Chereads / Lips Of An Angel / Chapter 7 - Chapter Seven

Chapter 7 - Chapter Seven

TINAKPAN ni Bryan ng unan ang kanyang tenga habang naka-fetus position siya sa kama dahil sa walang-habas na pagdo-doorbell ng kung sino sa nirerentahan niyang condo unit. He wants to sleep even just a few minutes more. Kahit fifteen minutes lang ay okay na. Ngunit tumunog ulit ang doorbell.

"Oh, just five minutes more. Please!" Animo nagmamakaawang hiyaw niya habang nakatakip pa rin ang unan sa tenga.

Palibhasa ay wala siyang naging maayos na tulog nitong mga nakaraang araw. Ever since he started feeling weird towards Brenda, hindi na siya pinapatulog ng utak niya.

Hindi niya alam kung ipagpapasalamat niya iyon o ano. Dahil kasi doon ay hindi niya gaanong napagtutuunan ng pansin ang kalungkutan dahil wala pa rin silang bagong lead kung saan lumipat ang kanyang ama.

Bawat gabi ay kay Brenda nauubos ang oras niya hanggang sa makatulugan na niya iyon. He kept on analyzing why these weird feelings are suddenly showing now. Na baka physical attraction lang iyon. Besides, Brenda has really grown into a beautiful lady. That he can't deny.

But then, he'd be reminded of how jealous he seemed to be when she was meeting with another man who was clearly interested in her. Idagdag pa ang pagiging overprotective niya rito.

Nagselos din naman siya noon sa doktor nito na naging kamabutihan ni Amanda pero hindi ganitong gusto na niyang itali sa tabi niya si Brenda. Pati pananamit nito ay pinagdiskitahan niya, which is so not him.

The feeling that he had with Amanda before, it clearly isn't the same as he feels now for Brenda.

He can't possibly get attracted to both Hioca sisters, right? That will really be so awkward! Lalo pa't pakiramdam niya ay alam ni Amanda na nahulog ang loob niya rito noon kahit pa hindi siya umabot sa pag-amin niyon.

Ano na lang ang iisipin nito kung sakali? That he's some pervert eyeing them both? Na porke't hindi siya umubra rito ay ang kapatid naman nitong si Brenda ang tataluhin niya?

Isang doorbell pa at pabalikwas nang bumangon si Bryan sa kama atsaka nabubugnot na tinungo ang pintuan.

"Ngayon ka lang nagising?" Bungad ni Brenda sa kanya na siya palang nangha-harass sa doorbell.

Diretso itong pumasok sa condo unit kahit hindi pa niya ito inimbitahang pumasok. Pagkatapos ay itinuloy nito ang pambubunganga sa kanya.

"Bryan, I've been calling you a hundred times kanina pa! Ni hindi ka man lang nagising?" She paused while looking at him with disbelief in her eyes.

Meanwhile, Bryan just leaned on the wall with his arms crossed over his chest while staring at her in awe. How come she's already overflowing with energy? Eh ang aga-aga pa.

"Bryan!" Napapadyak na hiyaw nito nang hindi pa rin siya sumasagot. Tila nauubusan na ito ng pasensiya sa kanya. But she just looked so damn adorable.

Paano ba niya kokontrolin ang mga damdaming naglalabasan sa buong pagkatao niya kung ganitong pinanghihinaan siya dahil sa sarili nitong taglay na charm?

"My phone's in silent mode." His reply with a devilish grin he can't help but show.

"Ni hindi naka-vibrate man lang? Eh alam na alam mo namang ngayon ang shooting ng commercial mo! Ni hindi ka nag-alarm? Bryan alas siete na o?" Hyterical nitong sabi habang marahas na tinatapik ang suot na sports watch sa bisig nito.

"Maaga pa naman ah." He slowly walked towards her.

