Chereads / Lips Of An Angel / Chapter 2 - Chapter Two

Chapter 2 - Chapter Two

BRENDA was offering him her hand but Bryan couldn't even lift his hand to accept it!

Damn it! Is this real or is he just dreaming?

Kanina lang ay naiinis si Bryan kay Marissa dahil sa pagka-late nito na naging dahilan nang pagkaatras ng plano niyang pagsurpresa kay Brenda. Pero heto ito't nasa harapan niya mismo ngayon!

"Bryan, okay ka lang?" Animo naiintrigang untag ni Marissa sa kanya kapagkuwan.

Napalunok na lang si Bryan.

"I-is that really you, Brends?" Bryan said when he finally found his tongue. Hindi maipagkakaila ang kanyang pagkamangha dahil sa nagniningning niyang mga mata.

Samantala, marahang tumango si Brenda na animo nahihiya. And she was blushing!

Right there and then, Bryan enclosed her into his arms…very tightly.

"You're back! You're really back... I can't believe this..." Ecstatic na saad ni Bryan bago ito pinakawalan mula sa kanyang mahigpit na pagkakayakap. "I mean, hindi ko lang talaga mapaniwalaan na andito ka na ngayon sa harapan ko. Looking so…" hinawakan niya ang isang kamay ni Brenda at iniikot ito, "lovely and adorable…"

Indeed, Brenda looked so lovely on her knee-length peach flowy dress. Her big round eyes were full of emotions. It seems as if she was equally pleased to see him. Her high-bridge nose pointing upwards gave her an elegant look. Parang nagdududa tuloy si Bryan kung ito pa rin ba ang kiti-kiting batang kalaro niya noon at ang dalagang palagi niyang kakulitan sa video call. And her lips… Kumikibot-kibot iyon na para bang may gusto itong sabihin, nahihiya lang.

Brenda blushed even more as he was staring at her non-chalantly. And she just looked lovelier, he can't help but smile. Definitely their video calls didn't give her beauty a justice.

"T-thank you…" Sa wakas ay nagawa nitong sabihin pagkaraan nang ilang sandali.

Natawa tuloy si Bryan. ��Hey, nasa'n na `yong makulit na palagi kong kausap sa video call, ha? Ba't parang ang hinhin at mahiyain mo yata ngayon? Nakakapanibago ka tuloy. Ikaw ba talaga iyan, ha Brends?"

"Siyempre iba naman `yung pag-uusap natin sa video call kumpara sa personal, `no? Ikaw nga diyan, hindi makapaniwala na magkaharap na tayo ngayon. Malamang ako rin, 'di ba? Atsaka, do you really expect me to suddenly jump on you after almost two decades of not seeing you in person?" Nakausli ang ngusong tugon nito, which made her look cute.

Ayun, dahan-dahan na ring bumabalik ang tunay nitong kulay. Ang pagka-maldita at palaban nito. At hindi lang doon magtatapos ang nababagay na description ng dalaga.

He remembered her being so demanding. Parang siya lang din. Kapag ginusto nitong makipaglaro sa kanya ay wala siyang magagawa kundi pagbigyan ito kahit pa gusto pa rin niyang makipag-bonding noon sa Ate nitong si Amanda.

Dahil medyo malayo ang agwat ng edad ng magkapatid ay hindi gaanong magkasundo ang dalawa sa usapang paglalaro. Amanda was six years older than Brenda, while he was four years older than her.

Isa pa ay pisikal ang gustong laro ni Brenda na hindi trip ni Amanda dahil masyado itong mahinhin. Samantala, bentang-benta naman iyon kay Bryan dahil bata pa lang ay mahilig na siya sa sports.

Sa murang edad na walo ay kung anu-anong sports na ang nilalaro ni Brenda kasama siya. Tinuruan niya itong mag-basketball, badminton, table tennis at iba pa. Hindi na nga lang niya ito naturuang mag-tennis dahil sa Canada na niya iyon nakahiligan.

