Chereads / Lips Of An Angel / Chapter 10 - Chapter Ten

Chapter 10 - Chapter Ten

ABALA sa paglalagay ng dekorasyon si Bryan sa park kung saan sila naglalaro ni Brenda noong bata pa sila. Plano niya kasing doon maghayag ng pag-ibig dito mamayang gabi.

Ipinagpapasalamat naman niyang pumunta si Marissa para tulungan siya kahit papaano. Pinalibutan nila ng pink and white balloons ang paligid pati na rin pula at hugis pusong balloons. Nagsabit sila ng fairy lights na paiilawin niya mamaya kapag nandoon na si Brenda. Naglagay din sila ng picnic mat sa tabi ng isang malaking puno at dinekorasyunan din iyon. Mamaya ay ilalagay niya ang mga paboritong pagkain nilang dalawa ni Brenda doon.

"Grabe ka. Hindi ko inakalang ganito ka pala ma-in-love. Tanghaling tapat pa lang nandito na tayo. Tirik na tirik ang araw pero wala kang pakialam sa init. Buti sana kung ikaw lang `yung mahi-heatstroke kung sakali, dinamay mo pa'ko." Sikmat ni Marissa sa kanya nang matapos na nila ang ginagawa.

Nakaupo ito sa picnic mat habang siya ay nakahilata doon at nakatingin sa kalangitan na bahagyang natatakpan ng mga dahon na nagmumula sa malaking puno kung saan sila nakalilim.

Pangiti-ngiti si Bryan habang ini-imagine ang mangyayari mamayang gabi. Parang gusto na niyang hatakin ang oras para dumapit-hapon na at nang mayaya na niya si Brenda roon.

"But I'm truly happy for you, Bry. You look so...at peace. Sa loob ng ilang-taong nagkatrabaho tayo, you always tried to look bubbly. But I know that deep inside, you were a lost kid. Hindi mo man aminin noon, I knew that there was a void in your heart because of your longing for your father. Pero ngayon, para bang kontento ka na. Habang pinagmamasdan kita kanina, masyado kang engrossed sa ginagawa mo as if it's all that matters now. Sana magtuloy-tuloy lang `to. I wish you happiness all the way." Sinsero nitong saad pagkaraan.

Tama si Marissa. He really felt at peace. Kahit hindi pa niya nakikita ang ama, animo napunan ang malaking butas sa kanyang puso na pilit niya noong pinagtatakpan ng pagmamahal niya sa sports. Pero ngayon, para bang magiging isang malaking bonus na lang sa kaligayahang nararamdaman niya kung sakali mang matagpuan na niya ang ama. He felt that he's finally home, in Brenda's arms.

"Thank you, Ris." Tipid niyang tugon dito ngunit sa puso niya ay nag-uumapaw ang kanyang pagpapasalamat sa mga taong sumuporta at gumabay sa kanya.

Ring ng kanyang cellphone ang gumambala sa katahimikang ninanamnam nila. Nagtaka pa siya dahil hindi registered ang number ng caller sa kanyang phonebook.

"Hello?" Dalawang beses niya iyong inulit dahil hindi sumasagot ang tumawag sa kanya. Ilang sandali pa siyang naghintay na sumagot ito ngunit hindi pa rin ito nagsalita na ikinairita niya.

Panira ng mood.

"Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag kang nang-iistorbo ng ibang tao." Akmang ibababa na niya iyon nang may magsalita.

"A-anak?..."

Animo naestatwa si Bryan sa narinig. Hindi siya nakapagsalita.

"Anak, ang Papa mo `to. Nakuha ko ang number mo kay Renato."

Pagkatapos nang hindi inaasahang tawag mula sa ama ay agad silang nagkita sa mismong araw na iyon. Parang hindi makapaniwala si Bryan na ngayon ay nasa harapan na niya ang kanyang ama na labingpitong-taon niya nang hindi nakikita.