"Maaga?!" Mulagat ang mga matang may panggigigil na anito. Kulang na lang ay maglabasan na ang mga litid sa leeg nito. "Alas ocho ang call time natin sa venue! Kagigising mo pa lang. Maliligo ka pa, magbibihis. Magmamaneho pa tayo papunta sa sports arena. Sa tingin mo aabot tayo do'n nang wala pang alas o…cho—"

A wide smile escaped Bryan's lips when he saw Brenda's jaw slowly dropping while he was stripping his shirt off in front of her. Pagkatapos ay yumuko siya para magpantay ang kanilang mga mata. Sandali niya itong tinitigan.

"Good morning to you too, sweety…" Aniya pagkatapos ay ginulo ang buhok nito atsaka isinara ang nakanganga pa rin nitong bibig. "Akala ko ba non-existent abs? Papunta ka na sa tulo-laway diyan eh." Natatawang tukso niya rito pagkaraan. "I'll just take a quick shower. May tea diyan kung gusto mo. Huwag ka nang magkakape at masyado ka nang hyper. Feel at home." Tuluyan na niya itong iniwan upang maligo.

BRENDA on the other hand was just standing there, not able to move even just an inch. What the hell just happened by the way?

"Did he just strip his shirt off in front of me?!" She exclaimed after a few seconds of being speechless.

Pagkatapos ay nag-replay sa utak niya ang ginawa nito. Ang abs nitong hindi lang basta apat kundi anim! And they were beautifully sculptured!

Oo, nabilang at natitigan talaga niya ang mga iyon. Paano ay parang talagang sinadya ng lokong dahan-dahanin ang paghuhubad ng t-shirt nito para magkaroon siya ng sapat na oras na pagpiyestahan ang kagandahan ng katawan nito.

Oh, he was clearly teasing her! At siya naman itong parang timang na bumigay sa animo pakikipaglalaro nito!

Maya-maya ay nanghihinang napaupo si Brenda sa sofang naroon sa mini-sala ng condo.

"Umayos ka, Brenda." Tinapik-tapik pa niya ang kanyang mga pisngi. "He was just playing games with you, okay? Huwag kang magpapadala or else, feelings mo na talaga ang mapaglalaruan ng mokong na `yun sa susunod." Pagpapaalala niya pa sa sarili.

"Just play along with him. Okay? He's just Bryan—oh shit!" Hopeless niyang bulalas kapagkuwan. "Ano naman kasi'ng laban ko sa Bryan na `yun? He is the internationally acclaimed tennis player Bryan Martinez for Pete's sake!" Animo nababaliw nang aniya kapagkuwan.

BEFORE the commercial shoot even started, sinadya talaga ni Bryan na paupuin si Brenda sa pinakaunahang linya ng upuan ng fake na audience dahil alam niyang kakailangangin niyang tumingin sa gawi roon habang iniinom ang Beast energy drink.

Now he's really enjoying Brenda's reaction while he's throwing flirtatious gazes at her way. Sabi naman kasi ng director ay tumingin daw siya sa audience as if he's enticing them while drinking. The only difference in what he's doing is that he's solely looking at Brenda and no one else.

"Cut! That was unbelievably done perfectly, Bryan! You're good, huh? Bakit ba hindi kita gaanong nakikita sa commercials, ha? Eh magaling ka naman palang umarte sa harap ng camera." Anang direktor sa kanya maya-maya.

Bryan just shrugged his shoulders. "I'm just not so much into doing these kind of stuff, Direk."

"Sayang. You can be more famous if you do, you know? But anyway, thank you so much for working with us. Sana maulit pa `to."

"Let's see, Direk." Magalang niyang sabi rito. "Thank you rin sa pagpapasensiya sa mga kakulangan ko."

Umiling ito. "Nah. You were just perfect! Pa'no, magpa-pack-up na kami. Good luck na lang sa career mo. I hope you can climb a few ranks more para pumasok ka na talaga sa top ten. Nonetheless, we're proud of you. See you around!"

Galak na galak si Bryan sa kinalabasan ng commercial shoot na iyon. Ang tagal na mula ng huli siyang gumawa ng commercial sa Canada. At hindi pa talaga niya na-enjoy iyon. That's why he's surprised that he's able to really enjoy it this time. Or perhaps it's because of the lady who's coming at him now?