"So... Ikaw pala ang dahilan kung bakit palaging busy ang cellphone nitong si Bryan no'ng kagagaling niya lang dito sa Pilipinas, ha Brenda?" Pagsabat ni Marissa sa kanila na pumukaw sa sandali niyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan.

Lalo pang namula ang pisngi ni Brenda dahil sa sinabing iyon ni Marissa. Samantalang siya ay napapangiti na lang.

Tama ang hula ni Marissa dahil magmula nang ibinalita ni Amanda sa kanya na nagising na si Brenda ay palagi na silang nag-vi-video call ng huli basta't may libreng oras din lang siya. No, actually, he was really making time for her. Kahit anong sikip pa ng schedule niya.

He just loves talking to her. He loves seeing her sweet smile. Hearing her sweet voice. Seeing her so lively as if she hasn't been sleeping for almost a year… Isa si Brenda sa mga nabubuhay na himalang nagbibigay inspirasyon kay Bryan para manatiling positibo sa buhay kahit pa minsan ay napapagod na siya at gusto na niyang sumuko. Kagaya na lamang ng paghahanap sa kanyang ama.

Pagkatapos ng ilang sandaling kamustahan, pinag-usapan na nila ang pag-a-apply ni Brenda sa kanya. Samantala, iniwan muna sila ni Marissa dahil may sinagot itong tawag.

"Sigurado ka ba talagang gusto mong maging sports agent ko?" Paniniguro ni Bryan kay Brenda.

"Pare-pareho kayo ng tanong ni Ate sa'kin. Well, not exactly `yung pagiging sports agent ko sa'yo, but in general. At kagaya rin ng sagot ko sa kanya, siguradong-sigurado ako. Kayang-kaya ko naman na eh. Kung hindi ay hindi naman siguro ako bibigyan ng recommendation ng dati kong Boss, 'di ba?"

Hinihimas ang babang tumango-tango si Bryan. "Sabagay… Pero kakailanganin mong mamalagi sa Canada. Are you willing to migrate? At papayagan ka naman ba ni Amanda kung sakali?"

"`Yan ang hindi ko pa nasabi kay Ate. Ang naipagpaalam ko pa lang sa kanya eh `yung kagustuhan kong maging sports agent from being an assistant. Wala pa kasi akong ideya no'n na sa'yo ako mag-a-apply. Recently ko lang nalaman na naghahanap kayo ng assistant na eventually ay papalit kay Marissa bilang sports agent mo. But, I'd sure love to. Kung para rin naman sa growth ng career ko, bakit hindi, 'di ba? Isa pa, gusto kong ipakita kay Ate na kaya ko nang mag-isa. That way, she'd be able to move-on with her life. Para kasi siyang nakatali sa'kin. Hindi siya makapagdesisyon nang hindi ako isinasa-alang-alang. Not that I'm ungrateful of what she's been sacrificing for me—

trust me, it's the other way around—pero ayo'ko nang maging hadlang sa kaligahayan niya."

"I understand…" Sang-ayon ni Bryan dito. "Kumusta na nga pala si Amanda?"

KAGAYA ng sa pelikula ay animo nakasentro ngayon ang camera sa kanilang dalawa ni Bryan habang fast-paced naman ang paggalaw ng lahat ng nasa paligid nila. Unang beses kasi iyon na nagtanong si Bryan ng tungkol sa kanyang kapatid. Kapag nag-vi-video call sila ay halatang iniiwasan nitong mapag-usapan ang kanyang Ate Amanda at alam naman niya ang dahilan kung bakit.

Suddenly, Brenda's dying to know the real score.

Pinagmasdan niyang maigi ang ekspresyon sa mukha ni Bryan. Because he's the type who wears his heart out on his sleeves. But, she failed to read his mind this time.

Brenda felt a bit frustrated. And not knowing the reason why she feels this way frustrates her even more!