"Anak…" Maluha-luhang anang kanyang amang pinagbuksan niya ng pintuan sa kanyang condo unit.

Doon na niya ito pinapunta nang sa ganoon ay maging komportable silang dalawa bukod sa nasisiguro niyang magiging mahaba ang pag-uusap na magaganap sa pagitan nila.

Animo nagdadalawa pa itong lumapit sa kanya kaya siya na mismo ang sumugod dito ng yakap. "Pa!"

Ilang sandali rin silang nag-iyakan habang napakahigpit nang pagkakayakap nila sa isa't-isa bago humupa ang kanilang mga emosyon.

Nalaman ni Bryan na nagkaproblema pala ito sa trabaho dahil inakusahan itong nandispalko nang malaking halaga ng pera kahit na ang totoo ay ang kaibigan nito ang gumawa niyon. Na-blocklist ito sa lahat ng banko at sa lahat ng kumpanyang maaari sana nitong pagtrabahuan na may kinalaman sa dati nitong work experience. Kaya kung saan-saan na lang ito nagtrabaho para lang buhayin ang sarili. Dahil doon kaya natigil ang pagpapadala nito ng pera sa kanila. Ngunit hindi nito iyon sinabi sa kanila dahil ayaw nitong mag-alala pa sila.

Binenta nito ang bahay nila sa village kung saan magkapit-bahay sila nina Brenda upang gamitin ang perang nalikom mula roon para makapunta ng Canada. Ngunit sa bandang huli ay na-decline ang visa application nito dahil wala na itong maayos na trabaho na maaari sanang maging proof na babalik ito ng Pilipinas at hindi magti-tnt doon. Bukod pa doon ay nakadagdag din ang pagkasira ng pangalan nito.

Hindi naglaon ay napag-alaman nitong may Canadian na tumutulong sa kanila na siyang tumayong ama niya. Sobra itong frustrated sa mga nangyari. Wala na itong mukhang maiharap sa kanya na pinangakuan nito. Sa isip ay mas magiging maayos ang buhay nila sa piling ng bago niyang ama kesa sa piling nito, kaya nagpakalayo-layo na lang ito.

Ngayon ay naiintindihan na ni Bryan ang ama. Hindi man siya sang-ayon sa ginawa nito, hindi rin naman niya ito lubos na masisisi. Isa pa, ang mahalaga ay nagkita na silang muli at nagkapatawaran.

Ngunit may isa pa siyang nalaman mula rito na nagpabago ng mga desisyon niya sa buhay para sa kinabukasan…na may kinalaman kay Brenda.

"ANO'NG nangyari? Bakit bigla na lang kayong umalis nang wala man lang pasabi?" Bungad ni Brenda kay Bryan nang sa wakas ay makontak niya ito sa video call.

Ang naging huli nilang pagkikita ay noong inihatid siya nito sa kanila pagkagaling sa condo nito. Kinabukasan ay magkikita dapat sila pero bigla na lang itong hindi na makontak. Akala niya ay busy lang ito pero nang sumunod na araw at pinuntahan niya ito sa condo unit ay nalaman na lang niyang wala na pala ito roon.

Nang tawagan naman niya si Marissa ay nasa Canada na daw ito at ganoon din pala si Bryan. Ang sabi nito ay mas maiging si Bryan na mismo ang kausapin niya tungkol sa mga bagay-bagay. Pero ang magaling na lalake, lumipas pa muna ang isang linggo saka niya ito nakontak.

Mabaliw-baliw na si Brenda sa kakaisip kung ano'ng nangyayari. Akala niya ay aamin na ito ng nararamdaman sa kanya at ganoon din naman siya rito. Pero bakit bigla na lang itong naglahong parang bula?

"Look, Brends. I'm really sorry for what happened. Emergency lang kasi. Ipinatawag ako ng agency. I had to fly back here immediately, kami ni Marissa."

