ARAW ng photoshoot ni Bryan para sa billboard nito ng Beast energy drink.
Kung tutuusin ay hindi na kailangan pa si Brenda roon dahil supposed to be ay hindi naman na iyon kasali sa trabaho ng isang sports agent. Pero dahil sabi nga ni Marissa ay sports agent slash personal assistant daw ang magiging role niya kung kay Bryan siya magtatrabaho, kaya ayun siya ngayon at nagpapakaabala para sa kanyang minamahal na atleta.
"Brends!" Tawag na naman nito sa kanya.
Kanina pa siya nito paulit-ulit na tinatawag na kulang na lang ay i-glue siya nito sa tabi nito. Hindi naman mapagdesisyunan ni Brenda kung matutuwa siya o maiinis sa itinuturan nitong iyon. Para kasi itong batang-paslit. Ganoon pa man, nakakataba rin sa puso ang kaisipang para bang kailangang-kailangan talaga siya nito.
"Ano na naman?" Nakapamaywang na aniya paglapit dito.
Napalabi naman si Bryan sa itinuran niyang iyon. "Are you starting to get tired of me now?" Parang batang nagtatampo na sabi pa nito.
Samantala, naiimposiblehang napalingon si Brenda sa make-up artist nitong babae at baklang stylist. Paano ay pigil na nagtilian ang mga ito sa isang gilid sa itinurang iyon ni Bryan. Kilig na kilig pa talaga ang mga lukaret sa pagpapakyut kuno nito.
Paglingon niyang muli kay Bryan ay tila tuwang-tuwa naman ito sa atensiyong natatanggap.
"Ewan ko sa'yo." Paingos niyang sabi. "Ano na naman ba'ng kailangan mo?" Hininaan niya ang boses. Baka kasi ma-misinterpret sila ng mga kasamahan sa dressing room.
When Bryan accepted her for this job, he made it clear to her that they shouldn't treat each other formally, unless when it's really necessary. Like during meetings perhaps. Dapat daw ay light lang ang turingan nilang dalawa sa isa't-isa, like they usually do. Hindi naman alam ni Brenda na ganitong klaseng "light" pala ang ibig nitong sabihin. Para itong hindi boss kung umakto. Para itong bata at siya naman ang yaya nito.
Sinenyasan siya nitong yumuko. Tila may ibubulong ito. Naitirik ni Brenda ang kanyang mga mata bago yumuko at inilapit ang tenga sa bibig nito.
"Don't you think that they're overdoing my make-up? Parang ang kapal. Hindi ako sanay." Naaasiwang anito kapagkuwan.
Hindi na ipinagtaka pa ni Brenda ang iginawi nitong iyon. Bryan was a legit people pleaser in that sense. Ayaw nitong may mapahiya dahil dito. Kaya hangga't maaari ay hindi nito sinasabi ng direkta ang saloobin nito.
At dahil doon, siyang sports agent slash personal assistant nito ang kailangang gumawa ng paraan para ipaalam iyon sa make-up artist nito. At kailangan ay gumawa rin siya ng paraan na hindi mahalata ng taong kinauukulan na nanggaling dito ang sintemyentong iyon.
Sa madaling salita, kailangan pa niyang umarte para lang dito. Ang galing nga talagang sports agent ni Marissa dahil napagtiisan nito ang ganoong mga kapritso ni Bryan.
In three, two, one. Action!
Napabuntong-hininga muna si Brenda. Pagkaraan ay hinawakan niya ang baba ni Bryan. Tila nagulat naman ito sa ginawa niyang iyon dahil bahagya itong napaigtad mula sa kinauupuan.
Tumagilid nang bahagya si Brenda para hindi siya makita ng make-up artist at stylist nito saka niya pinandilatan ng mga mata si Bryan, as if warning him to stay still. Naninigas naman itong napasunod sa iniutos ng mga mata niya rito.
She examined his face from left to right and even lifted it up and down. She then turned to the make-up artist.
"Ms. Jenna, do you think Bryan has big pores on his face?" Painosenteng tanong niya rito kapagkuwan.
Tuluyan namang lumapit sa kanila ang make-up artist atsaka marahas na umiling-iling. "Naku, hindi po Ms. Brenda!"
Nang ibaling muli ni Brenda ang tingin kay Bryan ay ang lapad-lapad na nang pagkakangiti nito. Ang sarap lang sungalngalin.