BAGO pa man lumapit si Brenda kay Bryan ay kinondisyon na niya ang sarili. Siniguro niyang bumalik na sa tama ang bilis nang pagtibok ng puso niya. She also made sure that she's done gawking at Bryan's glory. Or else, magmumukha na naman siyang tanga sa harap nito kagaya kaninang umaga. She's never gonna let that happen again!

"O." Animo walang-ganang iniabot ni Brenda kay Bryan ang dalang t-shirt na pamalit sa suot nitong sadyang binasa sa parteng leeg at pati na rin sa likuran para magmukha talaga itong pinagpawisan.

Tiningnan lang nito ang iniabot niyang t-shirt. "Hindi mo man lang ba ako pupunasan? Basang-basa na'ko o." Iminuwestra pa nito ang mga kamay para tingnan niya ang suot nito.

Mas bumaba na nga ngayon ang tubig mula sa bandang leeg papunta sa bandang tiyan nito kaya naman humahapit na iyon doon. Tuloy ay sumisilip na naman ang nagmamayabang nitong abs.

Oh please!

Iniiwas na lang ni Brenda ang tingin mula rito dahil baka ipagkanulo na naman siya ng sarili.

"O etong towel." Ang dala naman niyang face towel ang iniabot niya rito. "Ang daming arte, eh `yung t-shirt lang naman niya ang binasa. As if naman totoong pinagpawisan ka sa ginawa mo kanina, eh saglit na saglit ka lang naman pinaglaro. Puro pa-kyut na lang `yung ginawa mo pagkatapos."

"Kani-kanina lang halos mahulog na `yung panga mo sa sahig kakatitig sa abs ko, ngayon ka pa ba iiwas ng tingin?" Tunog nanunukso nitong sabi.

Nang ibalik ni Brenda ang tingin dito ay tunay nga namang puno ng kapilyuhan ang pagmumukha nito ngayon. Hindi pwedeng ganito nang ganito. She can't always be on the defense.

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Desidido siyang pangalagaan ang kanyang integridad. Hinding-hindi na siya makakapayag na mapahiya ulit dito.

She then came closer at him.

"Ang dami mong satsat, hubad!" Aniya atsaka siya na mismo ang naghubad ng suot nitong basang t-shirt.

Samantala, para naman itong puno ng kahoy na nakatayo lang doon na animo naninigas at hindi makagalaw. Sinimulan na niyang punasan ang katawan nito.

Brenda swears, it felt heaven touching his upper body, especially those six-pack abs! Pati na rin ang to-die-for nitong biceps at triceps na produkto ng sports nitong tennis. Mabuti na nga lang at ang hawak niyang face towel at hindi ang kanyang kamay mismo ang direktang dumadampi sa balat nito kundi ay paniguradong napaso na ito dahil sa init na nagmumula sa kanyang mga kamay.

But despite it, Brenda tried extremely hard to act as if it was nothing for her. Na para bang wala naman talagang epekto sa kanya ang pamatay nitong katawan kahit na natutunaw nang parang jelly ang mga tuhod niya sa panlalambot niyon.

"O, isuot mo `to." Aniya rito pagkatapos itong punasan. Naka-ready na ang t-shirt na isusuot nito sa kanyang mga kamay. Ang gagawin na lang nito ay ipasok ang mga kamay sa arm-hole niyon. At iyon nga ang ginawa nito na parang batang inutusan ng nanay nito.

"Okay ka na? Can we go home now?" Bale-walang aniya rito saka inunahan na itong maglakad palabas ng sports arena.

Saka lang pinakawalan ni Brenda ang hiningang kanina pa pala niya pinipigilan.

MEANWHILE, Bryan gulped his saliva. Naipon iyon sa bibig niya dahil ni hindi niya magawang lumunok man lang kanina habang pinupunasan ni Brenda ang kanyang katawan. Ni hindi siya makagalaw sa sobrang shock sa pinaggagawa nito. He lost it when Brenda's hands started roaming around his upper body.

Her hands were such a tease! O siya lang ba talaga itong madaling mag-init ang katawan?

Oh boy…

Naiiling na sinundan na lang ni Bryan ang dalaga pagkaraan.