"P-pero…b-babalik ka pa ba dito? O a-ako na lang ang susunod sa inyo diyan? May balita na ba sa application ko sa agency?" Nagpa-panic na niyang sabi. Bigla kasi siyang sinakluban ng hindi maipaliwanag na kaba. Para bang may ibang ipinahihiwatig ang mga mata ni Bryan sa kanya.

"About that…"

Napigil ni Brenda ang paghinga.

Oh please, no…

"I'm sorry, but you didn't make it to their final evaluation."

"Akala ko…m-may kulang pa ba sa document na ibinigay ko? May i-iba pa ba silang kailangan na certificate? Recommendation letter? Or—"

"No, Brenda. It just didn't work out the way we thought it would. I'm sorry. I can't do anything about it anymore."

Ilang sandali rin siyang walang-imik bago niya natanggap ang rejection. Ganoon naman talaga ang buhay. Pero hindi siya titigil. Try and try until you succeed 'ika nga, 'di ba? Hindi siya literal na gumising mula sa muntikang pagkamatay para lang mag-back-out sa hamon ng buhay. Higit-lalo naman sa hamong may kinalaman sa nilalaman ng kanyang puso.

"Okay… I understand. Ayo'ko rin namang matanggap lang ako dahil sa pamimilit mo sa kanila. Pero `yung…tungkol sa'tin—"

"Hey babe��aren't you going to join me in the shower?" Sigaw ng kung sinong babae sa background nito.

"I'm sorry Brends, but I have to go. Talk to you next time."

Napakurap-kurap si Brenda. Ilang segundo nang nakatitig lang siya sa screen ng kanyang cellphone pero hindi pa rin niya maintindihan ang nangyari.

Totoo ba iyong boses ng babae na narinig niyang tumawag kay Bryan? Pero higit pa roon, totoo ba iyong nakita niyang pagmamadali ni Bryan na itigil ang pag-uusap nila na para bang excited na excited itong sundan ang hitad sa shower?

So, paano na sila ngayon? Iyon na lang ba iyon? Hanggang doon na lang ba sila?

Kung ang pagkabigo niya sa pangarap na makatrabaho si Bryan sa Canada ay madali niyang natanggap, ang pagkabigo niya sa pag-ibig dito ay animo naging bangungot para kay Brenda.

PAGLIPAS NG DALAWANG TAON…

"I'LL see you at the office. Congratulations again, John." Ani Brenda sa athlete na hawak niya.

Mag-iisang taon na siyang nasa Canada at doon nagtatrabaho bilang sports agent ng isang agency na nagsisimula pa lang lumikha ng pangalan.

Pag-ikot niya upang makaalis na sa sports complex ay animo siya natulos sa kanyang kinatatayuan.

Standing in front of her was none other than Bryan Martinez… Ang lalaking bumiyak sa kanyang puso dalawang-taon na ang nakararaan. Nevertheless, he's still the one who holds her heart until now.

Wala siyang choice. Ayaw tumigil ng lukaret niyang puso sa pagsinta nito para sa lalaking ito.

He's gorgeous as always. Damn! She missed him so much she wanted to just throw herself at him and drown him with her kisses. But, can she really do that?

Huwag kang baliw. Sakto na `yung katamtamang baliw lang, Brenda. Huwag sobra-sobra, okay?

Lumunok siya saka nagsimulang humakbang hanggang sa malagpasan niya ito.

Bravo. Ganyan nga. Tinapos na niya ang sa inyo kaya huwag ka nang magmukhang may hang-ups pa. Oh, wait. Ni hindi nga pala naging kayo.

Animo lumipad ang kaluluwa ni Brenda sa kung saan nang biglang maramdaman ang higpit nang pagkakahawak nito sa kanyang braso.

Shit! Don't turn to him, Brenda. Don't you dare turn to him!

"Can we talk?"