���Kung gano'n, okay lang bang bawasan nang kahit kaunti ang foundation bago mo ituloy ang paglalagay ng iba pang make-up sa kanya? Parang medyo makapal kasi. Hindi siya sanay sa ganyan eh. He rarely does commercials, that's why." Magalang niyang pagpapaliwanag.
Tila maluwag naman sa kaloobang pinagbigyan siya nito. "Sige po, Ms. Brenda. Ako na po'ng bahala." Jenna gave her a smile. Pero tila kakaiba ang tamis ng ngiti nito nang kay Bryan naman bumaling.
Tuloy ay parang ito naman ang gustong sungalngalin ni Brenda ngayon.
NAGULAT si Bryan nang biglang agawin ni Brenda mula sa kamay niya ang susi ng sasakyan pagkatapos niyang ilabas iyon para i-unlock ang pulang sports car.
"Hey! Ano sa tingin mo ang gagawin mo, ha?" Mabilis niya itong nasundan bago pa man ito makapasok sa driver's seat. Hinawakan niya ito sa balikat at iniharap sa kanya. Sa ginawa ay masyadong nagkalapit ang katawan nilang dalawa.
Nagulat ito sa ginawa niya kaya marahil bahagyang napaawang ang bibig nito. Bumaba tuloy doon ang mga mata ni Bryan.
Napalunok siya matapos matitigan ang mga labi ni Brenda na walang bahid ng lipstick. It looked so natural and soft that he wanted to taste it.
Wait, what? What the hell is wrong with you, man?! Sita ni Bryan sa sarili kapagkuwan. Kinailangan pa niyang paalalahanan ang sarili na si Brenda ang kaharap niya. Ang kalaro niya noon at kababata.
Kanina ay tila nagkagulo rin ang sistema niya nang biglang hawakan ni Brenda ang baba niya habang malapit na malapit ang mukha nito sa kanya para i-check ang kanyang make-up. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang ganitong klaseng reaksiyon ng kanyang katawan sa mga hindi sinasadyang pagkakataon na nagkakalapit silang dalawa.
"A-ako nang m-magmamaneho. Baka kasi napagod ka sa photoshoot. Isa pa eh sa'min naman tayo pupunta, 'di ba?" Nauutal na paliwanag ni Brenda.
She was leaning towards the car, na para bang ayaw nitong mapadikit nang kahit kaunti sa kanya.
Binitiwan na ito ni Bryan. He then placed a safe distance between them.
"Marunong kang m-magmaneho?" Nabulol na rin tuloy siya. Samantala, masasal naman ang pagtibok ng puso niya.
Brenda lifted her chin up. "At ano namang tingin mo sa'kin? May driver's license na'ko `no! Hindi pa nga lang ako nakakakuha ng sasakyan dahil katatapos lang naming magbayad ni Ate ng utang sa ospital. Well, hindi pa rin ako nakakapagmaneho ng sports car," she placed her hand on the roof of the car, "pero pare-pareho lang naman ang patakaran ng pagmamaneho, 'di ba? Atsaka nandiyan ka naman to guide me just in case."
Hindi na nakipag-argumento pa si Bryan kay Brenda. Lalo na't nagkakandagulo-gulo ang takbo ng utak niya.
"Hindi ka ba nagka-trauma sa mga sasakyan?" Tanong ni Bryan dito nang nasa daan na sila.
Saglit siyang nilingon ni Brenda at binigyan ng reassuring na ngiti. "Hindi naman, sa awa ng Diyos. Huwag ka nang mag-alala diyan. Makakarating tayo sa'min nang maluwalhati, Sir." Biro nito.
Mabuti pa ito. Tila hindi apektado sa pagkakalapit nila kanina.
"Take this." Napatingin si Bryan sa kamay ni Brenda na may hawak na ilang piraso ng tissue.
"For what?" Naguguluhan niyang tanong matapos kunin iyon sa kamay nito.
"Pinagpapawisan ka `oy, kung hindi mo pa alam. Teka nga, ganyan ka ba katensiyonado sa pagmamaneho ko? Nakakasakit ka na ng pride, ha?"
Hindi na lang sumagot pa si Bryan dito. He can't tell her that she's the reason why he's tensed, can he?
"Can you take my phone and put it into loudspeaker please?" Ani Brenda sa kanya dahil nag-ring ang cellphone nito.
Sinunod naman ni Bryan ang ipinakiusap nito.