Kapagkuwan ay pinilit na lang niyang ibalik ang focus kay Bryan.

"She's doing great. She works as a personal secretary of Dr. Tolentino, my physician when I was in coma."

Tumango-tango si Bryan. "Do'n pa rin pala siya nagtatrabaho hanggang ngayon. Are they married now?" Brenda is certain that Bryan was trying to be casual about it. Pero hindi nito naitago sa kanya ang kakaibang kislap sa mga mata nito nang itanong iyon.

Hanggang ngayon ba talaga ay may nararamdaman pa rin ito sa kapatid niya?

At kung oo, ano naman ngayon sa'yo? Balik-tanong naman ng bahaging iyon ng isip ni Brenda.

Bryan was Brenda's favorite playmate when she was a kid. Dahil dito ay napukaw ang interes niya sa sports. Ang dami nitong itinuro sa kanya noon maliban na lang sa swimming at volleyball kung saan naman ibinaling ni Brenda ang kanyang atensiyon noong nagdadalaga na siya. Sa kanilang dalawa ng kanyang Ate Amanda ay mas siya ang halatang naapektuhan sa biglaang paglipat ni Bryan ng Canada kasama ang ina nito.

But Bryan was just that for her. A favorite childhood playmate. O iyon nga lang ba talaga?

May rason ba kung bakit nananamlay ang kanyang pakiramdam noon kapag ikinukuwento nito ang damdamin nito para sa kanyang Ate Amanda? Was there some other reason why Bryan's visits seemed to affect her so much to the point of having the strength to finally regain her consciousness?

Naipilig ni Brenda ang kanyang ulo dahil sa itinatakbo ng kanyang isipan. She didn't like where it was leading.

"Does that mean a no?" Naipagkamali ni Bryan ang pag-iling niya bilang sagot sa tanong nito. At tila hindi na naman nagustuhan ni Brenda ang nakitang kislap sa mga mata nito dahil doon.

Really now, Brends? What's happening to you? Parang hindi makapaniwala sa sariling mga nararamdaman na asik ni Brenda sa loob-loob niya.

Brenda cleared her throat as she tried to clear her mind from the impossible thoughts. "Once she sees that I'm capable of living alone, baka nga magpakasal na silang dalawa. So, you knew about their relationship?" Patay-maling tanong na lang niya pagkaraan.

Animo naman naiilang na iginala ni Bryan ang tingin sa paligid saka sumagot nang napakaikling, "Sort of."

Nakatingin lang si Brenda kay Bryan sa loob nang ilang sandali. Gusto niyang sabihin ditong hindi na nito kailangan pang itago sa kanya ang tungkol sa naramdaman nito noon para sa kanyang kapatid. Kaya lang ay baka lalo lang tuloy itong mailang kapag nalaman nitong naaalala pa niya ang lahat ng mga sinabi nito noon habang naka-comatose siya.

In the end, she didn't want him to feel uncomfortable. So, she chose to keep her mouth shut. Kahit pa gustong-gusto na niyang sabihin ditong isa ito sa mga dahilan kung bakit nagkaroon siya ng lakas na imulat ang kanyang mga mata.

IN-ORIENT na ni Marissa si Brenda tungkol sa mga dapat niyang malaman para maging effective na sports agent ni Bryan. At kabilang na roon ang hindi nito pagkahilig na humarap sa television interviews at paggawa ng commercials. Sa katunayan ay mabibilang lang ang brands na ini-endorse nito. Isa na roon ang Nike na clothing and shoe sponsor nito sa bawat kompetisyon.

Hindi raw talaga ito kumportableng humarap sa camera. Napagtitiisan lang nito ang maiikling on-the-spot interviews pagkatapos mismo ng mga laro nito. At kasali na rin daw sa trabaho niya ang pagpili ng mga maaari lang nitong tanggaping interviews pati na ang personal na pag-check sa mga tanong niyon dahil sa pagkamaselan ni Bryan.