"About what?" Kalmado niyang sagot nang hindi man lang ito nililingon.

Pero talagang walang-awa ang hinayupak dahil talagang pumunta ito sa harapan niya mismo. At ang lapit-lapit pa talaga nito! Hindi pa ba sapat dito ang ginawa nitong pananakit sa kanya noon?

"About us?" Animo nagdadalawang-isip na anito.

Tumawa siya nang pagak. "Gusto ko sanang sabihin na wala namang tayo, 'di ba? Pero pahahabain lang niyon ang dramahan eh. So yeah, sure. Go ahead and talk. Just make sure that it's worth my time."

"I��I really don't know where to start. I actually didn't think that this day would still come. Na makikita pa kita ulit. I don't have any script prepared. I haven't really thought about this."

"So, what you're saying is that you didn't plan to see me anymore. That's it?"

"Right." Diretso nitong sagot na may lungkot sa mga mata.

Mapait na tawa ang kumawala sa kanyang bibig kapagkuwan. "Sasabihin mo iyan pagkatapos mong banggitin ang about us? How wicked can you get, really?" Naiimposiblehan niyang angil dito.

Gumalaw ang Adam's apple nito na tila nahirapang lumunok. "Because that's the truth. Until I saw you here. Alam ko ang gago kong pakinggan, but I just realized that I can't live without you after seeing you once more. I miss you terribly, Brenda. I can't—I won't let you go anymore. Not this time. Not in this lifetime."

"Gago ka ba? Pagkatapos mong maglahong parang bula? Dalawang-taon kang hindi nagparamdam. Those were fucking two years, Bryan! Tapos ngayon sasabihin mong you terribly miss me? That you won't let go of me anymore? Ano'ng palagay mo? Na isang lambing mo lang, bibigay na agad ako? Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa'kin?"

"I can explain. Let me explain—"

"Oh please explain! Dalawang-taon ko ring gustong marinig ang eksplanasyon mo kaya sige, pagbibigyan kita."

"I met my father—"

"Geez! Wala ka na bang ibang mas magandang rason kesa diyan? So, ano? Iyon pala talaga ang dahilan? Nalaman mo ang kinalaman ni Uncle Brandon sa pagkadisgrasya ko?"

Halatang nagulat ito sa isiniwalat niya. "Alam mo na?..."

"Oo! Dahil mabuti pa `yung ama mo, nagkaro'n ng bayag na harapin ako at sabihin ang totoo. Gusto mo i-narrate ko pa ang buong istorya sa'yo eh." Sarcastic niyang sabi. "So, your father was one of the reasons why I was in a coma. Hinahabol niya ang kaibigan niyang nanggago sa kanya. Nag-overspeed ang gago niyang kaibigan, kaya ako nabundol nang walang-hiya. Si Uncle Brandon ang sumaklolo sa'kin at nagdala sa ospital. Pero dahil sa sobrang konsensiya, hindi niya raw magawang harapin si Ate kaya umalis na siya agad pagkatapos magbigay ng impormasyon tungkol sa nakabangga sa'kin. At kaya siya nagpakalayo-layo. Sabi ni Ate, may tao raw na nag-iipit ng envelope sa bahay namin noon na may lamang pera na nakatulong kahit papaano sa mga gastusin ko sa ospital. At umamin si Uncle na siya ang may-gawa no'n. May kulang pa ba?"

"I can't handle the fact na may kinalaman si Papa sa muntikan mo ng pagkamatay. I hated him for leaving us but we were able to forgive each other. Pero `yung tungkol sa nagawa niya sa'yo, I just can't…I didn't know how to deal with it. Wala akong mukhang maiharap sa inyo ni Amanda. We caused you so much trouble, Brenda. God, you almost died!" Umiling-iling ito at yumuko.

Nakita ni Brenda ang pagtulo ng ilang butil ng luha mula rito at gustong-gusto na niya itong sugurin ng yakap. Pero ayaw niyang lumapit dito nang may nilalaman pang hinanakit ang kanyang puso.