"Yes, Sir Monch?" Bungad ni Brenda sa tumatawag.
"Hey… Ni hindi ka man lang nagpaalam sa���kin na aalis na pala kayo."
"Oh! Sorry about that, Sir. Busy ka kasi kanina eh, kaya hindi na kita inistorbo."
"Para ka namang bago. Anyway, do you have time later?"
Nagkaroon ng guhit ang noo ni Bryan sa narinig. Napatingin na rin siya kay Brenda dahil gusto niyang makita ang ekspresiyon sa mukha nito habang kausap ang lalaki.
"Bakit, Sir?"
"May idi-discuss lang ako tungkol sa shooting ng commercial ni Bryan."
"I thought everything's settled already?" Nagtatakang ani Brenda na bahagya pang tiningnan ang cellphone nitong hawak-hawak ni Bryan malapit sa bibig nito.
"Well, just some small details. Atsaka kaunting kamustahan na rin. Besides, we haven't worked together for a while. So, what do you think about coffee later?"
Saglit siyang tiningnan ni Brenda.
He wanted to tell her to reject the guy's offer, but he can't give her any valid reason for that. Right? Inilapat na lang niya nang mariin ang mga labi.
"Actually Sir, kasama ko pa si Bryan ngayon. I'll just message you later, okay? Nagda-drive pa kasi ako."
"Oh sure! Take your time. Drive safely, Brends!"
"Thank you, Sir. Bye!"
Ibinaba na ni Bryan ang cellphone nito kapagkuwan.
"Sino ba `yun?" He tried to sound casual. But the truth is, he's dying to know every detail about that guy.
"Ah, si Sir Monching `yun. Marketing Manager ng Prestine."
"Are you two close?"
Nagkibit-balikat si Brenda. "I wouldn't say that we're close, but we're friends. Medyo iilang beses na rin kasi kaming nagkatrabaho eh, kaya ayun. Why?"
Biglang napabaling sa kabilang panig si Bryan nang lingunin siya ni Brenda. Baka kasi kung ano pa ang mabasa nitong ekspresiyon sa kanyang mukha. He doesn't trust himself these times.
"Wala. Just curious." Patay-maling sagot na lang niya.
NAGTATAKA si Brenda sa ikinikilos ni Bryan nang araw na iyon. Naninibago siya. Para kasing may iba rito. But she can't pin-point what it is.
"Okay." Kibit-balikat na tugon niya sa huling sinabi nito. "Anyway, malapit na tayo sa'min. Handa ka na bang harapin si Ate?"
Kahit sinabi ni Brenda na hindi naman nito kailangang kausapin agad-agad ang Ate niya tungkol sa pagsama niya rito sa Canada, Bryan insisted to do it today. Mas maaga raw, mas maigi. Kaya ano pa ba'ng magagawa niya? Kahit pa ayaw pa sana muna niyang magkasarilinan ang dalawa.
Isa pa ay kailangan na niyang ayusin itong kung anu-anong nararamdaman niya para kay Bryan. Hindi pwedeng ganito nang ganito lalo't nagtatrabaho siya para rito.
She can't mix pleasure with business. Hindi magandang formula iyon. It usually leads to failure, 'ika nga ng karamihan. And that's definitely not gonna be good for her whose just starting to step up the game.
Brenda already figured out the reason behind her loneliness when Bryan told her about his feelings for her sister when she was still in coma. Dahan-dahan na pala itong gumagawa ng sarili nitong puwesto sa puso niya habang sinusubaybayan niya ito sa malayo. At napatunayan niya iyon sa nakaraang mga araw na nakakasama niya ito.
Hindi naman ignorante si Brenda sa epekto ng presensiya ng mga nagugwapuhang lalaki sa paligid niya. Ang totoo niyan ay marami-rami na ring nagpaparamdam sa kanya dangan lamang at mas pinapahalagahan niya ngayon ang career kaya hindi na muna niya in-entertain ang mga ito. At sa lahat ng mga lumapit sa kanya ay wala siyang naramdamang kuryente. Kay Bryan lang.
Kapag nagkakalapit ang mga mukha at katawan nila, para siyang aatakehin sa puso dahil sa lakas nang pagkabog niyon. Kapag nagkakadaiti ang mga kamay nila kahit ba saglit na saglit lang, nararamdaman agad niya ang iilang boltahe ng kuryente. Pwede na nga siyang mag-suggest sa Meralco na maging source silang dalawa ng energy eh, kung papayag lang si Bryan. Lalo na kapag summer sa Pilipinas at nagkakaroon ng rotational power outage.