Hindi akalain ni Brenda na ganoon pala ito. Siguro ay talagang magaling lang magdala si Marissa bilang sports agent nito kaya nagagawa pa rin nitong pabanguhin ang pangalan ni Bryan sa kabila nang pagiging maselan nito.

Kagaya na lamang ngayon, dahil may nakabalita na sa pag-uwi ni Bryan ng Pilipinas, humingi agad ng appointment dito ang Prestine Distribution Group Inc., ang national distributor ng Beast products sa Pilipinas, para sa ini-o-offer ng mga itong Beast energy drink commercial.

Umayaw agad si Bryan dahil hindi umano kasali ang trabaho sa dahilan nang pag-uwi nitong iyon. At ayaw nitong kainin ng trabaho ang oras ng bakasyon nito. Pero dahil magaling mangumbinsi si Marissa ay napapayag din nito si Bryan sa huli. Ipinaintindi nito kay Bryan na makakatulong iyon para mapanatili ang pangalan nito sa sirkulasyon kahit pa nakabakasyon ito.

Kaya nandoon sila ngayon sa isang hindi gaano mataong Italian restaurant kaharap ang mga representante ng Prestine.

Nasa kalagitnaan na sila ng diskusyon nang biglang mag-ring ang cellphone ni Bryan. Lumabas ito saglit para sagutin iyon. Hindi naman nagtagal at bumalik din ito.

"I'm sorry, but I really have to go. May emergency lang." Nagmamadali at animo hindi mapakaling anito.

"But, we just need to discuss a few more details to conclude the—" Pagsubok ng marketing team leader na pigilan ito.

"Ris?" Putol ni Bryan sa sinasabi nito sa pamamagitan nang pagkuha ng atensiyon ni Marissa.

"What is it about this time?" Nag-aalala namang tanong ni Marissa.

"The reason why I came here." Seryosong-seryoso ang mukhang sagot ni Bryan. "Ikaw na muna'ng bahala dito, okay? Ladies and gentlemen, I'm really sorry, but please excuse me." Anito saka walang anu-anong iniwan na sila roon.

"Brends?" Tawag ni Marissa sa atensiyon niya.

Tuliro siyang lumingon dito. "Yes?"

"Sundan mo si Bryan. Samahan mo siya."

"O-okay…"

"Go! Now!"

"Okay!" Natatarantang tumayo si Brenda saka nagmamadaling tinakbo ang patungo sa parking space ng restaurant.

Napailing-iling siya sa sarili. Na-realize kasi niya kung gaano katanga ang itsura niya kanina habang palipat-lipat lang ang tingin niya kina Bryan at Marissa. She shouldn't be like that or else, mabibigo siyang patunayan sa mga ito na nararapat siyang maging sports agent ni Bryan.

Sakto namang nagsusuot pa lang ng seatbelt si Bryan nang maabutan niya ito. Agad na binuksan ni Brenda ang pintuan ng front seat, lumulan doon atsaka mabilis na isinuot na rin ang kanyang seatbelt.

"What are you doing here?" Nagsalubong ang mga kilay na nagtatakang baling ni Bryan sa kanya.

"I'm coming with you." Diretsong sagot niya.

"You don't have to. Ako na `to. Kaya ko nang mag-isa. Samahan mo na lang si Marissa. Besides, you still have to learn—"

"Bry, hindi ko na `yun kailangang matutunan pa, okay? Kahit pikit-mata ay alam ko na kung papa'no i-handle ang mga gano'ng bagay. Marissa doesn't need me now. You need me." May-diin niyang sabi.

Bravo, Brenda. Parang hindi lang natameme kanina ah! Ganyan nga. Ilabas mo ang confidence na naipon mo para sa pinakamamahal mong propesyon. Pagpapalakas pa niya ng kanyang loob.

Tila napahinuhod naman niya si Bryan dahil hindi na ito umangal pa. Sa halip ay ini-start na nito ang makina ng sasakyan.