Marahan siyang tumango-tango. "Halos isang-taon nga akong naratay sa ospital at naghirap kasama si Ate. Paano ko naman iyon makakalimutan? But, you came. Halos araw-araw mo'kong binisita no'ng minsang umuwi ka para hanapin si Uncle. You gave me inspiration to continue fighting for my life. And I did. Mismong araw na nagpaalam ka sa'kin, nagising ako. It's as if you breathed life to me."

Animo hindi makapaniwala si Bryan sa mga isinisiwalat niya.

"Simula pagkabata, naging malaking bahagi ka na ng pagkatao ko hanggang sa pag-aagaw-buhay ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang dali para sa'yo na isiping babale-walain ko ang lahat. And for fuck's sake, hindi naman ang ama mo ang nakasagasa sa'kin! Dalawang-taon, Bryan. Dalawang-taon mo'kong pinagmukhang," ikinumpas niya ang kanyang mga kamay sa ere sa kawalan ng tamang salitang sasabihin, "ewan! Para akong baliw na bawat umagang gumigising ako, tinatanong ko ang sarili ko kung ano'ng nagawa kong mali. Kung sa'n ako nagkulang. Bakit hindi mo'ko kinausap nang maayos? Bakit hindi mo man lang ako nagawang kausapin sa loob ng dalawang-taong iyon? Was I of no value to you?"

"No…hindi totoo iyan." Lumapit ito sa kanya at akmang yayakapin siya pero inilagay niya ang dalawang kamay sa pagitan nila.

"Nakalimutan mo na ba `yung sinabi ko sa'yo kung gaano kalaki ang naging parte ni Uncle Brandon sa buhay namin ni Ate simula nang maulila kami? He became a father to us, Bryan. Didn't you think that we'd be able to forgive him? Sana man lang…sana man lang binigyan mo'ko ng pagkakataong magdesisyon para sa sarili ko. Sana hinayaan mo'kong timbangin ang mga bagay. Kung `yung pait ba ng nakaraan ang paiiralin ko…o ang pagmamahal ko sa'yo. Sana nalaman mo…na ikaw ang pipiliin ko." Pagkatapos pahirin ng likod ng kanyang kamay ang malalaking butil ng luha sa kanyang mga pisngi ay tinalikuran na niya ito at iniwan.

"YOU really didn't have to do this. But, thank you so much for the effort, John." Ani Brenda sa athlete na hawak niya.

She didn't know that John prepared something special for her birthday. Okay naman na sana sa kanyang sa pad na lang niya magmukmok buong araw basta't magkausap lang sila ng kanyang Ate Amanda.

Para tuloy siyang maiiyak. Bigla siyang na-homesick.

"You shouldn't be thanking me. But well, just enjoy the show!" Bigla na lang siya nitong iniwan doon na ipinagtaka niya.

Saka lang na-realize ni Brenda na silang lang palang dalawa ang nandoon sa park na dinesenyohan nito nang napakaraming balloons at fairy lights. May pa-picnic mat pa itong nalalaman kung saan nandoon ang mga pagkaing paborito niya. Nagtaka tuloy siya.

Was it supposed to be a date? May gusto ba sa kanya si John? Pero akala niya ay may ka-fling ito ngayon? Atsaka bakit bigla na lang siya nitong iniwan doong mag-isa?

Nagulat si Brenda nang biglang nagliwanag ang isang bahagi ng park kung saan nakatutok ang projector na nandoon din pala. It showed photos of a place that's very close to her heart. Ang park sa village nila…

Kagaya ng itsura ng park ngayon na kinaroroonan niya, ang dami din doong decorations. Ano ba talaga'ng nangyayari?