PATAWID na sana si Brenda sa pedestrian lane nang biglang may lumikong sasakyan sa tatawiran niya. Parang nag-slow-motion ang lahat at nag-flashback ang alaala nang nasagasaan siya noon na naging sanhi ng kanyang pagka-comatose.

Sa sobrang bigla at takot ay hindi na niya magawang kumilos pa.

"Brenda!" Anang hindi maliwanag na boses ng kung sinong sumigaw. Pagkatapos ay may humatak sa kanya mula sa kanyang likuran.

"God! You scared me!"

Tulala pa rin at naninigas, ni hindi niya magawang tingalain ang kung sinong yumakap sa kanya at nagligtas mula sa kapahamakan.

Her ears were still ringing loudly. Ang buong atensiyon niya ay nakasentro na lang sa kanya. Para bang tanging siya na lang ang nandoon. She felt isolated. Pinanlamigan siya. Then she started shaking.

"Hey, hey... You're okay. I'm here. You're fine." Hinimas-himas ng taong yumakap sa kanya ang kanyang bisig para siya kalmahin.

Kaunti naman siyang napakalma niyon. Ngunit bahagya pa rin siyang nanginginig at nanlalamig.

"Look at me…" Utos nito sa kanya maya-maya atsaka ito na mismo ang nag-angat ng kanyang mukha. "It's me, Bryan. You're safe now. I'm with you."

Ilang sandaling nakatingin lang si Brenda rito habang nakatingala sa mukha nito. Nang mahimasmasan at mapagtantong si Bryan ang nagligtas sa kanya ay bigla na lang siyang napabulahaw ng iyak.

Nataranta naman ito sa pag-alo sa kanya.

"Hey, hey… Sshh… Tahan na. Sshh… Walang nangyaring masama, okay? You're safe." Anito habang hinihimas-himas ang kanyang likod pati na ang kanyang ulo.

Nang hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak ay padampi-dampi na rin nitong hinalikan ang kanyang noo.

"Sshh, sweety… You're fine. I won't let anything bad happen to you."

Nag-angat siya ng mukha rito, humihikbi pa rin. "M-mun-ti-k-kan n-na'kong m-ma-bun-dol…" Paputol-putol niyang sabi. She was clearly having a breakdown.

Sino ba naman kasing hindi magbi-breakdown sa nangyari? The last time a car bumped her, it cost her almost a year of her life in the hospital.

Akala niya talaga ay nakapag-move-on na siya sa pangyayaring iyon. Hindi naman na kasi siya apektado kapag pinag-uusapan iyon. Nakakapag-drive din siya ng sasakyan. Takot nga lang siyang magmaneho nang mabilis. But aside from that? She was fine. Or so she thought…

Hindi niya alam na ganito ang magiging epekto sa kanya sakaling maharap ulit siya sa magkaparehong sitwasyon.

Kung tutuusin ay hindi naman talaga ganoon kalala ang nangyari kanina kumpara noon. Ngayon ay na-realize niyang hindi ganoon kabilis ang pagmamaneho ng sasakyang muntikan nang makabundol sa kanya kanina. Baka nga nagawa pa nitong tumigil sakaling hindi siya nahatak ni Bryan. She just overreacted. But, she can't help feeling this way. Hindi niya makontrol ang sariling reaksiyon.

Iniiyak na lang niya nang iniiyak ang lahat ng takot na namuo sa kanyang puso. Nagpapasalamat naman siyang nandoon si Bryan at hindi siya pinabayaan.

Makalipas ng ilang sandali, nagawa na rin niyang tumahan at kumalma. Kumawala na siya sa pagkakayakap ni Bryan.

"Okay ka na?" Nag-aalala pa ring tanong nito.

Tinitigan niya ito sa mga mata. Sinuri niya ang kanyang puso.

Kanina ay mabilis na mabilis ang pagtibok niyon. Ngunit ngayong nakatitig siya sa mga mata nitong punong-puno ng pag-aalala, sumasal naman ang tibok ng kanyang puso.

It may not be the right time to conclude her feelings for him, but Brenda knows. She can feel it.

I love this man…