Pero anuman itong nararamdaman ni Brenda ay kailangan na niyang itigil bago pa man iyon lumago nang lumago. Kung mahirap pagsabayin ang pleasure at business, mas mahirap lalo kapag one-sided iyon.
Oo, one-sided. Dahil ramdam naman ni Brenda na nakababatang kapatid lang ang turing ni Bryan sa kanya. Isang malapit na kaibigan.
Kung may nararamdaman pa rin ito sa kanyang Ate, hindi na niya alam. Basta't ang sigurado ay hindi maganda ang patutunguhan ng nararamdaman niya kung hahayaan niya iyong lumago papunta sa pag-ibig. That is if she hasn't fallen in-love with him yet…
"Amanda is very understanding. Alam ko hindi na niya ako pahihirapan pa sa pag-uusap naming `to. So, what's there to worry?"
Napabuga ng hangin si Brenda bago tinapunan ng tingin si Bryan.
Kakasabi niya lang, 'di ba? Itigil na ang kung anumang nararamdaman para sa lalaking ito. Pero ang hirap namang gawin no'n kung ganitong maya't-maya siyang nakakadama ng selos. At sa kapatid niya pa talaga!
"Like I've told you, we've arrived safely." Pilit niya itong nginitian atsaka kinuha ang isang kamay nito para ilagay doon ang susi ng sasakyan. Pagkatapos ay nauna na siya ritong umibis doon.
"Maiwan ko na muna kayong dalawa. Magbibihis lang ako." Ani Brenda sa dalawa nang magkaharap na ang mga ito sa sala.
"Nasa likod pa ang mga pambahay mo, Brenda. Kunin mo na lang at tuyo na siguro ang mga iyon." Anang Ate Amanda niya.
"Hindi naman pambahay ang isusuot ko Ate. Magpapalit ako nang panlakad. Medyo pinagpawisan ko na kasi `tong suot ko eh."
"Aalis ka pa?" Anyong nagtatakang tanong ni Bryan sa kanya.
"Ah, oo. I'll meet up with Sir Monching, remember?"
"I didn't know that you'd push through with it."
"Eh…" Nagkamot ng leeg si Brenda habang nag-iisip ng sasabihin. "Para ma-clear na rin `yung kung anumang gusto niyang linawin tungkol sa commercial shooting mo."
"Brends, hapon na o?" Anitong binalingan ang wall clock nila na nagsasaad na alas cuatro na ng hapon. "Pwede naman sigurong sa ibang araw n'yo na lang iyan pag-usapan?"
"Bry, mas maaga mas maigi, 'di ba? Sabi mo nga." Panggagaya niya sa linyang ginamit nito tungkol sa pagkausap sa kanyang Ate. "Isa pa, hindi naman ako kailangan sa pag-uusap n'yong `to. I bet Ate's just going to hand you a list of do's and don'ts or can and can'ts sa pagsama ko sa'yo sa Canada. You know, things to remember? Kaya n'yo na iyan." Tinapik niya pa ito sa balikat kapagkuwan. "Isa pa ay hindi pa rin kayo nagkakausap na dalawa simula nang dumating ka dito. Kaya ibibigay ko na `to sa inyo. Okay?"
"Pa'no, Ate? Bihis lang ako." Aniya atsaka tinungo na ang kanyang silid matapos tumango ng kanyang kapatid bilang tugon.
Sa kwarto, pabagsak na naupo si Brenda sa kanyang kama. Saka siya naglabas ng buntong-hininga.
She can't help but feel jealous of how Bryan feels for her sister. Kahit anong sabi niya sa sarili na hindi tama iyon, na hindi maganda ang magselos, lalo pa sa sarili niyang kapatid, wala siyang magawa. Alangan namang magpakaipokrita siya at magkunwaring hindi siya nagseselos?
"But seriously, Brends. You need to get out of this mess. This ain't healthy." Pabulong niyang sabi sa sarili atsaka walang-ganang tumayo na para magbihis.
Iyon ang unang step na dapat niyang gawin. Ang umiwas. Kailangan niyang umalis para hindi niya nakikita ang dalawa na masayang nag-uusap. Out of sight, out of reach, out of her mind. At sana, out of her heart na rin. Para hindi ganitong para siyang naloloka.