And as if to answer her question, biglang nagsilabasan ang mga taong hindi niya inasahang nandoon pala at nakatago lang sa kung saan. Si Marissa. Si Uncle Brandon. Pati na ang ina at ang stepfather ni Bryan. At ang kanyang Ate…

Ano'ng ginagawa nila dito? Panaginip ba ito?

Then appeared the man she longed for. He was wearing a simple polo-shirt and jeans na aakma sa picnic theme, but he still looked oh so gorgeous.

Kung itigil na kaya niya ang pagdadrama niya? Tutal naman ay talagang mahal na mahal pa rin niya ito. Sa kabila ng lahat ng nangyari…

"Gusto ko sanang sa park sa village n'yo gawin `to, but I didn't want to be a hindrance in your flourishing career here in Canada. I know that it's one of your dreams. Kaya dinala ko na lang sila dito. Para may back-up ako sa paghingi ng tawad sa'yo at sa paghingi ng isa pa sanang pagkakataon. Two years ago, I was supposed to tell you how much you mean to me, as you can see in the screen. I was supposed to tell you that you make me feel like I'm finally home… That you never fail to amaze and amuse me in many ways. That you make me crazy…" He paused and she saw the shifting of emotions in his eyes.

"But, things happened. Nagpakatanga ako. Nagpakagago. Sabi mo nga, I was a jerk for two long fucking years. Hindi ko na maibabalik ang dalawang-taong `yun, Brends. And I'm deeply sorry for causing you so much pain… But please… Please give me another chance? Let me make it up to you. Buong-buhay kong ipapakita sa'yo ang sobra-sobra kong pagsisisi sa ginawa kong `yun. But more than that, let me show you how much I love you…for the rest of our lives."

"Rest of our lives agad? Wala man lang boyfriend-girlfriend stage?"

Parang napigil nito ang paghinga sa sinabi niyang iyon na ikinatawa niya sa kabila nang pagtulo ng kanyang mga luha. Luha ng kaligayahan.

"Sabagay, dalawang-taon na rin ang sinayang natin. So, bakit pa nga ba natin pahihirapan ang mga sarili natin?" Kapagkuwan ay siya na mismo ang lumapit dito at isinampay ang kanyang mga kamay sa mga balikat nito. "Just promise me that you won't leave me anymore, no matter what… Kahit buhay ko pa mismo ang nasa panganib. Sabay tayong gumawa ng desisyon. Sabay tayong magplano. Gusto magkasama tayo sa lahat ng bagay. Walang iwanan. Promise?"

"Promise."

"Iyon lang?"

Naguluhan yata si Bryan sa sinabi niyang iyon.

"Wala ka na bang ibang sasabihin?" Dagdag niya.

"Ha? Nasabi ko naman na lahat—hey, sa'n ka pupunta?" Hinabol siya nito dahil bigla na lang siyang tumalikod at umalis. Naguguluhang binalingan naman nito ang mga nandoon para sumaklolo.

"Mag-I love you ka na, jusme!" Magkasabay na sigaw nina Amanda at Marissa.

Kumaripas ng takbo si Bryan para balikan ang nabitawang mic. Mabuti na lang talaga at atleta siya. Mabilis niya iyong nabalikan bago pa man tuluyang makaalis si Brenda.

"I love you, Brenda Hioca! I love you with all my life!" Malakas na malakas niyang sigaw pagkaraan.

Nagsipulan at palakpakan ang audience nila. Ngunit ang pinakamahalagang reaksiyon para sa kanya ay ang kay Brenda.

Tumigil ito sa kinatatayuan, umikot paharap sa kanya, saka tumakbo nang mabilis na mabilis papunta sa kanya. Dati nga rin pala itong atleta.

Oh, they can really be a great pair.

Sinalubong niya ito nang mahigpit na yakap atsaka ipinaikot-ikot sa ere. Samantala, sumigaw din ito nang napakalakas na I love you too habang umiikot-ikot ito sa ere. He couldn't ask for more.

THE END