hindi pa rin makuha-kuha. Akina nga `yang kamay mo." Inabot ulit nito ang kamay niyang may hawak ng racket atsaka itinama ulit ang pagkakahawak niya roon.
Hindi na nag-inarte pa si Brenda dahil mapapahiya na talaga siya nang sobra. Mabuti na lang at hindi na ito pumuwesto ulit sa likuran niya kaya hindi na siya gaanong nailang. Hindi bale nang kay sarap-sarap naman sa pakiramdam na hawak-hawak nito ang kamay niya.
"Sa wakas!" Sigaw nito nang sa wakas nga ay natutunan na niya ang itinuturo nito.
Pagkatapos ay ang eight basic shots naman ang isinunod nito. Iyon ay ang serve, forehand, backhand, volley, half-volley, overhead, drop shot and lob. Marami pa itong itinuro pagkatapos. Na-enjoy na rin naman niya ang mga bagong kaalaman kaya madali na niyang natutunan ang lahat.
Hindi kalaunan ay naglaro na silang dalawa. Siyempre pa ay talo siya. Ano ba naman kasing binatbat niya sa isang internationally ranked tennis player, 'di ba? Ganoon pa man, enjoy na enjoy pa rin silang dalawa.
"That was good, huh?��� Anito na nakatingala sa langit habang nakahiga silang dalawa sa sahig ng court.
"Siyang-siya kang wala akong kalaban-laban sa'yo ah." Ingos niya.
Natawa ito. "Para sa baguhan, magaling ka na. So stop feeling down already."
Ilang segundo itong tumahimik pagkaraan kaya nilingon ito ni Brenda. Napalunok siya nang malamang nakatingin na rin pala ito sa kanya. At ang seryoso ng mukha nito na animo may napakalalim na iniisip. Hindi tuloy siya mapakali.
"Problema mo?" Asik na lang niya rito nang hindi na makayanan ang pagkailang.
"Sa dami nang itinuro ko sa'yong sports noon, bakit nga pala sa volleyball at swimming ka nahilig?"
Napalunok ulit si Brenda. Ilang sandali siyang nakatingin lang din dito bago tuluyang sumagot. "I didn't want to miss you everytime I play those sports that you taught me. Kaya naghanap ako ng iba."
Nakita niya ang pagpapalit ng ekspresiyon sa mga mata ni Bryan ngunit hindi na niya nagawang analisahin iyon dahil sa isang iglap ay nakalapat na ang mga labi nito sa kanya.
Napaluwa na lang ang kanyang mga mata. She didn't see this coming. Never in her imagination.
Pero nanghinayang siya dahil ilang segundo lang naglapat ang kanilang mga labi. It was an innocent kiss yet she felt that it was full of passion. How? That she can't explain.
Bryan looked at her straight in the eyes afterwards, his eyes still full of emotion that she still can't dare to analyze. And he's still holding the side of her arm.
"Simula ngayon, ayo'ko nang maghanap ka pa ng iba. Do you understand?"
Ha? Hindi na iyon naisatinig pa ni Brenda dahil siniil na siya ng halik ni Bryan.
This time, it's definitely not innocent anymore. He kissed her fervently as if there's no tomorrow. Sa una ay nanigas lang si Brenda at hindi magawang tumugon dahil sa sobrang pagkabigla. Isa pa ay iyon pa lang naman ang unang beses na nahalikan siya. Malay ba niya kung paano gawin iyon?
Pero nang lumaon ay kusa nang namigat ang kanyang mga mata. Ang sarap kasi sa pakiramdam nang malalambot nitong mga labi. Parang ang sarap niyong kagat-kagatin. At ang init-init niyon na parang pati siya ay lalagnatin na rin sa init na nararamdaman hatid ng halik nito.
Hindi na namalayan ni Brenda na ginagaya na rin pala niya ang ginagawa nito. She thought that she was doing it right and was completely encouraged when she heard him moan a bit. And when she completely opened her mouth for him, she felt his tongue teasing her, at hindi niya mapaniwalaan ang humulagpos na ungol mula sa kanyang bibig when he sucked her tongue.
Was that really her? She sounded like someone filming an erotic film.
Nang ginaya niya ang ginawa nito sa kanyang dila and she heard him groan, oh geez! She was completely aroused. She loved hearing him that way. Mas nag-init pa ang pakiramdam ni Brenda nang hindi sinasadyang masagi ng gilid ng hita niya ang naninigas nitong…
"We should stop this."
Oh, right.
Parang binuhusan nang malamig na malamig na tubig si Brenda nang biglang lumayo sa kanya si Bryan na para bang natauhan ito sa ginagawang napakalaking krimen. Problema nito?
Sa inis ay padarag siyang tumayo atsaka iniwan ito roon.
"Hey, wait for me!" Sigaw nito ngunit mas binilisan pa niya ang paglalakad.
Bahala ka sa buhay mo!